CHAPTER 6

2543 Words
    Gumising si Odessa sa isang malawak na silid na kung saan napapaligiran ito ng mga makukulay na bato at kristal. Sinubukan niyang tumayo pero binigo siya ng kanyang katawan dahil pakiramdam niya ay nanghihina pa rin siya. Bakit ng aba siya naririto sa lugar na ito? Ano baa ng nangyari? Ito ang mga tanong na sumagi sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Makailang ulit niyang sinubukang tumayo pero bigo siyang magawa ito. Halos mapasigaw si Odessa nang mapansin niyang wala siyang suot na damit at tanging ang kumot lamang ang nakatakip sa hubad niyang katawan. Iginala niya ang kanyang mga mata para hanapin ang kanyang kasuotan. Ang una niyang napansin ay ang lamesita sa tabi ng higaan na naroroon angmaliit na bote na may lamang nektar mula sa bulaklak ng Myrho.  Sa tabi nito ay isang takip ng Taklobo na napupuno ng kulay pulang halamang dagat o seaweeds.     "Kumusta na ang iyong pakiramdam, kaibigang Odessa?"  tanong ng isang may kalalimang boses ng lalake na halos magpalundag sa babaeng Sangre.     Sinundan kaagad ng tingin ni Odessa ang pinagmulan ng boses at na nagmumula sa tubig na bumabagsak mula sa kisame ng silid. Pinagmasdang mabuti ni Odessa ang pinagmumulan ng boses nang mapansin niya ang kaanyuan ng isang matangkad at matipunong lalake. Bigla niyang naalala ang mga nangyari sa maliit na maliit na isla na kung saan nakatunggali niya ang isang mortal niyang kaaway at kapwa Sangre.     "Claudius?!" ang matigas na sambit ni Odessa at nagpumilit na makabangon mula sa kinahihigan.     "Huminahon ka kaibigang Odessa, hindi ako si Claudius." ang mabilis na tugon ng lalake na tila nakaramdam ng takot sa babaeng Sangre.     Hinawi ng lalake sa kanyang kamay ang na tubig sa pader na tila kurtinang lumislis ang tubig at iniluwa nito ang mukha ng isang pamilyar na lalake.     "D-diyos na Danum?" ang napatulalang si Odessa pagkakita sa lalake. "Paanong..."     "Hayaan mong ako’y magpaliwanag Odessa. Alam mo namang hindi ako ang kalaban." wika ni Danum at kapansin-pansin sa kanya ang pagiging di komportable habang papalapit kay Odessa.     Biglang umusok ang katawan ni Odessa dahil sa galit na naramdaman nito sa lalake.     "Sinungaling! Isa kang balat-kayo! Ikaw si Claudius!" Pagkasigaw ni Odessa ay biglang sumabog ang pader sa likuran ni Danum.     "Hindi, nagkakamali ka Odessa. Hindi ako si Claudius, kung may masama akong balak sa'yo ay pinatay na dapat kita habang wala ka pang malay. Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag." ang natatarantang tugon ni Danum kay Odessa.     Huminahon si Odessa na tila napaisip sa sinabi sa kanya ng lalake. Namangha din siya na nagawa niya maglabas ng kapangyarihan gamit ang elemento ng apoy at napasabog ang pader ng kuwarto na yari sa makukulay na kristal. Sa buong buhay niya ang ngayon pa lamang niya nagawa ang kapangyarihang mula sa element ng apoy. Pero, paano siya nagkaroon ng kapangyarihan ng apoy? Naisip niya na maaaring may alam si Danum tungkol sa pagkakaroon niya ng kapangyarihan ng apoy.     "Sige, magpaliwanag ka, para maintindihan ko! Kailangan mo talagang magpaliwanag lalo na sa ginawa mong pag-alis sa kasuotan ko!" ang nanggigigil sa galit na si Odessa. Tila naaalala pa niya kung paano siya ininsulto at nilibak ng diyos nang magpanggap ito bilang si Claudius.     "Matagal ka na naming sinusubaybayan Odessa. Bata ka pa lang ay nakitaan na namin ang potensyal ng iyong kapangyarihan. Kalahating diwata at kalahating tao pagkatapos ay pumasok pa sa katawan mo ang kapangyarihan ng dugong Sangre. Pero hindi naging madali sa'yo ang pagkakataon lalo na't natulog ang kapangyarihan mo bilang isang Diwata. Oo isang diwata na nananalaytay sa iyong dugo.  Anak ka ng isa sa pinaka makapangyarihang diwatang nabuhay sa Sinukluban o ang tinatawag nilang ikatlong mundo. Ang kapangyarihang nais makamit ng lahat, ang elemento ng apoy, ang ibong Baguisan na matagumpay mong nailabas sa iyong katauhan bilang taglay mong kapangyarihan kahit wala ang Eskrihala."     "Anong ibig mong sabihin? Sino ang tinutukoy mong isa sa pinaka makapangyarihang diwata na isa sa mga magulang ko?" ang tanong ni Odessa tungkol sa narinig niya kay Danum.     "Sa pagkakataong iyan ay ikaw na ang tutuklas kung sino ang diwata na tinutukoy ko. Hindi ba na sa'yo na ang mga hibla ng iyong alaala?" ang tugon na tanong ng diyos ng tubig.     Tumango si Odessa sa tanong ni diyos na si Danum.     "Kapag handa ka na at may lakas ng loob ka nang makita ang iyong nakaraan,  lalo na kung sino ang mga magulang. Alam mo naman kung ano ang gagawin mo sa mga hibla di ba? Ngayon, maaaring nagtatanong ka bakit ka namin sinusubaybayan?"     "Bakit nga ba?"     "Ito ay dahil ay isa ka sa may kakayahan na makapagligtas sa aking kapatid na si Bathala." ang malungkot na tugon ni Danum.     "Si Amang Bathala?" ang tila naguguluhang tanong ni Odessa. "A-anong nangyari kay Amang Bathala?"     "Binihag siya ng dalawa sa mga anak niya."     "Ha? B- Bakit naman gagawin sa kanya ng mga sarili niyang anak?" ang nagtatakang tanong ni Odessa sa diyos ng tubig.     "Sa ngayon ay wala pang makakapagsabi kung ano ang dahilan kung bakit siya dinukot. At hindi rin masabi kung sina diyosang Tala at Bulan nga ba ang may gawa sa pagdukot sa kanya."     Napaisip si Odessa sa sinabing iyon ni Danum. Ano ba sa kanya kung dinukot nga si Amang Bathala ng mga anak niya lalo na't away at prbleman na ng pamilya nila iyon. Ayaw ni Odessa na makialam at sumali sa away ng mga diyos at diyosa ng kalangitan.     Huminga ng malalim sa Odessa at tumingin kay Danum. "Eh hetong ginawa mo sa akin?  Bakit mo 'ko hinubaran ng ganito?!" ang muling tanong ni Odessa sa diyos ng tubig.     "Huh? Yan ba? Hindi ako may gawa niyan. Ang mga tagapagsilbing Sirena ang nag-alaga sa'yo habang wala ka pang malay." ang dahilan ni danum.     "Sirena? Bakit wala akong nakikitang Sirena rito ngayon? "     "Huh, ah eh..."     "Totoo ang sinasabi sa inyo ng panginoong Danum, Odessa."     Sabay na napatingin ang dalawa sa pinanggalingan ng boses.     "...ipagpaumanhin po ninyo panginoong Danum ang aking paggambala sa inyong pag-uusap. Gusto ko lang po makatulong sa pagpapaliwanag kay Odessa." dugtong pa ng babae na ang pag-itaas na katawan ay tao at ang pang-ilalim na katawan ay sa buntot ng isda. Gumagapang ito sa makinis na sahig ng kuwarto. Mayroon itong mahaba at alun-alon ang buhok na hanggang bewang. Bilog ang mga maliliit na tila mala-butones na mata, pero wala itong pilik-mata at kilay. Maganda ang hugis ng kanyang mukha pero dalawang magkatabing butas lamang sa gawing itaas ng kanyang bibig ang nagsisilbing ilong ng nilalang ng tubig. Halos nababalutan ng kaliskis ang buo nitong katawan maliban lamang sa kanyang mukha pababa sa leeg. Ang mga daliri nito sa kamay ay tulad sa paa ng bibe at mula bewang pababa ay katawan ay sa buntot ng isda.     "Alona! Oo si Alona, siya ang nag-alaga sa'yo mula ng iniuwi kita dito." ang mabilis na sagot ni Danum.     "Wala kang malay nang dalhin ka rito ni panginoong Danum.  Mga ilang oras pa lang ang nakakaraan kaya sa tingin ko mahinang-mahina pa ang katawan mo at kailangan mo pa ang magpalakas Odessa." ang nakangiting sabi ni Alona.     "Salamat sa pag-aaruga sa akin kung ganon, Alona.  Pero nasaan na ang aking damit? Kailangan ko ng makabalik sa aking mundo, ang mundo ng mga tao." ang nag-aalalang sabi ni Odessa.     "Pero Odessa, kailangan mo pa ang sapat na pahinga para manumbalik ang lakas mo." Ang pagtutol ni Danum sa kanya.     "Hindi, mas kailangan ako ng kapatid kong si Laurea. Habang tumatagal ay mas lalong lumiliit ang pagkakataon na mailigtas ko pa siya kay Anilaokan." Ang dahilan ni Odessa na lalong naging seryoso ang mukha.     "Pero hindi mo maililigtas si Mariang Sinukuan kung ganyan ang estado ng iyong lakas. Ginalit kita ng husto para mailabas mo ang iyong tunay na kapangyarihan bilang anak ng isang makapangyarihang diwata, ginawa ko ito para maisagawa mo ang pagliligtas kay Mariang Sinukuan ng matagumpay.  Pero hindi mo magagawa yan hangga't hindi naililigtas si Bathala dahil sa pamamagitan ni Bathala manunumbalik ang balanse sa mundong kinalakihan mo." Tugon ni Danum.     "Sa pamamagitan ni Bathala? A-anong ibig mong sabihin sa pamamagitan ni Bathala?" Ang nagtatakang tanong ni Odessa.     Napahawak sa kanyang bibig si Danum. Hindi niya napigilan ang sarili sa kadaldalan kaya nabanggit niya ang hindi niya dapat sasabihin kay Odessa.                                                       +++++00000+++++            Patakbong nilapitan ni Fr. mexo si Caren at doon ay halos manlumo siya sa kanyang nakita. Hindi si Caren ang nakatayo kundi ang lalakeng Alpha, ang pinuno ng mga taong-lobo.     "Diyos ko...Caren." ang tanging namutawi sa bibig ng pari nang makita ang lalakeng Alpha nasinimulan na ang paglalakad papunta sa kanyang pulutong.     Nakangisi ito at hawak-hawak ang tagiliran kung saan siya nahagip ng espadang gamit ni Caren sa kanilang labanan kani-kanina lamang. Pero nasaan na si Caren? Nasaan na ang matapang na babaeng pulis? Halos maiyak si Fr. Mexo sa pangyayari.  Nilapa na ba ng lalakeng Alpha si Caren?     Biglang umalulong ang mga taong-lobo pagkakita sa kanilang pinuno na patungo sa kanila. Sinenyasan naman ni Fr. Mexo ang mga kasama para humanda na sa pakikipaglaban, at ganun na nga ang ginawa ng mga kasamahan niyang sina Raul at Kiel.     Pero nag-iba ang lakad ng lalakeng alpha. Sa bawat paghakbang nito papunta sa kanyang mga kasama ay tila bumibigat ang mga paa nito at bumabagal. Mararamdaman din sa kanya ang hirap hirap sa paghinga. Mula sa likuran ng lalaking alpha ay naaninag ni Fr. Mexo si Caren na itinaas ang patalim na katana. Gumuhit ang mga ngiti sa maninipis na labi ng pari. Buhay si Caren! Nagwagi si Caren!     "Caren... " ang halos pabulong na wika ni Fr. Mexo.     Natigilan sa pag-alulong ang mga taong-lobo at nabahala sa nakita. Naroroon si Caren sa likuran ng kanilang pinuno, duguan pero napakalakas at nakapossisyon ang mga kamay hawak ang napakatalim na katana. Buong lakas niyang itinabak ang katana sa likuran ng lalakeng Alpha at bumagsak ito sa buhangin na wala ng buhay. Lahat ay napanganga nang makitang iniulos pa ng galit na galit na si Caren ang katana sa puso mismo ng lalakeng Alpha kahit wala na itong buhay. Umatungal ng napakalakas ang mga taong-lobo.  Galit na galit sa kinahinatnan ng kanilang pinuno at ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatuon kay Caren. Kinabahan ang lahat para sa buhay ni Caren lalo na sa inaasta ng mga taong-lobo sa kanya na kasalukuyang lumalapit sa babaeng pulis. Lahat ay nakangisi, naglalaway at umuungol habang nilalapitan ang pumatay sa kanilang Alpha. Patakbong tumakbo sa tabi ni Caren si Fr. Mexo kasama ang dalawang semanarista. Sa pagkakataong ito ay mukhang hindi tutupad ang mga taong-lobo sa ipinangako sa kanila ng kanilang Alpha.  Nakikita nila na sugatan si Caren at mahina na, kaya isang bagong Alpha ang papalit sa kanilang pinuno at hindi nila hahayaang isang mortal ang mamumuno sa kanila.     Lahat ng mga taong naroroon ay takot na takot para sa kanilang mga buhay. Pero kailangan na nilang lumaban nang p*****n at isugal ang kanilang mga buhay. Alam nilang mahirap at mapanganib, pero may magagawa pa ba sila para pigilan pa ito? Mas mabuti na ang mamatay na lumalaban para mabuhay, kaysa naman sa hinhintayin na lamang ang kamatayan na hindi man lamang lumalaban.     Ilang metro na lamang ang layo ng mga taong lobo sa kanila nang isa sa mga ito ang biglang lumundag sa harapan ng pulutong at umaatungal ng napakalakas. Sa harapan ng kanyang mga kasama ay tila pinipigilan niya ang mga ito na atakihin ang pumatay sa kanilang Alpha. Ngunit ang kanilang inaasahan ng mga taong naroroon ay hindi nangyari. Napaihi si Kapitan Ben sa sobrang takot lalo na nang sabay-sabay na umungol ang mga taong-lobo. Biglang lumuhod sa harapan ni Caren ang taong-lobo na lumundag sa harapan ng buong pulutong at isa-isang sumunod na sa kanya ang lahat ng kauri nito. Ito ang paraan ng pagtanggap nila kay Caren bilang bagong pinuno ng kanilang kawan. Muli ay isa-isang umalulong ang mga taong-lobo.  Pero ngayon ay may kakaiba sa paraan ng kanilang pag-alulong. Maiksi pero malakas ang huni ng mga ito.     Halos hindi makapaniwala sina Father Mexo sa kanilang nakita. Sa mga sandaling iyon ay hindi nila alam kung ikatutuwa ba nila ang nangyari o dapat nilang ikatakot ito. Nasugatan ng lalakeng Alpha si Caren. Ang sino mang mortal ang nasugatan ng isang taong-lobo ay siguradong mahahawaan siya nito ng pagiging taong-lobo rin. Kung mangyayari man iyon ay nakahanda kaya si Fr. Mexo na patayin si Caren at hindi siya magdadalawang-isip na gawin ito sa kanya para sa kaligtasan ng mga tao sa Santuaryo?                                                       +++++00000+++++         Kitang-kita ni Blake na nakadangan sa kanyang Lola Luring ang isang Batibat at pilit na hinihigop nito ang buhay ng matanda. Pero napalingon siya ng makita ang napakaraming Batibat na gumagapang sa pader ng gusali at dalawa sa mga iyon ay papalapit na sa kanyang mga kapatid na si Macky at Eli. Isang kuta ng mga Batibat ang gusali na pinagdalhan niya sa dalawang kapatid at sa Lola Luring niya.  Kailangang masagip niya kaagad ang kanyang lola kaya sa isang iglap ay bigla siyang naglaho sa kanyang kinaroroonan at mabilis na lumitaw sa tabi ng napakalaking Batibat.  Walang inaksayang panahon si Blake kaya ginamit niya ang liwanag na nagmumula sa kanyang palad at itinapat ang ito sa Batibat. Biglang umatungal ng napakalakas ang nilalang ng dilim, hudyat na napaso ito mula sa liwanag sa kamay ng bata. Mabilis na nilisan ng Batibat ang katawan ng kanyang Lola Luring kasabay ng pagsinghap ng hangin ng matanda na tulad sa taong-nalulunod.     Hinawakan ni Blake ang Lola Luring niya, at tulad ng inaasahan ay kaagad silang naglaho at muling lumitaw sa tabi nina Macky at Eli na akmang bibiktimahin na ng dalawang Batibat. Kaagad na pinailawan ni Blake ang kanyang palad at iniumang ito sa dalawang halimaw. Natigilan naman ang dalawang Batibat sa paglapit. Pero bago pa man makalapit ang iba pang mga Batibat ay kaagad na nai-teleport ni Blake ang kanyang mga kapatid at lola sa kanilang tinutuluyang bahay. Mahimbing pa rin sa pagtulog ang dalawang bata at ng lola luring niya na tila wala mang nangyari.     Halos hindi mapigilan ni Blake ang maiiyak ng mga sandaling iyon dahil muntik ng mapahamak ang kanyang pamilya ng dahil sa kanya.     Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo? Bakit wala na itong pinagkaiba sa mga pelikulang dati lang niyang napapanood noon sa telebisyon at pelikula?  Paano na ang kanyang mga kapatid kapag nawala na siya? Ito ngayon ang mga katanungang bumabagabag sa kanya na labis niyang kinatatakutan. Ayaw niyang gumising isang araw na wala na siyang madadatnang mga kapatid at lola sa kanilang tinutuluyang bahay.     Walang kapangyarihan ang mga pangkaraniwang tao sa paligid niya pero bakit siya mayroon?  Naalala niya ang sabi sa kanya ng kanyang ama na espesyal siya sa lahat ng bata sa lugar nila. Mayroon siyang kakayahan na wala ang pangkaraniwang tao sa paligid niya.     Ibig ba sabihin ba ng pagiging kakaiba ay ang hindi pagiging isang tao? Nadiskubre ng mga magulang niya ang kanyang kakayahan noong anim na taong gulang pa lamang siya. Natutunan naman niyang kontrolin ito noong nakaraang taon pa lamang. Ngayong taon naman ay lumitaw sa kanyang kanang palad ang pulang marka na nagsisilbing sandata niya sa pakikipaglaban maliban sa kakayahan niyang magteleport. Sino nga ba talaga siya? Iyan ang kailangan niyang aalamin para makilala niya ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD