Chapter 19

3278 Words
The program went on. Halos hindi namalayan ni Daneliya ang mga nangyari sa event dahil kay Garett. He gave all his attention to her. Hawak lang nito ang kamay niya at halos siya na lang ang kinakausap nito sa table nila. A lot are interested to talk to him ngunit mukhang si Garett ang nawala sa mood simula nga nang magsalita ito kanina tungkol sa pag-utos sa kaniya na kuhaan ng tubig ang table nila. The main course came. Daneliya stared on the fancy food being put on their table. At lahat silang naroon ay sinalinan ng white wine matapos iyon ilagay sa harap nila. Marahan siyang sumimsim do'n para tikman ang wine. Garett watched her and she couldn't help but to nod when she tasted it. Kinain na nila ang main course. It was a salmon that was plated with some kind of special sauce and caviar on top. Siguro nga ay talagang hindi siya para sa marangya na buhay dahil habang ang lahat ay sarap na sarap, hindi niya ma-enjoy ang caviar. Garett seemed to notice it kahit pinipilit niyang hindi 'yon ipakita. "You don't like it?" Garett whispered beside her ear. She glanced at them then shook her head while smiling shyly. Garett nodded, with a hint of smile on his face. "It's okay. It's an acquired taste. Not everyone will like it especially for the first time but as time goes by, you get to like its taste especially when pair with other side option," sagot nito sa kaniya. Gamit ang sariling tinidor ni Garett ay tinanggal nito iyon sa ibabaw ng salmon. "Eat what you enjoy. Don't force yourself to like it, Mallory." She nodded then smiled. Hindi niya na pinansin ang mga pasimpleng tingin sa kaniya ng mga naroon sa table na alam niyang may halong panghuhusga. What's important to her tonight is Garett. Kaya naman siya narito in the first place ay dahil dito. It was already dessert time when Daneliya felt the need to go to comfort room again. Hinawakan ni Garett ang kamay niya at tinitigan siya. "Sasamahan kita, Mallory." Umiling siya nang may ngiti sa labi saka marahan na pinabitaw ito sa kaniya. "Ako na. Don't worry, Garett. Stay here and have some chitchat with them," aniya saka tumayo. She excused herself and walked away from their table. On the way to the comfort room, napansin niya ang kumpol ng iilang kababaihan na madaraanan niya, nagtatawanan at nagkakasiyahan. Wala naman sa isip niya na may mangyayari kaya patuloy lang siya sa paglalakad. Nang madadanan niya na ito ay biglang humakbang ng paatras ang isa at malakas siyang nasagi dahilan para mawala siya sa balanse at matumba. Natapunan pa siya nito ng wine sa may dibdib. "Oopps! Oh my gosh!" dinig niyang saad ng nakatama sa kaniya at natatawang tinignan siya. "I'm sorry, Miss!" Kahit ang iba nitong mga kasamang babae ay natatawa siyang tinignan. Ramdam ni Daneliya na marami ang nakatingin sa pwesto niya at nakita pa niya ang natatawang pag-iling ng iba nang makita siya. The waiter who passed by was about to help her stand but a gentleman did it faster. Inalalayan siya nito makatayo. "Are you okay?" marahan na tanong nito sa kaniya. She nodded and smiled. "Yes, t-thank you." Ang isa sa mga babae mula sa kumpol ng nakabangga sa kaniya ay tinignan siya habang natatawa. "Don't drink too much wine, Miss. This is a formal event pero tipsy ka na yata," saad nito at napatakip ng kamay sa bibig nang tumawa muli. They are all sophisticated and elegant ladies but they are emitting a bully aura. Tinignan niya lang ang mga ito at hindi kumibo saka dumiretso sa comfort room. Dumiretso sa comfort room si Daneliya at kumuha ng napakaraming tissue roon at idiniin iyon sa parte ng gown niya na bahagyang nabasa. Mabuti na lang hindi gano'n karami ang wine. She also wiped her shoulder down to her chest area na nabasa rin ng wine. Napailing siya. Pakiramdam niya ay sadya ang nangyari sa kaniya pero hindi niya alam kung bakit naman nila gagawin iyon kung sakaling tama ang hinala niya. She's a nobody in that event. Hindi siya kilala ng mga ito at mas lalong wala siyang atraso dito. O baka paranoid lang siya masyado dahil nga naapi siya nang malala ni Priscilla, isang babaeng katulad ng mga 'yon na parte ng alta at hindi mo aasahan na mahilig mambully. Mabuti na lang din, white wine iyon kaya walang stain na naiwan sa kulay champagne niyang damit. Need niya lang talaga tuyuin 'yon kaya natagalan siya na punasan iyon ng tissue para maabsorb no'n ang basa. When it is already better than its state earlier, do'n na siya pumasok sa cubicle para umihi. Pagkatapos ay nag-flush na siya at saktong narinig niya ang pagpasok ng maraming babae sa comfort roon dahil narinig niya ang mga tawanan nito. Wala iyon sa isip niya at lalabas na sana nang marinig ang sinabi ng isa. "Have you seen her face? Mukhang kawawang bata kanina no'ng binangga mo, Lianne." It was followed with soft laughter. "Sana ay red wine ang hawak ko no'n tapos sa mukha niya nasaboy, 'di ba? Our night would be more fun if that is what happened instead." "With all that glam and expensive looking outfit, she still looks so out of place. Walang-wala kay Miss Priscilla. I can't believe it. Garett Adamson brought that girl. I'm sure she's not just his secretary." "Right? Hindi naman talaga. Miss Priscilla mentioned kanina, 'di ba? That is Garett's current play thing. He must be really brokenhearted for what happened to him and kay Miss. He's desperate kaya kahit sino na lang." "Yes! And that girl, feeling niya tuloy something na siya because nadala siya sa event na 'to when in reality, she doesn't belong here. Poor thing." Nagtawanan ulit ang mga 'to. "When we see her later, let's do something again, girls!" She heard their giggles fade away as they left the comfort room after retouching their make up. Natulala si Daneliya sa loob at mabagal na binuksan ang pinto ng cubicle kung saan siya naroon kanina pa. She saw her reflection on the mirror in front of her. Napagtripan nga talaga siya ng mga 'yon. She wants to get out of the cubicle earlier and stand up for herself when the ladies are still there but there's no point. Baka ano pa ang patunguhan no'n at magkaroon ng gulo, madadamay pa ang pangalan at image ni Garett dahil siya ang kasama nito ngayong gabi. The girls were really against her because they think Daneliya doesn't belong there and also, dahil halatang gusto ng mga ito si Priscilla Alejandro. And for some reason, they think she's a pest in Garett and Priscilla's relationship when the fact is, naghanap naman kasi talaga ng iba ang babae. Gano'n talaga. People are blind when they want to believe something else. Since those ladies are fond of Priscilla and idolize her, si Daneliya ang pinag-initan nila kahit wala siyang ginawa sa mga ito. Halos mapatalon sa gulat si Daneliya nang bumukas ang pinto ng comfort room. Hindi inaasahan, si Garett ang pumasok pagkabukas no'n at malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at ineksamin, ang mukha nito ay puno ng pag-aalala. Garett didn't immediately know what happened because it's a bit far from their table. Ngunit nakarating din iyon sa kaniya matapos ang ilang minuto. Kanina pa siya naghihintay sa labas ng comfort room para kay Daneliya pero nang hindi pa rin ito lumabas ay pumasok na siya. "Are you okay?" he asked. Titig na titig si Daneliya kay Garett at tumango siya. "Y-yes, of course. Bakit ka nandito? You're not allowed here. This is the ladies' comfort room." Kumunot ang noo ng lalake. "What took you so long? Is there any problem?" Napatingin ito sa gown niya at mukhang napansin nito na medyo basa ang gown niya. "Nakarating sa akin na natumba ka at nabasa ng wine. Who did it to you, Mallory?" mariin nitong tanong. Agad umiling si Daneliya. "It was an accident, Garett. Don't worry," marahan niyang saad at binigyan ito ng assuring na ngiti. "Are you sure?" paninigurado nito sa kaniya. Daneliya nodded saka umiwas siya ng tingin. "Pwede bang... umuwi na ako?" tanong niya. She doesn't feel like staying there any longer. Baka kung ano pang aksidente ang mangyari sa kaniya at talagang mapahiya na siya pati si Garett. Tumango si Garett at inabot ang bewang niya. "Sure, let's go home. Ihahatid na kita." Agad siyang umiling at marahan na tinulak paalis ang kamay nito sa bewang niya. "You stay here, Garett. Ako lang ang uuwi. Ipahatid mo na lang ako sa driver or I can book for a ride sa hailing app," aniya. Tinignan ni Garett ang pag-alis niya ng hawak nito sa bewang niya bago siya tinignan muli sa mga mata. Sunod ay muli nitong inangkin ang bewang niya, ngayon ay halos magkadikit na sila. "I will go wherever you go, Daneliya. Let's go. Let us get out of here," saad nito saka hinagod ang gilid ng bewang niya saka siya hinawakan sa kamay at lumabas sila ng comfort room. Magkahawak-kamay silang lumabas doon. Nakaramdam ng ilang si Daneliya dahil ang mga nadadaanan nila ay napapatingin sa kanila, sunod ay sa kamay nila. Then sometimes, masusundan iyon ng bulung-bulungan. May nagsasalita sa stage, nagbibigay ng interactive speech. Maya-maya ay nakita nito si Garett at tinawag ito kaya tumutok sa kanilang dalawa ang spotlight. Tumigil sila sa paglalakad. Daneliya tried to get her hand back from his hold but Garett firmly held her hand. "Oh, here is my good friend, Garett Adamson! Bro, may I know who's that beautiful lady beside you?" tanong nito. May iilang sumagot sa crowd, binabanggit ang salitang secretary. Napalunok si Daneliya. She felt so tensed, knowing that they are literally in the spotlight and all eyes are on them. Mula sa technical team ay may tumakbo at lumapit kay Garett at inabutan ito ng mic. "Shawn, thank you for having me here and congratulations for the success of this event," panimula ni Garett. Then he glanced at her. Binitawan nito ang kamay niya kaya nanlamig siya ngunit nawala agad 'yon nang hawakan siya nito sa bewang. "This most beautiful woman beside me is Daneliya Mallory, she's my girlfriend," he said. Natahimik nang sobra ang paligid. Tanging ang lalakeng nasa stage ang napahiyaw saka pumalakpak. "Really? You really have a good taste, bro. Nice to meet you, Miss Daneliya. I hope you're having a good time now. Thank you for being here." Nahihiya man ay tumango si Daneliya sa lalake at nginitian ito. May tinanong pa ito kay Garett at nang natapos na ay nagpatuloy sila sa paglalakad. Ramdam niyang kahit madilim na ngayon ay pinagmamasdan na sila ng lahat habang palabas sila ng convention hall. Garett must have felt her being tensed. He gently squeezed her hand to assure her that he was there as they walked out of the event. Paglabas nila sa hotel ay naroon na agad ang driver. Pinagbuksan siya ni Garett ng pinto at papasok na sana siya nang may pamilyar na boses ang tumawag dito. "Garett! Are you serious?" Si Daneliya ang lumingon agad samantalang si Garett ay tila walang interest nang lingunin ang tumawag sa kaniya. It's none other than Priscilla Alejandro. "What do you need?" malamig na tanong ni Garett sa babae na huminto sa harap nila. Priscilla glared at Daneliya before eyeing him. "Are you really serious about this b-tch? Garett, hindi ka ba nag-iisip? He's my son's ex. And that woman is nothing. Why would you downgrade. From having me, you'll have that kind of—" Humakbang ng isa si Garett. Napalunok si Priscilla at wala sa sariling napahakbang paatras dahil sa intimidation sa lalake. It's really evident during that moment that the feisty Priscilla Alejandro's weakness and fear is Garett Adamson. "This is not a downgrade, Priscilla. This is me having the best one after a long time of settling for someone unworthy," he coldly said. Garett gazed at her with a cold but threatening aura. "Alam kong sinugod mo siya sa office ko. Hindi mo na 'yon uulitin. The moment I learn that you're doing something to her—" Priscilla glared through her bloodshot eyes. "Ano? What will you do? And you're really acting all mighty when we both know that you're going bankrupt! Kaya nga kita iniwan!" Garett smirked. "Do you think, I am really in that situation? And don't ask what I will do to you if you touch my woman again, Priscilla. Just be ready." Nilingon siya ni Garett. His gaze softened. "Let's get inside the car," he said. Inalalayan siya nito paupo sa backseat. Habang pumapasok si Garett sa sasakyan ay nagsalita si Priscilla. "Wala kang mapapala sa babaeng 'yan. I am the best woman you ever had and anytime soon, you will surely beg for me to come back but it won't happen because you're not enough for me anymore. Because you're poor now, Garett. Remember that!" Sinara lang ni Garett ang pinto ng kotse at hindi pinansin ang sinabi ng babae. Umandar na ang sasakyan. Daneliya thought that Garett would now drop the facade but his hand remained on her waist, his arm is around her. "Can you stay in my place tonight?" marahan na tanong ni Garett. Pinag-isipan iyon sandali ni Daneliya. Mas mabuti nga siguro 'yon dahil siguradong tulog na ang pamilya niya pag-uwi at si Dane ang babangon para pagbuksan siya kapag dating niya. Once na magising ito ay hirap ng makatulog tapos maglalaro na lang ng video games. May pasok pa naman ito bukas. Tumango siya bilang sagot. "Okay..." dagdag niya. Maya-maya ay bumitaw si Garett sa kaniya at may kinalikot ito sa cellphone niya. Pagkatapos no'n ay hinawakan nito ang bandang legs niya. "You announced that I'm your girlfriend. W-wala bang masamang effect 'yon sa image mo or b-business?" marahan niyang tanong. Kumunot ang noo ni Garett. "Why would it have a bad effect on me?" Napakurap siya. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit nawala ang sasabihin niya, nag-alangan sa salitang pakakawalan. Tinaasan siya nito ng kilay kaya umiling na siya. "I didn't expect that you'll announce it in front of everyone, that I am your girlfriend, for the sake of your revenge on Priscilla. But it's a good moment, too, because it surely has hurt her or at least, insulted her," aniya. Hindi kumibo si Garett at nanatili lang sa paghaplos sa hita niya kahit natatakpan iyon ng suot niyang gown. Tinitigan niya ang lalake, naghihintay ng sasabihin nito but he just stared back at her. He looked at each of her features intently. "I can clearly see and understand why Evans was desperate to hide you from the world that he caged you in a place to make sure he will be able to keep you by himself..." he uttered. Napakurap si Daneliya. "H-huh?" Hinaplos nito ang pisngi niya. "You're very beautiful, Mallory. And you have so much potential. It will take a strong and confident man to let the world see you without feeling the fear that you will find someone better and leave him." She felt her cheeks heated. Grabe ang puri nito sa kaniya. Daneliya chuckled then shook her head. "Parang sobra naman 'yon." Garett smiled a bit then shook his head. "That's a fact," he uttered then traced her cheek down to her lips. He stared at it intently before looking into her eyes. "I won't limit or cage you, Mallory. I will help you reach everything you want and I will do anything for you to have the things you deserve. I want you to see all the beautiful things in this world." Hindi mapigilan ni Daneliya ang mapangiti. His tone and words sound so sincere. She can feel that something is fluttering inside her. "Have you seen all the beautiful things in this world, Garett?" she curiously asked. Nagkatitigan sila. His eyes are so fixated on her, she really has his whole attention. "I might have not seen it all yet but it doesn't matter because I already have seen most beautiful, who is in front of me now." Her cheeks blushed even more. Umiwas siya ng tingin. Humahaba na ang mga sinasabi sa kaniya ni Garett, talagang nakikipag-usap na ito sa kaniya. Malaking progress. Pero kasabay no'n, nambobola na rin yata ito. Garett held her chin to make her face him. Then he pressed his lips against her gently. Marahan lang siya nito hinalikan and it was so soft, almost like a featherlight. Ramdam niya kung gaano iyon nagpagaan sa kalooban niya. It feels like all her worries are gone. Pagdating nila sa condo unit nito ay naligo diretso si Daneliya para maging fresh ang pakiramdam. At dahil may mga damit na siya sa closet ni Garett ay wala ng problema. She already has her own set of shampoo, conditioner, body wash, and other essential things when taking a bath. Pagkatapos ay nagsuot lang siya ng blush pink silk terno. It was a short spaghetti strap dress paired with shorts. Nagpatuyo lang siya ng buhok gamit ang blow-dryer. Paglabas niya ng bathroom ay wala sa kwarto niya si Garett kaya lumabas siya roon. Then she saw him on the dining table preparing the delivered food. Bagong ligo rin ito, siguro ay ginamit ang common bathroom. Umangat ang tingin nito sa kaniya. He eyed her from head to toe in a swift move. "Come here, Mallory," he uttered calmly. "Alam kong hindi ka nabusog kanina kaya nag-order ako." He's really thoughtful. Napakurap siya. She realized that he's right. Kasalukuyan ngang kumukulo ang sikmura niya. Pinaghila siya nito ng upuan at inalalayan paupo. "Ang dami nito," aniya habang tinitignan iyon. "Thank you, Garett." He simply nodded and sat beside her. Sabay silang kumain. Kinamusta nito ang trabaho niya sa office and she gladly told him about her experience. She enjoyed their late dinner so much. Nagkwento rin ito ng mga pinagkaabalahan for the past few days. They had a very lighthearted conversation. Nabawi ang mga intense niyang naramdaman sa gabing 'yon. Nabawi rin ang ilang araw na hindi sila nagkita. After that, nag-asikaso lang siya at nag toothbrush bago tumungo sa kama. Garett was already there, seating on the bed. Sumulyap ito sa kaniya bago tumayo at pinatay ang ilaw, iniwan lang ang dim light. "We're just going to sleep tonight. I know you're tired," he simply said but it seems like he's convincing himself. Tipid na ngumiti si Daneliya saka tumango. Wala naman 'yon problema sa kaniya. Humiga na siya sa kama at nagkumot. Nanatiling nakaupo muna si Garett at tila nag-iisip sa loob ng ilang minuto bago ito tuluyang humiga sa tabi niya. "Can I at least hug you?" Garett asked gently. Sinulyapan ni Daneliya ang lalake na nakatitig sa kaniya. She nodded. Umusog siya palapit dito at agad namang pumulupot ang braso nito sa kaniya at niyakap siya. Siniksik ni Daneliya ang mukha sa dibdib ni Garett at pumikit na siya. She can feel his heavy breathing pero inaantok na siya kaya hindi niya na 'yon masyado napansin. Maya-maya ay naalimpungatan siya sa mga halik ni Garett at sa mga haplos nito sa katawan niya. When she opened her eyes, she saw his passionate gaze, full of hunger for her. "G-Garett?" namamaos niyang bulong. Hinalikan siya nito sa labi saka siya tinitigan. "I know you're tired but I can't take this anymore. You don't have to do anything, just lay down and sleep. I'll do the rest," he explained. "I want you so bad now, Mallory."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD