Episode 25

1211 Words
“ARE YOU AT YOUR ROOM?” Text ni Lenus. Binasa ko lamang iyon at itinuloy ko na ang pagdampi dampi ng towelette kay Brie. Nilalagnat ito sa hindi ko malamang dahilan. Kapag nagtuluy-tuloy pa ay dadalhin ko na ito sa hospital bukas. Wala si Shirley at isinama ni Rowan na maglinis sa condo nito. Pinayagan naman ni Lenus gawa ng metikuluso raw si Rowan at nagustuhan nito kung gaano kapulido maglinis si Shirley. Huling naging lagnat ni Brie ay nung 2 years old ito. Ilang araw din kaming tumagal sa hospital dahil nagkadengue siya. Akala ko ay mawawala na sa akin si Brie nang mga araw na iyon, kaya hindi ko maiwasang mag-alala na naman. Tumayo ako nang may kumatok. Pinagbuksan ko ang nasa labas. Si Lenus na nakapantulog na. “Busy ka ba?” nag-aalangang pagbati ni Lenus sa akin. He flashed his signature smile again that made me smile too. “No. Si Brie kasi, masama ang timpla ng katawan.” Humakbang ako patagilid upang masilayan ni Lenus si Brie na natutulog. Agad itong pumasok at lumapit kay Brie. Hinawakan nito ang braso ni Brie at nakumpirma nito ang problema. “How long has he had a fever?” “Kaninang umaga.” “Kaninang umaga? B-bakit hindi mo sinabi? Sana hindi ko na pinaalis si Shirley. Hindi ka pumasok sa school?” Nakayuko akong umiling. “N-nakakahiya naman kasi e. H-hindi naman ako ang nagsusweldo kay Shirley.” “But still….” Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Lenus. Nagtatalo marahil ang isip kung pagagalitan ako o hahayaan na lang. “I’m sorry, Lenus. Wag ka na magtampo.” Umupo na ako sa kabilang pwesto ng kama, nakatagilid na nakaharap dito. Nagkatitigan kami. Ako ang unang nagbawi ng tingin. “Saka hindi ko rin naman kayang iwan si Brie nang ganito kalagayan niya. Hindi ako makakapagconcentrate sa lecture.” Binasa ko ulit ang towelette bago ipinampunas kay Brie. “Gusto mo bang dalhin na natin sa hospital si Brie?” suhestiyon ni Lenus, puno ng pag-aalala ang boses nito. Nakagat ko ang aking labi. Alam kong hindi papayag si Lenus na sa pangpublikong hospital lamang namin dalhin si Brie ngunit wala naman akong pera para ipaconfine siya sa mas malaking hospital. “Nag-iisip ka na naman ba ng gagastusin?” tanong ni Lenus na akala mo’y nabasa ang nasa isip ko. “C-can I just monitor her condition until tomorrow morning? K-kung magtutuloy-tuloy ang lagnat niya, payag na akong iconfine si Brie,” pakikipag-areglo ko kay Lenus. Tumango naman ito. “You are the mother. I know your decision will always be for the better. Ikaw pa rin ang masusunod.” Tipid na ngumiti sa akin si Lenus na nagpagaan ng loob ko. Umupo ito sa carpet at inihilig ang ulo sa kama paharap kay Brie. Tinititigan nito ang bata at marahang hinaplos ang buhok nito. Bakas sa mukha ang kaaliwan sa ginagawa. Nangiti na naman ako. “Nga pala, bakit mo nga pala ako tinatanong kung andito ako sa kwarto?” Dahan-dahan itong umunat nang upo pero kay Brie pa rin nakatingin. Kinuha nito ang kamay ng bata at iyon naman ang hinaplos-haplos. “Wala naman.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito pero hindi ko na masyadong inusisa. “Dito ako matutulog ngayon,” pahayag ni Lenus. “Ha? Bakit?!” Ngumisi ito sa naging reaction ko. “Wala po akong gagawin sa iyo, pretty kitty. Ang akin lamang po ay ako po ang magiging kapalitan mo sa pagbabantay kay Brie.” “H-hindi naman na kailangan. Kaya ko naman…” “At hindi ka matutulog buong magdamag?” Napipilan ako. Sapul na naman. Ilang buwan pa lang kaming magkasama ay parang kilalang-kilala na ako nito. “Hindi naman. Magpapahinga rin naman ako,” halos pabulong na ang huling mga salita. Bumuntong-hininga ito. “Really, Patrice? Wag ka na magsinungaling sa akin.” Tinitigan ko ulit ito. “Sige na nga. Ikaw ang bahala,” pagsuko ko. Alam kong mahirap manalo rito. Isa pa, doktor ito ng mga bata. Alam na alam nito ang kaniyang ginagawa. Tahimik itong tumango, dumiretso sa sofa at doon na nahiga. “Mauna na akong matulog. Mayang madaling-araw, ako na ang magbabantay.” Mabilis itong nakatulog. Hindi ko maiwasang panaka-nakang sulyapan ito. Ang maamo nitong mukha ay kaysarap bistahan. Kahit na siguro hindi ako relyebuhan nito sa pagbabantay kay Brie ay ikatutuwa ko pa rin. Sino ba namang hindi masisiyahan kung mukha nito ang matititigan mo nang malaya? Kahit hindi ako marunong magdrawing ay kaysarap manguha ng lapis at papel at iguhit ang napakagwapo nitong mukha. Perfect ang anggulo nang pagkakatagilid nito dahil kitang-kita ang hulma ng panlalaki nitong katawan. Lumabas ang mga muscles nito sa isang braso na ginawa nitong unan. Ang mga binti nito ay panlalaking-panlalaki rin. Naaalala ko tuloy ang mga panahong nakapaloob ako sa mga braso nito. Ngayon ay parang gusto kong maging ang mga binti nito ay ibalot nito sa aking mga binti. Tapos hahalikan nito ang aking buhok pababa sa aking leeg, patungo sa aking balikat. Lumalim ang aking paghinga. Uminit na rin tuloy ang aking katawan. Kalma self! Bawal ‘yang ginagawa mo.. Ipinilig ko ang aking ulo at ibinaling na ang atensiyon kay Brie. Baka kung saan pa mapunta ang aking pagdedaydream. Oras oras ay kinukuhanan ko ng temperatura si Brie. Mabuti naman at hindi na lumampas ng 38’C ang lagnat nito. Nang tuluyan nang bumaba ang lagnat nito ay nagising na rin si Lenus. Mag-aalas dos na iyon. “Ako na. Matulog ka na.” Umupo ulit ito sa may carpet. Kinuha ang cellphone nito at nagsimula nang magbrowse sa gadget. Dahil antok na rin, pumikit na ako habang hawak-hawak ang isang kamay ni Brie. Naalimpungatan ako nang lumundo ang kama. Naramdaman ko ang pag-upo ni Lenus sa tagiliran ni Brie. “Patrice?” “Hmmm…” I replied sleepily. “Are you still awake?” pabulong na tanong nito. “Hmmm…” I replied again. “Sana payagan mo na akong ligawan ka. I really wanted to take care of you and Brie, without any barrier, without any hesitation. Please, be my girl.” Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong titig na titig sa akin si Lenus. Gusto ko sanang sagutin ang tinatanong niya ngunit pakiramdam ko ay nananaginip na ako. Ang sarap namnamin ng mga sinabi niya. Ayokong ibuka ang bibig ko at malamang nananaginip lang nga ako. “Sleep well, pretty kitty,” Muli kong narinig ang boses ni Lenus. I lazily smiled before sleep completely took me away. Pagkagising ko kinabukasan ay gising na si Brie. Hinipo ko ang noo nito Hindi na ito mainit. “Musta naman ang baby ko? Buti naman at okay ka na.” Niyakap ko ito. Nang maalala ko si Lenus ay agad ko itong hinanap. Ngunit wala na ito sa kwarto. Napadako ang tingin ko sa side table. Lumawak ang aking ngiti dahil sa nakalagay doon. Isang picture frame namin ni Brie. Iyon ang kinuhanan ni Lenus nung papunta kami sa house blessing nila Max at Lindsay. As if on cue, nakareceive ako ng text message kay Lenus. “I HOPE YOU LIKE MY SURPRISE, PRETTY KITTY.” P.S. UPDATE ME ABOUT BRIE’S CONDITION.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD