Dala ang maleta, naluluha kong pinagmasdan ang labas ng aming tahanan. Ilang linggo na rin pala, sa hinaba ng mga araw na nawala ako rito sa bahay, hindi ko alam kung may tatanggap pa sa akin. Kung bakit nararanasan ko ito ay hindi ko na alam. Masama ang sinapit ko sa mga magulang ko pero bakit mas dama kong mas masama ang sinapit ko kay Kiel? Paano niya nagawa sa akin ito? Paano ko nagawang makiapid... sa taong kasal na pala? Mapait akong ngumiti. s**t. After all these days, ang akala kong sasagip sa akin ay ginagamit din pala ako sa sariling interes. Hindi ko alam kung bakit nagpadala ako sa mga salita niya. Sa dami ng mga sinabi niya, lahat ng iyon ay tumatak sa akin. Tapos ganito? Malalaman kong kasal na siya? May asawa na? Aaminin kong malala ang ginawa ko kay Simon, pero mas mal

