Nangyayari na ang kinatatakutan ko. "Kailan pa?" Nabitawan ko ang hawak na cellphone dahil sa sobrang kaba. Pinikit ko nang mariin ang mga mata at pinipilit hanapin ang sarili sa matinding taranta. "S-simon, m-makinig ka—" "Makinig? Matapos mapatunayan ng mga mata ko ang lahat? Tingin mo paniniwalaan pa kita?!" sigaw niya. Sa puntong iyon ay napayuko na ako at humikbi. Oh God, hindi ko alam na aabot sa ganitong punto. Bakit may mga lihim na hindi na lang manatiling lihim? Bakit nalaman pa niya? Tears welled in his eyes. I can't help but feel the trembles of my knees as I try to console myself. Hindi ako makahagilap ng mga salita. Pakiramdam ko, lahat ng lalabas sa bibig ko ay mali at hinding hindi niya paniwalaan. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit marahas siyang umiwas. Gustuhin ko

