Ang Linta sa Hardin

1005 Words
​ANG init. Sobrang init. ​Tanghaling tapat at nasa gitna kami ng malawak na gulayan sa likod ng farm. Harvest season ngayon ng mga talong, sitaw, at okra. Maraming tao mga kasama sa farm, mga kapitbahay na tumutulong pero ang mata ko ay nakapako lang sa iisang lalaki. ​Kay Blake. ​Wala siyang suot na pang-itaas. ​Nakatayo siya sa gitna ng mga tanim, may pasan-pasan na kaing ng mga bagong pitas na talong. Ang balat niya ay kumikinang sa pawis at langis. Ang muscles ng braso niya ay pumuputok sa bigat ng buhat niya. Ang abs niya... diyos ko, ang abs niya ay parang mga bato sa ilalim ng umaagos na tubig-pawis. ​Naka-maong shorts lang siya at bota. May nakasabit na panyo sa leeg niya at sombrero sa ulo. ​Ang bango niya tignan. Ang sarap niya tignan. ​Ako naman, naka-duster na manipis na bulaklakin at malaking sombrero. Kunwari tumutulong ako sa pag-aabot ng basket, pero ang totoo, naghahanap lang ako ng tyempo para dumikit. ​Lumapit ako sa pwesto niya. Busy siya sa paghila ng mga damo sa paligid ng tanim. ​"Kuya, tubig oh," alok ko, sabay abot ng tumbler. ​Tumayo siya at lumingon. Pawisan ang mukha niya pero ang gwapo pa rin. Kinuha niya ang tubig at ininom ito nang dire-diretso. Nakita ko ang paggalaw ng throat niya. May tumulong tubig sa gilid ng labi niya, humalo sa pawis sa leeg niya, at dumaloy pababa sa dibdib niya... papunta sa pusod niya. ​Gusto kong dilaan 'yun. ​"Salamat, Kar," sabi niya sabay balik ng tumbler. "Doon ka na lang sa silong. Mainit dito. Mangingitim ka." ​"Ayoko, gusto kitang tulungan," pabebe kong sagot. ​Yumuko ulit siya para magtrabaho. Ito na ang pagkakataon ko. Nakita ko ang isang maliit na uod sa dahon ng sitaw. Hindi naman ako takot sa uod, pero para sa plano... kailangan kong maging damsel in distress. ​"AHHH!" tili ko nang pagkalakas-lakas. ​Napatingin ang mga trabahador. Si Blake, mabilis na napatayo. ​"Bakit?! Ano 'yun?!" tanong niya, alerto agad. ​"Uod! Kuya, may uod!" sigaw ko sabay talon palapit sa kanya. ​Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya at idinikit ang dibdib ko sa basa at mainit niyang katawan. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. ​Amoy araw. Amoy lupa. Amoy lalaki. ​Ang sarap ng pakiramdam ng balat niya sa pisngi ko. Ang tigas ng katawan niya. Para akong nakayakap sa pader na buhay. ​"Karla, bitaw," sabi ni Blake. Kalmado lang siya. ​"Natatakot ako, Kuya! Ang laki!" arte ko pa, mas lalo kong hinigpitan ang yakap. Ramdam na ramdam ko ang umbok ng dibdib ko na dumidiin sa tiyan niya. ​Pero sa halip na yakapin ako pabalik o protektahan ako... tinawanan niya lang ako. ​"Susmaryosep, Karla. Uod lang 'yan. Mas malaki ka pa diyan," natatawa niyang sabi. ​Hinawakan niya ako sa balikat at itinulak nang bahagya palayo. Hindi marahas, pero firm. Inalis niya ang pagkakakapit ko na parang tinatanggalan ng linta ang binti niya. ​Pinitik niya ang uod gamit ang daliri niya. ​"Oh ayan, wala na. Patay na. Ang arte mo naman, probinsyana ka pa naman," pang-aasar niya, sabay gulo sa buhok ko. "Dun ka na nga. Istorbo ka lang sa trabaho eh." ​Napanguso ako. ​Wala. Walang effect. Dinikit ko na ang dede ko sa kanya, pero uod pa rin ang napansin niya. ​Bumalik siya sa pagbubuhat. Hindi ako sumuko. Plan B. ​Habang tumatagal, lalong umiinit ang araw. Alas-dos na. Talagang nakakahilo na ang init. Perfect timing. ​Nakita kong papalapit si Blake sa pwesto ko, may buhat na sako. ​Huminga ako nang malalim. Acting 101. ​Hinawakan ko ang ulo ko. Pumikit-pikit ako. Nagpagewang-gewang ako ng lakad. ​"Kuya..." mahina kong tawag. "Parang... parang umiikot ang paningin ko..." ​Binitiwan ni Blake ang sako. "Karla?" ​Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko. ​Saluhin mo ako. Tapos magpa-panic ka. Tapos bubuhatin mo ako bridal style. Tapos hahalikan mo ako para magising ako. ​Naramdaman ko ang malalakas na braso na sumalo sa akin bago ako tumama sa lupa. ​Yes! ​Nasa bisig niya ako. Ang mukha ko, nasa tapat ng dibdib niya. Amoy na amoy ko ang kilikili niya, ang pawis niya. Ang bango. ​"Karla! Huy!" ​Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. Medyo malakas. Aray ko ha. ​"Manang Fe! Tubig! May yelo!" sigaw ni Blake sa mga kasambahay. Ang boses niya, puno ng panic. ​Pero hindi romantic panic. Panic ng kuya. ​"Sabi ko naman kasi sa'yo wag kang magbabad sa araw eh!" sermon niya habang buhat-buhat ako. ​Hindi niya ako hinalikan. Hindi niya ako tinignan nang may pagnanasa habang walang malay (kunwari) ako. ​Sa halip, naramdaman ko ang malamig na tubig na ibinuhos niya sa mukha ko. ​Splash! ​Napabangon ako sa gulat. Basang-basa ang mukha ko. ​"Gising ka na?" tanong ni Blake, hawak ang pitsel. Mukhang nag-aalala pero naiinis. "Uminom ka nito. Heat stroke aabutin mo niyan eh. Tsk." ​Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang marumi niyang panyo. Walang romantic moment. Walang slow motion. ​"Umuwi ka na sa bahay. Wag ka na babalik dito sa garden hangga't hindi lumulubog ang araw," utos niya, parang tatay na nagpapaalis ng makulit na bata. "Sakitin ka talaga. Payat kasi." ​Binuhat niya ulit ang sako at tinalikuran ako. ​Naiwan akong nakaupo sa damuhan, basang-basa ang mukha, at talunang-talunan. ​Tinitigan ko ang likod niya habang naglalakad siya palayo. Ang muscles ng likod niya ay parang pader na hindi ko kayang akyatin. Ang puso niya ay parang bato na hindi ko kayang tibagin. ​Kahit maghubad ako sa harap niya, kahit magkasakit ako, kahit mamatay ako sa harapan niya... ​Kapatid lang ang nakikita niya. ​At habang lalo niya akong tinutulak sa "friendzone" at "sisterzone," lalo lang akong nagiging desperada na hatakin siya papasok sa impyerno ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD