Kabanata 10

1012 Words
Bea Dean’s POV Titig na titig ako kay Kristina. Alam kong wala sa kan’ya ang kasagutan. Malaking pera ang makukuha ko kung papayag ako sa ninanais ng amo ko. Napatingin ako sa wall clock upang tignan ang oras. Mamayang 6 pm ay kailangan ko nang bumalik sa bar dahil baka may eksena pa kami sa pelikula. “Tignan mo ‘yang nanay mo,” malamig na sabi ni Dillan. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napabuntong hininga na lang. “Nadisgrasya na si Krustina, hindi man lang siya dumalaw rito,” malamig na sabi nito habang walang emosyong nakatingin sa bintana. “Dillan,” mahinang tawag ko sa kan’ya. Masyadong malalim ang galit niya. “Mas pinili pa niya ang mga lalaki niya kaysa sa anak niya. Dapat hindi na siya nagpaparami ng anak kung ‘di rin naman pala niya tayo kayang sustentuhan. Wala na ngang sustento ay nakakahiya pa siya— kayong dalawa.” “Dillan! Hindi mo alam kung ano ‘yang sinasabi mo. Al—“ “Gusto kong mag-take ng architectural… kaya mo akong sustentuhan?” malamig na tanong niya sa akin. “Sabihin mo na ngayon palang para alam ko kung kailangan kong tumigil sa pag-aaral. Pakikitaan kita ng marangal na trabaho.” Tumayo ako sa pagkakaupo ko. “Hindi ko alam kung hanggang kailan ka magtatanim ng galit sa ‘min ni Mama. Sana naririnig mo ‘yang sinasabi mo, Dillan. Tumatanda akong kayo ang kasama ko… sa dami natin, sa tingin ko kaya tayong buhayin ng marangal na trabaho na sinasabi mo? Naririnig mo ba ‘yang sinasabi ko sa ‘kin? ‘Yang galit mo kay Mama, dapat bang maging galit mo rin sa ‘kin? Sa tingin mo ginusto ko rin ang buhay na ‘to? Sa tingin mo ba sinadya kong piliin ang ganitong buhay dahil gusto ko? Dillan, kung may pamimilian lang ako, hindi ako mananatili sa ganito kababang trabaho.” Titig na titig siya sa ‘kin dahil sa sinabi ko. Umiwas agad ako ng tingin sa kan’ya nang maramdaman kong nanubig ang ilalim ng mga mata ko. Alam kong ilang saglit lang tutulo na ‘yon. Ang dami-dami naming problema. “Mag-aral ka lang… hanggang sa kaya ko… gusto kong suportahan ka.” Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ni Kristina. Mabigat na naman ang loob ko. Sinubukan kong tawagan si Mama dahil gusto kong kahit papaano ay magpaka-nanay naman siya sa ‘min. Dalawin naman niya si Kristina na naghihirap ngayon. - - - - Kanila pa ako pabalik-balik nang lakad sa loob ng opisina ng amo namin nila Beta. Kasalukuyang nag-sho-shoot pa rin sa ibaba at dapat nga ay hindi ako nandito dahil wala naman na akong eksena sa palabas subalit gusto kong mas higpitan ang hawak sa patalim. Para ‘to lahat sa mga kapatid ko. Hindi ko alam kung katanggap-tanggap ang desisyong bibitawan ko ngayong gabi ngunit wala akong ibang pamimilian. Itiningala ko ang ulo ko upang muling kwesyunin ang desisyon ko. Oras na pumayag ako rito… para ko na ring pinatunayan ang panghuhusga ng kapatid kong si Dillan sa ‘kin. Kung hindi ko naman gagawin ‘to ay sigurado akong mababaon kami sa utang, kung tutuusin ay hindi ko pa nga alam kung saan pa ako makakautang. Napahawak ako sa noo ko at tsaka lang natigilan nang bumukas ang pinto ng opisina ng amo ko. Nagsalubong ang paningin naming dalawa kaya naman nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya nang makita ako. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya na siyang dahilan kung bakit napairap ako sa hangin. Naiinis ako dahil tila nagmamaang-maangan siya kahit alam kong may nabubuo nang ideya sa isip niya kung bakit nandito ako sa harapan niya ngayon. Napabuntong hininga ako. ‘Sana dumating ang araw na mapatawad ako ni Dillan sa gagawin ko,’ mahina kong usal sa aking isipan. Hindi lang si Dillan ang kapatid ko, hindi naka-centro kay Dillan lahat ng desisyon na kailangan kong bitawan. Nasa hospital ngayon ang isa kong kapatid, nag-aaral ang kambal sa isang pribadong paaralan para sa mga may mga batang may special needs. Kung hindi ko hihigpitan ang pagkakahawak sa patalim, sigurado akong walang aangat sa mga kapatid ko. Mabuti nang ako na lang ang maging tulay nila papunta sa pagbabago kaysa hayaan ko rin silang walang narating sa buhay. Tama nang ako na lang ang nakakaranas ng kalupitan ng mundong ‘to. “Dean… ano ba ang ipinunta mo r—“ “Saan kami magkikita ni Sir Sky?” mahinang tanong ko habang titig na titig sa mga mata niya. Nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti sa labi ng amo ko dahilan kung bakit napakuyom ako ng kamao ko. Alam kong hindi pa ako sigurado sa desisyon ko ngunit mas gusto kong maipagamot ang kapatid ko kaysa mangalagaan ang dangal ko. Kailangan na kailangan ko ng pera ngayon at ‘yon ang makukuha ko kay Sir Sky. Kahit ga’no pa katalim ang kutsilyo ang ipakapit sa ‘kin ng tadhana… hindi ako matatakot na kapitan ‘yon kung giginhawa naman ang buhay ko at ng mga kapatid ko. “Gan’yan, Dean! Maging praktikal ka!” nasisiyahan niyang saad kaya naman madiin akong napapikit. Ito na ‘yon. Hindi na ako pwedeng tumalikod upang tumakbo at tumakas sa responsibilidad. Nang pumunta ako rito ay nakapagdesisyon na ako… hinog man o hindi ang napili kong desisyon. “Sabihin mo sa akin kung kailan at kung saan. Wala akong gagastusin ni piso… gusto ko rin na cash niyang ibibigay ang bayad niya sa akin,” malamig kong saad. Pumalakpak siya dahil sa sinabi ko. “Mabuti! Mabuti! Mas matutuwa ako kung agad-agad ay maipapadala na kita sa kan’ya!” “Pakiusapan mong dagdagan,” desperada kong saad kaya tumaas ang kilay niya sa akin pero umiwas lang ako ng tingin. Mukhang pera man sa harapan niya ngayon ay wala na akong pakialam. “Kailangan na kailangan ko ng pera,” mahinang ani ko. “Okay… tatawagan kita.” Ito na ‘yon. Handa na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD