ANAK? sa isip ni Louisiana.
Hindi alam ni Louisiana ang mararamdaman habang sinusundan niya ang nagmamadaling si Manang Lydia. Parang takot na takot ito sa nangyayari. Panay ang tawag nito kay Sir Juancho ngunit tila wala namang naririnig ang huli. Tuloy-tuloy ang pasok nito saloob kasama ang ilang tauhan. Saglit na napalingon pa sa nakabukas na gate si Louisiana. Nagtalo pa ang isip niya kung isasara muna ba iyon o uunahin ang pag-uusyoso sa mangyayari. Sa huli, pinili niyang pumasok sa loob.
"S-Sir Juancho! S-Saglit at ako na ang tatawag kay Sir. Dito na lang kayo sa sala maghintay!" pahabol na sabi pa ng mayordoma . Tumigil sa akmang pag-akyat ng hagdanan si Sir Juancho at mabalasik ang tingin ipinukol dito.
"Hayaan mo ako at gusto kong patunayan ang mga naririnig kong balita tungkol sa tarantadong batang ito. Huwag ka nang mangialam." Pagkuwa'y nagtuloy na ito sa pag-akyat, kasunod ng mga tauhan. Tulalang naghihintay pa rin sa magaganap si Louisiana nang magulat nang may humablot sa braso niya.
"Ikaw kasing babae ka, sabad ka nang sabad! Sasabihin ko bali kay Sir Juancho na wala rito si Sir Rave." Si Manang Lydia na ngayon lamang niya nakitang ganoon katiim ang hitsura.
Awang ang mga labing napabiling-biling ang ulo niya. "S-Sorry po. Nagsabi lang naman ako nang totoo. S-Saka malalaman din naman niya siguro na nandito si Sir Rave kasi nandito ang kotse..." At tiyak namang maghahalughog si Sir Juancho sa buong bahay. Sa huli ay mapapatunayan din na nagsisinungaling si Manang Lydia. Bakit kasi hindi na lang nito sabihin ang totoo? Bakit tila gusto pa nitong ipagtanggol ang Rave na 'yon.
"Wala kang alam kaya hindi ka dapat nangingialam!" asik pa rin ng matanda. Kapwa sila natilihan nang may malakas na lagabog ang narinig nila mula sa itaas. SInira na pala ng mga tauhan ni Sir Juancho ang pinto ng kuwarto. Kasunod niyon ay nakarinig sila ng malalakas na tili. Malamang ay sa dalawang babaeng kasalukuyang kasama ni Rave sa loob. Tarantang nagsitakbuhan palabas ang mga ito. Halos hindi na maayos ang damit at sa sobrang pagmamadali ay hindi na nakapagsuot pa ng matataas na sapatos. Deretso ang mga ito hanggang l Dahil kasalukuyang naglilinis sa may living area si Loren ay saksi rin ito sa mga nangyayari. Kahit ang driver nila ay naroon na rin.
"D-Dad!"
Noon lang niya narinig at nakita ang sindak na sindak na boses at mukha ni Sir Rave. Isang malakas na sapok ang pinatama sa mukha nito ng ama. Hindi lang isa dahil kita niyang nasundan pa iyon. Kitang-kita nila ang mga pangyayari dahil umakyat pa sila ng hagdan. Nauna si Manang Lydia na tila gustong-gustong umawat. Walang suot si Sir Rave maliban sa boxer shorts nito.
"P*t*g***na mo talagang bata ka. Kahit kailan, wala kang ginawang matino sa buhay mo. Pinauuwi na kita sa Nueva Ecijah pero iniignora mo ako. Ang sabi mo, out of the country ka ngayon? Akala mo hindi ko malalaman itong mga katarantaduhang ginagawa mo, ha? Wala ka talagang silbi. Wala kang kuwenta!" Dahil nakalugmok na sa sahig at hindi na maabot ng mga kamao ay pinagsisipa naman ito ng ama. Dumudugo na ang ilong at labi ni Sir rave at dumadaing na ito sa sakit ngunit hindi a rin ito tinitigilan ni Sir Juancho.
"S-Sir Juancho! Sir Juancho maawa na kayo!" muling sigaw ni Manang Lydia. Halos lumuha na ang matanda na tinangka pang umakyat at lumapit sa mga ito. Ngunit hindi natuloy dahil pinigilan ito ng mga tauhan.
"Huwag kang mangingialam dito dahil sa ka lang namang dakilang katulong nitong alaga mo. Hangga't hindi natuturuan ng leksyon ang gagong ito, hindi ito matututo."
Ngunit imbes na tulad ni Manang Lydia na maawa dahil sa sinapit ni Sir Rave ay lihim pang natutuwa si Louisiana. Matapang ka lang pala sa mga katulong at walang laban sa 'yo, Sir Rave. Pero takot ka pala sa tatay mo.
Pinanood niyang maigi kung paano dumaing at magmakaawa si Rave sa ama. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkapahiya. Nakita niyang nagawi ang tingin nito sa kaniya ngunit imbes na matakot at magbaba ng tingin, sinalubong niya ang mga mata nito at bahagya pa siyang napangiti.
"Kung hindi pa rin susundin ang sinasabi ko sa 'yo, magkalimutan nang mag-ama tayo. Hindi ko kailangan ng anak na suwail." Isang malakas na tadyak pa sa tagiliran ang iginawa ni Sir Juancho rito bago ito tuluyang nilubayan. Parang binuhusan ng malamig na tubig na nagsipulasan sila nang mabaling naman sa kanila ang nanlilisik na mga mata ng huli. Mas nakakatakot ang aura nito sa totoo lang kaysa sa amo niyang si Rave. Ngayong natuklasan niyang may kahinaan at kinatatakutan naman pala ito ay nabawasan ang takot na nararamdaman ni Louisiana sa amo. Gaya nga ng sinabi niya sa isip, matapang lang si Rave sa kagaya nila.
. . . . .
"HINDI ko man lang siya napagbalaan."
Ilang oras na ang nakalipa mula nang nangyari kanina ay bukambibig pa rin iyon ni Manang Lydia. Tahimik na ang buong kabahayan dahil nakaaalis na sina Sir Juancho at mga tauhan nito. Hindi na nakatiis si Louisiana at sinagot ito.
"S-Sa tingin ko po, tama lang ang ginawa ni Sir Juancho kay Sir Rave. M-Masama naman po talaga ang ugali niya, pati ang mga ginagawa niya."At hiling niya, sana nga ay sundin na ni Sir Rave ang utos ng ama nito kung ano man iyon. Dinig niya ay pinauuwi ito sa Nueva Ecijah. Kapag nakauwi na ito roon ay mawawala na ito sa landas niya. Hindi naman siya nito isasama roon kung sakali. At oras na umalis ito, iyon ang sasamantalahin niya. Tatakas siya.
"Manahimik ka!" muli ay nasigawan siya ng matanda. "May kaparte ka sa nangyari. Kasalanan mo ang lahat ng ito!"
Natameme siya. Paano niyang naging kasalanan ang nangyari? Nagsabi lang naman siya nang totoo. Kung meron mang may kasalanan at sanhi ng lahat, walang iba iyon kung hindi si Rave mismo. Suwail naman pala itong anak eh...
"H-Hindi ko naman po talaga ---"
"Sinabi kong manahimik ka!"
Nabulahaw sila dahil sa malalakas na tunog na sunud-sunod na umalingawngaw mula sa itaas. Tarantang kumilos si Manang Lydia upang akyatin ang silid ni Rave na wala naman ibang pagmumulan ng mga ingay na iyon. Sumunod si Louisiana. Nagpapahinga na nang mga sandaling iyon si Loren dahil muling inatake ng sakit at ang driver naman nila ay umuwi kanina. Mga nagkakandabasag namang mga gamit ang sunod nilang narinig. Mukhang nagwawala nga si Rave sa loob.
"S-Sir Rave! Sir Rave, buksan ninyo itong pinto." Sunud-sunod na kumatok ang matanda.
Ngunit nang patuloy na pagbabasag sa gamit ang kanilang narinig ay napilitan si Manang Lydia na utusan si Louisiana na kunin ang mga susi sa lagayan at puwersahan na nilang binuksan ang pinto. At doon nakita nila ang magulong kuwarto. Parang pinasabugan iyon ng granada sa sobrang kalat ng mga nagkasira at nagkandabasag na gamit. Kahit ang aircon ay hindi pinatawad ni Rave. Ang malaking flat screen tv.
"Hindi ba sinabi ko sa inyong kapag dumating ang daddy ay huwag na huwag n'yong sasabihin? Wala man lang nagsabi sa akin na nandito ang matandang 'yon. Why didi't you warn me?" Galit na galit ito habang nagbabaling ng tingin sa mayordoma. Tahimik at nanginginig naman sa takot si Louisiana na nasa likuran lang nito.
"P-Pasensya ka na, Sir Rave. Kahit ako ay nabigla rin sa pagdating niya. Hindi kita nasabihan dahil dere-deretso siya..."
"You!" Parang pinako at nakakita ng multo si Louisiana nang siya naman ang pag-ukulan ng nanlilisik na mga mata ni Rave. "I saw you smiling at me habang binubugbog ako ng daddy. Deep inside I know you're laughing at tuwang-tuwa ka sa nangyari. Hindi ko palalampasin iyonna pangit ka. Isa ka sa makakatikim sa akin."
Nang makita niyang namimili ng kung anong mapupulot si Rave mula sa mga nagkabasagang gamit ay noon nataranta at napakilos si Louisiana. Hindi siya ganoon kaboba upang hindi maisip ang posibleng pinaplano nito. Sasaktan siya nito. At hinding-hindi na niya pahihintulutan iyon.
"Bumalik ka rito. P*******na mo!"
Ngunit dere-deretso pa rin siyang lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Ayaw na niya, hindi na niya matitiis pang manatili sa lugar na 'yon. Mukhang mas magiging ligtas pa siya kung nasa labas siya kasama ang mga taong hindi niya kakilala. Habang nandoon siya sa bahay na iyon, alam niyang lalong walang patutunguhan ang buhay niya. Kung hindi pa siya kikilos ngayon upang makaalis sa lugar na 'yon, kailan pa? Sa tindi ng galit na nababasa niya sa mga mata ni Rave, ramdam niyang hindi lang siya masasaktan ngayong gabi, baka manganib pa ang buhay niya.
"Louisiana!!" Umalingawngaw ang galit na galit na boses ni Rave sa buong kabahayan. Ngunit imbes na tumigil ay nagpatuloy sa pagtakbo ang dalaga. Pagbaba niya ng hagdan ay hindi siya dumeretso sa gawi ng kuwarto nila kung hindi sa pinaka-maindoor. "Louisiana!"
Binuksan niya ang pinto at tinakbo ang gate. Walang iba sa isip niya nang mga sandaling iyon kung hindi makaalis. Wala siyang dala miski na ano. Wala ni isang kusing pero bahala na. Ang mahalaga ay makatakas siya. Saka na lang niya poproblemahin ang ibang problema.
Nang makalabas ng gate ay lalo niyang binilisan ang pagkaripas ng takbo. Hirap nang masundan siya ni Rave. Mabuti na lang at medyo nasa b****a lang ng malawak na subdivision ang loteng kinatitirikan ng bahay nito kaya agad niyang natanaw ang gate palabas. Umiiyak pa siya habang tumatakbo. As if she was running for her life. Panay rin ang lingon niya sa kaniyang likuran. Wala man siyang nakitang sasakyan na sumusunod na sa kaniya ay ayaw pa rin niyang pakampanteng hindi siya susundan ni Rave.
Hanggang sa makarating siya sa labas. Binuluga siya ng mga mabibilis ang takbong sasakyan.
Sandaling nagpahinga upang pakalmahin ang hinihingal na dibdib si Louisiana bago nagpatuloy sa walang dereksyong paglalakad. Saan man siya ipadpad ng mga paa ay bahala na. Mas pipiliin niyang magpalaboy-laboy kaysa magtiis sa bahay ng Rave na 'yon. Wala na siyang pakialam kung magalit man ang kaniyang ina. Maging dito ay may galit din siya sa puso niya.
Ngunit nakakailang metro pa lamang siya nang biglain ng sunud-sunod na busina mula sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ay isang kotse iyon, ngunit dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw nito sa unahan ay hindi niya nakita ang kulay. Sa takot na baka si Rave iyon ay muli siyang nagtatakbo. Hindi na niya napansin ang isang kasalubong na sasakyan.