Episode 25.2

1115 Words
Dumiretso na ako sa clinic dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers and faculty sa school. Si Shirley naman ay nakabalik na sa bahay kaya siya na ang nagbabantay kay Brie na nasa maayos naman nang kalagayan. Masiglang masigla ang pakiramdam ko kahit na puyat ako. Gusto kong makausap na si Lenus at itanong kung may sinabi nga ito kagabi o nananaginip lang ako. Kung totoo, aba naman! Hindi na ako papakipot pa! Magpapaligaw na ako noh! Nilapitan ko si Ate Zora, na secretary ni Lenus, nasa 40s na ito. Meron itong kapansanan. Maliit ang isang binti nito dahil nagkaroon ito ng polio ng bata pa ito. Agad akong lumapit dito dahil mukha itong balisa. “Ate Zora?” Umangat ang paningin nito. “Ayy salamat! Buti andito ka na, Patrice!” Bakas ang relief sa mukha nito. “Pakitulungan naman akong hanapin si Lenus. Ang sabi niya sa akin ay magpapahangin lang siya, pero hindi pa bumabalik dito. Tinatawagan ko pero di naman sumasagot.” Ibinaba ko muna ang bag ko. “Sige po. Hahanapin ko po.” “Paki na nga, Patrice. Pasensiya ka na at hindi lang ako makaalis dito sa pwesto ko. May mga pasyente na rin kasi.” Tinapik ko ang balikat ni Ate Zora at tinunton na ang hagdanan. Alam ko naman na kahit alam ni Ate Zora kung nasaan si Lenus ay hindi ito aakyat dahil hanggang third floor lang ang elevator. Aakyat pa sa matirik at paikot na hagdan para makarating sa rooftop. Nasa kalahati pa lang ako nang paikot na hagdanan ay dinig na dinig ko na ang komosyon na nanggagaling sa rooftop. Muntik pa nga akong matapilok dahil binilisan ko ang aking mga hakbang para makarating na sa rooftop. And at last, ito na nga ako, saglit na nahinto sa aking paghakbang, at nalito sa aking susunod na gagawin dahil nasa gitna si Lenus ng dalawang babaeng pilit na inaabot ang kasabunutan. “Akin lang si Lenus!” sigaw ng babaeng maiksi at brown na buhok. “No!! Ako ang nauna! Tigilan mo kalandian mo!” sigaw na rin ng isa pang babaeng nakabusiness attire. “I said stop!” sigaw na rin ni Lenus ngunit hindi alam kung sino sa dalawang babae ang mas poprotektahan. Lumapit na ako. “Anong kaguluhan ito, hubby? Hinihintay ka na ng anak natin sa bahay.” Parang sabay-sabay na binuhusan ng malamig na tubig ang tatlo at halos eksakto ang pagkakalingon sa akin, gulat na gulat. Si Lenus ang agad na nakabawi ng composure nito, nahulaan ang ibig kong ipakahulugan. “Wifey, s-sorry.… Let me explain, please,” drama rin nito na mariing kumalag sa dalawang nakatigagal pa ring babae. Tumakbo ito patungo sa akin at yumakap na nakatalikod sa dalawang babae. “Thank you! You saved me,” bulong nito. Mabilis pa ako nitong hinalikan sa labi. Kinalma ko ang sarili ko upang hindi makahalata ang dalawang babae. “Hindi na kailangan. May nanggugulo na naman ba sa’yo?” “S-sino ka naman?” tanong ng babaeng may short hair. May bahid ng pangmamata ang tono nito. “Do I really need to answer you?” masungit kong balik dito. Tumikhim ang babaeng nakabusiness suit. Sinuklay nito gamit ang daliri ang buhok at tumayo ng tuwid. Kay Lenus ito humarap at maaristokratang nagsalita. “Who is she, Lenus? Another one of your girls?” “Shay, I-I’m sorry. Patrice is not one of my girls. She is more than that.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa aking tagiliran. “She is the reason why I stopped entertaining not only you but all of you.” Hindi ko alam pero sa oras na iyon ay parang gusto kong maniwala sa sinasabi ni Lenus. Totoo naman kasing wala na itong inuuwing babae o wala na rin akong nakikitang umaaligid dito. Wala na rin ang parang call center nitong trabaho, dahil wala na akong naririnig na kausap nitong babae sa telepono gabi-gabi. Ngumisi ang pinangalanan nito ng Shay. “Sinasabi mo lang ‘yan ngayon, Lenus. But I know you will always come back to me, with both of us, actually.” Nginisihan nito ‘yung isa pang babae na tumango-tango naman. “I don’t think masasatisfy ka ng babaeng ‘yan higit sa akin. Sa hilatsa ng mukha niyan ay halata ng walang kaalam-alam sa pagpapaligaya ng lalaki. Be smart, babe.” Umigting ang panga ni Lenus. Mukhang hindi nagustuhan ang mga akusasyon sa akin. “No, Shay. We’re done! Don’t ever come back here again or else I will call the guards and pull you out of here. Ayaw mo naman sigurong ipakaladkad kita palabas.” Shay mockingly laughed. “You will not do that.” “Don’t dare me, Shay. You know I don’t miss a single dare. I..always..do..what..I..say,” ika ni Lenus sa mariin at napakalalim na boses. Ang kaniyang nanunuot na tingin ay nagsisimula nang tumagos sa kalamnan, nakakasakit, nakakatakot. Nagbago ang itsura ni Shay. “L-Lenus, babe…I-I don’t mean… I–I… Please, come back to me,” puno ng pagsusumamo ang mukha nito. Nahinto ang sana ay paglapit ni Shay kay Lenus nang iniunat ni Lenus ang kamay nito at itinuro ang babae. “Go!” Napatakip ako sa aking tainga sa lakas ng boses ni Lenus. Nagsimula nang umiyak si Shay. “Lenus, please, I-I will make you happy. I can make you happy. Wag naman ganito, please!” Lumuhod yung isa pang babae. “How about me, Lenus? H-hindi mo na ba talaga ako gusto? May kulang ba sa akin?” Lumambot ang mga mata ni Lenus. Naramdaman ko ang paggaan ng kamay nito sa aking tagiliran. Kaunti na lang marahil ay bibitiw ito at “sasaklolohan” ang babaeng nagsimula nang umiyak. “I’m sorry, Candice. I’m really sorry…” Iniangat ni Candice ang mukha nito. “Lenus..” “P-please go. Both of you..” Nakayukong wika ni Lenus. Kahit nakakainis ang ugali ng dalawang babae ay naawa ako sa kanila. No woman should beg for love. No woman should lower herself to the point of desperation just to have a man. “Wala na sila. Hindi mo na kailangang magpanggap,” ika ko kay Lenus habang inaalis ang pagkakapulupot ng isang braso nito sa aking bewang. “Bumalik na tayo. Hinahanap ka na ni Ate Zora.” Nahabol ni Lenus ang isang kamay ko. Mahigpit nito iyong hinawakan. “Patrice, are you angry.. again? Please, let me explain.” Tumingin ako sa langit. Kahit ang ganda ng tirik ng araw ay hindi ko iyon maappreciate. I feel cold inside. “Not now, Lenus.” Hinatak ko ang kamay ko. Nauna na akong naglakad pabalik sa clinic niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD