Episode 21

1295 Words
“Bakit ganiyan ang mukha mo? Anong problema?” nag-aalalang tanong ni Shirley. “Ley?” ika ko bago humarap dito. “O! Ano nga?” ulit nito pagkatapos ipitan ang mga putting damit na isinampay nito. Nagpahid ito ng pawis at nakapamewang na humarap na rin sa akin. Kumuha ako ng pants at pinagpag iyon bago ko isinampay. “Tumawag si Nanay kanina. Dinala na raw niya sa hospital si Tatay dahil ang taas ng lagnat at suka ng suka.” “Tara nga muna dun sa silong at ang init, girl!” Hinatak na ako nito at dinala sa may labahan na may bubong. “Kamusta na si Tatay? Kelan pa siya roon?” Hinila ko ang dalawang plastic chair. Ibinigay ko ang isa kay Shirley, sabay kaming umupo. “Nung isang araw pa dinala ni Nanay. Marami pa raw mga test na gagawin at for observation pa si Tatay kaya baka matagalan pa roon ng mga dalawang araw pa. Hindi na nagtinda si Nanay dahil ang kulit daw ni Tatay. Baka raw umuwi kapag iniwan niya. Kaya ito, nanghihiram ng pera sa akin at kulang daw ang pambayad niya. Ley, alam mo namang walang-wala ako. Pero di ko masabi kay Nanay.” Tumango lang ito, nag-iisip pa nang isasagot. Tinanaw nito ang mga punong namumunga bago muling nagsalita. “Bes, gustuhin ko man, alam mo namang wala akong maipapahiram sa’yo. Nag-iipon din ako para sa mga kapatid kong nag-aaral pa.” Nagkatinginan kami pagkatapos na sabay na bumuntong-hininga. Mapait kaming natawa. Sinuntok na naman kami ng kahirapan. “O-okay lang no. Ikaw pa ba?” “Sorry talaga, Patring. Pwede ka namang lumapit kay Sir,” suhestiyon nito. Tumango ako at tumayo na. “Tapusin na natin ang isasampay natin. Baka gising na rin si Brie, puntahan ko na.” Tahimik na lang kaming nagsampay ni Shirley, parehong nag-iisip sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Nang matapos ay agad kong tinungo ang kwarto namin ni Brie. Si Shirley naman ay sasaglit lang daw sa kwarto niya at magdidilig pa siya ng halaman. Naabutan ko roon si Lenus na buhat-buhat si Brie. Nakabihis na rin ito nang panlakad. Agad kong nilapitan si Lenus at kinuha si Brie. “Naglaba ka? Pwede mo namang iutos na lang ‘yun sa mga katulong.” I glanced at him. “Hindi naman mahirap. Dati nga kamay lang gamit ko sa paglalaba. Ngayon, may washing machine na. Kaya okay lang.” “Patrice, bisita kita rito. Hindi ka katulong.” Huminga ako nang malalim at iniba na lamang ang usapan. “May pupuntahan ka?” Hinilot nito ang noo bago sumagot. “Yep. May clinic ako ngayon pati bukas. Next week kasi ay may mga aattendan akong mga conference. Kailangan ko macheckup ‘yung ibang pasyente na nakasched na.” “Are you okay? Isang linggo ka nang puyat. Baka naman magkasakit ka na naman niyan,” nag-aalala kong wika. Ibinaba ko si Brie dahil basa na ang diaper nito. Umupo na rin ito sa kama, katabi ni Brie. “Are you worried about me?” Tinape ko na ang diaper ni Brie. “Of course! Mag-aalala ako sa’yo,” Tumikhim ako. “Kaibigan kita, remember?” Nangibit-balikat ito. “Thank you, Patrice. But I am truly fine. Hindi mahirap ang trabaho kapag gusto mo ang ginagawa mo.” I smiled at him, then, immediately looked away. Ito na naman kasi ang t***k ng puso ko, bumibilis na naman. “Patrice?” “Hmm…” I glanced at him. “Wag na kayo magluto ng dinner. Kain na lang tayo sa labas maya. Nagpareserve ako sa isang resto.” “S-sige..” I saw him smiled widely. Kiniss pa nito si Brie sa pisngi bago nagmamadaling umalis. Nangangati na akong sabihin dito ang tungkol kay Tatay pero sobrang busy niya. Siguro maya ko na lang sabihin habang kumakain kami o kaya naman ay pauwi na. Tutal naman, hindi pa naman talaga makakalabas sa hospital si Tatay. Seven o’clock ay lumabas na kami sa terrace ni Brielle. Dress na ang sinuot ko para hindi na alanganin kung saan na naman kami dalhin ni Lenus. “Bes, hindi ba nakakahiyang kasama mo ako? Eh, hindi naman ako ininvite ni Sir,” nahihiyang tanong ni Shirley sa akin. “Minessage niya ako kanina. Ang sabi niya, isama na kita. Nung last time raw ay hindi ka niya nailibre kaya ngayon na lang daw siya babawi.” Kinikilig naman itong ngumiti. “Naalala pa niya ‘yun? Napaka-maalalahanin naman ni Papi Lenus. May bawi-bawi pang nalalaman.” Tinawanan ko lang ang sinabi nito. “Nga pala!” Lumapit ito at kinuha si Brie para ilipat sa wheelchair. “Nasabi mo na ba kay Sir?” Dahan-dahan akong nagpakawala nang malalim na hininga. “Hindi pa nga e. Baka maya.” “Gusto mo bang tulungan kita?” “H-hindi na. K-kaya ko namang sabihin.” Makahulugan itong tumitig sa akin. “Sure ka ah?” Tinanguan ko ito. Totoo namang sasabihin ko na. Naghahanap lang talaga ako nang tyempo. Eksaktong alas-siyete y medya ay dumating na si Lenus. Bumusina ito at kumaway sa amin. “Sa harap na ako uupo, Patrice!” Excited na excited na wika ni Shirley. Binuksan nito ang passenger seat. “Ayy! Kasama po pala kayo, Sir Rowan.” Pairap itong sinulyapan ni Rowan. “Yeah! Kaya sa likod ka na sumakay,” masungit nitong wika. Umirap si Shirley na ikinangisi ko. Bubulong-bulong itong tumabi sa amin ni Brie sa likuran. “Malay ko bang kasama siya?” “What did you say?” nakataas ang kilay na tumingin pa sa rearview mirror si Rowan. “Wala po, Sir!” Napangisi na naman ako. Nakatikim ako nang pagsiko ni Shirley. Habang kumakain kami ay may pinag-uusapan ang mag-pinsan. Sa pagkakaintindi ko ay may gustong pasukin na business si Rowan at gusto nitong maging magkasosyo sila ni Lenus. They wanted to put up a hospital. Maganda ang pagkakapropose ni Rowan. Mukhang interested naman si Lenus. Dumaan din kami sa isang grocery store pagkatapos ng dinner. Si Rowan ay dumiretso sa bowling area habang si Shirley ay sa ibang shop tumuloy. Pabulong pa nga nitong sinabing may mga pasilip na ang mga vintage undies nito. Sobrang tagal na raw kasi nang huli itong namili ng undies. “What else do you need?” tanong ni Lenus sa akin habang kumukuha ito ng gatas. Itinulak nito ang cart sa mga diapers at umabot naman ng 3 malalaking pack. Hinawakan ko ang braso nito. “Akala ko maggogrocery ka?” “Yep. Naggogrocery nga ako.” “Pero, para naman ata kay Brie ang mga ‘yan.” Itinuro ko ang mga laman ng cart. “Si Manay Vacion ang nagggrocery para sa bahay. Paminsan-minsan dumadaan din talaga ako sa grocery para mamili naman ng para sa akin. But since you are living with me, and I promised Tita Dalisay, that I will take care of you and Brie, I mean it. So, may problema ba sa binibili ko? Hindi ba kailangan ito ni Brie?” Inginuso nito ang mga pinapamili. “By the way, nangako rin ako kay Tita na lagi mo siyang tatawagan. Kamusta na nga pala siya?” “Ha?” He chuckled. “Ang sabi ko, kamusta na si Tita? Gusto mo tawagan natin…” Mabilis kong tinakpan ang cellphone nito. Nagtataka naman ang titig nito sa akin. Tumikhim ako. “A-ano kasi, m-maaga natutulog si Nanay… B-baka tulog na ‘yun ngayon. Wag na natin istorbohin.” “Ahh… o-okay… so, what else do you need?” “W-wala na.. O-okay na ‘yan.” “Then, we better get going. Maaga pa ako bukas,” he said it between yawns. B-bukas ko na lang sasabihin….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD