Pabalik-balik ang tingin ko sa cellphone upang tingnan kung may reply na si Simon. Ilang beses na rin akong tumawag pero cannot be reached. I rubbed the nape of my neck and hid my phone back to my pocket. Kung hindi nga niya binabasa ang mga text at chats ko, kailangan niyang malaman ang sinabi sa akin ni Maam Esquivel. Hindi naman ako nagkamali ng punta. Nang pumasok ako sa library, nakita kong mag-isa roon si Simon, kaharap ang sandamakmak na mga reviwer at natutulog. My goodness. Hindi naman kailangan pilitin kung talagang pagod na. Bakit hindi na lang muna siya umuwi at magpahinga? Dahan-dahan akong lumapit upang hindi makalikha ng kung ano mang ingay. Pasado alas kwatro na ng hapon at kaunti na lang ang mga nandito. Marahan kong hinatak ang upuan sa kanyang tapat at nag-iingat n

