"Silent Ligths"

2271 Words
CHAPTER 4 Erra's POV Matapos ang ilang oras na magkasama kami ni Nosgel, biglang lumapit si Mommy, may bitbit na baso ng champagne at isang malawak na ngiti sa kanyang labi. Alam ko na ang ngiting iyon—ibig sabihin, may mga bagong taong kailangan kong makilala. “Erra, darling, come here for a moment,” sabi niya, sabay senyas na sumunod ako. Napatingin ako kay Nosgel, na parang nagtanong ng, "Okay ka lang ba?" sa kanyang mga mata. Ngumiti ako at tumango, nagpapahiwatig na ayos lang. Alam niyang sanay na ako sa mga ganitong events, kahit minsan nakakaramdam din ako ng pagkaasiwa. “I’ll catch up with you later,” sabi ko kay Nosgel bago ko siya iniwan. Paglapit ko kay Mommy, napansin ko agad na hindi lang basta-basta mga bisita ang kasama niya. Mga tao ito na tila ba bihasa sa mundo ng mga negosyo at malalaking transaksyon. Halatang mga bigatin—may mga sikat na pangalan, CEO ng mga malalaking kumpanya, at mga investor na madalas nababanggit sa balita. "Erra, I want you to meet some friends of mine. They've been very interested in our family’s business," sabi ni Mommy, ipinakilala ako sa unang lalaki. “Erra, this is Mr. Victor Santiago, head of Santiago Holdings.” Matangkad, mga nasa late 50s, may mahabang buhok na kulay pilak at suot ang isang mamahaling suit. "Pleasure to meet you, Mr. Santiago," sabi ko habang iniabot ang kamay ko para makipagkamay. "The pleasure is mine, Miss Hidalgo. I’ve heard so much about you and your work at the foundation. Very impressive," sagot ni Mr. Santiago, habang nagbigay siya ng matamis na ngiti. “Thank you, sir,” sagot ko nang magalang. “I’ve been very passionate about the foundation’s work.” Sumunod naman na ipinakilala ni Mommy ang dalawang babae na halos kasing edad ni Mommy. Parehong elegante ang kanilang mga suot—kitang-kita mo ang yaman at kapangyarihan sa bawat galaw nila. “This is Mrs. Amara Fuentes and her daughter, Rachel,” sabi ni Mommy habang tinuturo ang isang maganda at makinis na babae na mga nasa 20s ang edad, katabi ang kanyang ina. "Rachel is studying business management, just like you did." Nagkamayan kami ni Rachel, at agad kong napansin ang kanyang matamis na ngiti. "Hi, Erra. I’ve heard so much about you. My mom always talks about your family’s achievements." "Thank you, Rachel. It’s nice to meet you too," sagot ko, ngiti rin ang sagot ko sa kanya. Habang nag-uusap kami, napansin ko na tahimik na nakikinig lang si Mommy. Alam kong sinusuri niya ang bawat galaw ko, siguro’y iniisip niya kung gaano na ako kagaling sa pakikihalubilo sa mga ganitong klaseng tao. “I’m sure you’ll do great things, Rachel,” sabi ko, pilit na pinapalabas ang best version ng sarili ko. “Business management is no easy task, but with determination, I’m sure you’ll excel.” Nagpatuloy ang aming pag-uusap tungkol sa mga negosyo at investment. Nararamdaman ko na parang sinusubukan nila akong "kilalanin" sa ilalim ng polite conversation. Hindi ko alam kung sila ba'y interesado lang talaga sa aming pamilya o kung may ibang agenda. Ngunit sanay na ako sa ganito—ang laro ng pagpapakilala at pagpapalabas ng pinakamahusay na imahe. Hindi nagtagal, pumasok sa usapan ang tungkol sa mga fundraiser. Lalo akong naging interesado nang mapag-usapan ang charities na kasalukuyang sinusuportahan ng kanilang mga kumpanya. Alam ko na isa sa mga dahilan kung bakit ako dinala ni Mommy dito ay para magpahayag ng suporta sa mga proyekto ng pamilya, ngunit gusto ko ring isulong ang mga adhikain ng foundation na pinamumunuan ko. “I’ve been thinking,” simula ni Mr. Santiago, tumikhim nang bahagya bago nagsalita, “there’s a lot of potential in collaborative charity work between our companies. I’ve seen the success of your foundation, Erra, and I believe we could explore joint ventures to amplify our impact.” Natuwa ako sa kanyang sinabi. "That’s actually something I’ve been hoping to discuss with potential partners. The foundation has been working hard on sustainable projects, and we’re always open to collaborations, especially with companies that share the same vision." Nagkatinginan sina Mrs. Fuentes at Mommy, at halatang nagugustuhan nila ang takbo ng usapan. Napangiti si Mommy, na tila ba ipinagmamalaki ang tinatakbo ng diskusyon. “Maybe we can discuss this further during a formal meeting,” dugtong ni Rachel. “I think there’s a lot we can do together.” "Absolutely," sagot ko, excited pero kalmado pa rin ang tono. “I’ll make sure to arrange a meeting soon.” Mula roon, nagpatuloy ang usapan namin tungkol sa mga plano, mga proyektong pwedeng pagtulungan, at mga bagong ideya. Pero sa likod ng lahat ng ito, naramdaman ko ang pangangailangang panatilihin ang propesyunalismo. Hindi ko maiwasang ma-miss si Nosgel sa mga sandaling iyon—alam ko na mas gusto kong makipag-usap sa kanya tungkol sa mga bagay na personal kaysa sa mga ganitong klaseng usapan. Matapos ang ilang minuto, lumapit si Mommy sa akin at nagbulong. "You’re doing great, sweetheart. Keep it up. They seem very interested in what you’re doing." Ngumiti ako sa kanya at tumango, ngunit alam ko sa sarili kong medyo napapagod na ako sa ganitong klaseng socialization. Gusto kong makita ulit si Nosgel, makaramdam ng kahit konting pahinga mula sa matinding pag-iisip ng bawat salitang sinasabi ko. Napatingin ako sa paligid, hinahanap ang pamilyar na mukha ni Nosgel. Hindi nagtagal, natanaw ko siya sa kabilang dulo ng ballroom, kausap ang isang grupo ng mga lalaki. Para bang naramdaman niya rin ako dahil bigla siyang tumingin sa direksyon ko at ngumiti. Agad akong nakaramdam ng ginhawa. Excuse ako saglit sa grupo at lumapit sa kanya. Agad akong sinalubong ni Nosgel ng isang ngiti, at ramdam kong kahit ilang minuto lang kaming naghiwalay, parang ang tagal na. “How’s it going?” tanong niya, tinutulungan akong hawakan ang baso ng champagne ko. “Mahirap,” biro ko. “But I think I survived. Naipakilala ko na ang sarili ko sa kalahati ng mga tao dito.” Tumawa siya nang mahina. “Good job. I knew you’d handle it.” "Ikaw naman, kamusta ka?" tanong ko, napansin kong medyo tahimik siya kanina. "Same as you. Meeting people, talking business," sagot niya, tumingin sa paligid. "Pero sa totoo lang, mas gusto ko nang kasama ka." Hindi ko napigilang ngumiti. “Well, now we’re back together. Let’s try to survive the rest of the night.” Lumapit siya nang kaunti at bumulong, “With you by my side, it’s easier.” Sa mga sandaling iyon, ramdam kong kahit gaano kaformal ang paligid, may kakaibang koneksyon sa amin ni Nosgel na tila hindi kayang sirain ng kahit anong event. Tumingin ako sa kanya, at sa isang iglap, ang lahat ng bigat ng responsibilidad na dala ko kanina ay nawala at sa gitna ng ballroom na puno ng mga influential na tao, para bang kami lang ang nandun. Matapos ang buong gabi ng pakikipag-usap, pakikipagkilala, at pagharap sa mga taong tila walang katapusan ang mga tanong at opinyon, ramdam ko na ang bigat ng pagod. Ngunit gaya ng inaasahan, hindi ko ito pinahalata kay Mommy. Sa ganitong mga event, sanay na ako na maging composed—kahit na parang gusto ko na lang humilata at magpahinga. Paglapit ko kay Mommy, nakahanda na akong magpaalam. Nakita ko si Nosgel sa gilid, kausap ang isang grupo ng mga bisita. Kita ko sa kanya na pagod din siya, ngunit kagaya ko, hindi niya ito pinapahalata. Tinapos ko muna ang huling pag-uusap ni Mommy bago ako sumingit sa usapan. “Mom, I think I’ll head out now,” sabi ko, marahang inilalapit ang baso ng champagne sa isang waiter na dumaan. “Hatid ako ni Nosgel.” Tiningnan ako ni Mommy nang may kiliti sa mga mata. Alam kong gusto niyang asarin ako tungkol kay Nosgel, pero gaya ng nakagawian niya, sinuklian lang niya ako ng isang biro at sabay tango. “Of course, hija. Make sure he brings you home safe, hmm?” sabi niya, ang tono’y halata ang pahiwatig. I know that tone all too well. Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Daddy mula sa likod ni Mommy. Wala siyang sinabi, ngunit ramdam ko ang kanyang suporta—lagi siyang ganoon, tahimik pero nandiyan. Binigyan ko siya ng isang mabilis na ngiti bilang pasasalamat bago ako tuluyang lumayo. “Thank you, Mom. We’ll be careful,” sagot ko bago ako tumalikod at nagtungo kay Nosgel. Habang papalapit ako, napatingin siya sa akin at ngumiti, agad na nagpapaalam sa mga kausap niya. “Ready to go?” tanong niya nang lumapit ako. “Ready,” sagot ko, halata sa tono ko ang bahagyang pagod. Agad niya akong inalalayan palabas ng ballroom at papunta sa parking lot. Habang naglalakad kami sa carpeted hallways ng hotel, hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa mga sinabi ni Mommy kanina. Alam ko na gusto niyang makasama ko si Nosgel, at minsan, parang napapaisip ako kung hanggang saan ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa mga sandaling ito, ang gusto ko lang ay makasama siya at makapagpahinga. Pagdating namin sa parking lot, tahimik ang buong paligid, maliban sa malayong tunog ng mga sasakyan sa labas ng hotel. Binuksan ni Nosgel ang pintuan ng kotse para sa akin—isang galaw na natural na sa kanya mula pa noon. “Thanks,” sabi ko habang sumasakay. Pagkapasok niya sa driver's seat, naramdaman ko agad ang kaunting ginhawa. Minsan, parang may magical na epekto ang presensya ni Nosgel sa akin—kahit na pagod, parang nagiging mas madali ang lahat kapag siya ang kasama ko. Tahimik ang unang mga minuto namin habang bumibiyahe kami palabas ng parking lot. Tila pareho kaming nagre-relax mula sa mga eksenang nangyari sa event. Nakatingin ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na nagiging maliliit na tuldok habang papalayo kami sa hotel. “You okay?” tanong ni Nosgel, na hindi tinatanggal ang mga mata sa kalsada. “Yeah, just tired,” sagot ko, ibinaba ko nang bahagya ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. “That was... exhausting.” Tumawa siya nang mahina. “Tell me about it. I don’t know how you manage to do this so often.” “It’s part of the job,” sagot ko. “Pero ikaw, you were great out there. Parang sanay ka na rin sa mga ganitong event.” “Nagpanggap lang ako,” sagot niya, kasabay ng isang malalim na hininga. “Pero kung ako lang, mas gusto ko na lang mag-relax kasama ka.” Napa-smile ako. Si Nosgel talaga, laging may paraan para mapagaan ang pakiramdam ko. Sa gitna ng mga busy na schedule at expectations mula sa pamilya, siya ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon na huminga. Hindi nagtagal, napansin ko ang mapayapang ritmo ng kotse habang binabaybay namin ang kalsada pauwi. Naging mas tahimik ang paligid, at ramdam ko ang pagkapagod na unti-unting humihigop sa akin. Napatingin ako kay Nosgel—concentrated siya sa pagmamaneho, pero may kaunting ngiti sa labi niya. “You did good tonight, Erra,” biglang sabi niya, tinapik niya nang bahagya ang kamay ko. “I know it’s tough, but you handled it perfectly.” “Thanks,” sagot ko, at naramdaman ko ang init ng kamay niya. “You were great, too. Salamat sa paghatid, Nosgel. I appreciate it.” “No problem,” sagot niya, sabay tingin sa akin ng mabilis. “Alam mo naman, anything for Baby Abbas My Erra.” Napatawa ako nang mahina. Ang mga simpleng banat ni Nosgel ay laging may kasamang lambing at pilyo. Matagal ko nang sanay marinig iyon mula sa kanya, pero hindi pa rin ako immune sa epekto nito. Pagdaan namin sa isang intersection, napansin kong medyo humina ang ilaw ng mga poste, at tila ba mas tahimik ang paligid. Malapit na kami sa bahay ko, pero parang ayoko pang matapos ang gabi. “Do you want to take a quick detour?” tanong ko, sinubukang basagin ang katahimikan. “Detour? Where to?” tanong niya, nakataas ang kilay pero halatang interesado. “Just... somewhere quiet. I don’t want to go home just yet,” sabi ko, tinitingnan ko siya mula sa gilid ng aking mga mata. Nakita kong ngumiti siya nang malalim. “I think I know just the place.” Dahan-dahan niyang pinaandar ang kotse papunta sa isang mas tahimik na daan. Nakikita ko na bumabalik ang lakas ko habang nagiging mas intimate at mas komportable ang atmosphere. Hindi nagtagal, narating namin ang isang maliit na lookout point—isang lugar kung saan tanaw mo ang buong lungsod. Huminto siya sa gilid ng kalsada, at pareho kaming tumingin sa malawak na tanawin ng mga ilaw ng lungsod na kumikislap mula sa malayo. “Wow,” bulong ko, habol ang hininga. “I didn’t know this place existed.” “Yeah, I found it a few years ago. Minsan pumupunta ako dito para mag-isip, especially kapag kailangan kong magpahinga sa lahat ng nangyayari.” Tahimik lang akong tumingin sa tanawin, ramdam ko ang bigat ng mga nakaraang oras na unti-unting nawawala. “Thank you, Nosgel,” bulong ko, at nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya sa liwanag ng mga poste sa malayo. “For being with me tonight.” “Always,” sagot niya, sabay hawak ulit sa kamay ko. “I’ll always be here for you.” At sa mga oras na iyon, habang nakaupo kami sa kotse, nakatingin sa malayong mga ilaw, naramdaman ko na kahit gaano man kahirap ang buhay minsan, may mga sandaling tulad nito na nagbibigay ng pag-asa at pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD