Chapter 3

1277 Words
“Eisley,” tawag sa akin ni Kuya Rowan nang makita niya ako sa parking lot. Kalalabas ko lang ng sasakyan ko pero hindi ko napansin na nandito pala siya. Ang malala pa ay kasama niya si David, ang vocalist ng band nila. Magkakaibigan naman na kami pero ngayon kasi, iba na ang pakiramdam ko kay David. Hindi naman sa assuming ako pero ewan. Iba na talaga ang aura niya. Lahat ng gagawin niya, may mga malisya. Hindi ko alam pero parang naiilang talaga ako kapag napapalapit siya sa akin. Kaya ng sinusubukan kong umiwas kahit na nakikita ko naman mga palitan ng tingin ng mga kaibigan ko. Inilihis ko ang aking mga mata nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko naman sinasadyang titigan siya saglit dahil sa kaniyang buhok na magulo, inaantok na mga mata, magulong kuwelyo at parang bagot na bagot maglakad. Guwapo siya, oo. Aminado naman ako roon pero iyong magtama ang mga mata namin at mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya, ibang usapan na yata iyon. Baka aakalain pa niyang nagkakagusto ako sa kaniya kahit na hindi naman talaga. Isa pa, wala pa akong balak para sa mga ganiyang klaseng buhay. Marami na akong problema tapos dadagdagan ko pa? Mga business nga nina Daddy, hindi ko alam kung paano gagawan ng paraan tapos gusto ko pang magdagdag ng problema? Jusmiyo! “May practice kami mamaya,” saad ni Kuya Rowan. Nangunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi dahil halata naman ang pagod sa kaniyang mga mata pero gusto pa rin niyang mag-practice. “Hindi ba puwedeng next month na lang iyan, Kuya Rowan?“ tangkang tanong ko sa kaniya. Naguguluhan na kasi ako kung bakit pinipilit niyang mag-practice kahit na alam naman nilang marami silang school activities. Malapit na nga rin ang examination week kaya literal na natatambakan kaming lahat ngayon sa aming mga subject pero sina Kuya, nagagawa pa rin nilang isingit ang pagbabanda. Nitong mga nakaraang gabi, marami silang gig. Pumupunta naman ako sa kanilang gig dahil gusto ko ring marinig ang mga bagong kanta nila na never nilang ipinarinig sa akin. Magugulat na lang ako na may mga kanta na pala silang inilabas at kalat na kalat iyon sa social media. Bukod kasi sa sikat din sila dahil sa business na mayroon sila, guwapo rin sila at malakas din ang hatak nila sa mga audience dahil sa mga talent nila. Bonus na lang talaga ang kanilang kaguwapuhan. “Inaabuso niyo na katawan niyo, Kuya,” nag-aalala kong sambit. Sinubukan namang abutin ni Kuya Rowan ang aking ulo para sana na naman guluhin ang buhok ko ngunit mabilis kong sinangga ang iyon gamit ang aking kamay. Katatapos ko lang mag-ayos ng buhok pero guguluhin na naman niya? Hindi ako natutuwa! Ngumisi naman si Kuya Rowan sa akin at mabilis na tinanggal ang kaniyang kamay na akmang guguluhin sana ang aking buhok. Ibinalik niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa at tumango sa akin. “Alis muna kami, Eisley. Mala-late na ako sa first subject.” Nang makaalis si Kuya Rowan ay bigla naman akong napatingin sa aking harapan nang maramdaman kong nakatitig pa rin sa akin si David. Kung kanina ay bagot na bagot ang kaniyang mga mata, ngayon ay medyo nagkaroon na ng sigla. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ganoon na lamang siyang makatitig sa akin. “What? Hindi ka pa ba aalis?“ mababang boses kong tanong sa kaniya. Napailing naman siya at kaagad na ginamit ang kaniyang mga daliri para suklayin ang kaniyang buhok nang hindi man lang tinigilan ang pagtitig sa akin. “Are you free?“ David raised a question. Medyo natigilan nga ako sa kaniyang sinabi at bahagyang kumalabog ang aking puso sa gulat. Hindi ko kasi inaasahan na magtatanong siya sa akin pero ang malala pa ay kung free time ko. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig pero walang lumabas na boses. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata sa kaniya at piniling kagatin na lamang ang aking ibabang labi. May first class ako ngayon at ilang minuto na lang bago magsimula. Kaya mabilis akong naglakad palayo. Medyo nanginginig nga ang aking mga tuhod dahil sa nangyari. Kaya kahit gaano ko pa bilisan ang aking paglalakad, hindi ko magawa. Lumilipad din ang utak ko sa nangyari dahil medyo naguguluhan ako kung bakit hindi ko man lang magawang sagutin ang tanong niya sa akin pero ang malala pa ay hindi ko man lang napansin na may tao pala sa harapan ko na hindi ko man lang nasubukang iwasan! Hanep na buhay! Bumagsak tuloy ako dahil nabangga ko siya. Napangiwi na lamang ako at kaagad na nag-angat ng aking tingin para sana humingi ng tawad pero hindi ko inaasahan na makikita ko muli ang lalaking pamilyar sa akin. “Are you okay?” tanong niya sa akin. May mga kasama rin siyang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kaibigan niya ito dahil mabilis silang natigilan sa nangyari. Ramdam ko ring maraming napatingin sa amin dahil naagaw ko ang kanilang atensyon. Masyado yata akong lutang kanina dahil sa naging tanong sa akin ni David. Kaya wala akong ibang inisip kung hindi ang mukha, tanong, boses at ang titig niya sa akin kanina bago ko lisanin ang parking lot. “I'm sorry,” nahihiya kong bulong at sinubukang tumayo. Ngunit mabilis naman siyang gumalaw at kaagad na tinulungan ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking siko at bewang. Namula ako sa ginawa niya pero pinili kong maging kalmado dahil nahihiya talaga ako sa pinaggagagawa ko kanina. “Wala kasi ako sa sarili ko kanina,” nanginginig na paliwanag ko nang tuluyan niya akong matulungang makatayo. “It's okay,” baritonong boses niya. “Wala bang masakit sa iyo?“ I shook my head habang nakayuko pa rin. Pinagpag ko rin ang aking pang-upo dahil baka mamaya ay puro dumi na iyon. “Pasensya na,” muli kong sambit. Dumaan naman ang kaniyang mamahaling pabango sa aking ilong na naging dahilan para manuyo ang aking lalamunan. Ayaw ko sa pabangong iyon dahil matapang pero bakit kapag siya ang gumamit, parang hindi naman gaanong masakit sa ilong? Mahilig kasi ako sa mga panlalaking pabango pero syempre ang ginagamit ko madalas ay pangbabae. Nilalagay ko lang iyon sa aking drawer bilang mga collection ko. Iba kasi talaga ang amoy ng pabango ng mga lalaki lalo na kapag hindi masakit sa ilong. Kaya nga mabilis kong nalaman ang gamit niyang pabango dahil ayaw na ayaw ko iyon dahil sa sobrang sakit nito sa aking ilong. Ngunit lahat ng iyon ay nagbago. Napaangat na lang ako ng aking tingin dahil naramdaman ko pa ring nakatitig siya sa akin. Binitawan na rin niya ang aking siko at bewang bago lumayo nang kaunti sa akin pero nanatili pa rin siya sa aking harapan. Nang makita ko ang kaniyang magulong buhok, headphones na nasa kaniyang leeg at malalim na titig, kumalabog nang tuluyan ang aking puso. “Kapag may masakit sa iyo, ihahatid kita sa clini—” “No!” pasigaw kong wika sa kaniya. Nakita ko namang nagulat siya sa aking pagsigaw. Kaya kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kahihiyan. “I'm sorry,” nahihiya kong bulong. “Nabigla lang.” “I insist,” mababa niyang sambit. “Just tell me if you are hurt—” “Ayos lang ako. Salamat,” mabilis kong sambit at yumuko nang kaunti. “Pasensya na sa nangyari kanina. Mauuna na ako.” Mabilis akong naglakad palayo sa nagkumpulang tao dahil hindi na ako nakakahinga nang maayos. Ano ba ang nangyayari sa akin at sobrang lakas ng kabog ng puso ko magmula nang makita ko si David kanina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD