Bastos man tingnan ngunit umalis na agad ako sa condo kahit na hindi nagpapaalam. Marahas ko nang iniiwas ang sarili ko sa ganoong ugnayan. Kung anuman ang nabuo naming mga ala-ala noon, wala ng ibang dapat gawin doon kundi ang kalimutan. Kung bakit ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko noon, hindi ko na alam. Noon, sapat na sa akin ang panandaliang ligaya, ngunit ngayong napagtanto ko kung gaano kabrutal ang kalokohang ginawa ko hindi lang sa sarili ko, naaasiwa ako. Labis-labis ang pagsisisi ko. Nang makauwi ay agad na akong pumunta sa kusina upang kumain. Advance ko na ito para sa hapunan. Sandamakmak na naman kasi ang mga gawain ko. Papalapit na rin kasi ang final defense para sa research. Marami pang kailangang i-edit at i-revise. Marahan kong binuksan ang laptop ni Mommy nang m

