Episode 26

1250 Words
“Can we talk first?” Agad na tanong ni Lenus bago kami makababa sa kaniyang sasakyan. Pumikit ako at humugot nang malalim na hininga bago ako sumagot. “Sige. Ano bang kailangan natin pag-usapan?” Ibinaba nito ang mga kamay na nakahawak pa rin sa manibela pagkatapos ay tumitig na sa harapan ng parking area. “I’m s-sorry…” Humalukipkip ako. “Bakit ka nagsosorry? Ano bang ginawa mong kasalanan?” Dahan-dahan itong lumingon sa akin, ang mga mata nito ay nangungusap. “Patrice…I… I mean..uhm…” “See? Ni hindi mo alam kung anong inihihingi mo ng tawad.” Natahimik ito. “Kung wala ka naman palang sasabihin, papasok na ako.” “Wait!” pigil nito sa aking braso. “Patrice, h-hindi ko alam san magsisimula. Pero, maniwala ka, I’m really serious about you. Have you heard what I told you last night or are you sleepy at that time? G-gusto mo bang ulitin ko ‘yung sinabi ko? Gusto ko kasing marinig mo…” “Narinig ko…” “W-what? N-narinig mo?” Inalis na nito ang mga kamay nitong nakahawak sa mga kamay ko ngunit nakatitig pa rin sa akin. Tumango ako. “Yes..” “And?” “Maryosep!” palatak ko nang may biglang kumatok sa side mirror. Maging si Lenus ay napaigtag dahil sa sunod-sunod na katok. Tinted kasi ang sasakyan. Ibinaba ko ang side mirror. “Manay, bakit po?” “Kanina ko pa kayo hinihintay,” ika ni Manay Vacion. “Lenus, bumaba ka na diyan at kausapin mo muna ‘yung bisita mo.” “Bisita po?” nakakunot na tanong ni Lenus. “Aba’y kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo. Di ka naman sumasagot. Ikaw na ang tumingin doon at kanina pa si Celeste rito,” pagtatapos ni Manay Vacion. Tumalikod ito at pumasok na sa backdoor. Humarap ako muli kay Lenus. “Go. Kanina ka pa raw hinihintay ng bisita mo.” Ginagap muli nito ang aking kamay at paulit-ulit na pinasadahan ng kaniyang hinlalaki. “Patrice…” tipid itong ngumiti. Tumango ako. “Asikasuhin mo muna ang bisita mo. Maya na natin tapusin ang usap natin.” * “Celeste,” bati ni Lenus sa bisita nito. Bineso at maingat pa nitong niyakap ang babae. Saglit kong binistahan ang babaeng inalalayan ni Lenus na makaupo. Quadruple M ito. Matangkad. Maputi. Maganda. Mayaman. Di hamak na mas may ibubuga ito sa mga babaeng nag-away sa rooftop kanina. Ngunit ang pinaka-kapansin-pansin dito ay ang malaki nitong tiyan na hindi na maitago nang maluwang nitong bestida. Dumiretso na ako sa aming kwarto. Nasa likod iyon ng sala kung nasaan si Lenus at ang bisita nito. “Psst!” Hindi ko na dapat pang lingunin ang babaeng pumaswit. Hinatak na ako nito sa aking braso bago bumulong habang sumisilip-silip sa dalawang taong matiim na nag-uusap sa sala. “Bes! Ex-gf daw ‘yan ni Lenus. Buntis tapos dumadalaw pa kay Lenus. Hindi kaya.. si Sir Lenus ang ama?” Bumitiw ako rito para buksan na ang pintuan ng aming kwarto. Dire-diretso akong pumasok doon. Sumunod naman sa akin si Shirley. “Huy! May kausap ba ako?” untag nito sa aking pananahimik. Umupo ako sa sofa at pumikit. Sumasakit ang ulo ko sa mga pangyayari. Sumunod naman ulit sa akin si Shirley. “Patrice! Huy! Narinig mo ba ang sinabi ko?” pangungulit ni Shirley. “Yes. Narinig kita. Loud and clear,” matamlay kong sagot dito at idinilat na ang aking mata. Sinilip ko si Brie na natutulog pa. Bumabawi ng pahinga. “E, bakit ganiyan ang reaksyon mo? Ano na bang score ninyo ni Sir?” Pumalatak ito. “Hindi man kita tinatanong, bes, pero di ako manhid no! Alam kong may gusto sa’yo si Sir at ikaw din naman. Wag mo itatanggi!” Tinitigan ko si Shirley. Marami akong gusto sabihin sa kaniya pero nag-aalangan pa rin ako. Urong-sulong na ang desisyon ko na magpaligaw kay Lenus. Hindi ko na alam kung anong tama o maling gawin. “Ano na, Patrice?” seryoso nang tanong nito sa akin. “I don’t know, Ley. I-I really don’t know. Natatakot kasi ako…” Hinawakan ni Shirley ang mga nanlalamig kong kamay. “San ka naman natatakot? Bes, baka sa huli pagsisihan mo na naman kapag pinakawalan mo si Lenus. Andito na si Pag-ibig, ayaw mo pang igrab? Juskoday!” Napatapik pa sa kaniyang noo si Shirley. “Nasabi ko na ba sa’yong nagpapaalam na siya kung pwede siyang manligaw?” Nanlaki ang mata nito. “Truuu?!” Hinawakan ko ang bibig nito at hinila ito na umupo ulit. “Ang ingay mo naman.” “As if naman maririnig ka diyan sa labas eh, sa kapal ng mga dingding ng bahay na ito, kahit magsisigaw ka sa sarap eh… Aray!” “Kabastos mo ba!” “Anong bastos dun?” “Ewan ko sa’yo!” Ngumisi ito. “Sige! Seryoso na. Anong sinagot mo kay Lenus? Don’t tell me umayaw ka, Patring! Magtetrenta ka na uy!” Pinagdikit ko nang mariin ang aking mga labi. “Hindi ko pa siya pinapayagan.” Umikot ang mga mata ni Shirley at umismid. “Bes, panliligaw pa lang naman ang tinatanong niya. Kung ayaw mo naman at di mo bet si Sir, malaya ka namang bastedin siya. Sa tingin ko naman maiintindihan ni Papi ‘yun. Payagan mo na kasi!” “Kanina sa clinic dapat sasabihin ko nang pwede. Kasi gusto ko na rin naman talagang subukan, Ley. Pero parang si tadhana na ang nagsasabi sa aking wag ko na ituloy. Tignan mo, may babae na naman diyan sa labas. Kay Lenus man o hindi ang pinagbubuntis niya, ilang babae pa ba ang kailangan kong harapin at kalabanin para sabihing akin lang si Lenus? Kinakain ko na nga ngayon ‘yung pinangako ko sa sarili ko na hindi na muli iibig sa babaero, pero ito ako ngayon, makikipagpaligsahan na naman. Nung huli kong inilaban ang pag-ibig ko, alam mo kung anong naging kapalit, bes..” Lumalim ang aking paghinga at parang may bumikig sa aking lalamunan, mapait na lasa. “B-buhay… B-Buhay ang kinuha sa akin, bes! Sabihan mo na akong duwag pero a-ayaw ko na magdusa ulit, Ley.. N-natatakot ako… B-baka di ko na kayanin…” Umiwas ako ng tingin kay Shirley. Nagpahid ako ng luha. Naramdaman ko ang paglapit ni Shirley sa aking likuran at niyakap ako patalikod. “I’m sorry, bes…” Tinanggal ko ang mga kamay ni Shirley na nakayakap sa akin at humarap sa kaniya. “Ley, g-gusto ko na si Lenus.. Gustong-gusto ko na siya… Pero natatakot ako… T-takot na takot ako. Baka may kapalit na naman…” Gumaralgal na ang boses ko kaya hindi na ako makapagsalita. Ginagap ni Shirley ang mga kamay ko, tinapik-tapik iyon pagkatapos na pahiran ang mga luha ko. “Bes, makinig ka sa akin. Isa lang ang maipapayo ko sa’yo, bes. Laging may risk kapag magmamahal ka. Wala naman talagang kasiguruhan ang lahat ng bagay. Pero isa lang ang alam ko, ang totoong pag-ibig, laging magtatagumpay ‘yan. At hindi mo mapapatunayan ang totoong pag-ibig, kung hindi mo susubukin.” Hinayaan ko naman ang aking sarili na umiyak. Pilit kong inintindi at ninamnam ang mga sinabi ni Shirley. Pilit kong nginitian si Shirley at inayos ang aking sarili. “Ley, magpapahangin lang ako sa labas. Pwede bang bantayan mo muna si Brie?” Tumango lang si Shirley habang nagpalit ako ng damit at lumabas na ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD