Kabanata 8

1929 Words
Bea Dean’s POV “Ano na ang hinihintay niyo?! Pasko? Kilos-kilos!” tarantang sabi ng may-ari ng bar. Dala-dala niya ang mga isusuot naming dalawa kaya naman agad kaming lumapit sa kan’ya. Kanina pa kami kami naghihintay rito. Alas otso na rin ng gabi kaya akala namin cancel na ang scene na ‘to at ipapa-bukas na lang ang pagkuha lalo’t syempre may naririnig kami kanina na may mga batikang aktor na ang nagsusungit sa mga staffs. “May mag-aayos na ba sa mga mukha ni’yo?” tanong niya sa ‘min kaya nagulat ako nang makita kong nakangiting nakatingin sa akin si Akira kaya umasim ang mukha ko dahil nakakatakot ang pagkakangiti niya. Nagkatinginan naman kami nila Akira. “Kami na lang po ang mag-aayos sa mga sarili namin, alam naman po namin,” mahinang sabi ni Beta kaya naman tumango na lang ang manager namin at tila nasiyahan pa nang makita ako. “Nabalitaan ko ang nangyari sa kapatid mo, ano ba ang nangyayari sa buhay mo Dean? Ang kikitain mong pera rito ay sa kanila na naman mapupunta? Kailan mo naman bibigyan ng pahinga ang sarili ko?” tanong niya sa ‘kin kaya naman napataas ako ng kilay. “Ano ba ang gusto mong iparating?” malamig na tanong ko dahilan kung bakit natigilan siya. Maging si Beta ay nakatitig na sa ‘kin. Wala akong oras makipagplastikan sa kan’ya ngayon lalo’t alam kong ginagamit lang namin ang isa’t isa para sa pera. “Ang akin lang naman Dean. Masyado ka kung nagmalasakit sa mga kapatid mo sa Ina, kung tutuusin kargo ‘yon ng iyong Ina, nasaan na naman bang kandungan ng lalaki siya ngayon? Dinalaw na ba niya ang kapa—-“ Hindi ko hinayaan na matapos pa ang gusto niyang sabihin sa ‘kin. Masama ko siyang tinignan. Wala siyang karapatan na kwesyuhin ang kung anong ibinibigay ko para sa mga kapatid ko. “Hindi ka ba masaya? Mas magtatagal ako sa trabahong ‘to. Alam ko namang kung ‘di sa ‘kin, kapiranggot lang ang kikitain mo sa isanh gabi. Magpasalamat ka na lang na tinanggap ko nang dito ako tatanda,” malamig na sabi ko kaya naman narinig ko ang nakakainis niyang tawa. “Wala na akong sinabi, Dean. Gusto kong sabihin na masyado nang lumaki ang ulo mo kaso tama ka naman. Iba ang pasok ng pera sa ‘kin, dahil sa ‘yo. Huwag lang sanang lalayo sa 'yo ang swerte lalo't alam mo kung saan ka mapupunta kung malalaos ka," may kahulugang sabi niya kaya naman napairap ako. Tatanggapin ko sana ang mga sumbat niya sa 'kin kung may maitutulong siya dahil sa nangyari sa kapatid ko kaso kundi hindi naman siya makakatulong ay wala siyang karapatan magsalita ng kung ano. Oo nga't sa dahil sa kan'ya kaya meron akong trabaho pero huwag niya rin kalilimutang nabuhay 'tong bar niya dahil lang din sa 'kin. Mayabang na sa mayabang pero gano'n naman ang kailangan namin sa isa't isa... pera. "Hayaan mo na lang siya, Dean," dinig kong sabi ni Beta kaya naman umupo na lang ako bago ko tinitigan ang costume ko. "Tama na ang drama, magbihis na tayo," biglang singit ni Akira at pumunta sa haraoan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya pero masama ang tingin na ibinigay ko lalo't mukhang iinsultuhin niya ako. "Ano?" pabalang na tanong ko sa kan'ya. "Kapag sumahod ako susubukan kong mag-abot ng kahit na kaunti," mataray na sabi niya at umiwas ng tingin sa 'kin kaya nagulat naman ako lalo't may history pa naman kami ni Akira. Madalas kaming nag-aaway lalo't pinipilit niyang inagaw ko ang lahat sa kan'ya kahit na ginagawa ko lang naman ang trabaho ko para kumita ng pera. "Bumait ka na, Akira?" biglang tanong ni Beta na halatang nagulat sa sinabi ni Akira. Hindi rin ako makapagsalita. Hindi naman kasi talaga ganito si Akira sa 'kin. "Hindi ko 'to ginagawa para kay Dean... para 'to sa kapatid niya. Syempre kaaway pa rin ang tingin ko kay Dean! Ayoko pa rin siya dahil mukha siyang pera," pang-iinsulto ni Akira kaya napataas ako ng kilay ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero kung magbibigay man si Akira ay tatanggapin ko ‘yon lalo’t kailangan na kailangan ko ng pera. Hindi pa rin stable ang lagay ni Kristina, maraming nabaling buto kaya alam kong tatagal siya sa emergency. Gagastos kami ng pera pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga sa ‘kin ay gumaling ang kapatid ko. Igagapang ko ang mga kapatid ko hanggang sa huli. “Tama na! Magbihis na tayo! Kailangan na tayo sa baba,” sabi ni Akira at umiwas na ng tingin sa ‘kin. Napabuntong hininga na lang ako bago ko kinuha ang costume ko. Agad akong pumasok sa banyo at nagbihis. Mabilis lang akong nagbihis. Dahan-dahan akong lumabas nang matapos akong magbihis. Nang mapadaan ako sa human size na salamin ay pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Agad kong sinuklay gamit ang kanang mga daliri ko sa malaalon kong buhok. Mahaba ang buhok at hindi ko alam kung hahayaan kong nakalugay ‘to mamaya. Bahala na. Tinitigan ko ang hawak kong pulang maskara. Sana lang ay hindi ako magkamali dahil nakakahiya naman kung sisigawan ako ni Direk. Extra na nga ako ay ako pa ang sisira sa show. “Dean halika na, ayusin ko ang buhok mo,” nakangiting sabi ni Beta sa ‘kin kaya naman agad akong lumapit sa kan’ya. Habang inaayos niya ang buhok ko ay nilalagyan ko ng kolorete ang mukha ko. Dahan-dahan kong inilapat ang pulang lipstick sa labi ko. Light make up lang ang ginawa ko lalo’t nasa likod naman ako. Hindi naman ako makikita sa likuran. Kila Betanni naman ang ilaw. “Hinahanap na kaya ni Direk… 10 minutes. Kayo na ang eere,” sabi ng staff na kapapasok lang sa loob ng locker namin. Nagkatinginan kami nila Beta kaya agad kong sinuot ang maskara ko. Tanging ibabang bahagi lang ng mukha ko ang nakikita. Hindi na ako kakabahan dahil tago naman ako. Huwag lang sana akong magkamali. Sabay-sabay kaming lumabas nila Beta at pumunta sa gilid ng entablado. Nando’n kasi su Direk at kinakausap ang ilang mga staff. Nang malipat ang tingin niya sa ‘min ay agad siyang ngumiti kaya nagulat kami. “Handa na ba kayo?” tanong niya sa ‘min. Tumango na lang kami nila Beta. “Hintayin lang natin si Betanni,” mahinang sabi niya at tinuro ang upuan sa gilid ng entablado. “Maupo na muna kayo roon.” Sinunod namin ang sinabi niya kaso ang tagal ni Betanni. “Mabubura na dahil sa pawis ang make up! Ang tagal naman!” reklamo ni Akira kaya siniko siya ni Beta dahil napapatingin sa ‘min ang mga staff na malapit lang sa pwesto namin. Tahimik lang naman ako habang nagbabangayan ang dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita na namin ang kumpol ng tao na pumunta sa ibaba ng entablado. Mukha si Betanni na ‘yon na pinupunasan ng mga tao ni Betanni. Alagang-alaga talaga si Betanni. Maging ang nga artisyang manonood sa ‘min nila Betanni ay gumating na rin. Umupo na siya sa VIP sofa sa harapan ng entablado. Lumapit si Direk kay Betanni at lumingon sa ‘min. Tinawag niya kami kaya naman lumapit na kami agad. “Ganito ah… katulad ng nasa script, i-sho-shoot na muna natin ang pagsayaw niyong apat. Nakatutok ang camera sa inyo at sa side nila Aillard. Patatapusin natin ang kanta para makita kung saan banda ang kukunin natin. Buuin niyo lang ang sayaw at matatapos na tayo. “Betanni? Handa ka na?” tanong ni Direk kay Betanni kaya tumango agad si Betanni. Tinulungan na nila kaming maglakad papataas sa entablado. Nang nasa posisyon na kami ay inilibot ko ang paningin ko at nakaramdam ako ng kaba dahil sa dami ng tao. Hindi ‘to ang normal na eksena kapag sumasayaw ako sa entablado. Magulo ang nga kalalakihan sa harapan ko kapag sumayaw na ako. Ngayon kasi ay nakaupo lang ang manonood at kinakabahan ako ngayon. “Okay! Lights! Camera! Action!” sigaw ni Direk. Madiin akong napapikit at nang marinig ko ang musika ay ipinikit ko ang mga mata ko. Nasa likod ako at malaki ang pera. ‘Para kay Kristina.’ Hinayaan kong lamunin ng aking katawan ang musika katulad ng palagi kong ginagawa. Ang pitik ng katawan ko ay sinasabay ko sa pitik ng musika. Hinayaan ko ang katawan ko na sumayaw sa nais nitong ritmo. Ang erotikang kanta ay ibinagay ko sa bawat giling na ginagawa ko sa katawan ko. Hinayaan kong maging kaakit-akit ang emosyong naglalaro sa ‘king mukha. Madali na lang ‘to. Gawain ko ‘to kaya hindi ako magkakamali. Mahusay kong hinubad ang aking mahabang manggas na kasuotan lalo’t nakasuot kami ng long-sleeved muna na siyang magtatago sa costume na suot namin. Nasa parte na kasi kami ng erotikang musika na kailangan na naming tanggalin ang lumaharang sa katawan namin. Natural na nakakaakit na kumilos ang mga kamay ko upang halusin ang hapit na hapit na suot kong lingerie. Wala akong pakialam kung nakatutok na sa ‘kin ang ilaw at kung meron nang umiikot na camera sa ‘kin. Tanging nasa isip ko lang ay matapos ang musika upang makababa na ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko sinasadyang napatingin sa camera sa kanang bahagi ng entablado. May naririnig akong naghihiyawan at nakikita ko ang titig ng mga staff na nanonood sa amin sa itaas na bahagi ng Bar. Bawat hawak ko sa katawan ko ay puno ng init. Pinapungay ko ang aking mga mata at nagulat na lang ako nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Aillard. Titig na titig siya sa ‘kin— sa akin ba? Nasa harapan ko si Beta kaya baka guni-guni ko lang na sa ‘kin ang nga titig niya. Hindi lang ‘yon basta titig. Tila may apoy ng pagnanasa ang tingin niya sa ‘kin. Pinakatitigan ko rin siya upang malaman kung sa ‘kin ba siya nakatingin o kay Betanni. Hindi ko alam kung parte lang ‘yon ng pagarte niya. Iginiling ko ang katawan ko at umikot sa pole. Napalunok ako ng isang beses at umiwas ng tingin kay Aillard. “Cut!” Nagpalakpakan ang mga nanood sa Bar kaya naman hinihingal kong kinuha ang long-sleeved na suot ko kanina. Lahat ng tao ni Betanni ay lumapit sa kan’ya para i-retouch siya. Hinihintay namin ang sasabihin ni Direk kaya nanatili akong nakatayo sa likod nang makita kong lumapit sa ‘kin si Beta. Titig na titig ako sa heels na suot ko. Buti na lang talaga ay hindi ako natapilok. Sanay na talaga siguro. “Okay! 10 minutes break! Okay na ‘yon! Job well done! Titignan namin ang parte ng kay Betanni kung maayos niyang naisayaw. Sayang naman kung uulitin lalo’t ang galing sumayaw ng nasa likuran!” malakas na sabi ni Direk kaya naman nagulat ako. Hila-hila na ako nila Beta pero aksidente kong tinignan ang pwesto ni Aillard at gano’n na lang ang gulat ko nang makita kong nakasunod sa ‘kin ang titig niya. Napalunok na lang ako ng ilang beses. Hindi ko gusto ang titig niya. Para bang gusto niya akong kainin ng buhay. Bahala na. Basta ang alam ko lang natapos na ang trabaho ko rito. Makakauwi na ako. Pero hindi ko naman akalain na may ibang trabaho ang gustong ipagawa sa ‘kin ng manager ko. Hindi ko talaga alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD