Chapter 18

3149 Words
Uminom siya ng tubig. Kahit papaano ay napapakalma siya ng bawat hagod no'n sa lalamunan niya. When the door opened, si Lindy at Edith ang pumasok na halos patakbo na lumapit sa kaniya. "Okay ka lang ba?" tanong ni Edith. Lindy checked her body. "Sinaktan ka na naman ba ng bruha na 'yon?" mataas ang boses na tanong nito. Daneliya shook her head and she can't help but smile. "I did it. I stood up for myself... I didn't let her hurt me," she said, feeling proud for herself. Niyakap siya ni Lindy at hinagod ang likod niya. "Keep being like that. You need that, Daneliya." Hinahawakan siya ni Edith sa braso at pinisil do'n. "Ramdam kong babalikan ka pa ni Ma'am Priscilla pero alam ko na this time, kakayanin mo na talaga siya." Daneliya nodded with a smile on her face. Pinabalik niya rin agad ang dalawa sa labas, pabalik sa desk ng mga ito dahil baka may dumating at walang mag-aassist. Natulala siya sa desk niya. Pinipilit niyang libangin ang sarili ngunit lagi siyang nauuwi sa pagkatulala. That was intense. For the first time after 6 years, she stood up for herself. Masyado siyang bulag noon sa pagmamahal niya kay Evans kaya na-tolerate niya lahat ng salita at pananakit sa kaniya ni Priscilla Alejandro. She thought na solusyon iyon para matanggap din siya nito katagalan pero naging daan lang iyon para lalo siya nitong maliitin. Now that she's not blinded by her love for Evans anymore, she won't tolerate any abuse from Priscilla. Umuwi siya kinagabihan nang hindi muli nakita si Garett. Sadyang abala talaga ito ngayon dahil ang daming nangyayari sa business nito. Since she was still new, limitado pa ang kaalaman niya sa mga inaasikaso nito at hindi pa niya gaano naiintindihan. She hopes that one day, she will be useful to him. Kahit sa gano'n na lang na paraan lalo na at sasahuran siya sa trabaho niya bilang secretary ni Garett. It's still bugging her, the fact that he benefits nothing from her. Nagpapahinga na siya, handa ng matulog nang makatanggap ng mensahe mula kay Levi, ang assistant ni Garett na sinabing huwag siya pumasok nang maaga bukas. May susundo raw sa kaniya ng hapon para mapaayusan siya dahil isasama raw si Daneliya ni Garett sa isang event bilang secretary nito. Napaupo siya mula sa pagkakahiga. Paanong aayusan ba? Aattend lang naman siya ng event bilang secretary nito. She then realized that it might be a really big business event kaya kahit secretary lang siya ni Garett ay maayos dapat siya bukas. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil first time niyang pumunta sa isang malaking event at bilang secretary pa, bagay na baguhan pa lang siya. But siguro naman ay wala siyang gagawin masyado roon. Pero dapat pamilyar siya sa mga pupunta ro'n katulad ng nabanggit ni Levi kanina dahil maraming mahahalagang tao ro'n na may kinalaman sa businesses ni Garett. Kinabukasan ay naglinis lang siya ng bahay, kapagkuwan ay nagpahinga. Bago maghapon ay naligo na siya at nagsuot lang ng casual na damit dahil bibihisan naman siya mamaya, sabi ni Levi. Tinuyo niya ang mahabang buhok gamit ang blow-dryer. Hindi na siya naglagay kahit kaunting make-up para wala ng buburahin sa mukha niya mamaya. Levi was true to his words. Bandang hapon ay dumating ang sundo ni Daneliya at dinala siya sa isang high-end salon. Siya lang ang bukod-tanging customer do'n, mukhang exclusive ang service nito sa kaniya sa mga oras na 'yon. First, the make up artist put skincare on her face para daw maganda lalo ang glow ng skin. Sinimulan nito ang pagmake-up sa kaniya gamit ang primer na sinundan na ng kung anu-ano. They did a very soft and light make-up on her face that suits her really well. Lalong lumabas ang natural niyang ganda. It enhanced her features at lalong naging halata ang pagka-mestiza niya. Inayos din ang buhok niya. They made big waves on her hair at walang ni isang hibla ang nakaharang sa mukha niya kaya kitang-kita ang bawat detalye. Her make-up was more focused on her eyes that made her look so lively and even more youthful. Tinulungan siya magsuot ng gown ng mga staff roon. The gown accentuated her beautiful curves. It was a champagne color that complimented her fair complexion really well. It was adorned with sequins and it really suits her. Bagay na bagay roon pati ang make-up at ayos ng buhok niya. Everything was perfect. "Dyosa naman nito!" Napapalakpak na saad ng isa roon. "Parang manika lang si Ma'am. Ang ganda-ganda, ang kinis pa!" Napangiti si Daneliya habang tinitignan ang sarili sa malaking salamin. Ngayon niya lang nakita ang sarili na gano'n kaganda ang ayos. And she's amazed because she was really beautiful. She can confidently say that. May binigay sa kaniyang clutch bag kung saan niya nilagay ang cellphone niya at ang binigay sa kaniya ng salon staff na pang-retouch. Bago umalis ay ini-spray-han din siya nito ng mamahaling pabango saka iyon inabot sa kaniya. "Sayo 'yan, Ma'am. Kasama sa pinadala sa team namin para ipagamit sayo. Enjoy the party!" Nagpasalamat siya sa mga naroon bago lumabas ng salon. Inalalayan siya ng driver ng kotse na nagsundo sa kaniya patungo sa backseat. Pagpasok niya roon ay napagtanto niya na may katabi siya. Her eyes widened a bit and realized it was him. "G-Garett..." she uttered. Napangiti siya. "Nice to see you again." Hindi kumibo si Garett at tinitigan lang siya at ang ayos niya. Tinignan din ni Daneliya ang ayos nito. He looks dashing on his black tuxedo. Saktong-sakto sa makisig nitong katawan iyon. Halatang bagong gupit ito at bagong shave. He looks so clean, manly, and Garett is really smoking hot for that night. "You look perfect, Mallory," he said then smiled a bit. His hand went to her waist and caressed her. Kahit makapal ang suot ni Daneliya sa bandang 'yon ay tila nararamdaman niya ang mainit na hagod nito sa balat niya. She felt herself blushed. "T-thank you. You too, you look so good." Nginitian niya ito. Habang nasa biyahe sila patungo sa convention hall kung saan gaganapin ang event ay nagtanong na siya rito. "May kailangan ba akong gawin habang nando'n? As your secretary, is there anything I can assist you with during the event?" she asked. Umiling si Garett. "Just stay by my side, enjoy the event. That's all." Tumango si Daneliya at nakahinga nang mas maluwag. Wala naman pala siya masyadong gagawin do'n pero kailangan niya lang talaga ihanda ang social battery niya lalo na't hindi siya sanay makihalubilo sa mga tao. Nagagawa niya 'yon no'n sa Stanford Hotel and Casino pero masasabi niyang iba 'yon dahil receptionist siya roon. But now, she's going to an event as Garett's companion. Ngunit kailangan niya talaga masanay sa gano'n dahil sekretarya siya ng isang matayog na businessman so she will take this night as an opportunity to learn. It will be a really long night. Pagdating sa convention hall ng pinakamalaking hotel sa bansa ay nakaramdam ng kaba si Daneliya. Pinagbuksan siya ni Garett ng pinto ng kotse at pinakapit siya nito sa braso bago sila tuluyang pumasok sa event. As they walked in, they grabbed almost everyone's attention. Lalong kinabahan si Daneliya. Hindi niya akalain na ang laki pala ng event dahil ang daming tao ro'n sobra. At mas nakakakaba isipin na hindi lang basta mga tao ang naroon. A lot of them are known people in different business industries. Maraming socialites, tycoons, at iba pa. Maraming curious kung sino siya na kasama ni Garett. A lot of eyes seem interested. But then, ang emcee sa stage ay inaannounce pala ang mga pagpasok ng mga VIP at isa roon si Garett. "Here comes Mr. Garett Adamson, together with his secretary. Wow, really gorgeous the both of you!" Matapos iyon ay naramdaman ni Daneliya na tila marami ang nakahinga nang maluwag nang malaman na secretary lang siya ni Garett. At karamihan sa mga naroon ay nawala na ang curiosity sa kaniya. Because in the world of business, gaano ka man kaganda, kung isa kang nobody, wala silang pakialam sayo. All they think about is to connect to someone who they can gain something from. At dahil si Daneliya ay isang sekretarya lang ng businessman, wala na silang pakialam dito. All they think about is someone who can be a great connection. Pagkatapos ng entrance ay ang daming sumalubong sa kanila. Or to be specific, kay Garett. Tahimik si Daneliya sa tabi at pinagmamasdan ang mga nakakausap ni Garett. Pamilyar siya sa mga mukha nito. Marami siyang nakitang mga tao na pasok sa top richest sa bansa pati na rin sa Asia. Pag lumingon naman siya sa iba ay ibang mga alta ang nakikita niya. Mga anak ng sikat na business tycoon, mga politician, at maraming mga may dala ng kasintahan o asawa nila na mga hindi rin basta-basta. Magagandang angkan ang pinagmulan o 'di kaya model o mga beauty queen. Daneliya stopped scanning the place when she met a cold gaze. Across the room, Priscilla was with her new boyfriend, eyeing her with killer eyes. When she realized that, dinaanan niya lang ito ng tingin na tila wala lang pero ang totoo ay nadagdagan siya ng kaba. She is now aware that someone is going to watch her closely tonight. At hindi siya pwede magkamali because Priscilla might find a chance to do something that would embarass Daneliya. Gano'n ito kalala. Daneliya felt so out of place when they were seated. Kasama ba naman nila ni Garett sa table ay ang iba pang VIP roon. Karamihan ay mga businessmen na kasama ang kani-kanilang asawa. Lahat din ng naroon ay may mga edad na. At sa mesang 'yon, puro business ang usapan na hindi niya masundan kahit isa. Ang mga kasama ng mga naroon ay kasali sa usapan. While she's there, silent, beside Garett. Nakikinig siyang mabuti at pilit na iniintindi ang mga usapan. Something might be useful someday. At mas pangit kung sa iba pa niya ibabaling ang atensyon kaya mabuting makinig na lang siya sa mga naroon. The event started. May nag-opening speech tapos ay nagkaroon ng live orchestra bilang entertainment. Sine-serve na rin ang appetizer ng mga panahon na 'yon. Daneliya felt it even more when she saw the super fancy-looking appetizer. Maliit lang iyon na portion ng pagkain pero napakaganda ng mga detalye at talagang identical. Parang ang hirap tuloy kainin. At sa totoo lang, hindi niya alam paano iyon kainin. Tila nakakailang dahil sayang din ang design. Nagtrabaho siya sa Stanford Hotel pero never siyang napunta sa kitchen at event do'n kaya hindi siya pamilyar sa mga gano'ng klaseng pagkain. At ang hotel kung saan ginaganap ang event ngayon ay 'di hamak na higit pa sa Stanford dahil isa itong five star hotel. She looked at the appetizer with amazement. Tignan pa lang ay ang sarap na pero paano nga ba kainin? Naramdaman niya na ang iilan sa mga ginang sa table ay pinagmamasdan siya, nakataas ang kilay. She's familiar with those kinds of gaze. Lagi niya 'yon nakikita kay Priscilla. She composed herself. Nahahalata na talaga siguro ang pagka-ignorante niya. Napalingon siya sa plato ni Garett nang nagsimula itong kainin ang appetizer sa plato nito. Natural sa kilos nito na pormal at sanay sa gano'ng set up ito. Napasulyap sa kaniya si Garett at marahan siyang tinanguan saka ito tumikim pa ng ibang appetizer. At dahil do'n, nalaman niya na kung paano iyon kakainin. "Try it. It's good," Garett encouraged her. She smiled and nodded saka ginaya ang paraan ni Garett. Nang matikman iyon ay napangiti siya at tinanguan ito. "It's really good," aniya matapos lunukin ang kinain. Maya-maya ay nagpaalam siya saglit para pumunta sa comfort room nang makaramdam na kailangan niya umihi. She excused herself to the VIPs na hindi man lang siya nilingon but she still remained polite. Dumiretso siya sa comfort room para umihi. Pagkatapos ay naghugas muna siya ng kamay at tinignan ang sarili sa salamin. Napangiti ulit siya. Kailangan ay huwag niya masyado isipin na out of place siya. I-enjoy niya lang ang gabi. Garett brought her here because he wants her to experience it and enjoy the night. Nag-retouch siya ng lipstick. Akma siyang lalabas na ng comfort room nang pumasok si Priscilla. Nagkatitigan sila nito. Lalampasan niya na sana ito nang magsalita ito bigla. "You look so out of place in this event, Daneliya. Look around and I'm sure you'll realize that you're nothing to Garett but a f-ck doll. Take this night as an opportunity as a reminder that you will never be good enough for him," nakangisi na sinabi sa kaniya ni Priscilla. Daneliya stared at Priscilla. "Whatever you say, Ma'am. But I also want to tell you, take this night as an opportunity to enjoy this big event and party. You never know, baka iilang ganito na lang ang mapupuntahan mo dahil tumatanda ka na," she said then smiled innocently. Bago pa siya nito mahawakan ay nilampasan niya na ito at tuluyang lumabas sa comfort room. She can feel her body shaking a bit, a natural reaction of it when she encounters Priscilla. Talagang malala ang trauma niya rito. But she's satisfied with her answer. Nakita niya kung gaano ito naapektuhan at nainsulto sa sinabi niya. Priscilla is a very confident and feisty woman. Mayaman din ito at sikat sa fashion industry. She takes a really good care of her beauty and body. And one thing Daneliya is sure about, Priscilla hates the fact that she's ageing. Sa isang former beauty queen na katulad nito na narcissistic, sobrang halaga rito na mapanatili ang batang hitsura. And even though she's beautiful, madali itong maiinsecure sa mas bata sa kaniya. Daneliya is in her early 20's while Priscilla is in her mid 40's. Hindi pa masasabing matanda talaga but it's an age where signs of ageing are starting to appear. Kaya siguradong talagang natamaan ito sa sinabi niya. If Priscilla will go low on insulting her and calling her names, Daneliya can play that game, too. She would try to go lower and hit a spot that would really hurt Priscilla Alejandro's ego. Pagbalik niya sa table ay wala si Garett. Tinignan siya ng mga nasa table. They were staring at her like she shouldn't be there. Ngayon na wala roon si Garett ay hindi nag-effort ang mga ginang doon na ipakita sa kaniya ang indifference. Uupo dapat siya sa seat niya nang biglang magsalita ang ginang na nasa late 60's na, ang asawa ni Mr. Galvez. "Garett's secretary, right?" saad nito sa kaniya. Agad siyang tumango. "Yes, Ma'am." Tumaas ang kilay nito saka tumuro sa may bar section ng convention. "Kuhaan mo nga ako ng glass of water do'n. I can't drink what they serve here. Bawal sa akin ang mga 'yan," saad nito at binalik na ang tingin sa kausap. Napakurap siya. Inuutusan siya nito kumuha ng tubig? Ang isa rin ginang na naroon ay peke siyang nginitian. "Kuhaan mo na rin ako. Better if lahat kami ay kuhaan mo. Magpatulong ka na lang sa waiter, okay?" utos nito sa kaniya saka bumaling na sa iba pang naroon. Like she's not worth of another second of her attention. Daneliya nodded then turned her back to their table. Ang daming waiters sa paligid, pwede nila 'yon tawagin pero siya pa talaga ang inutusan. Huminga siya nang malalim. Susundin niya ito pero para kay Garett. Gusto niyang ipakita sa mga 'to na he only hires competent person. Ayaw niyang ma-taint ang image nito dahil lang sa hindi siya sumunod sa request ng mga ito sa kaniya. Lumapit siya sa may bar section at doon nag-request ng tubig. Ang nakarinig sa kaniyang waiter ay hiyang-hiya. "Dapat tinawag mo na lang ako, Ma'am galing sa table niyo. Ako na po ang bahala magdadala ng glasses of water sa inyo. Pasensya na po," paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. Daneliya smiled reassuringly. "No. Walang problema do'n. It's o—" Natigil siya sa pagsasalita nang maramdaman ang pagtabi sa kaniya nang kung sino. Pagtingala niya ay si Garett iyon na kunot ang noo na nakatingin sa waiter sunod ay sa kaniya. "What's happening here? Why are you here?" tanong ni Garett at tumitig sa kaniya. Nginitian niya ang lalake. "Ah, inutusan ako ng mga kasama natin sa table na kumuha ng water para sa kanila—" Tumiim ang bagang ni Garett na tila hindi natuwa sa narinig. He glanced at their table then to the waiter. "Kindly bring water to our table. Thank you," he politely said saka hinawakan sa likod si Daneliya para alalayan ito pabalik sa pwesto nila. Si Daneliya naman ay napangiti. Tuwang-tuwa siya sa nakita. Garett was polite to the waiter. Simpleng bagay lang iyon na dapat ay normal pero madalas ay hindi gano'n ang nangyayari lalo na kapag magkaiba ang estado sa buhay. And it's really good to know that someone like Garett Adamson who already has it all is polite to an ordinary person. It tells a lot about his character. "Excuse me," ani Garett paglapit nila sa table kaya napatingin lahat ng naroon sa kanila. "I don't like the fact that some of you really didn't take their time to call the waiter but instead told Daneliya to go and get you water. She's here with me, to enjoy the night just like us. Hindi utusan. Treat her like how you treat me," he uttered calmly but with so much firmness. Natahimik ang mga naroon. Si Daneliya ay hindi alam ang dapat maramdaman. Hindi niya akalain na na-offend pala ito sa nangyari... If only she knew, baka hindi niya na sinabi rito ang totoo. Ayaw naman niyang may sumama ang loob dito dahil lang sa kaniya. "Oh, I'm sorry for that, Garett. My wife was really just thirsty. I'm sorry, Miss Daneliya," saad ni Mr. Galvez. Daneliya nodded while Garett didn't say a thing and let her sit. Umupo ito sa tabi niya at hindi na umimik. Dahil do'n ay tila nailang na ang mga naroon pero hindi naman natinag si Garett at nanood na lang sa live orchestra kaya do'n na lang din siya tumutok. "Are you comfortable, Mallory?" he whispered to her ear. Daneliya nodded, both of their eyes were glued to the stage. "Of course, Garett." "That's great to know. Tell me if you're not feeling well or anything." Tumango lang siya at nanatiling nanonood sa nagpe-perform. Maya-maya ay naramdaman niya ang mainit na palad ni Garett, hinawakan ang kamay niya. She bit her lower lip to stop her smile. Daneliya felt something fluttered in her chest when his thumb gently caressed her skin on her hand. She's even more comfortable now. Hindi tuloy niya pansin ang masamang titig sa kaniya ni Priscilla sa may sulok at may masama ng plano na tumatakbo sa utak para ipahiya siya sa maraming tao sa event na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD