"HUMANDA ka sa 'kin, oras na makita kita, ibabalik kita rito at hinding-hindi ka na makakatakas pa!" sigaw na ume-echo sa buong paligid habang naririnig niya ang papalapit na mga yabag. Sinubukan pa niyang mas bilisan ang pagtakbo. Hindi dapat siya nito maabutan o talagang hindi na siya kailanman makakawala pa rito. Hindi na niya kayang manatili pa sa bahay na 'yon. Hindi naman talaga siya dapat naroroon. Hanggang sa isang liwanag ang sumilaw sa kaniyang mga mata. Napasigaw na lamang siya. "S-Sir Rave! S-Sir Rave, m-maawa na kayo sa 'kin, Sir Rave. W-Wala naman akong kasalanan! Wala akong ginawang masama!" Parang nagising sa isang bangungot si Louisiana at napabalikwas ng bangon. Tulad ng sa panaginip niya ay nakasisilaw na liwanag nga ang tumama sa kaniyang mga mata. Napapikit siyang mu

