Chapter 4

1242 Words
“Napapadalas ka yata sa gala mo, ha?” Sumulpot na lang bigla si Linnea sa aking tabi. Kaya naman napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na sa pagmumuni ko ay lilitaw na lang bigla si Linnea sa aking tabi. “Ayan! Kape ka kasi nang kape!” sita sa akin ni Linnea. Hindi ko alam kung nasaan ang dalawa pa naming kaibigan pero nakakamangha at nakakainis talaga kung bakit sumusulpot na lamang si Linnea sa kung saan. “Ipinaglihi ka ba ng Mama mo sa kabute at kung saan-saan ka na lang sumusulpot?” pabalang na tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan kong nasa tabi ni Linnea at hindi man lang nagpakita ng emosyon dahil sa aking sinabi. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may ginawa akong masama. Nanliit ang kaniyang mga mata habang pumipindot ang kaniyang daliri sa kaniyang cellphone na para bang may kinakalikot na kung ano. Kaya nga napagpasyahan kong magtungo rito sa Coffee Shop para sana magmuni-muni kaso nahanap ako ng kabute kong kaibigan na para bang may sariling pang-amoy. “What?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. “Para namang may kasalanan o itinatago akong kung ano sa iyo.” “Mayroon nga,” seryosong sambit niya. Nalukot naman ang aking mukha dahil sa kaniyang isinagot. Kasi kung tutuusin ay wala naman akong kasalanan sa kaniya. Sadyang kung anu-ano lang na naman ang iniisip niya. “Nakita ko sa internet na palagi kang nasa bar,” kumpronta niya sa akin. Itinataas-baba pa niya ang kaniyang kilay na para bang sigurado siya sa kaniyang sinasabi. Well, aaminin ko namang nagpupunta ako sa bar dahil nga roon naman madalas ang gig nina Kuya Rowan. Sinusuportahan ko ang pinili niyang buhay dahil iyon naman talaga ang kaniyang gusto kahit pa siya ang tagapagmana ng kanilang kompanya at iba pang business. “Sino ang kasama mo roon?” tanong ni Linnea sa akin. “Hindi ka naman umiinom pero nakakagulat na iyan ang madalas mong gawin.” Napailing na lamang ako at piniling kainin ang natitirang chocolate cake sa aking in-order. Last subject na mamaya pero parang gusto ko ng umuwi dahil inaantok na ako. Boring din naman kasi ang last subject at paniguradong hihikab lang na naman ako. Wala pa naman akong absent at madalas ay nag-a-advance reading ako para hindi na makinig sa mga professor. Kaso paano ako makakaalis kung itong kaibigan ko ay balak akong guluhin para lang sa pagsuporta ko sa aking mga kaibigan? “Gusto ko lang naman mag-unwind,” sagot ko sa kaniyang katanungan. Ngunit narinig ko pa siyang umismid na para bang hindi naniniwala sa aking sinasabi. Hindi naman kasi ako nagsisinungaling pero itong kaibigan ko talaga, nasobrahan na masyado sa maling akala. Hindi ko naman puwedeng sabihin na sinusuportahan ko sina Kuya Rowan dahil paniguradong bibigyan na naman niya iyon ng malisya! Kilala ko na itong kaibigan ko, eh. Sure na sure na ako sa mga tumatakbo sa kaniyang isipan. Kaya kahit gusto kong sabihin na may mga kaibigan akong mga lalaki na sinusuportahan, baka aakalain niyang may mga gusto ako roon. Umiling na lamang ako at pinilig ang aking ulo. Medyo dry rin ang chocolate cake na in-order ko. Kaya naman mabilis kong kinuha ang iced coffee na binili ko saka ininom kaagad. “Unwind pero sa bar? Maniniwala pa ako kung sa mall ka gagala,” saad ni Linnea. Hindi ko na tuloy mapigilang mapairap na lang dahil nasosobrahan na si Linnea sa kaniyang iniisip. Ngunit sa pagpipigil ko ng aking inis ay lumitaw na naman ang isang pamilyar na lalaki na ilang table lang ang layo nila sa amin. Kagaya ng dati ay nakasuot siya ng headset at pinagkrus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Nakatingin lamang siya sa labas dahil nga glass wall naman ang Coffee Shop. Ngunit nang maramdaman niya ang aking titig, bigla lang siyang lumingon sa akin. Siya iyong nabangga ko noon sa hallway at tinakbuhan ko noon dahil sa sobrang kahihiyan. Kaya naman nanlaki ang aking mga mata dahil nga nakatitig lang siya sa akin. Ang pinagkaiba lang ay inaantok ang kaniyang mga mata. Naramdaman ko na lang ang hampas ni Linnea sa aking braso. Kaya napabalik ako sa reyalidad. “Nanigas ka masyado sa kinauupuan mo. Daig mo pa nakakita ng multo,” wika niya. “Baka nakalimutan mo ng huminga?” Doon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga. Kaya napalunok na lamang ako at kaagad na inilihis ang aking mga mata sa lalaking nakatitigan ko. Hindi ko alam ang pangalan niya. Gusto kong alamin pero natatakot ako. Hindi naman kami close. Saka ilang araw na ba ang lumipas noong nabangga ko siya? Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko lang ay mabilis ang naging oras. Ni hindi ko nga napapansin ang mga nangyayari. Basta nagugulat na lang ako ay Sabado na naman o hindi kaya ay Lunes na naman. Medyo nakakapagod na ngang mag-aral pero mas nakakapagod magtrabaho dahil hindi mo na hawak ang oras mo soon. Alam na alam ko iyan dahil kitang-kita ko kung paano maging hands-on ang mga magulang ko sa aming business. Kung si Mommy naman, oo madalas siyang nasa bahay pero kung kinakailangan naman siya ng kaniyang business ay nagtutungo naman siya kaagad. Kaya kung ako ang tatanungin kung gusto ko bang mapabilis ang oras? Ayaw ko. Masyado pang maaga. Hindi rin ako handang harapin ang mga naghihintay na problema sa akin pagkatapos kong mag-aral. Ngunit ano ba ang magagawa ko kung sakaling dumating na ang araw na iyon? Wala. Ang tanging puwede ko lang gawin ay harapin iyon at sapilitang lagpasan. Pagkatapos ng klase ay mabilis akong nagtungo sa parking lot. Balak ko nga sanang ihatid ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang bahay pero ang sabi nila ay gusto lamang nilang mamasahe na lang. Medyo labag pa naman sa kalooban ko pero wala na akong nagawa kung hindi ay hintayin muna silang makasakay sa jeep bago ako magtungo sa parking lot. Ngunit hindi ko naman inaakala na sa pagbalik ko sa parking lot ay makikita ko si David na prenteng nakasandal sa kaniyang mamahaling sasakyan habang nakapamulsa. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay niya pero minabuti ko na lamang na magpatuloy sa paglalakad at hindi ipinahalata na natigilan ako sa nangyari. Nararamdaman ko ring kumakalabog na naman ang aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Weird nga kung tutuusin pero hindi ko naman madiktahan ang aking puso tungkol dito. Sinubukan kong buksan ang aking sasakyan pero bago ko pa sana lakihan ang uwang nito ay bigla na lang may humarang at itinulak muli ang pinto ng aking sasakyan na naging dahilan para sumara na naman ito. “Where do you think you’re going?” baritonong boses na tanong niya sa akin. Nahigit ko naman ang aking hininga sa kaniyang ginawa at sinabi lalo na nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking likod. Nagsimulang manginig ang nakaangat kong kamay at naramdaman ko ring nanuyo ang aking lalamunan sa nangyari. “Uuwi na,” kinakabahang sagot ko sa kaniya. “Uh-huh?” naniniguradong sambit niya. “Mag-uusap pa tayo.” “Wala ka naman sa schedule ko.” Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa naging rason ko. Tama naman kasing wala siya sa schedule ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang magde-demand na kailangan naming mag-usap kung gayon na wala naman kaming dapat pag-usapan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD