"Oh, ano'ng meron at may paganyan ka?" tanong ng Mama niya nang makita ang dumating ng order niya sa paborito nilang fastfood.
Si Dane ay tuwang-tuwa sa nakita samantalang si Daniella ay kalalabas lang sa kwarto niya at agad sinilip ang mga dumating na pagkain.
Daneliya smiled a bit at her mother. "Small celebration lang po kasi nakalipat na ako sa mas magandang trabaho. Treat na rin po kasi minsan lang tayo makaganiyan."
Kumunot ang noo ng mama niya at tila nang-iinsulto na natawa.
"Iyon lang, ice-celebrate na? Napakaarte mo naman. OA, ha? Dapat lang naman talaga na maganda ang trabaho mo dahil ang tagal mong nag-aral, ang laki ng gastos sayo. Para hindi masayang ang scholarship mo no'n at mga binigay ko sayo." Tinuro nito ang mga pagkain. "May paganyan ka pa. Kung pinera mo na lang sana, natuwa pa ako. Hindi ka nag-iisip talaga, Daneliya! Ano ba naman 'yan!" Napakamot ito saka umiling-iling. "Oh, siya. Maghanda ka na. Kakain na tayo!"
Pilit siyang ngumiti. She just wants to celebrate her small win. At totoong minsan lang sila makakain ng gano'n dahil nga sapat o minsan, kulang pa ang kinikita niya para sa kanila.
Padabog na umupo si Daniella sa upuan habang naka-krus ang braso sa harap ng dibdib niya.
"Ano ba naman 'yan, ate, pambata? Fried chicken, burgers, at fries tapos float? Dapat do'n ka na lang nag-order sa trending ngayon na restaurant. Mukhang afford mo naman na 'yon. Natuwa pa sana ako. Hindi ko man lang mapo-post sa social media account ko 'yan. Hindi pasok sa aesthetic ng feed ko."
Tinutulungan siya ni Dane maghanda ng plato at mga kubyertos.
"Favorite natin 'to, 'di ba? Kaya akala ko..."
Sumimangot si Daniella. "Hindi na ngayon, ate."
"Ang sarap kaya niyan. Huwag ka diyan makinig kay ate Daniella, ate Mallory. Hayaan mo siya," ani Dane saka tumabi na sa kaniya.
Pinanlakihan ng mga mata ni Daniella ang bunso nilang kapatid. "Tigilan mo ako. Hindi kita tutulungan sa assignments mo! Huwag kang sipsip diyan."
Dane sticks out his tongue. "Kaya ko gawin assignments ko!"
"Tumigil na nga kayo at kumain! Para kayong mga 7 years old!" saway ng mama nila.
Daniella rolled her eyes to Dane bago nilingon si Daneliya. "Basta ate, next time ha! 'Yung gusto ko naman. Kung 'di mo afford na bilhin para sa ating lahat, bigyan mo na lang ako ng pera, ako na lang kakain mag-isa sa labas. Do'n lagi kumakain sina Charlene, 'yung friends ko! I have to lie palagi kung bakit 'di ako makasama pero ang totoo, ang hirap kasi natin," nakasimangot nitong sinabi.
Daneliya understood Daniella. Gusto nitong maki-belong sa mga kaedaran niya. At ayaw niyang maramdaman nito na out of place siya dahil lang sa kakulangan nila sa pera. She sighed then smiled at her sister. Mabuti na lang, maganda na ang trabaho niya ngayon pati ang magiging salary niya.
"Don't worry, Daniella. Next time," aniya.
Daniella smirked then started eating. Natuwa naman siya na makitang magana ang mga ito kumain, kahit ang mama niya. She felt fulfilled and satisfied. Sila naman ang dahilan kung bakit talaga siya eager na makahanap ng better na trabaho. She's hoping that more opportunities will come in her way soon.
"Tama lang nakahanap ka nang mas maganda na trabaho dahil lumalaki rin ang gastusin natin kaya dapat mas malaki na rin iaabot mo sa akin. Aasahan ko 'yan, ha," sinabi sa kaniya ng mama niya.
Daneliya immediately nodded. "Opo, Mama. Huwag po kayo mag-alala, hindi na tayo maghihikahos."
Tumaas lang ang kilay nito sa kaniya at nagpatuloy sila sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay naghugas si Daneliya ng plato. Ang dami niyang iniisip habang ginagawa 'yon pero hindi na siya problemado ngayon dahil naging okay na ang lahat. Maya-maya ay tumabi ang mama niya sa kaniya. Kumunot ang noo niya nang may malanghap.
"Nagsigarilyo ka, Ma?" tanong niya.
Naamoy niya rito ang sigarilyo.
"Oo. Pampatanggal lang ng umay." Umiwas ito ng tingin at inayos ang ibang bagay sa may gilid ng sink.
Natigilan na siya sa ginagawa. "Hindi ka naman nagsisigarilyo, Ma. Bakit biglang ganiyan?"
Sumulyap ito sa kaniya at sinimangutan siya. "Pantanggal stress kasi naistress ako sa gastusin natin tapos kulang naman ang pera. At ilang pirasong stick lang naman sa isang araw. Atsaka ano ba, ako ang nanay rito. Huwag mo ko pagsasabihan diyan."
Pilit na kinalma ni Daneliya ang sarili at nagpatuloy sa paghuhugas. "Wala naman pong benepisyo ang pagsisigarilyo, Ma. Baka magkasakit ka pa po."
"Ay, bigyan mo ako ng maraming pera para huminto na ako sa pagsigarilyo dahil tiyak na hindi na ako ma-stress no'n!" pagbunganga nito sa kaniya.
"Opo, huwag kang mag-alala, Ma..."
Tinignan siya nito. "'Yung sinabi ko kahapon, ha? Huwag mo ng pakakawalan si Evans," mariin nitong sinabi.
Nilingon niya ang ina. "Pero, Ma—"
Hinarang lang nito sa mukha niya ang palad nito, senyales na ayaw nitong makinig sa mga sasabihin niya, saka ito umalis do'n.
Daneliya sighed. Hindi niya maibibigay ang hiling na 'yon ng Mama niya. Hinding-hindi na siya babalik kay Evans.
Naalala niya ang sinabi nito sa kaniya kanina. Anytime soon, pwedeng malaman na ni Priscilla ang tungkol sa kanila ni Garett. And Daneliya doesn't know what to really expect pero may naiisip na siya. Sigurado siyang hindi papayag ang isang Priscilla Alejandro kapag nalaman ang namamagitan sa kanila ni Garett. Una, mahal nito si Garett. Pangalawa, may pride din ito and she will be really mad once she learns that Daneliya, the girl she used to bully and belittle, is now with her ex-boyfriend.
One thing about Alejandro, they are easily driven by their anger. Siguradong may mga eskandalong mangyayari. Kailangan maging handa siya roon. Pero paano nga ba?
Mabilis na lumipas ang mga araw para kay Daneliya. She was anticipating that anytime soon, magtatagpo muli ang landas nila ni Priscilla Alejandro at malamang ay alam na nito ang tungkol sa kaniya at kay Garett. But the days that passed are peaceful. Under training pa rin siya sa tulong ni Levi. Sina Lindy at Edith ay ganap ng receptionists ni Garett dahil umalis na si Miss Ainsley makalipas ang ilang araw.
"Totoo ba talaga 'yung chismis na pa-bankrupt na si Sir Garett?" tanong ni Lindy habang kumakain sila ng lunch. Nakasabay pa rin siya sa mga 'to dahil training pa rin siya at hindi pa gano'n kaabala. "Kasi sa nakikita ko sa mga pumupunta sa office niya, parang hindi naman pag-pull out ng shares ang ginagawa nila. It seems like, mga investor pa 'yon at ang iba ay interested makipag-partnership sa kaniya."
Tumango si Edith at uminom muna ng tubig bago magsalita. "Kaya nga. Nalilito rin ako. Iba ang lumabas na news sa mga nakikita natin. Ikaw Daneliya, nakikita mo ang schedules niya 'di ba? Pati ang mga future trips niya sa mga susunod na araw. What do you think?"
Daneliya stopped for a bit. Tama naman ang puna ng mga kaibigan niya. Parang iba ang lumabas sa news or should she say, chismis kaysa sa nakikita niya habang nagtatrabaho para dito.
"Kasi, 'di ba, if he's failing and his businesses are going bankrupt, ang dami na sana nagta-try mag-alisan sa wing niya. Wala na dapat interested na mag-invest sa kaniya or makipag-partnership. Pero ang nangyayari, ang dami, na hindi niya ma-cater lahat kasi mapili rin siya sobra," dagdag pa ni Lindy.
Umiling si Daneliya. "Hindi ko nga alam. Hihilingin ko na lang na sana nga ay mali ang news na 'yon. But based on what we can see, it seems like his businesses are thriving."
Naalala pa niya ang mga nakita niyang upcoming projects at business trips ni Garett. May mga bibisitahin pa nga itong planta dahil darating ang mga machines na binili nito abroad. Garett has a lot of business at iilan na ro'n ang nasilip niya dahil nga hawak niya ang schedule nito. Meron pa siyang narinig kay Levi na may bagong na-acquire na business si Garett, isang Azucarera.
Inilapit ni Lindy ang mukha nito sa kanila saka bumulong. "What if may reason kung bakit kumakalat 'yon? Maybe there's a plan behind it?"
Kumunot ang noo ni Edith. "Ang laking risk no'n because telling that his businesses are failing can also taint his image, 'no?" saad nito.
Nagkibit-balikat si Lindy. "Mukhang fearless naman si Sir Garett. Speaking of him..." Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "What's the catch between the two of you? Alam namin na hindi lang kayo boss-secretary relationship."
Napakurap si Daneliya at agad itinutok ang tingin sa pagkain niya saka umiling. "Wala... Wala. Alam mo naman na sobrang busy niya these past few days dahil nga sa sunod-sunod na meetings niya."
At totoo iyon. Limang araw na silang hindi nagkikita ni Garett. At ikapitong araw pa lang niya rito. Mula nang ma-hire siya nito ay lagi ng abala at dahil trainee pa siya at independent nga masyado ang lalake, halos hindi na sila nagkikita.
Not being clingy or anything, inakala niya no'ng una na dahil secretary siya nito ay lagi na silang magiging magkasama pero iba ang nangyari. She realized how busy he was and there's no problem with that.
"Hmm. What about relationship niyo outside work? Ano'ng tawag sa inyo?" Tanong ni Edith.
Ngumisi si Lindy. "Fubu?" Humagikhik ito habang pulang-pula naman ang mga pisngi ni Daneliya. "May nabubuo na bang office romance sa inyo ni boss, sis?" Mapang-asar nitong tanong.
Agad umiling si Daneliya. "W-walang gano'n, Lindy. Sabi ko nga 'di ba, he's been busy. Kaya walang gano'n," aniya at sumubo ng pagkain niya.
Lindy eyed her like a hawk. "After ng one night stand niyo, did you still do it with him?" she curiously asked.
Tinapik ito ni Edith. "Chismosa ka naman. That's a private thing."
Lumabi si Lindy saka nagkibit-balikat. "Sorry. I know. Siyempre I will feel responsible kung anuman ang mangyari sa kanilang dalawa soon. Minsan naiisip ko nga, parang Sir Garett's actions for Daneliya are too good to be true. Unless, he likes her. Like, super duper like, head over heels level na like."
Lalong pumula ang mukha ni Daneliya sa pagkahiya. She shushed her friend.
"Baka may makarinig pa sayo, Lindy. Hindi okay na malaman ng workmates natin ang namamagitan sa amin ni Garett. It's not something formal and..." mariin siyang napalunok. "dignified," dagdag niya.
She felt something in her chest when she realized that they are really something like "fubu" or fck buddies. Because they f-ck without any label, walang maayos na relasyon. They are connected to each other for their bodies. No mutual understanding or any commitment.
Agad winaksi ni Daneliya sa isip niya 'yon. It started because of revenge kaya bakit napapaisip siya ng gano'n. It's nothing meaningful. She needs to remember, hindi lang siya ang nais maghiganti. Garett is by her side because he also wants to do his revenge to Priscilla for what she did to him. For betraying him. Maliban do'n, wala ng ibang kahulugan kung anuman ang koneksyon nila.
"Okay ka lang?" tanong ni Edith. "Biglang tahimik ka sobra at natulala pa," puna nito kaya tinitigan din siya ni Lindy.
Umiling siya saka ngumiti."Of course, I'm okay."
Tumango si Edith. "Mabuti naman."
Hinawakan siya ni Lindy sa balikat. "I know it might be hard and confusing especially that he's your first, pero gusto kong sabihin sayo, don't fall for him unless he tells you directly that he likes or loves you. Huwag na huwag kang mahuhulog sa mga actions niya without confirmation from him that he has feelings for you."
She chuckled awkwardly then shook her head. "Wala sa isip ko 'yon, Lindy. At malinaw 'yon sa amin. Pareho kaming galing sa long term relationship, we are both brokenhearted for being cheated on and betrayed. At isa pa, I know my place. I will never forget how high and mighty Garett Adamson is..." aniya.
Nababagay ito sa babae na ka-level nito lalo na pagdating sa career at education. He's finished masteral and doctorate degree, nakita niya 'yon sa website ng kompanya nila. Something na hindi makikita sa public search engine. Garett Adamson is a very private person kaya hindi gano'n kaalam nang marami kung gaano na karaming achievement at success ito.
Pagbalik niya sa office ay wala pa rin ito doon. Inasikaso niya na lang ang mga emails na natanggap ni Garett. Tapos na ang training niya at mabilis naman niyang natutunan ang lahat. Wala ng problema ngayon sa paggawa niya ng trabaho niya.
Maya-maya ay bumukas ang pinto. Napaangat ng tingin si Daneliya at nanigas nang makita ang pagpasok ni Priscilla Alejandro sa office. She looks very sophisticated wearing a red suit and red trouser. Ibinaba nito ang suot na sunglasses at tinitigan siya, tila hindi makapaniwala na naroon siya. Napansin pa ni Daneliya si Lindy at Edith sa may pinto kaya tinanguan niya ang mga ito para bumalik na sa desk nila. They closed the door before leaving.
"What the h*ll are you doing here?" she asked in confusion.
She swallowed hard, preparing herself. "I'm Mr. Garett's new secretary. How may I help you, Ma'am?" she asked politely.
Priscilla glared at her. "How come you're his new secretary. Did you beg him to get you? You're really a lowly class leeching b-tch, Daneliya," she said in a disgusted tone.
Nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya. "Garett hired me, I didn't have to beg him." Kinuha niya ang tablet niya at nag-scroll sa schedule list do'n. "Now, may I know what you need to do here? You're not part of his schedule today, not even tomorrow or in the following months, Ma'am."
Priscilla scoffed. She looks so insulted.
Naglakad ito palapit sa kaniya, bawat hakbang ay tumutunog dahil sa pagtama ng mataas nitong heels sa sahig.
"Are you really telling that to me? It seems like you forgot, I am the most important person in his life—"
Nanatili siyang nakaupo."According to Garett, there are no exceptions when it comes to his schedule. You need to be scheduled if you want to see him. And it also needs his approval so it doesn't mean that putting you in his schedule is a guarantee."
Ngumisi si Priscilla ngunit kitang-kita sa mukha nito na nagagalit na ito. "This b-tch is really getting into my nerves," she said in front of her face.
Akmang sasampalin siya nito kaya tumayo si Daneliya at pinigilan ang kamay nito.
"Ma'am, kung manggugulo ka rito, I will call the security and have you escorted out."
Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito saka iwinaksi ang hawak niya sa kamay. "What the f-ck are you on, Daneliya? You're really testing my limit. Baka gusto mong mapatay kita?"
Hindi niya ito sinagot. Priscilla glared at her.
"And why are you calling Garett only by his name? Bakit dito ka nagtatrabaho? Alam ba ni Evans 'to?" halos pasigaw nitong tanong, nauubusan na ng pasensya.
"Your cheating son doesn't need to know anything about me, Ma'am. Gagawin ko kung ano ang gusto ko."
Priscilla smirked. "Oh, so you know that he was cheating on you? Based on what you just said, mukhang hiwalay na kayo. I am surprised... Hiniwalayan ka na niya—"
She shook her head. "I broke up with him. I am the one who called it quits. And if you may, please tell your son to stop begging me to come back to him. Stop bothering me."
Priscilla froze. "W-what?" Mukhang hindi ito makapaniwala sa narinig. "You broke up with him?"
Tumango siya at saka umupo na sa swivel chair niya.
"And if you may excuse me, I have to work. I don't want my personal life to be brought up here."
Humalakhak ito nang malakas, tawang-tawa sa sinabi niya. "No, that's impossible. You're acting mighty now, as if you're the catch when it is my son. Ikaw ang hindi nababagay sa anak ko because you're nothing."
She looked at Priscilla without any trace of emotion. This woman has abused her for past years and she won't let her insult and belittle her again.
"Ma'am, with all due respect, your son is not even that great. Kaya sayo na siya."
"T-this b-tch!"
Priscilla was about to slap her when the door opened. Pumasok ang dalawang security personnel at pinigilan ang gagawin nitong pananakit sa kaniya.
"Ma'am, kailangan niyo na pong umalis," saad ng isa roon at hinawakan si Priscilla sa braso, akmang hihilain ito palabas.
"Don't fcking touch me!" Dinuro nito si Daneliya. "Did you secretly call the security? Garett won't let this happen. Or ang receptionists ang tumawag—"
"Ma'am, Mr. Garett has banned you. You're not allowed to go to any of the Adamson premises and buildings, especially here."
"What!?" malakas na sigaw ni Priscilla at halos mag-hysterical pero pinilit nitong ikalma ang sarili. Nilingon nito si Daneliya. "Stop looking at me! Ano ang sinabi mo kay Garett? Or nagkunwari ka na si Garett ang may utos pero ikaw talaga ang nagbaba ng memo na banned ako rito, right? Because you're scared of me. You know what I can do to you. Kayang-kaya kita tirisin."
"Ma'am..." ani ng security at pinipigilan ito na lumapit pa kay Daneliya. "Lumabas na po kayo bago pa kayo makaladkad."
Itinaas ni Daneliya ang kamay dahilan para huminto ang security sa paghila at hawak dito. Priscilla saw it, and she was stunned for a moment. Nilapitan ni Daneliya ito at huminto sa harap nito.
"You won't be able to touch me anymore, Madam Priscilla," she said calmly. "Garett won't let that happen."
Priscilla glared at her. "And why? For us, you are no one. He clearly knows that you're a leech, pinagsisiksikan ang sarili kay Evans dati pa because you know he's my heir! I loathe you and that means, Garett hates you too."
Tumaas ang sulok ng labi ni Daneliya ngunit pinigilan niya 'yon. "Does it look like that now, Ma'am?" she asked innocently. "No, right? Do you know why?" she added.
Rinig na rinig niya ang mabigat na paghinga ni Priscilla. Halatang gigil na ito sa kaniya at galit na galit sa sitwasyon. And Daneliya knows that it's the perfect moment to let her know.
Inilapit niya ang mukha sa may tenga nito na hindi nito inaasahan kaya nanigas si Priscilla.
"Because I'm fcking your ex-boyfriend, Ma'am," she whispered. "I never imagined that he got that godly stamina in bed and he's just... really really good."
Lumayo siya rito at pinanood niya ang ekspresyon nito. Priscilla's fox-like eyes widened. And Daneliya clearly saw that something fell apart inside her after hearing that from her mouth. Tinalikuran niya ito at naglakad palapit sa desk niya.
"N-no... No! You lying b-tch. No! Garett would never, he would never—" She went hysterical, losing all her poise and sophistication. Akma siya nitong susugurin ngunit tuluyan na itong hinila paalis ng dalawang security at hindi na nakawala kahit anong palag pa nito.
Nang sumara ang pinto ng office ay umupo si Daneliya at nanginginig ang kamay na sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri. She was not scared but her body was shaking. It's because talagang traumatized siya sa presensya ni Priscilla. But she's so proud of herself for standing up. She didn't let her insult her again.
She tried to calm herself. But she also realized that she surely just started a war between her and Priscilla Alejandro.