Episode 24

1224 Words
Ang cute niya!” “Kung ganiyan magiging professor natin, hindi na ako mag-aabsent!” “Ampogiiii!” Ilan lamang ‘yan sa mga naririnig kong mga papuri ng mga schoolmate namin sa aming seminar speaker. Nasa stage ng auditorium si Lenus at nagbibigay ng lecture para sa isang seminar tungkol sa pag-aalaga sa mga special children and with disabilities. “Pinagpipiyestahan na naman ang kapogian ni Lenus,” bulong ni Katya. “Bakit nga pala hindi mo sinabi sa aking itutuloy mo nang mag-aral? At sa dami ng school, dito ka pa talaga nag-enroll, hmm? Sinusundan mo ako noh?” nakangisi kong tinutukan ng ballpen si Katya. “Surprise!!!” nakangiting turan nito na iniunat pa ang dalawang kamay. “Naengganyo mo kasi akong ituloy na talagang mag-aral. Lagi ka talagang positive influence sa life ko.” “Uy! Uy! Bawal madrama rito.” Kinabig ko siya para sa mabilisang yakap. “Pag may free time tayo, we can hang around next time,” I dreamily smiled. “Wag ka mag-alala. Hindi naman ako magtatampo sa’yo kung hindi mo ako madalas kitain. Alam ko namang busy ka, magiging busy na rin ako. Mostly majors na lang kasi ang need ko makumpleto.” Huminto ito at tumingin sa may stage. “Yun ang problemahin mo.” Inginuso nito si Lenus na bumababa ng stage. Ibang speaker na ang tinatawag para umakyat sa stage samantalang si Lenus ay iginiya ng mga seminar organizers sa isang table. May ilang mga librong nasa gilid nito. “Girl, makipila na rin tayo!” yakag sa akin ni Katya, iniangkla nito ang braso sa braso ko at pilit akong pinapatayo. “Aano naman tayo dun? Wala akong pambili ng libro,” sagot ko naman habang nagpapabigat. Mas nilakasan pa nito ang paghila sa akin. “Girl, ako na bahala sa’yo. Para kang others naman kung hindi mo isusupport ang book ni Lenus!” patuloy na pangungulit nito. Nagpahila na lang ako. Wala naman akong choice dahil talagang hindi ako titigilan ni Katya. Makukulili lang ang tenga ko sa pangungumbinsi nito. “Ayan! Ang haba na tuloy ng pila! Pabebe ka kasi eh.” May kasama pang pagpadyak ang paninisi ni Katya. “Eh ikaw lang naman ang may gusto. Di pa ba sapat na sumama ako?” Umingos ito pero niyakap naman nang mahigpit ang braso ko kung saan nakaangkla pa rin ito. “Sure ka bang hindi kayo magjowa ni Lenus?” “Psst! Nakakahiya ka!” ika ko habang ipinipiksi ang aking braso “Bakit ba? Anong masama sa tanong ko?” painosente nitong tanong habang nakatitig kay Lenus. “Baka may makarinig sa’yo, nakakahiya kay Lenus,” pabulong kong sagot. “Hmp! Tinatanong ko po kasi kung ako ang gf niyan, aba! Hindi ako papayag na may aali-aligid diyan at may kangitiang iba!” Inginuso nito ang kinaroroonan ni Lenus. Halata ang pagpapacute ng mga schoolmates namin. May iba pa ngang dumidikit nang husto kay Lenus habang nagpapa booksign at may kasama pang papicture. “Ano ka ba? Natural na ngingiti ‘yan! Alangan namang sungitan niya ang mga mamimili ng libro niya!” “Girl, wag mo ako pilosopohin. You know what I mean. Look!” Hinawakan nito ang panga ko at itinutok kay Lenus na nakikipag-usap sa isa sa kaklase ko. Hinampas ko ang kamay nitong nasa panga ko pa rin. “O, nakatingin na. Tapos?” “Lagi mo kasama sa bahay ‘yan. Hindi mo ba naiimagine na gigising ka na ‘yang mukhang ‘yan ang masisilayan mo? Yang mga braso niya ang kukulong sa katawan mo? Yang….” Hinawakan ko na ang bibig nito at baka kung ano pa ang masabi nito. Tinanggal nito ang kamay ko. “See? Kung bf ko ‘yan, girl, hindi na ako magpapanty sa bahay!” “Psssst” Naeeskandalo kong tinakpan ang bibig niya at yumukod sa mga estudyanteng napatuon ang tingin sa amin. “Bakit ba?” Tinanggal nito ang kamay ko. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo.” “Gaga! Tandaan mong mga teenagers pa ang iba rito. Higit na mas bata sa atin,” bulong ko rito. Nahimasmasan naman ito. “Sorry naman.” Nag peace sign pa ito. “Sige, maiba tayo. Bagay pala talaga sa’yo ‘yung makeup mo especially ‘yang peach color. Next time ‘yung red naman,” excited nitong turan. “Ako ulit bahala at marami akong ganiyan. Ibibigay ko na lang sa’yo.” Kumumpas pa ito ng Z gamit ang hintuturo. “Kahit hindi na. Hindi naman kailangan.” “Sus! Kailangan mo naman ng konting kulay minsan, girl!” Nangibit-balikat na lang ako. Again, hindi ako mananalo sa kakikayan ni Katya. “Hi!” bati ni Lenus sa amin nang kami na ang magpapapirma. “Hello, Lenus. Remember me?” “Of course. Katya, right? Dito ka na rin nag-aaral?” masayang tanong ni Lenus. Nagsulat ito ng konting dedication at pumirma sa libro bago iyon ibinigay kay Katya. “Yep! Labas ulit tayo nila Patring next time, Doc.” “Sure!” Kinamayan na nito si Katya at inabot ang librong ibinibigay ko. Nginitian ako nito at sumulat na sa libro. Pagkatapos ay tahimik lamang na ibinalik sa akin. Binuklat ko ang libro at tiningnan ang kaniyang mensahe. ‘Read the dedication, Patrice.’ Inilipat ko ang pahina at agad na lumukob ang saya sa sistema ko. Hindi ko mapaniwalaan ang nabasa ko. “For my sweet Brie, and to my dearest pretty kitty.” “Look o! Ang sweet ni Lenus! Ang sabi niya rito ‘Nice to see you again. Let’s hang out next time. Stay healthy, Katya. ‘Yung sa’yo, anong sabi?” Dumukwang ito sa librong hawak ko. “Thank you lang nilagay niya. May smiley sa dulo,” pagsisinungaling ko. “Ha?! Di nga?” napataas pa ang kilay ni Katya. “Oo nga! Balik na tayo sa upuan natin.” Ako naman ang naghatak dito Lihim akong nakangiti habang hila-hila si Katya na may iba nang kinukwento. Panaka-naka ay napapasilip ako kay Lenus na nakaupo pa rin sa book signing table. Nang matapos ang huling nakapila ay mabilis nitong sinuri ang buong auditorium. Nang masilayan ako nito ay kumaway ito at sumenyas na may itetext ito sa akin. Tumango ako at binasa ang dumating na mensahe. “You look more gorgeous than before. You keep that glow, pretty kitty.” Pag-angat ko nang aking paningin ay wala na roon si Lenus. Umuwi na siguro. Napangiti ako. “Katya?” Kinalabit ko ito. “Yes?” Natigil sa ere ang pagreretouch nito ng makeup nito. “Saan ko nga mabibili ‘yung ganitong lipstick?” Ngumuso ako. Pinasadahan ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa. “At bakit? Anyare, girl?” Humalukipkip ito. Nangibit balikat ako. “B-baka tama ka. I just need to add more colors into my boring life.” “Yung totoo?!” hindi makapaniwalang pinanlakihan ako nito ng mata. “Wala nga!” nangingiti na akong tumayo at sumabay sa iba pang estudyanteng palabas na ng auditorium. Nagkandakumahog si Katya na tapusin ang pagreretouch nito para humabol sa akin. “Tagal ah!” panunukso ko rito bago ulit ipinagpatuloy ang paglalakad ko. Patungo ako sa school canteen, parang ang sarap kasi kumain ng matamis. Nakakagood vibes ang araw na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD