Chapter 1
"Lola, may dala akong pansit para sayo, kumain kana La." matamis ang ngiti ni Tiago habang hinahain sa lamesa ang uwi nitong pansit para sa kanyang Lola Nene.
"Naku apo, ikaw ba? Kumain kanaba? Sabayan muna ako apo." wika naman ng kanyang lola
"Kumain na po ako La, siya nga pala aalis din po ako, may raket po kasi ako ngayon gabi, sinama ko ni Berto sa pinapasukan niyang bar."
"Bar? Baka naman mapahamak ka doon apo, alam ko maraming umiinom doon at magulo sa lugar na iyon, baka mapag tripan ka ng mga lasing doon."
Lumapit si Tiago sa kanyang Lola Nene at niyakap nito ang matanda.
"Lola naman, alam niyo naman na hindi naman ako basta napapatumba ng kung sino lang.. Sige na Lola gagayak na ko at aalis na po ako." Sabay halik sa pisngi ng matanda.
Agad na nag punta si Tiago sa kanyan kwarto upang magbihis, iniwan na nito ang kanyang lola na nakaupo sa hapag.
"Apo, hindi mo ba hihintayin ang nanay, tatay at kapatid mo! Sigurado pauwi na ang mga iyon." sigaw ng matanda
Ilang minuto pa ang lumabas na si Tiago sa kwarto at nakapag bihis na ito ng unipormeng binigay sa kanya ng kanyang kaibigan na si Berto.
"Huwaw apo, napaka gwapo mo, napaka simpatiko mo talaga." bilib na bilib ang kanyang Lola sa kanyang itsura..
Napangiti naman si Tiago dahil sa reaksyon ng kanyang Lola.
Nilapitan ni Tiago si Lola Nene at niyakap nito at hinalikhalikan ang matanda.
"Naku apo, sige na at umalis kana. Basta lagi ka mag iingat apo ha."
"Opo Lola!"
Naglakad naman si Tiago papunta sa pintuan ngunit bago tuluyan umalis ay lumingon muna ito sa kanyang mahal na Lola Nene na nakatitig pa din sa kanya.
Mahal na mahal ni Tiago ang kanyang Lola Nene dahil bata pa lamang siya ay kasama na niya ito hanggang siya ay mag binata, kasama din niya ang kanyang ama, nanay at ang kapatid niyang babae na mas bata sa kanya..
Nagsimula na si Tiago sa trabaho, maingay, mausok at magulo ang bar na kanyang pinapasukan bilang waiter, nakikita niya ang mga kababaihan na nag sasayaw sa gitna ng dance floor at sa tingin niya ay lasing na ang mga ito, nalilibang din naman siya sa kanyang trabaho dahil marami siyang nakikitang iba't ibang klase ng tao.
"Pwede ka daw ba makausap ni Madam?" biglang sabi ng lalaking biglang lumapit sa kanya.
"Ha ano yon?" halos hindi marinig ni Tiago ang sinabi ng lalaki dahil sa lakas ng sound system.
Sumensyas na lamang ito na parang inaaya siya kung saan.
Nung una ay nag dalawang isip si Tiago na sundan ang lalaki dahil na din sa itsura nito, marami kasi itong tatoo sa braso at malaki ang katawan na kala mo bouncer.
Dahil sa naisip niya na parte ito ng kanyang trabaho ay sinundan niya ang lalaki at napansin niya na papunta ito sa VIP room ng bar, huminto ang lalaki sa harapan ng pintuan ng isa sa mga silid at napansin din niya ang dalawang lalaki na nag babantay sa pintuan at may mga hawak pa itong mga baril.
"Pumasok kana sa loob!" matigas na boses ng lalaki
"Ha, ah e sige."
Dahan-dahan pumasok si Tiago sa loob ng silid at nakita niya ang isang babaeng nakupo sa kulay pulang sofa, nakasandal habang sinisimsim ang kopita ng alak. Sa tingin ni Tiago ay nasa singkwenta anyos na ang edad ng babae ngunit kung titignan mabuti ay maganda pa din ito, maging ang pananamit nito ay kakaiba, parang kung titignan ay isa siyang mayaman at makapangyarihang tao.
"Oh come on." Sabi nito ng siya ay mapansin.
Luminga linga naman si Tiago sa kanyang paligid.
"Ako ho ba?!"
Nangisi naman ang babae.
"Oo! Ikaw nga! Tara dito umupo ka sa tabi ko."
Dahan-dahan hinakbang ni Tiago ang kanyang mga paa palapit sa babae at nang malapitan na niya ito ay umupo siya sa tabi nito.
"Uminom ka ng alak." sabi nito.
"Mam, kasi po nakaduty ako ngayon, baka po mapagalitan ako."
Humarap naman sa kanyang ang babae at bahagyang nangise.
"Don't worry, kausap ko na ang manager at sabi ko ako na ang bahala sayo at pumayag naman siya, kaya wala kang gagawin kundi samahan akong uminom dito, malalasing kana magkakapera kapa."
"Pero bakit naman ho ako ang napili ninyo na makasama uminom?" tanong ni Tiago na may halong pag tataka sa mukha nito.
"Dahil gwapo ka, simpatiko, matipuno, bago pa man ako pumasok sa loob ng room na ito nakita na kita sa labas at nagustuhan na kita." kalmadong sabi ng Ginang.
Bigla naman nakaramdam ng hiya si Tiago dahil sa mga sinabi ng babae sa kanya at ang mga dahilan nito.
"Pero napakabata ko pa po para-"
Hindi na naituloy pa ni Tiago ang kanyang nais sabihin ng biglang mag tatawa ang babae..
"Namumula ka? Nahihiya kaba sa mga sinabi ko? Don't worry hindi kita type tulad ng iniisip mo, ganyan kasi ang itsura ng asawa kong namayapa na, katulad na katulad mo siya at ayoko mag karoon ng kahihiyan kung papatulan kita."
Nag ngiting aso naman si Tiago dahil sa mga sinabi ng Ginang sa kanya at bahagya ding nawala ang kanyang kaba.
"Uminom kapa, wag kang mag alala babayaran kita."
Halos dalawang oras ang lumipas ay tumayo na mula sa pagkakaupo ang Ginang.
"Uuwi na ako, by the way salamat sa pag sama saakin ngayon gabi."
Iniabot ng babae ang isang puting sobre kay Tiago.
Sinilip ni Tiago ang laman ng sobra at nabigla siya sa kanyang nakita.
"Mam, sobra sobra po ang bigay ninyo."
Bahagya naman nangise ang babae.
"Bayad ko yan sa pag sama mo saakin kasama na din diyan ang tip mo."
Bahagya naman yumuko ang ulo ni Tiago.
"Maraming salamat po madam, kung aalis na po kayo sasamahan ko na po kayo palabas."
"ikaw ang bahala." tipid na sagot ng babae..
"Ah madam, di ko pa pala naipapakilala ang sarili ko sainyo, ako nga pala si Tiago."
"Nice meeting you Tiago."
Tapos ay umalis na ang babae at sinundan naman ito ng binata hanggang palabas ng bar.
Nang makalabas na sila sa bar ay may humintong sasakyan sa kanilang harapan.
"Oh pano Tiago aalis na ko, thank you ulit sa pag sama saakin."
Ngumiti naman ang lalaki sa pasasalamat ng babae.
Ang isa sa mga body guard ng Ginang ay binuksan ang pintuan ng kotse, ngunit bago pa man makasakay ang Ginang sa kotse ay isang malakas na putok ang kanilang narinig, kasunod noon ay may humintong kulay itim na Van at bumaba ang mga armadong lalaki.
Napaka bilis ng pangyayari, lumapit ang mga ito at pinag babaril ang mga gwardiya ng Ginang. Nag simula na din mag kagulo sa bar at biglang nag takbuhan at nag panic ang mga tao dahil sa sunod-sunod na putok ng baril.
"Tumakbo kana Tiago!" Sabi ng Ginang.
Hindi alam ni Tiago ang kanyang dapat na gawin lalo't nakahandusay sa kanyang harapan ang mga security ng babae.
"Ano ba Tiago tumakbo kana! Mapapahamak ka!" Sabi ulit ng babae.
Tila natataranta na din si Tiago dahil hindi niya magawang tumakbo at iwanan na lamang mag isa ang Ginang kaya naman mabilis na itinulak ni Tiago ang babae papasok ng sasakyan at siya naman ay mabilis na pumunta sa driver seat.
"Anong ginagawa mo Tiago?!" Tila natataranta na ang Ginang.
"Mam! Hindi kita magagawang iwanan, tingin ko ikaw ang pakay nila!"
"Ako nga ang pakay nila! Kaya umalis kana madadamay ka!"
Hindi na pinakinggan pa ni Tiago ang sinasabi ng babae mabilis niyang pinaandar ang kotse paalis sa labas ng bar at mabilis naman silang sinundan ng mga armadong lalaki.
"Kumapit ka Mam!"
Pinaharurot ni Tiago ang sasakyan ng mabilis ngunit ayaw silang tigilan ng Van na sumusunod sa kanila..
"Pagbabarilin niyo dali!" sigaw ng isa sa mga armadong lalaki.
Sunod sunod na pag baril ang ginawa ng mga ito sa kotse kung saan nakasakay si Tiago at ang Ginang..
"Ahhhhhh."
Napalingon si Tiago sa passenger seat ng marinig niya ang pag sigaw ng babae..
"Mam okay lang po ba kayo."
Nakita ni Tiago na may tama ng baril sa balikat ang babae.
"Huwag mo ko alalahanin, mag focus ka lang sa pag mamaneho mo!" mahinang sabi ng ginang habang hawak nito ang dumudugo niyang braso..
Pinabilis pa ni Tiago ang pag mamaneho ngunit ayaw talaga silang tigilan ng Van na sumusunod sa kanila..
"Paputukan niyo pa!" Sigaw ng isa sa mga lalaki..
Pinaulanan nila ng bala ang sasakyan nila Tiago at tinamaan ang gulong nito kung kaya't nawala sa tamang direksyon ang pag mamaneho ni Tiago..
"Mam kumapit ka! Lakasan mo ang loob mo!"
Hindi na makontrol pa ni Tiago ang sasakyan at nakita niya na sa mga oras na yun ay sa isang tulay sila.
Nagpaikot ikot ang kanilang sasakyan dahil na din sa mga tama ng bala sa gulong nito nakita ni Tiago na posibleng mahulog sila sa ilalim ng tulay kung saan ilog ang kababagsakan nila..
Mabilis na binuksan ni Tiago ang bintana ng kotse at hindi nga siya nagkamali, nahulog ang kanilang sasakyan sa tulay at bumagsak sila sa ilog.
Habang dahan-dahan na lumulubog ang kanilang kotse ay nananatiling bukas ang diwa ng binata..
Mabilis niyang kinuha ang Ginang sa passenger seat habang ito ay wala ng malay at sinikap niyang mabuti na makalabas sila ng sasakyan..
Nang makaahon sila sa tubig ay inihiga niya sa lupa ang Ginang..
"Mam gising! Mam!" tinapik tapik pa niya ang mukha ng babae..
Hindi na malaman pa ni Tiago ang kanyang gagawin kaya naman sinubukan niyang mag sagawa ng CPR sa babae.
Ilang minuto pa ay nagising ang babae habang ito ay umuubo.
Nakahinga naman ng maayos si Tiago ng makita niyang ligtas ang Ginang.
Muling binuhat ni Tiago ang babae at nag lakad palayo sa lugar habang ang dugo na nang gagaling sa balikat ng Ginang ay walang tigil sa pag patak.
"Kumapit ka lang Mam, kaunting tiis lang po at makakarating na tayo sa hospital."
Dahil pamilyar naman si Tiago sa lugar ay mabilis silang nakasakay sa taxi.
"Mam wag mo ipipikit ang mga mata mo!" Sabi ni Tiago habang ang Ginang ay nakahiga sa kanyang mga bisig, namumutla na at nang hihina.
Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa lugar.
Binuhat ni Tiago ang Ginang papasok ng hospital.
"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ni Tiago habang buhat niya ang babae.
Agad naman silang sinalubong ng mga nurse.
"Anong nangyari sa kanya sir?"
"May tama siya ng baril sa kanyang balikat! Tulungan niyo siya please!"
"Sige sir kami na ang bahala sa kanya."
Kinuha na ng mga nurse ang Ginang at ipinasok sa Emergency room, naiwan naman si Tiago sa kanyang kinatatayuan, napansin niya na basang basa pala ang kanyang damit.
Hanggang sa may lumapit sa kanyang isang lalaki.
"Boss yung bayad niyo po sa taxi."
Napabuntong hininga na lamang si Tiago, nang kukunin na niya ang kanyang pera sa kanyang bulsa ay napansin niyang wala na ito.
Pero isang lalaki ang lumapit sa kanila ng taxi driver.
"Sir ito po ang bayad nila." inabutan ng lalaki ng pera ang taxi driver.
"Salamat." sabi ng driver at agad ba umalis ito..
"Sir, maaari na po kayong umuwi."
"Ha?! Pero hindi ko pwedeng iwan ang kasama ko!"
"Huwag kayo mag alala, makakaalis na kayo!"
"Pero hindi ko pwedeng iwan si Mam."
Napabuntong hininga na lang ang lalaki dahil sa hindi pag sunod ni Tiago sa kanya.
"Kayo po ang bahala, tatawagin ko po kayo kapag gising na siya." tapos ay umalis na ito at naiwan muli mag isa si Tiago sa kanyang kinatatayuan..
Hindi malaman ni Tiago kung bakit tinulungan niya ang Ginang na kahit siya ay kamuntik ng mapahamak.
Lumipas ang halos tatlong oras ay lumabas na sa emergency room ang doctor.
"Gising na siya pwede mo na siyang makausap" wika nito
Mabilis na pumasok ang binata sa loob ng emergency room at agad niyang nakita ang ginang na nakasuot na ng hospital gown at prenteng nakahiga sa hospital bed.
Lumapit si Tiago sa ginang.
"Mam okay na po ba kayo?" may pag aalalang tanong ni Tiago.
Tumango naman ang babae at ngumiti, kinuha nito ang kamay ni Tiago.
"Maraming salamat, balang araw makakaganti din ako sa kabutihan mo saakin, maraming salamat dahil hindi mo ako iniwanan, kung hindi dahil sayo siguradong patay na ko ngayon." Mahinahon na sabi ng Ginang..
Umupo si Tiago sa tabi ng Ginang.
"Kahit sino po ay gagawin ang ginawa ko."
"Hindi! May pagkakataon kang tumakbo at iligtas ang sarili mo pero mas pinili mo ang iligtas ako kaya nag papasalamat ako sayo."
"Ililipat na ako ng room, ooperahan ako at tatanggalin ang bala sa aking balikat, pwede kana umalis."
"Pero wala po kayony kasama."
"Don't worry, tinawagan na ang mga relatives ko, pwede kana umalis."
Tumango lang si Tiago at dahan dahan nag lakad palabas sa emergency room, pag labas niya ay nakatayo doon ang lalaking nag bigay ng pera sa taxi driver.
"May taxi na sa labas, magpahatid ka kung saan ang bahay mo! At ito pinaabot ni madam."
Ibinigay ng lalaki kay Tiago ang isang calling card.
"Sabi ni madam tawagan o puntahan mo siya sa oras na kailangan mo ng tulong bilang kapalit sa ginawa mo para sa kanya."
Dahan dahan kinuha ni Tiago sa kamay ng lalaki ang calling card at naglakad palabas ng hospital, habang ang lalaki na nag bigay ng calling card ay nanatili sa kanyang kinatatayuan.
Nakauwi na si Tiago sa kanilang bahay at hindi niya namalayan na umaga na pala, at pag pasok niya ng pintuan ay nandoon ang kanyang buong pamilya sa kanilang sala. ang kanyang Nanay Eva, Tatay Manuel, Lola Nene at ang kanyang bunsong kapatid na si Patima.
"Tiago anak!" Sabi ng kanyang Nanay.
"Apo ko!"sabi naman ng kanyang Lola.
Lumapit ang kanyang Lola at ang kanyang Nanay sa kanya kasunod nito ang kanyang nakababatang kapatid.
"Diyos ko apo, ano nangyari sayo? Kanina pa kami nag aalala, bakit basang basa ka? Bakit ganyan ang itsura mo? Ayos ka lang ba apo?" Sunod sunod na tanong ng kanyang lola dahil sa labis nitong pag aalala.
"Oo nga kuya, kung alam mo lang iyak ng iyak si Lola at Nanay si Tatay naman balik-balik na lumalakad.
Napatingin naman si Tiago sa kanyang kapatid na si Patima.
"Nagkaroon lang ng kaunting problema pero okay lang ako, wag na kayo mag alala." mahinahon na sabi ni Tiago sa kanyang pamilya.
"Sige na anak, umakyat kana sa kwarto mo at maligo, magbihis at matulog kana para makapag pahinga ka." wika naman ng kanyang ama.
Ngumiti naman si Tiago.
"Opo tay."
Dahan dahan nilagpasan ni Tiago ang kanyang pamilya at pumunta na siya sa kanyang kwarto, hindi pa din makapaniwala ang binata sa mga nangyari, labis na pagod din ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon..