Episode 27

1784 Words
Ilang buwan na ako sa Maynila pero hindi pa ako nakakalibot na ako lamang mag-isa. Nagpunta ako sa pinakamalapit na mall at nag window shopping. Medyo high-end ang napuntahan kong mall kaya kahit naman gustuhin kong mamili para sa sarili ko ay hindi ko na ginawa. Kumain lamang ako ng ice cream at pagkatapos ay namili ng pasalubong kay Brie at Shirley. Napadaan ako sa mga accessories para sa mga lalaki. Sa dami nang nabigay sa akin ni Lenus ay hindi ko pa siya nareregaluhan. Kaya naisipan kong mamili na rin ng pasalubong para sa kaniya. Nagtingin-tingin ako roon at pumili ng mga panyo at necktie. Ipinabalot ko iyon sa isang magandang lagayan at umuwi na. Pagdating sa bahay ay naroroon pa rin ang sasakyan ng babae kung kaya’t naisipan kong lumipat muna ng bahay. Ilang araw na roon si Max at Lindsay. Ilang beses na rin silang nag-aya magdinner pero masyado ng gabi kung makauwi ako. Tapos ay nagkasakit pa si Brie. Mag-alas diyes na. Nagbakasakali lamang ako kung gising pa sila. Napangiti ako nang matanaw ko si Max na nakaupo sa may swing chair. “Max! Musta?” Kumaway ako rito habang papalapit ako. Ngumiti naman ito sa akin. “O! Buti naman napadaan ka na rito. Si Brie?” “Na kay Shirley muna.” Tumango ito at tinapik ang bahagi ng swing chair malapit dito. “Upo ka.” Padaskol akong umupo roon. Hinimas-himas ko pa ang aking mga binti dahil napagod sa kakalakad. “San ka ba galing at parang pagod na pagod ka?” “Ako?” Tumingin muna ako rito bago ibinalik ang atensiyon ko sa minamasahe kong binti. “Sa mall. Nag-ikot-ikot.” Tumingin ako sa loob ng bahay. “Si Lindsay?” Kinuha nito ang binti ko at sinimulang masahehin ‘yun. “Nasa Batangas. May two-day conference sila roon. Bukas ng gabi ang uwi niya rito. Musta na nga pala si Tatay Tanteng?” “Yun! Okay na si Tatay. Naglalasing na nga ulit eh,” pagbibiro ko. “Kaw talaga.” Ginulo nito ang buhok ko. Huminto ito sa pagsasalita at tumingin sa akin. “May sasabihin ako.” Nakita ko ang excitement sa mga ngiti nito na umabot sa mata nito. “Ano ba ‘yun?” “Saglit lang.” Tumayo ito at pumasok sa loob ng bahay. Pagkalabas nito ay nakatago ang mga kamay nito sa likuran. Ngumiti ulit ito nang pagkatamis-tamis. “Wanna guess?” Napangiti na rin ako. Nakakahawa ang excitement nito. “Don’t tell me.. na buntis na si Lindsay?” Nanlaki ang mata nito. Kung may ilalapad pa ang ngiti nito, ay ganoon na nga ang nangyari. Inilabas nito ang ultrasound result at ibinigay sa akin. Ako naman ang nanlaki ang mata nang mabasa ang laman niyon. “You’re going to have twins! Oh my God! Congrats Max! Super happy ko para sa inyo!” Niyakap ko ito. Gumanti rin ito nang mahigpit na yakap. Nang bumitiw ako ay inipit ng dalawang kamay nito ang aking mukha. “Sobrang happy ko, Patrice! I’m going to be a dad, isipin mo ‘yun.” “I know. Happy rin ako for you.” Sumandal na ako sa swing chair. Pumikit ako nang maalala ko na naman si Lenus. Naramdaman ata ni Max ang lungkot ko kaya’t sumandal na rin ito sa swing chair. “How about you, Patring? Kamusta ka na?” “Okay naman. Lagi lang pagod.” Ginagap nito ang kamay ko. “Kung anuman ‘yan, andito lang ako. Pwede mo pa rin naman akong lapitan. I am still your best friend, am I?” Tumango ako at tinapik-tapik ang kamay nito. “Alam ko namang andiyan ka lang. Okay lang talaga ako.” Tumango na rin ito at binitiwan na ang kamay ko. “Kung gayon, magsnack muna tayo bago ka umuwi.” I smiled. Sumama na ako rito na pumasok sa loob ng bahay. Kumain kami ng ice cream habang nagkukwento ito sa mga plano nito sa mga babies nito. Past eleven ay nagpaalam na ako ritong umuwi. Sa backdoor na ako dumaan, sa may kusina. Iinom muna ako ng tubig bago matulog. Binuksan ko ang ilaw. “Buti naman at nakauwi ka na.” “Oh my!” Napahawak pa ako sa aking dibdib sa biglaang pagsasalita ni Lenus. Nakasandal ito sa may pader habang may hawak itong beer sa isang kamay. May dalawang baso ng beer na nasa may pasimano na paniguradong inubos na rin nito. Sa katunayan, namumula na ito dala ng alak. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko naman dito. Tumaas ang isang kilay nito habang seryosong nakatitig sa akin. “Nagpahangin lang pero sa kabilang bahay pa? Masyadong maliit ba ang bakuran ko’t kailangan mo pang lumipat ng bahay? O lumipat ka dahil alam mong mag-isa lang roon si Max ngayon?” Nangunot ang noo ko. “Paano mo nalamang nasa kabilang bahay ako? Sinusundan mo ba ako?” Suminghal ito at umiwas ng tingin sa akin. Tumungga ulit ito sa bote. Napatiim bagang ako at lalong uminit ang ulo sa hindi nito pagsagot sa tanong ko. Nilapitan ko ito at kinuha ang bote ng alak na nasa kamay nito ngunit itinaas lamang nito iyon kayat hindi ko naabot. “Akina ang beer at lasing ka na, Lenus!” “Hindi pa ako lasing. Alam ko ang mga sinasabi ko,” ika nito habang nakatitig sa akin. Lumayo ako dahil nanunuot na naman ang mga titig nito. “So, ano ngayon ang ibig mong sabihin? Lumipat ako ng bahay para makipaglandian kay Max?” Ngumisi ito at tumungga sa bote. “Hindi ako ang nagsabi niyan. Ikaw!” Bumuntong hininga ako. “Alam mo, walang patutunguhan ang pinag-uusapan natin dahil malinis ang konsensiya ko.” Pasuya itong humalakhak. “Kaya pala ayaw mo magpaligaw sa akin, kasi mas gusto mo sa may asawa.” Lumagapak sa pisngi nito ang malakas kong sampal. Hinawakan nito ang kamay ko. Nanlilisik ang mga mata at pirmi ang pagkakaigting ng panga. “Aray ko, Lenus! Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” pagpupumiglas ko. Para itong binuhusan ng malamig na tubig. Pabalya nitong binitiwan ang kamay ko at tumalikod. “Pumasok ka na sa kwarto mo, Patrice.” Hindi naman ako kumilos. “Bakit parang nabaligtad na ata? Bakit ikaw pa ang may ganang magalit? Di ba dapat ako?” Nilingon ako nito. “Bukas na tayo mag-usap.” “No! Ngayon na tayo mag-uusap!” nanggigigil kong pahayag. “Fine!” Hinawakan ako nito at pilit na isinama sa bakuran. Pabalya kong hinatak ang braso ko nang malapit na kami sa palaruan. “Bakit tayo lumabas? Kasi ayaw mong marinig ng ex mo ‘yung pag-uusapan natin?” Nakatingin lamang ito sa akin, nanlalaki ang mata. “Oo! Alam kong ex gf mo ‘yung bisita mo!” Tinanaw ko ‘yung parking area. “Ang sabi mo seryoso ka sa akin pero nagpapatulog ka sa bahay mo ng ex gf mo? Paano ko naman seseryosohin ang sinasabi mo kung ganiyan ka! Gulong-gulo na ako sa’yo, Lenus! Gulong-gulo na ako!” Napahawak ako sa aking noo habang nakapamewang ang isang kamay. “Gabi na at inaantok na si Celeste. Matindi rin ang pinagdadaanan niya ngayon. Pinayuhan kong dito na matulog at bukas na magbiyahe. Masama ba ‘yung ginawa ko? Masama bang mag-alala sa kapakanan ng isang buntis?! Isa pa, kaya nga kami naghiwalay dahil wala na kaming nakikitang spark sa relationship namin. Masama na bang isalba ang friendship? Masama bang maging kaibigan pa rin ang dati mong kasintahan? Sang part dun ang nakakagulo!?” “See? That is exactly my point! Wag na wag mong lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Max! Matagal na kaming magkaibigan. Wala ka pa sa buhay ko, andiyan na siya! Musmos pa lang kami, sanggang-dikit na kami. Bestfriend ko siya! Alam ko ‘yun at mas lalong alam niya ‘yun! How dare you accuse me of being a flirt! How dare you, Lenus!” Tumalikod na ako dahil nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. I never felt so little… Naramdaman ko ang pag-ikot ng mga bisig nito sa aking bewang at niyakap ako patalikod. “K-kaya kong tiisin makarinig ng mga pang-aakusa at panlalait galing sa ibang tao. Maliit na bagay lang ‘yun sa akin d-dahil h-hindi naman nila talaga ako totoong kilala.. Pero g-galing sa’yo? B-bakit ang sakit-sakit, Lenus?” “I’m sorry, pretty kitty… Please forgive me…” Hinayaan lamang ako nitong umiyak nang ilang minuto habang yakap ako patalikod. Pinihit na ako nito paharap. Pinahiran nito ang aking mga luha. “Look at me, Patrice…” Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha. Sinalubong ako ng mapupungay at malulungkot na mga mata. “I don’t know how to make you believe na ikaw na lang ang babae sa buhay ko. Pero iyon ang katotohanan. I’m really sorry for hurting you.. I’m really sorry for the things that I’ve said… I-I don’t know. H-hindi ko lang kayang makitang may kayakap kang iba, n-na nakikipagtawanan ka sa ibang lalaki.. Hinanap kita sa kwarto mo kanina. Ang sabi sa akin ni Shirley lumabas ka raw. Hanggang nakita na nga kita na kasama si Max.. You seem so happy with him… Nagseselos ako…” Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi nito. Nilukob ng kakaibang saya ang dibdib ko. Tama ba ang narinig ko? Nagseselos si Lenus? Ibig sabihin ba nun ay… mahal na ba niya ako? Niyakap ko si Lenus at ibinaon ang mukha ko sa dibdib nito. I just want to hear his heartbeat. I just want to know that he is indeed with me. “Sana lumapit ka pa sa amin para narinig mo ang pinag-uusapan namin.” “Ano bang pinag-uusapn ninyo?” Tumingin ako kay Lenus at ngumiti. “Lindsay is pregnant!” Nanlaki ang mata nito. Halata rin ang saya. “B-buntis na si Lindsay?” Tumango ako. “And its twins!” “Oh my God! I’m going to be an uncle now?” Masaya akong tumango-tango. “Yes you are, fool!” Sumeryoso ulit ang mukha nito. Iniangat nito ang braso ko na mahigpit nitong hinawakan kanina at pinaulanan iyon ng butterfly kisses. “I’m s-sorry for hurting you.. I’m really sorry…” Nang dumiretso ito ng tayo ay hinawakan nito ang dalawa kong pisngi. Idinikit nito ang noo nito sa aking noo at pumikit. “Please tell me we are good now, Patrice?” Tumango-tango ako. Kinintalan nito ng isang napakagaang halik ang aking mga labi. “Can you be my girl, Patrice?” Sa halip na sagutin ito ay binigyan ko ito nang napakatamis na halik, na tinugon din naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD