Umuwi akong naiiyak sa sinabi niya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Anumang isipin ko upang iwaksi ang mga iyon, kahit iyon lang ang mga salitang narinig mula sa kanya ay masakit na para sa'kin. Hindi na ako tinanong pa nila Mommy tungkol dito. Batid kong pansin nila ang lungkot ko pero wala na silang sinabi. Dere-deretso lang akong pumasok sa kwarto at kaagad na humiga sa kama. Kinaumagahan, inasahan ko nang hindi makikita sa gate si Simon. As usual, ako na lagi ang nauunang pumasok. Uupo pa lang ako ng armchair ay saka ko na siya makikita nang tuluyan, papasok at maglalakad patungo sa kanyang upuan. Sa buong araw na iyon, pinili kong pigilin ang sarili sa pagtingin sa kanyang pwesto. Alam kong napapansin din ng iba naming kaklase ang tungkol dito dahil halata sa mga kilos

