Chapter 04

1037 Words
"BILISAN n'yo ang kilos. Naku! Mabubulyawan na naman tayo ni Sir Rave nito." Lalong hindi magkandaugaga si Louisiana kung ano ang unang bibitbitin. Kasalukuyang abala ng lahat ng katulogn sa malaking tahanan ni Sir rave dahil may nagaganap na party roon. Kaarawan ng kanilang amo at doon ginanapang kasiyahan. Hindi kumuha ng ano mang serbisyo mula sa mga caterer si Rave. Lahat ng pagkain at alak na ise-serve nila ay pinagtulungang lutuin ng mga katulong, kasama na roon si Lousiana. Madaling araw pa lang ay abala na silang lahat sa kusina. Ngayong gabi ang simula ng party. Eksaktong alas-otso raw, dapat ay naka-set na buong bahay para sa mga darating na bisita. Pati pag-aayos ng lahat kailangan sa party, mga mesa, upuan, sila-sila lang din ang kumilos. Kaya naman nang mga sandaling 'yon ay parang mahihimatay na sa sobrang pagod at gutom si Louisiana. Ni hindi na niya maalala kung nakapananghalian ba siya. Ni wala nga siyang naalalang nakapagpahinga man lamang siya. Halos isang buwan na rin siyang naninilbihan sa malaking bahay na iyon. Noong nakaraang linggo, nakita niya nang iabot ni Manang Lydia sa tatlo pa nilang kasama ang mga sobre na naglalaman ng sahod ng mga ito. Sumahod na ang mga ito at nakapag-day off na rin, ngunit siya ni isang kusing ay wala man lang natanggap. Ni wala ring araw ng pamamahinga. Sobrang yaman daw ng amo nila ngunit sobrang kuripot sa pagpapasahod. Maging sina Manang Lydia at ibang kasama ay nagrereklamo rin sa pasahod nito ngunit wala naman daw magawa. May mga utang daw ang mga ito kay Sir Rave na ibinabawas sa sahod ng mga ito. Hangga't hindi sila nakakabayad ay walang puwedeng umalis o magreklamo. Naawa sa kaniya si Manang Lydia kaya inabutan siya nito ng limang daan nang makasahod nito.. Ibili niya raw ng mga personal na pangangailangan niya iyon. Naalala niya nang matanggap ang bigay nito. Halos mapaiyak siya dahil iyon ang unang beses na nakahawak siya ng ganoong halaga. "Naku, Louisiana, kakupad mo talaga," ani Loren na isang katulong din at matanda ng sampung taon sa kaniya. "Nasaan na ang mga plato at kutsara? Kanina ko pa iyon sinabing magdala ka na rito, 'di ba?" "Oo, Ate Loren. Saglit lang." Isang tray na may lamang kopitang pang-alak ang dala niya. Maingat na inilapag niya iyon sa pahabang mesa. Si Loren ang nag-aayos ng mga kubyertos aat mga panggamit sa pagkain sa harapp kaya panay ang utos nito. Dali-dali nang bumalik si Lousiana sa loob. Pagdating sa kusina ay agad niyang inasikaso ang hinihingi ni Loren. Naglagay na siya sa tray ng mga bagong hugas at tuyong mga puting plato. Hindi na niya natantiya kung gaano kabigat, basta ang ibig niya ay makarami ng hatid dito nang matapos na sila sa lahat ng gawain. Napangiwi siya nang halos bumaligtad ang kamay niya nang angatin ang tray. Ngunit imbes na bawasan ay itinuloy niya ang paghahatid niyon sa malawak na bulwagan kung saan gaganapin ang magarbong party. "Ano na? Hindi pa rin kayo tapos? Ano'ng oras na?" Kalalabas niya lang mula sa dulong espasyong sakop ng kusina ay narinig na niya agad ang mabalasik na sigaw ni Sir Rave. Magpahanggang ngayon, nagugulat at nahihintakutan pa rin siya kapag naririnig ang boses nito. Hinding-hindi mawaglit sa isip niya kung paano siya nito ipinahiya sa bisita nitong si Sir Stanli noong nakaraan. Ang muntik na nitong pagsampal sa kaniya, at pagsigaw nito na wala naman siyang maapuhap na dahilan.. Kapag nakikita niya ito at tinatapunan siya nito ng masamang tingin ay pinanginginigan na siya ng mga tuhod. "M-Malapit na po, Sir Rave. Bilisan mo, Lousianna." Sa pagbanggit ni Loren ng pangalan niya ay nagawi tuloy sa kaniya ang mga mata ng amo. At tulad ng palaging nangyayari, nanlilisik na naman ang tingin nito sa kaniya. "Bilisan mo ang kilos mo, tonta!" Nameywang at idinuro pa siya nito. Para siyang sinilihan at nagmadali sa paglalakad. Hayun na naman ang takot sa kaniyang dibdib. Hindi siya maaaring magkamali sa harap nito dahil tiyak na makakatikim na naman siya ng hagupit ng kamay nito. Ngunit binibiro yata siya ng taghana. Saktong naroon na siya at ilalapag na ang bitbit sa mesa nang biglang ma-out of balance iyon sa kamay. "Ahhh!" napasigaw si Loren. Ganoon din si Louisiana na halos mawala sa sarili nang makita kung ano ang sinapit ng mga platong bitbit niya. Basag halos lahat ng 'yon na nagkalat sa sahig. Nagsitalamsikan ang mga bubog. Hindi niya magawang kumilos nang mga oras na 'yon dala ng sobrang shock at takot. Nag-angat siya ng tingin. Ni hindi niya nga alam ang gagawin at kung paano hihingi ng paumanhin kay Rave ay sinalubong na siya malakas na sampal nito. Malutong na nagmura ito. "Wala ka talagang magandang dulot na p*t*ngin* mo ka! Lumayas ka sa harap ko ngayon din. Ayokong makikita ang pagmumukha mo sa buong party." Kung hindi siya nakaiwas agad ay malamang na tinamaan ulit siya ng nakaamba na naman sana nitong kamay. Umiiyak na nagtatakbo pabalik sa kusina si Louisiana. Ppagdating doon ay agad siyang inusisa ni Manang Lydia. "K-Kasalanan ko po. Nawalan ako ng balanse," amin niya sa nangyari kahit ang totoo, kung wala roon si Rave ay tiyak na hindi iyon mangyayari. Umiiyak siya dahil sa takot at sakit ng panga na tinamaan ng kamay ni Rave. Halos pagdiliman siya ng paningin kanina. Halos mabali ang leeg niya sa tindi ng lakas niyon. "Na bata ka, hindi ka na talaga nadala. Sinabing huwag kang matataranta kapag nandiyan si Rave." Sa lahat yata ng tao sa malaking bahay na 'yon ay si Manang Lydia lang ang tanging hindi natatakot kay Rave. Siguro dahil ito ang pinakamatagal na naninilbihan doon. O dahil sanay na sanay na ito sa napakasamang ugali ng amo. "D-Dito na lang ako sa loob ng kusina, Manang Lydia. Ako na ang bahala sa lahat ng mga hugasin mamaya. A-Ayaw raw akong makita ni Sir Rave sa buong oras ng party." Isang buwan pa lang siya roon. Ibig sabihin, may labing isang buwan pa siyang bubunuin para tuluyang makalaya mula sa lugar na 'yon. Sana ay makaya niyang umabot hanggang sa panahong iyon. Oras na makalaya ay titiyakin niyang hinding-hindi na muli magku-krus ang landas nila ng Rave na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD