"DALHIN mo nga itong salad kina Sir."
Tatlong plato na puno ng iba't ibang dahon ng gulay ang pinrepara ni Loren na inilagay nito sa stainless na tray. Kasalukuyang naghuhugas ng mga pinaglutuan si Louisiana.
"A-Ako?" maang na tanong niya.
Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isip niya ang tagpong napanood kanina. Habang patuloy na naiisip niya iyon ay parang lalo siyang nandidiri kay Rave at sa dalawang babaeng kasama ng amo. Normal lang bang gawain iyon ng matitinong tao? Oh, kung matinong tao nga ba ang mga ito?
"Oo. Eh sino pa ba'ng kasama ko rito?"
Kahit noong una talaga ay mabigat na ang pakikitungo sa kaniya ni Loren pero sanay na siya roon. Nasabihan na naman talaga siya ni Manang Lydia tungkol doon. Ganoon daw talaga ang ugali nito pero mabait din naman daw. Kung saang parte ito naging mabait ay hindi na niya balak pang tuklasin. Sumusunod na lang siyang madalas sa sinasabi nito para hindi na sila magkainitan kung sakali. Hindi na lang din niya masyadong kinikibo.
"S-Sige." Minadali na niya ang pagbabanlaw sa huling kaldero. Tinanggal niya ang suot na apron at pinunasan ang bahagyang nagmamantikang mukha. Nataong may ginagawa na si Manang Lydia kaya walang ibang maghahatid. Binuhat na niya ang tray ngunit bago siya tuluyang lumabas sa kusina ay sandali niyang pinanatag ang sarili.
Huwag kang kabahan, Louisiana. Ilalagay mo lang naman sa table itong mga salad tapos ay aalis ka na.
Dahil sa madalas na pagsigaw at panlalait sa kaniya ni Rave ay takot na siyang humarap dito. Takot na takot. Bawat kilos niya ay tila laging nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Kaya nga madalas na lang siyang nagtatago sa loob ng kusina para hindi sila magpangita.
Matatapos din ang lahat ng ito, madalas niyang sabihin sa sarili kahit hindi naman niya talaga alam kung magkakatotoo. Ngunit kung may masisilip man siyang pagkakataon ay sasamantalahin niya iyon.
Nagsimula na siyang humakbang patungo sa may dining area. Nakatungo siya upang kung sakaling tingnan siya ng dalawang babaeng kasama ni Rave ay hindi masyadong makikita ang kaniyang mukha. Binilisan niya ang paghakbang. Malayo pa lang ay rinig na niya ang malalakas na tawanan ng mga ito.
"I want to start it now, baby. Tara na kasi.." maarteng wika ng babaeng may pulang mga labi habang umahaplos ang kamay sa balikat ni Rave
"Hush. Kakatapos lang nating kumain," tugon naman ng amo niyang humaaplos ang kamay sa maputing legs ng babae.
"Kami naman ang magtatrabaho. You just have to lie and sit and let us perform," banat naman ng isa pa na ang dibdib naman ni Rave ang dinadama.
Bigla tuloy napaisip si Louisina. Ano'ng trabaho ang gagawin ng mga babae? Mamasahihin si Rave? Trabaho, ibig sabihin ay susuwelduhan ang mga ito ng lalaki?
"Alright, alright. Okay, let's go." Kunwari pang napipilitang tugon ni Rave ngunit kita naman ang kakaibang ngisi sa mga labi nito.
Saktong tumayo si Rave ay napatingin ito sa gawi ni Louisiana. Aksidenteng napaangat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila. Biglang nawala ang tuwa sa mukha nito. As usual ay nakamata at nakangiwi na naman sa kaniya.
"At ano naman 'yan?" sarkastikong tanong nito.
Parang nagbuhol-buhol ang dila niya. "S-Salad po. Gawa ni ---"
"Yuck! And who's that..." Tila naghagilap pa ng salitang itutuya sa kaniya ang isang babae na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Ugly face?"
"You said you only wanted to be surrounded by beautiful things. Don't tell me..." pasaring pa ng isa na ilang ulit siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
Inakbayan ni Rave ang mga ito. "I didn't like her here either. But I had to accept her dahil may malaking kasalanan ang ina ng babaeng 'yan sa 'kin. Soon, I'll think of something so I can just dispatch her. But for now..." Sinalikop nito ang batok ng isang babae at kitang-kita niya kung paano naglapat at nagsugpungan ang mga dila at labi nito. Habang ang isang kamay ni Rave ay pumupuslit pababa sa matambok na pang-upo ng isa. Napaungol pa ito nang gigil na pisilin iyon "Let's go, girls. Simulan na natin ang 'pagtatrabaho' n'yo." At matapos halikan ni Rave ang babaeng pula ang lipstick ay ang isang babae naman ang hinalikan nito.
Diring-diring nagbaba ng tingin si Louisiana. Hindi niya kayang tagalan ang nakikita.
. . . . .
KAPAPASOK lamang niya sa kitchen.
"O, ano'ng nangyari? Bakit mo ibinalik?" sita sa kaniya ni Loren.
Umiling si Louisiana. "H-hindi na kinuha nina Sir. Umalis na sila."
"Saan nagpunta?"
"H-Hindi ko alam."
Pero alam niyang umakyat ang mga ito sa taas dahil nakita niyang umaakyat ng hagdan. At sa puntong iyon, tila nauunawaan na niya ang nangyayari. Hindi literal na 'trabaho' ang gagawin ng dalawang babaeng iyon kay Rave. Kung hindi ang isang bagay na alam niya'y dapat ginagawa lang ng magkasintahan o asawa. Pero kakaiba ang sa amo niya. Dalawang babae? Pagsasabayin nito. At mukhang enjoy na enjoy pa ang mga iyon.
"Ako na ang bahala riyan. Simulan mo na ang ibang gawaing nakatoka sa 'yo."
Iniwan na nga ito ni Louisiana. Tapos na ang mga gawain niya sa kitchen at ang paglilinis naman ng mga silid naman ang aatupagin niya. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Naroon sa taas sina Rave. Tiyak na pagagalitan na naman siya nito kapag nakita siya.
"O, ba't nandito ka?"
Nalingunan niya si Loren. Ang toka nito ay ang paglilinis sa sala pero roon siya nito naabutang nagba-vacuum ng sahig.
"H-Hah?" Sandali pa siyang nablangko bago nakaapuahap ng sasabihin.
"K-Kuwan... Ayoko sa taas." Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niyang kagagalitan siya ni Loren.
"Aba'y ayoko rin doon," sabi nito. "Sa 'yo nakatoka iyon kaya doon ka. Kita mo nga, may sakit na ako pero nagtatrabaho pa rin dahil ayokong may umaako ng responsibilidad ko. Kaya ikaw, kung saan ka dapat nagtatrabaho, doon ka magtrabaho. Umalis ka rito."
Inagaw nito sa kaniya ang vacuum na noong una ay hindi niya pa alam kung paano gamitin. Ngunit kalaunan ay nagamay niya rin. Hindi niya masabi kay Loren kung ano ang dahilan kung bakit ayaw niya roon dahil tiyak na magagalit ito. Isang bagay ang naalala niyang minsang sinabi sa kaniya ni Manang Lydia na isa sa mga 'alituntunin' ni Rave sa bahay na iyon : Ano mang makita nila na ginagawa nito ay wala silang karapatang mangialam. Literal na magpapanggap silang walang nakita. Ngunit sadyang hindi niya kayang kalimutan ang nakita at iniisip. Lalo't noon lamang siya nakasaksi ng ganoon.
Magsasalita pa lamang bali siya nang muli'y makarinig ng sunud-sunod na busina sa labas. Imbes na mag-isip kung sino ang maaaring dumating na naman ay ang paglabas upang pagbuksan ito ng gate ang inatupag ni Louisiana. Halos maghaba ang leeg niya kakasilip mula sa bakal na gate. A part inside her was wishing na sana ay si Sir Stanli ang dumating dahil gustong-gusto na talaga niya itong makita. Talagang hindi mawaglit sa isip niya ang guwapo nitong mukha. Ngunit nang makita niya na kakaiba ang kulay ng kotse sa labas ay nanlumo siya. Paglapit sa gate ay curious na pilit niyang inaninag ang mukha ng bagong dating.
"S-Sino ho sila?" Kailangan niyang makasigurado. Kulay itim ang kotse at mukhang mamahalin. Panibagong babae kaya ito sa buhay ni Rave? Ilan ang pagsasabaysabayin nito?
Bumaba ang itim na salamin ng bintana at sumungaw ang isang may edad na lalaki. Sa kaniyang tantiya ay nasa 50s o early 60s na ito. May kaunti nang puti sa buhok. Nakakasindak ang hitsura nito ngunit hindi dahil literal na nakakatakot. Kung hindi dahil sa pagka-estriktong nakabalatay roon. Salubong ang mga kilay.
"Itatanong mo pa talaga? Hindi mo ba ako kilala?"
Mala diktador na amo rin ang tono nito. Doon siya lalong kinabahan.
"Ay si Sir Juancho!"
Mula sa kaniyang likuran ay sumulpot si Manang Lydia. Bahagya siyang hinawi nito upang buksan nito ang gate. Parang taranta ito. Sir Juancho? Sino ito?
"Mabuti't dumating ka kaagad, Lydia. Mukhang aabutin ako nga siyam-siyam na makipag-usap sa bagong katulong ninyo."
"N-Naku, pagpasensyahan n'yo na siya, Sir Juancho. Oho't baguhan nga lang ho."
Kitang-kita niya ang pag-aalalang naukit sa mukha ng may edad na mayordoma habang nakikipag-usap dito. Kahit si Louisiana ay nakakaramdam na rin ng kaba.
"Kaya pala. Nasaan si Rave? Nasaan ang magaling kong anak?"
Nakapasok na sa loob ang sasakyan nito at nakaibis na mula roon ang lalaki. Lalong natakot si Louisiana nang makita ang kabuuan nito. Tulad ni Rave ay malaking tao rin ito, kahit may edad na ay maganda pa rin ang tindig. Prominente ang mukha nito at ewan kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya ang mukha ng mayor sa kanilang lugar. Dahil sa ayos nito ay mukha itong politiko . Nagulat pa siya dahil hindi pala ito nag-iisa. Nagsibabaan din ang tatlong lalaking naka-itim na mga damit mula sa likuran ng sasakyan.
"S-Si Sir Rave po? A-Ay naku..."
Napatingin siya kay Manang Lydia. Bakit parang mas takot na takot ito kaysa sa kaniya?
"N-Nasa loob po si Sir. Nasa kuwarto." Naisip ni Louisiana na siya na ang sumagot sa tanong na parang takot na takot sagutin ng kanilang mayordoma. Bumaling sa kaniya ang atensyon ng Sir Juancho.
"Ah... At talagang tinatarantado ako ng suwail na batang 'yon. Sabi niya wala siya rito," galit na galit na saad nito bago nagmartsa papasok sa loob.