MALALIM na ang gabi at kanina pa nagsisimula ang party. Ilang dosenang plato at mga baso na ang hinuhugasan ni Lousiana ngunit wala pa ring tigil sa pagdadala roon ang mga kasama niya. Bukod sa nababagot na siya at nananawa sa gawaing naatang sa kaniya sa kusina ay kanina pa niya gustong-gustong makiusyoso sa mga nagaganap sa party.
Ngunit gustuhin man niyang sumilip ay siya na rin mismo ang pumipigil sa sarili. Para ano? Para kainggitan ang mga magagandang babaeng bisita ng amo niya? Para lalong manlimahid at bumaba ang tingin sa sarili niya? Pangarapin man niyang mapabilang sa mga ito, alam niyang napaimposibleng mangyari. Bukod sa kaniyang hitsura, wala rin siyang pinag-aralan. Grade six lang at natapos niya. Magsulat nga ng sarili niyang pangalan ay hirap na hirap siya.
Nang matapos sa huling hugasin ay saglit na naisipan ni Louisiana na magpahangin sa labas. May daan sa likod sa may dirty kitchen kung saan siya naroroon. Alam niyang walang bisitang magagawi roon dahil likod na bahagi na iyon ng malaking bahay.
Sinubukan niyang buksan ang ilaw na nasa labas ng bahay upang kahit papaano ay may maaninag siya sa dilim ngunit pundi na ang bombilya. Gayunpaman ay nagpatuloy siya sa paglapit sa dalawang puno ng mahogany roon. Ang alam niya ay mayroon doong duyan na ginawa ng mga kasama niyang katulong. Sa tulong ng maliit na liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa bintana mula sa loob ng malaking bahay ay nakita at nakasampa siya sa duyan. Prente siyang naupo roon habang nakahawak sa magkabilaang tali ang mga kamay.
Naroon siguro siya, wala sa hinagap na nasabi niya sa isip. Kasabay niyon ang paglitaw ng gunita sa kaniyang alaala. Ang mukha ng lalaking ilang gabing hindi nagpatulog sa kaniya. Ang kaisa-isang lalaking hindi man lang napangiwi nang makita siya, ipinagtanggol pa siya sa amo niyang nuknukan nang sama ang pag-uugali.
Hindi niya malilimutan ang araw na iyon. Iyong concern at simpatiyang nakita niya sa mga mata nito. Iyong hindi man lang nito pagkabahala kahit sinisigawan na ito ni Rave.
Buong buhay niya, hindi niya akalaing makakatagppo siya ng ganoong lalaki. Iyong hindi manghuhusga sa panlabas na anyo. Sa totoo lang, unang kita niya pa lang dito ay ramdam na niya agad na mabuti itong tao.
May ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi habang ini-imagine ang mukha ng lalaki. Si Sir Stanli.
Mayamaya ay pumailanglang ang malamyos na musika mula sa loob. Dahil may inilagay silang speaker sa labas ay abot din doon ang tugtog. Tunog mula sa isang instrumento ang musika. At kahit wala siyang naririnig na liriko mula roon ay nai-imagine na niya patungkol saan ito.
Within it, she could imagine herself in the arms of someone else. Iyong lalaking mahigpit ang pagkakahapit sa katawan niya at kung mmakatitig sa kaniya ay tila siya ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng naroroon. And to her, he was also the most gergeous man she had ever seen her whole life. At ang turing nito sa kaniya ay isang babasaging kristal na kailangang pakaingatan. He was her knight in shining armor, her prince. AT sa isipan niya, isang imahe ang naglalaro roon. Ang lalaking unang beses pa lang niyang nakikita ay nagpatibok na agad sa kaniyang inosenteng puso. Lalaking alam niyang hanggang sa pangarap lang niya makakayang abutin. Dahil kahit alam niyang may mabuting puso ito, hindi naman siguro ito tanga para siya ang mahalin.
AY! Napasinghap siya nang tumampal sa kaniyang mukha ang malamig na hangin. Saka niya lang na-realize na para siyang tangang nakapikit doon. Muntik pa siyang malaglag nang mapabitaw ang isang kamay sa tali ng duyan. Inayos niyang muli ang sarili at tumuwid sa pagkakaupo. Mabuti na lang at siya lang ang tao roon, madilim at walang makakakita sa kaniya. Kung paano siya parang tanga sa hitsura niya kanina.
Huh? Ngunit hindi. Mukhang hindi siya nag-iisa roon. Sa isang sulok sa may bandang dulo ng bahay ay may natatanaw siyang isang malaking bulto. It was enough for her to figure out na marahil isa iyong lalaki dahil nga sa pangangatawan nito at tabas ng buhok. The man was smoking. Kitang-kita niya sindi ng liwanag ng sigarilyong hinihithit nito. Sandali pa niya itong pinagmasdan hanggang sa mayamaya ay tila may dinukot ito sa bulsa. Cellphone. May tinatawagan ito.
Habang naghihintay sa pagsagot sa kabilang linya ay itinapon na nito ang upos na sigarilyo sa may bermuda grass at tinapak-tapakan. Dinig niya ang sunod-sunod din nitong pagbubuga ng hangin. Sandali pang nagtalo sa isip ni Louisiana kung kikilos na ba siya para pumasok sa loob o hindi pa. Kapag gumalaw siya, tiyak na mapapansin siya ng lalaki. Bagay na ayaw niyang mangyari dahil kapag nakita siya nito ay baka kung ano ang masabi sa kaniya. Hahanap na lang siya ng tiyempo. Siguro naman din ay aalis din doon ang lalaki pagkatapos nitong makausap ang kinokontak nito.
"Where are you? Bakit hindi ka pumunta?"
Natulos siya sa kinauupuan nang mahagip ng tainga ang pamilyar na boses. Ang boses na 'yon na lalaking-lalaki ngunit kababakasan ng lambing.
Saglit nitong dininig ang sinasabi sa kabilang linya.
"Sinusundo kita kanina pero ayaw mo. Don't tell you're busy again. Kauuwi mo lang, 'di ba?" Kababakasan ng lungkot ang boses nito. At hindi alam ni Louisiana kung bakit pati siya ay parang nalulungkot din. Ppara kasing nagsusumamo ang tono nito. Sino kaya ang kausap nito? Girlfriend? Hindi malabong magka-girlfriend ito ubod naman talaga ito ng guwapo. At mabait din.
"Right. Okay. Then I guess, uuwi na lang din ako nang maaga. Walang dahilan para manatili pa ako rito. Akala ko susunod ka at makakasama kita. Hindi pala. Hintay ako nang hintay sa 'yo, sana sinabi mo na lang agad."
Kahit hindi nakikita ni Louisiana ang mukha ni Stanli ay alam niyang bagsak ang balikat nito at malungkot. Kung girlfriend ang kausap nito sa kabilang linya, aba'y napakatanga nito. Sino ito para paasahin nang ganoon si Sir Stanli?
Kung ako ang babae ay hindi ko iyon gagawin sa kaniya. Hindi ba nito alam kung gaano ito ka-swerte sa kaniya?
Naalarma siya nang magsimulang humakbang ang lalaki. Palapit ito sa gawi kung nasaan siya!
"s**t! Is somebody there?"
Tutop ni Louisiana ang bibig upang pigilan ang ano mang tunog na maaaring lumabas doon. Bago pa ito tuluyang makalapit ay halos palundag siyang umalis sa duyan at nagkubli sa katawan ng malaking puno.
Habol-habol niya ang hininga. Sana ay matakot ito at umalis na.
"Hello? Is somebody there?"
Pero mukhang matapang ang lalaking pinagtataguan niya. Gamit ang flash ng cellphone ay nilentihan ni Stanli ang paligid. Naglikot-likot ang liwanag kaya alam niyang naghahanap ito. At nakikita niya na palapit sa likod ng malaking puno ito kung saan siya nagtatago.
"May tao ba riyan? I think I saw somebody move."
Hindi nakakaintindi ng salitang Ingles si Louisiana ngunit sapat na ang kilos nito upang maisip niya na talagang inuusisa siya nito.
At huli na bago pa siya makapag-isip. The next things she knew, nasisilaw na ang mga mata niya dahil sa liwanag. Nakatapat ang ilaw sa kaniyang mukha.
"N-Naku! S-Sorry, Sir. W-Wala po akong intensyong masama!" tarantang depensa niya agadsa sarili. Tinakpan niya ng kamay ang kaniyang mukha, yumuko rin siya.
"Jesus! Akala ko ay kung sino na. Ano'ng ginagawa mo rito? Madilim dito at... Bakit ka biglang nagtago?" Nakatitig ito sa kaniyang mukha. Agagd din siyang nakilala.
Hindi man lang kababakasan ng inis sa boses ni Stanli. Instead ay iyong tonong may pag-aalala pa nga. Dahil sa isiping iyon ay unti-unting napanatag ang loob ni Louisiana. Maanong sabihin niya ang totoong dahilan na nagpapahangin lang naman siya roon? Maliban sa bigla itong sumagi sa isip niya at biglang pinantasya.
"A-Ano po kasi, Sir... K-Kuwan, n-nagpapahangin lang po ako." Sunod-sunod siyang bumuntong-hininga para alisin ang kabog sa dibdib.
"Oh. Did I scare you? I'm sorry.."
I'm sorry... iyon lang ang tanging naintindihan niya kaya tumango na lamang siya. "S-Sige po, Sir. Papasok na ako sa loob -"
"Sandali!"
Lalong tila nawala sa katinuan si Louisiana nang maramdaman niya ang mainit na kamay nitong nakakapit sa braso niya. Pinigilan nito ang akmang pagtalikod niya rito at pagpasok sa loob. Nilingon niya ito.
"B-Bakit po?"
Pinatay ni Stanli ang flashlight ng cellphone. "W-Wala naman. Kailangan ko lang ng makakausap."
"P-Po?" Nanlaki ang mga mata niya. Siya? Gusto nitong makausap.
"Oo, pero kung ---"
"Louisina!" Malakas na tawag mula saa loob ng dirty kitchen. Bigla niyang nahila ang kamay na tangan ni Stanli. Pinakawalan naman siya ng binata. "Louisiana, nasaan ka? Andami mo na ulit hugasin dito!" Tinig iyon ni Manang Lydia.
Nakaramdam ng inis noon si Louisiana. Wrong timing naman kung kailan may pagkakataon silang magkausap ni Sir Stanli.
"Hinahanap ka na pala sa loob. Sige na. Pumasok ka na." Sa huli ay ito pa ang nagtaboy sa kaniya.
Hindi siya umimik at bahagya lang na ngumiti rito. Minsan pa, inaninaw niya sa dilim ang bulto nito. Habang naglalakad siya pabalik sa loob ng dirty kitchen ay sapo niya ang braong hinawakan nito. Pakiramdam niya ay naroon pa rin at nakadikit ang mainit na palad nito.
"Saan ka ba nagpupupunta? Tambak na ulit ang mga hugasin!" Sinalubong siya ng istriktong sikmat ng mayordoma.
"W-Wala po. Nagpahangin lang ako," aniya saka deretso punta sa may lababo. Ni hindi na niya inalintana pa ang ilang sinabi nito. Sinimulan na niya ang mga dapat gawin nang may galak sa puso. Hindi pa rin siya lubusang makapaniwala. Talagang nagkita at nagkausap sila sa likod ni Sir Stanli?