Episode 23

1499 Words
Ilang araw na akong maagang gumigising at umaalis. Nagtatanong man ang mga mata ni Shirley kapag nagmamadali ako sa umaga ay hindi naman ito nagsasalita, na ipinagpapasalamat ko. Ayaw ko magtahi ng kwento sa kaniya kung sakali. Saka ko na siguro ikukuwento. Tatlong araw na rin nang nagkaroon kami ng diskusyon ni Lenus sa kaniyang kwarto. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako na hindi ko naman siya nakikitaan ng effort para magkaliwanagan kami. Ipinapahiwatig lamang ng mga aksyon niya na hindi siya seryoso sa sinabi niya sa akin. Gaga talaga ako! Kahit ganun ang ginawa ko ay naniwala ang puso ko na gusto niya ako! Na liligawan niya ako! Mag-aala una na. “Hi, Patring!” bati ni Max sa akin. “Sakay na.” “Si Lindsay?” magiliw kong sabi habang naglalagay ng seatbelt. “Dadaanan natin siya diyan sa mall. Nagtakeout siya ng food. Di pa kasi kami naglalunch.” “Puntahan na natin… ayy putek!” Binuksan ko ang bintana ng kotse dahil patuloy iyong kinakatok ni Lenus. “Lenus, ano ba?!” Inalis nito ang seatbelt. “Halika na’t kakain na tayo,” maawtoridad nitong sabi. “P’re, ako na ang bahala kay Patrice,” ika naman ni Max na mukhang tutol sa ginagawa ni Lenus. Hindi iyon pinansin ni Lenus. Sa halip ay hinatak na ako nito pagkatapos na matanggal ang seatbelt. “Gutom na rin ako. ‘Wag ka na makulit.” Iwinasiwas ko ang aking braso na hawak nito. “Nakasakay na ako sa sasakyan ni Max. Hindi mo ba nakikita? Dun na ako sa bahay kakain.” Ngumisi si Lenus. “May nakalimutan ka ba, Patrice?” Napakunot-noo ako sa kaiisip. I saw him smirked. “So, nakalimutan mo nga. Kasama ko na si Brie at Shirley dahil therapy session niya ngayon.” Nanlaki ang mata ko. I completely forgot! Mamya ko pa sana balak umuwi at sasabay na lamang kina Max kumain, dahil nai-stress ako. Nakonsensiyang nilingon ko ang sasakyan ni Lenus. Nakabukas na rin ang car window nun at natanaw ko na si Brie. Nilingon ko si Max. “I-I’m sorry, Max. Naabala pa kita.” He smiled at me, as he always does. “No problem, Patring. Mauna na ako.” Sinundan ko si Lenus at sumakay na rin sa passenger seat. Tahimik lamang kami hanggang matapos makakain. Dumiretso na kami sa hospital pagkatapos. Tamang-tama na si Brie na ang susunod na pasyente. “Kami na lang ang papasok sa loob, Shirley. Maiwan ka na rito,” bilin ni Lenus. Ito na rin ang kumarga kay Brie. Tahimik lang naming pinapanuod ang therapist na tinuturuan si Brie kung paano tumayo at umupo. I made it a point to take a video of Brie’s improvement. “Are you still angry with me?” pabulong na tanong ni Lenus. Umusod pa ito upang mas mapalapit sa akin at kami lamang ang magkarinigan. “Ano namang karapatan ko para magalit sa’yo? I am just a little pissed,” pag-amin ko rito. Hinawakan na nito ang aking kamay at pinisil-pisil iyon. Muntik na akong mapapikit. How I miss his touch, his gestures. “If you want, you can work as my secretary, at your own time.” Nilingon ko siya saglit bago ko ibinalik kay Brie ang atensiyon ko. “At my own time?” “Yep! Like a working student. You will be paid at an hourly rate. Alam ko naman kasing hindi mo tatanggapin kung hindi normal na sahod ang ibibigay ko sa’yo. Tama ba?” Napangiti ako. Now, at least, he understood. Tinusok nito ang parte ng mukha ko malapit sa labi. “Yan! Namiss ko ‘yang ngiting ‘yan.” “Kaw kasi e.” “Yeah. I know it’s my fault. I’m sorry. So, can I court you na?” Nasamid ako at napalingon dito. Hinampas ko siya nang ngumisi ito. “Puro ka kalokohan!” Pagkatapos ng therapy ay dumiretso kami sa mall. “Wala ka na bang clinic ngayong hapon?” “Meron… pero inurong ko na lang bukas. Kakabati lang natin e.” Kinindatan ako nito. “Para kang sira!” “Pagod ang isip ko. I wanted to relax. Can the doctor call in sick today?” Napahalakhak ako dahil sa pagpapacute nito. Namili kami ng movie ticket. Isang animated cartoon movie ang napili naming panuorin, for Brie. Nasa kalagitnaan na ang pelikula nang hindi ko na mapigilang pagsalikupin ang aking mga kamay. Hinihipan-hipan ko iyon para kahit paano ay mainitan ako. “I’m sorry. Wala akong dalang coat ngayon,” paghingi nang paumanhin nito. Ginagap nito ang aking kamay at ito na ang nagtuloy sa pag-ihip niyon. Dahil sa ginawa nito ay mabilis akong nilukob ng init. Init na hindi ko dapat nararamdaman lalo na’t katabi ko si Brie. “O-okay na,” ika ko pagkatapos bawiin ang kamay ko. Nakita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa ginawa ko. “B-bakit? H-hindi ka na nilalamig?” Lumunok ako at umayos ng upo. “O-oo,” tipid kong sagot. “Are you sure? ‘Yung isang kamay mo naman,” sabay abot sa kabila kong kamay. Mabilis ko iyong iniwas. “O-okay na ako! Pwamis!” “O-okay. Sabi mo e.” Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. Ngumiti lamang ito kahit na nagulat na naman dahil lumakas ang boses ko. Nginitian ako nito bago ibinalik ang paningin sa screen. “Patrice?” “Hmm?” Paglingon ko ay nakaamba na ang ilang piraso ng popcorn. “Lenusss….” Saway ko rito ngunit hindi pa rin nito ibinaba ang kamay nito. Wala akong nagawa kundi isubo iyon. Ako naman ang kumuha ng ilang piraso at isinubo rito. Para kaming tangang nagsubuan doon. Hindi ko alam na dumodoble pala ang sarap ng isang pagkain kapag isinusubo ng taong gusto mo. Gusto?! San nanggaling ‘yun? Naipilig ko ang aking ulo nang marealize na kung anu-ano na ang iniisip ko. Napatingin ako sa aking mga daliri na puno na ng cheese powder. Tiningnan ko si Shirley. Ipapakuha ko sana ang wet wipes sa bag ni Brie na nasa harapan nito ngunit tutok na tutok ito sa pinapanuod. Tawa pa nga ito nang tawa. Humilig ako nang kaunti at bumulong na lang kay Lenus. “M-may tissue ka?” “Aww! Nagamit ko na e. Para saan ba?” Itinaas ko ang aking daliri. Napahigop ako nang maraming hangin nang isinubo ni Lenus ang mga daliri ko at sinimot ang cheese powder. Para akong namalikmata nang sinulyapan lamang ako nito saglit at ibinalik na ang paningin sa movie. Napalunok ako nang ilang beses habang nanginginig na napapunas sa butil ng pawis na bigla na lang lumitaw sa aking noo. Nang dumako ang tingin ko kay Shirley ay mas lalo pa ata akong pinagpawisan. Nanunukso ang tingin nito. Ngumisi ito at inginuso si Lenus at pagkatapos ay bumalik na rin sa panunuod. Ako na lang ata ang parang naestatwa roon nang ilang minuto. “Tapos na. San niyo gusto kumain?” tanong ni Lenus habang nakalingon sa amin. “H-ha?” ika ko na parang nalilito pa. “Ang sabi ni Sir Lenus, san mo raw gusto kumain?” pag-uulit ni Shirley na may kasamang nanunuksong ngiti at pataas ng kilay. Aliw na aliw marahil sa pagkatuliro ko ng mga oras na iyon. “A-Ahhh…. K-kahit saan na lang. K-kaw na ang bahala,” nauutal kong sagot kay Lenus. Ngumiti naman ito at tumayo na. Inabot pa nito ang kamay nito sa akin para tulungan akong tumayo. Parang normal lang ang kilos nito samantalang ako ay hindi pa rin talaga tuluyang nakakalma ang sarili. Inabot ko naman ang kamay nito. Hindi nito iyon agad pinakawalan hanggang sa makalabas kami nang tuluyan sa sinehan. Sa mall na rin kami nagdinner. Pauwi na kami nang bumuhos ang ulan. Pinakarga muna ni Lenus sa akin si Brie. Itiniklop nito ang wheelchair at tumakbo na patungo sa aming sasakyan. Buti na lamang at malapit sa entrance/exit ang pinagparkan nito. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang payong. Ibinigay nito kay Shirley ang isa. Inakbayan ako nito at idinikit sa katawan niya para hindi kami mabasa. “Salamat sa work s***h gala, Sir,” ngingiti-ngiting wika ni Shirley pagkababa namin sa bahay. “Walang anuman, Shirley.” Tumikhim ito at bumaling sa akin. “I hope you had a good day too, Patrice.” Nginitian ko ito. “Oo naman.” Ilang segundo rin kaming nagtitigan. Naputol lamang nang tumikhim si Shirley. “And of course, our beautiful baby, Brie.” Yumuko si Lenus at binigyan ng isang halik sa buhok si Brie. Lumapit ito sa akin pagkatapos. Hahawakan sana nito ang kamay ko ngunit nailang sa presensiya ni Shirley. “Good night, Patrice.” “Good night, Lenus.” Lumakad na papasok sa bahay si Lenus. Sumunod ako na itinutulak ang wheelchair ni Brie. “Ako, wala man lang good night?” biro ni Shirley habang sinisiko ako. Sabay kaming nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD