I looked heavenwards to see the morning sky. Sa araw na ito, mayroon kaming practice para sa sayaw na gaganapin sa lunes. Medyo nag-cram kami dahil hindi polished ang mga practices noong weekdays. Pagbaba sa tricycle, tiningnan ko ang cellphone upang tingnan ang chat ni Lara. Medyo ilang ako sa iba kong mga kaklase dahil awkward ang tingin nila sa akin. Nang mabasa kong on the way pa lang siya, umismid ako at umupo sa hadgan malapit sa bukas na pinto ng dance studio. Muli kong binalikan ng tingin ang phone ko at nanlumo nang mapagtanong isang linggo nang hindi nagrerespond sa reply ko si Simon. Hindi ko naiwasang mag-alala. Wala rin namang sinasabi sila Mommy tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay nasa training siya. Hindi ko naman siya makita sa school o sa library dahil sa ibang univer

