Chapter 28

2354 Words

Hindi nagtagal sa amin si Simon. Tahimik ko lang siyang pinatuloy sa loob at pinaunlakan ang hiling ko na kumain muna bago umalis. Sa mga oras na iyon ay hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano pa. Pinagmamasdan ko lang siyang kumain at simple ring sumusulyap sa mga rosas na dala niya. Espesyal sa akin ang mga ‘yon. Kahit na bahagyang nako-konsensya dahil may kamahalan, masaya akong gumawa talaga siya ng paraan upang may maibigay sa akin. Kumaway ako nang makasakay na siya ng tricycle. Simple akong ngumiti nang maglaho na siya ng tuluyan at bumalik na sa kwarto. Pahapyaw kong chineck ang f*******: account ko at isa-isang ni-replyan ang mga bumati. Ilang sandali pa’y nakatulog na rin ako dahil sa pagod. Alas nuwebe ng umaga nang ako’y magising. Una kong tinext si Simon dahil ngayon na ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD