Kabanata 6

1210 Words
Bea Dean’s POV Naging magaan ang pagtuturo namin kay Betanni lalo’t hindi naman siya mahirap na turuan. Mas mahirap pang pagsabihan si Akira at Beta lalo't kanina pa sila nagbabangayan. Kasalukuyan kong inaayos ang aking mga gamit at nagbabalak nang umalis dahil kailangan ko pang dumaan sa Bar sa pinagtratrabahuan namin nila Akira dahil may mga gamit akong kailangan na kunin. "Ayoko nga, Akira!" sigaw ni Beta kaya naman napalingon ako sa kanila. Alas singko na kami ng hapon natapos at nauna nang umalis si Betanni, bukas ang huli naming practice bukas pagkatapos ay magsisimula na ang ilang mga scene sa Bar. Wala pa rin kasiguraduhan kung kailan kami sasalang na ayos lang naman sa 'kin lalo't bayad naman ang bawat araw namin. "Sige na kasi! Papakuha lang ako ng letrato sa 'yo! Isang picture lang kay Sky!" sigaw ni Akira kaya naman napahawak ako sa noo ko. Ang tinutukoy nitong lalaki ay ang sikat na sikat na aktor, modelo, ay mayaman na business man. Ang pinakabatang lalaking nakapasok sa pinakamayamang tao rito sa Pilipinas. Paanong hindi ko siya makikila kung sa bawat magazine, tabloid, at malalaking brand dito ay may mukha niya ang nakapaskil? Kilala ko rin siya lalo't crush siya ng mga kapatid kong babae. Hindi naman ako fan ng mga artista lalo't wala akong oras pang manood ng kung ano-anong teleserye sa telebisyon lalo't ginagawa ko nang umaga ang gabi at gabi sa umaga dahil sa trabaho ko. "Mahiya nga kayong dalawa, Akira. Kanina pa masasama ang tingin sa 'tin ng mga staff, hindi niyo ba nakikita?" malamig na tanong ko sa kanilang dalawa. "Ito kasing si Beta! Buti nga at kinuha ka pa at nakasali sa sasayaw sa entablado e! Magpapasama lang sa 'yo, ayaw mo pa," inis na sabi ni Akira at nanunumbat na naman siya kaya napairap na lang ako sa hangin. "Ano ba ang gusto mong gawin?" tanong ko. Talagang magiging salot lang siya sa 'min ni Beta kung hindi namin siya pagbibigyan sa ninanais niyang gawin. "Papa-autograph lang naman e," sabi ni Akira. "Gaga? Hindi pa ba sapat ang autograph ni Betanni kanina? Ang arte mo ah," sabi ni Beta kaya naman hindi ko napigilan na tumawa. "May sinasabi ka, Beta ah?" inis ni Akira kaya napahawak na lang ako sa sintido ko. Magsasalita palang sana ako nang bigla na lang pumatay ang ilaw sa buong studio. Nag-aayos pa kami nila Beta lalo't nagpalit pa kami ng damit dahil pawisan nga kami kanina. "Lumabas na raw kayo," may narinig kaming nagsalita sa may pinto ng maluwang na studio kaya naman napabuntong hininga ako. "Bastos ah," dinig kong sabi ni Beta kaya naman napailing na lang ako at lumabas na. Binabaybay na namin ang maluwang na hallway kung saan makikita po ang mga nakapaskil na mukha ng mga artista under sa Entertaiment Company kung saan may hawak kila Betanni. Ayon 'yong dressing room ni Betanni, nakita ko siya d'yan kanina, ang pogi-pogi ni Sky," sabi ni Akira kaya naman napabuntong hininga ako. "Pwede ka namang magpa-autograph kapag nag-so-shooting na sila sa bar," dinig kong sabi ni Beta. "Ayoko nga doon e," may kalakasang sabi ni Akira kaya naman napahawak na lang ako sa noo ko. Nang nasa harapan na kami ng pinto ay may nakita kaming mga lalaking nakatayo sa labas ng pinto na mukhang personal guard nila Betanni. Ibig lang sabihin ay nandiyan pa rin si Betanni sa loob. "Ma'am, hindi kayo pwedeng pumasok sa loob," sabi ng isang lalaki kaya naman nagkatinginan kaming tatlo nila Beta. "Kuya magpapa-autograph lang naman," nakangiting sabi ni Akira samantalang nakatayo lang kami ni Beta sa likuran ni Akira. Kanina ko pa gustong lumabas na rito, ngayon ko lang kasi naramdaman ang pagod mula sa practice kanina. "Ma'am hindi po talaga pwede," mahinang sabi pa ng isang lalaki kaya hahawakan ko na sana si Akira upang paatrasin nang bumukas ang pinto at nabigla kaming lahat nang makita namin si Sky na papalabas. Nakasuot siya ng hood at kitang-kita ang malamig na ekspresyon ng mukha niya habang nakapamulsang lumabas. "Aillard," tawag ni Akita at halatang-halata ang excitement sa boses niya. Tumingin sa gawi namin si Aillard, saglit siyang tumingin kay Akira at kitang-kita ko ang walang emosyon pagtingin niya kay Akira. Mula ulo hanggang paa niya kung tignan si Akira kaya nangunot naman ang noo ko dahil sa way ng pagtitig niya. "Ma'am, hindi nga po pwede," sabi ng isang personal body guard nila at humarang na. ""Are they the prostitutes who taught Tanni?" Aillard asked. Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naikuyom ang kamao ko lalo nang magtama ang mga maningin naming dalawa. "Oo, Boss," sagot ng kasama niyang isang lalaki na lumabas din mula sa dressing room ni Betanni. "Turo niyo kung saan ang labasan, baka maligaw," malamig na sabi niya at tuloy-tuloy sa pag-alis kaya nakita ko ang paglalaki ng mga mata nila Beta dahil sa pagkakasabi ni Aillard ng gano'n. Ang bastos niya, pang-iinsulto ang tanong niya. Pwede namang tanggalin ang salitang 'prostitutes' sa tanong niyang 'yon. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa inis. Isa sa mga rason kung bakit hindi ako fan ng kahit na sinong artista. Hindi ko naman nilalahat pero base sa nangyari ngayon, ilan sa kanila ay katulad ng walang modong lalaki na 'to na akala mo ang taas-taas niyang tao dahil lang sa tinitingala siya ng lahat. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ni Akira tungkol sa autograph na hinihiling niya. Nakatingin lang ako sa likod ni Aillard habang papalayo siya sa 'min. Hindi ko alam pero nakakababa ng sarili ang mga titig na binigay niya sa amin kanina. Napaiwas lang ako nang tingin nang muling bumukas ang pinto at nakita namin si Betanni na bagong paligo lang. "Aalis na ba kayo?" tanong niya at ngumiti sa 'min. Okay naman si Betanni at mukhang mabait naman, pero ang Aillard na 'yon. Kung siya lang din naman ang makakasama namin sa trabaho ay alam ko nang maiinis ako sa kan'ya. "Oo sana," mahinang sabi ko kaya naman tumango si Betanni. "Salamat sa pagrtuturo, Dean," mahinang sabi ni Betanni kaya ngumiti na lang ako pero hindi maalis sa isip ko ang titig ni Aillard. Magsasalita palang sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Excuse me," mahinang sabi ko at naglakad papalayo sa kanina upang sagutin si Aling Fey na siyang tumatao sa bahay lalo't kailangan ng mga kapatid ko ng bantay. "Hello, Dean, pasensiya na sa abala," sabi ni Aling Fey kaya naman bigla akong kinabahan. "Hello po, may nangyari po ba sa bahay?" tanong ko agad. "Si Kristina kasi nasa hospital, natagis siya ng isang van habang papauwi sa bahay niyo," sabi ni Aling Fey kaya naman hindi ko na lang namamalayan na tumatakbo na ako papalabas sa gusali. Narinig ko pang tinawag ako nila Beta pero hindi ko na sila nilingon pa. "Saang hospital po," kinakabahang tanong ko. "St, Luis Medical Clinic," sagot agad ni Aling Fey. "Paki bilis naman 'nak dahil kasalukuyang nasa operating room." Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko Ipinagdarasal ko na hindi grabe ang natamo ni Kristina at hindi ako mahirapan kung saan kukuha ng pera. Malaking problema kasi kung wala kaming ipambabayad. Hindi na talaga ako naubusan ng problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD