"WHAT took you so long? Ang usapan natin, alas-diyes, 'di ba? Alas-onse y media na!" bungad ni Rave nang makita nito si Stanli na nakaupo sa couch na nasa sala. Pababa pa lang ito ng hagdan ay salubong na agad ang mga kilay.
Ngunit imbes na maapektuhan sa reaksyon ng kaibigan na kaniya ring business partner ay nagawa pa itong ngisian si Rave. "Sorry, 'tol. May tinapos lang akong meeting with Mr. Infanta. Kung hindi ako nagkakamali, sinabihan na kitang male-late ako nang kaunti, hindi ba?"
"Kaunti, I was expecting it to be just twenty minutes or less."
Pormang-porma ang ayos ng kaibigan niya. Mukhang may lakad ito at male-late na kaya aburidong-aburido. But then again ay hindi pa rin siya nababahala roon.
"I have here the blueprint ng hinihingi mo sa 'kin no'ng nagdaang araw. Take a look. If you have something to object, just tell me." Inilabas niya mula sa bitbit na bag ang tinutukoy na blueprint. Naka-folder iyon, agad na inabot ni Rave at pinasadahan ng tingin.
They were best of bestfriends. Highschool hanggang college ay magkasama sila sa eskuwelahan. Sa parehong unibersidad din sila nagtapos sa Maynila. Architecture ang kurso niya, samantalang ito ay engineering. Ngayon ay business partners sila sa construction firm na itinayo nila three years ago.
Parehong mayaman ang pinagmulan nilang pamilya. Anak ng politika sa pprobinsya si Rave ngunit dito sa Maynila nakipagsapalaran. Siya naman, ang yumao niyang ama ay may-ari ng malaking plantasyon ng asukal sa Batangas. But when it was left to his mother ay nagkaletse-letse ito, tuluyang nagsara at nalugi. May malaking pamana ang kaniyang ama para sa kaniya na nananatiling nasa bangko na halos hindi niya galawin. Nabawasan niya noong nag-aaral siya pero ngayong kumikita na at unti-unting nakikilala ang construction firm nilang magkaibigan ay muli niyang ibinabalik ang lahat ng nabawas niya. He just wanted to prove na kaya niya ring kumita ng sariling pera at hindi siya umaasang masyado sa kaloob ng ama.
"Good."
Naupo si Rave sa katapat na sofa saka pabalyang inihagis ang folder sa ibabaw ng mesa. Aware at sanay na si Stanli sa may pagkabruskong kilos ng kaibigan kaya balewala na iyon sa kaniya. SA kanilang dalawa, ito ang palaging nag-aastang boss pero dahil nga sanay na siya ay wala na siyang paki. Ang mahalaga lang sa kaniya ay natupad niya ang dreamjob niya. Ang magdisenyo ng bahay, 'yon lang.
"What about the other task that I asked you?"
Natahimik si Stanli. Sandaling napaisip. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito nang hindi ito nagagalit na hanggang ngayon ay walang progreso sa pinag-uutos nito sa kaniya. Matagal na sa kaniyang sinasabi iyon ni Rave pero ilang buwan na ay bigo pa rin siyang makapagsabi rito ng magandang balita.
"Wait a little longer," sagot niya matapos ng ilang sandali.
"Damn!" malutong na mura nito saka nang-uuyam siyang tinapunan ng tingin. "Mahina ka talaga, Stanli Gomez."
What he was asking him ay ang pagkombinsi niya sa kaniyang Lola Latrinidad na ipagbili rito ang Hacienda Latrinidad. From its name itself, pag-aari iyon ng kaniyang Lola na ina ng kaniyang ama. It was located too in Batangas near the beach na sakop din ng hacienda. Hanggang ngayon ay productive pa rin ang hacienda dahil may katiwala roon ang lola niya na namamalakad doon. While his beloved grandmother was still acting as the chairman of her own cosmetic company na halos 30 years nang namamayagpag sa industriya. Iyon ang major business ng kanilang angkan pero ni minsan ay hindi man lang siya nakatungtong sa premises ng kompanyang iyon. It's not that he was banned. Ayaw niya lang tanggapin ang alok ng lola niya na tumulong siyang magpatakbo niyon dahil nga hindi iyon ang pangarap niyang maging trabaho. Hindi siya interesado sa mga gamit na pampaganda, ang gusto niya ay bahay.
"Hindi ko puwedeng pilitin ang Lola. Sinabi na kasing hindi iyon ipinagbibili."
Rave was interested na gawing subdivision ang lugar. Bukod sa malapit sa isang maganda at hindi pa abosadong beach ay hindi rin masyadong nahahagip ng malakas na bagyo ang lugar na 'yon. Malawak ang ektarya ng lupa na balak din nitong patayuan ng resort at golf course. He was dreaming it to become a safe haven sa mayayamang tao sa bansa. Where they could relax and build their homes, 'yong malayo sa polusyon ng syudad at mga krimen. Of course the price would be really pricey. Pangarap ni Rave na kumita nang bilyon-bilyon doon.
"Masamang damo siguro 'yang lola mo. Ang tagal ng buhay sa mundo eh," pumapalatak na biro ni Rave.
"Damn. That's crossing the line, man." Hindi man sila close ng lola niya, ni minsan hindi siya humiling ng masama tungkol dito.
"I know. Kaya nga nakangiti. I'm just kidding." Patuya pa rin ang tono nito.
Naudlot ang tangkang pagsagot niya rito nang dumating ang isang katulong na may tangan ng kanilang merienda. Napatingin siya rito. Ito ang katulong na nagbukas ng gate sa kaniya kanina. Kitang-kita niya ang pagkaasiwa sa mga mata ni Rave habang pinagmamasdann din ito. He knew his bestfriend since then at isa sa mga ayaw nito ay ang makakita ng mga babaeng pinagkaitan ng kagandahang hitsura.
"Bilisan mo ang kilos mo.. Get out of our sight, quick!" sigaw pa nitong halos dumagundong sa malaki nitong bahay.
Kasalukuyang inilalapag ng babae ang tray at dahil sa gulat ay na-out-of balance ang basong may lamang juice at tuluyang natapon ang laman. Kung hindi naman talaga mamalasin, dumulas pa ang isang baso sa tray at tuluyang nabasag nang malaglag sa sahig.
Abot-abot ang pagmumura ni Rave. Natalsikan ang suot nitong puting polo pati ang pambaba. May tumalsik din sa leather shoes niya ngunit hindi niya alintana. Ang ikana-alarma niya ay ang mabilis na pagtaas ng kamao ng kaibigan na akmang isasapak nito sa katulong.
"Huwag, pare!" Maagap niyang napigilan iyon. Nasalag niya ang suntok na tatama sana sa pisngi ng babae. Nakapikit naman ang huli na handa na sanang tanggapin ang nakaambang sakit. Natigilan at halatang nagulat din si Rave sa mabilis na naging aksyon niya ngunit agad ding nakabawi.
"Fool. At bakit mo ipinagtanggol ang babaeng 'yan?"
Ngunit imbes na intindihin ang nanggalaiting si Rave ay sa babae muli na-focus ang kaniyang atensyon. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya habang unti-unting nagbubukas ng mga mata. The moment their eyes met ay sinenyasan niya itong kumilos na. Taranta pa rin, kumilos na nga ang babae para ayusin ang kalat na nilikha nito.
"Damn you. Lalo mong pinaiinit ang ulo ko," buwisit pa ring talak ni Rave. Tumulong pa siya sa katulong na damputin ang isang bubog na nilagay niya sa tray. "Leave!!" muling sigaw nito sa nataranta na namang katulong na halos madapa pa nang tumalilis ng alis. Gigil na tinapunan muna nito ng tingin ang namantsahang polo bago sa kaniya muling bumaling. "You too, leave."
Alumpihit si Stanli. Huwag nitong sabihing dahil lang sa isang katulong ay nag-init nang tuluyan ang ulo nito?
Siya naman ang pumapalatak ngayon. "Masyado yatang mainit ang ulo mo sa bagong katulong mo, Rave."
Nang una niyang makita ang babae ay napaghalataan niyang galing ito sa pag-iyak. May pamumugto sa ilalim ng mga mata nito. Hindi na siya magtataka dahil sa klase ng amo nito. He wondered kung paano napadpad kay Rave ang babaeng iyon. Sa totoo lang, may ugali pa si Rave na tanging siya at ang mga matatagal na katulong lang ang nakaaalam.
"None of your business. Now, leave! Iwan mo lang ang blueprint."
Hindi na nga lang siya nakipag-argumento pa at umalis na lang. Mukha ngang mainit ang ulo nito. Kung bakit ay hindi niya alam.