"Tigil tigilan mo nga ako!" Sagot ko sa kanya. Hindi mo talaga makakausap ng maayos ang lalaki na 'to!
Bumaling siya sa akin. Nagulat pa ako kase mukhang takang taka siya. Parang may mali sa sinabi ko na hindi ko maintindihan.
"Why are you looking at me like that?" Tanong ko. Para kasing isang kalabit ko nalang sa kanya at bubugahan niya ako ng apoy.
"Hindi ka naniniwala?" Tanong niya ulit. Umirap ako sa kanya. Paano ako maniniwala? How can I own a cafe without investing any money? Sige nga? Minsan hindi ko alam kung tanga nga ba si Dom o may saltik lang talaga sa utak.
"Hindi." Sagot ko. Nagsimula akong lumakad at libutin ang lugar. Talaga naman nakaka engayo dito dahil bukod sa maganda ang lugar ay mahahalina ka sa amoy ng niluluto.
Sumunod sa akin si Dom. Hindi ko nalang siya pinansin kahit alam kong nasa likod ko lang siya.
Natigil ako sa may gilid kung saan may isang malaking painting. Kumunot ang noo ko ng makita ang painting ng isang babae na may hawak na batang babae. The painting looks alive pero may part na parang malungkot amg aura niya. It was colorful but the story is painful.
Wala naman ako masyadong alam sa art. But then, marunong naman ako mag appreciate ng art. Ilang salit akong tumitig dito. Hindi ko pa maaninag ang signature ng painter dahil makulay din ito. It was blended on the paint so ang hirap irecognize.
Bumuntong hininga nalang ako at iniwas ang mata sa painting. May parte sa akin na parang nadala sa painting. I remembered my mom and how she hold me when I was younger. Hindi ko na matandaan ang huling beses na nahawakan ko si mommy but I can clearly remember how she loved me.
Umupo ako sa two sitter table kung saan malapit sa bintana. I looked outside and somehow, I felt peace looking at those people walking outside.
"Ano? Naniniwala kana?" Binasag ni Dom ang pagmumunimuni ko. Umirap ako sa kanya at nagtaas ng kilay.
"Tigil tigilan mo ako Dominic ha!" Sagot ko. Nagulat pa ako ng may lumabas sa na lalake sa kitchen holding tray with food on it. Palapit siya sa pwesto namin ni Dominic.
Marahang binaba ng waiter ang dalawang baso ng winter melon at dalawang plate na may laman na extremely huge burger. Alam na alam ko na masarap ito. Bukod sa maganda na ang presentation ay ang bango bango ng amoy nito.
The looks and smell of this is all familiar to me. Hindi ko lang marecognize pero may memories sa kalooblooban ko ang hindi ko mapangalanan.
"Sinagot kita, hindi ka naman nainiwala. How's that?" Sagot niya. Pumikit pa siya habang sumusubo ng burger. I watched him doing that. Para kasing sarap na sarap siya sa kinakain niya.
"Ang korni kase ng sagot mo! Kanino nga ito?" Sagot ko. Humiwa ako ng burger at sumubo din. Natigilan ako. It was so delicious! May mga memories na dumaan sa utak ko pero hindi ko mapangalanan. I don't understand why I got emotional pero may mga pakiramdam akong naramdaman and it's weird.
"Sa atin ito. We both own this, Athena. You'll manage it." Salita ni Dom sa akin. Tumayo siya ng hindi ako nililingon sabay lakad patungo sa kitchen. He left me dumbfounded and puzzled.
Ganoon pa man ay nagpatuloy ako kumain. Isinantabi ko ang kalokohan ni Dominic. But then, kung totoo man na imamanage ko ito. I will be more than happy.
Isa ito sa pangarap ko ofcourse. Natatandaan ko pa ang cafe noon na pag aari ni mommy. Siguro, kaya ko gustong mag-aral ng culinary to continue her legacy.
But then, si papa ang kasama ko sa kasalakuyan. I want also to give papa his happiness I also want to fulfill his dreams for me. Kung kaya ko naman isabay iyon pangarap ng dalawang mahal ko, bakit hindi diba?
Inilapag ko ang kutsara at tumayo. Mayroon parte sa akin o nagtutulak na bumalik sa painting na nakasabit sa gilid. It was huge and colorful pero hindi ko maintindihan kung bakit sakit ang nararamdaman ko sa painting na ito. I closed my eyes. Para akong nagfast forward o rewind sa mga imahe o kaganapan sa utak ko na hindi ko mapangalanan.
Dumilat ako ng makaramdam ng matinding pagkirot ng ulo. Nakangiwi ako habang hawak ang sentido. What was that? A lot of memories flash inside my head but it was all blurred.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Dom na madaling madali at halata ang sobrang pag aalala sa akin.
Tumitig ako sa kanya. Pumikit ulit ako ng mariin ng madami na naman imahe na dumaan sa isip. Tarantang taranta si Dom. Nagulat pa ako ng lumapit siya sa bag ko at nagmamadaling kinuha ang medicine kit ko. I was looking at him intently. Para kasing alam na alam niya ang gagawin at gamit na kukuhanin.
"Ano iyan?" Tanong ko. Hindi kase pamilyar ang gamot sa akin. Natigilan si Dom sa paglahad sa akin ng gamot. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko na kase alam o kabisado kung ano ang mga gamot na nasa kita ko. But I always bring that kit all the time. Dad also reminds me to always bring that. Siya pa nga ang naglalagay ng mga gamot sa kita na iyan.
"Just drink. It's for your headache." Sagot niya. Tumango ako sa kanya at mabilis na ininom ang gamot kasabay ng tubig na dala niya.
Unti unti, my feelings get better. Gumaan ang pakiramdam ko at bumalik agad sa dati.
"Are you okay now?" Tanong ni Dom. Tila ba nahimasmasan siya ng makita na ayos na ako. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko alam kung gusto niya akong alalayan pero halata sa mukha niya ang takot at pag aalinlangan.
Hindi ganito si Dom. There is something weird about his action now. Nagring bigla ang cellphone niya. Nakatingin pa nga ako doon pero tinatago niya. As if naman na interisado ako kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Give me a sec," sabi niya. Tumango lang ako sa kanya at binalewala. Nagpatigil lang ako ng magsalita siya.
"It triggered sir." Sagot niya sa kibilang linya. Triggered what? Nang makita ako ni Dom na huminto ay lumayo siya sa akin. Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa pwesto kung saan kami nakaupo kanina.
Nagpatuloy ako sa paglantak ng burger. Medyo nahiya pa ako ng halos maubos ko ito. Ilang saglit lang ay bumalik din si Dom.
"Sana inubos muna. Nahiya kapa." Salita niya na nagususngit na naman. Minsan nagtataka ako sa kanya. He's grumpy at me most of the time pero may moments na pinaparamdam niya sa akin na importante ako sa kanya.
"Just thank me kase tiniran kita." Sagot ko sabay inom ng winter melon na talaga naman ang sarap sarap. Minsan ay natatahimik pa ako dahil may moments na nalulungkot ako nasisiyahan at halo halong emosyon ang nararamdan. I don't know what's going on with me today but I can tell that's totally weird.
Nang matapos ako kumain ay nagtakip ako ng bibig sa biglaang pagdighay. Hiyang hiya ako sa inasal pero wala na akong magawa. Dom seems off and quiet today. He wa just staring at me na parang may mali sa akin.
"Are you gonna forever stares at me?" Sarkastikong sabi ko. Medyo napasinghap pa si Dom dahil sa gulat. Kumunot ang noo ko at nilapitan siya.
"Are you okay?"tanong ko medyo naweweirduhan na may halong pag-aalala. He is shaking and his eyes are both teary.
Hindi siya nagsalita. He suddenly pulled me kaya napaupo ako sa lap niya. Natigilan ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit at tila ba ayaw na niyang pakawalan pa. "I miss you, baby.." he said. His voiced croaked na tila ba umiiyak na talaga siya.
Nanatili akong tahimik at hinayaan siya. Baka may pinagdadaanan lang siya na hindi ko lang alam kaya siya ganyan.
Pulang pula ang mga mata niya ng humiwalay siya sa akin. His eyes are literally red pati na din ang ilong niya.
"Are you okay?" Tanong ko. May parte sa akin ang nabagabag sa pinapakita niya. Tumitig siya sa akin hanggang dahan dahan niya akong nilapitan at hinalikan sa noo ko.
Napapikit ako sa halik niya. Halos lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko sa lakas ng kalabog nito.
"Better now." He said. Nanliit ang mga mata ko sa kanya ng ngumisi siya. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa lap niya at tsaka siya binatukan.
"What was that??" Gulat na gulat siya habang hawak niya ang ulo niya na binatukan ko.
"Bastos! Drama kapa nalalaman jan eh nananching ka lang! Hoy!!! Nanghahalik kana ha!" Singhal ko sa kanya. Masyado yata akong nadadala sa mga kadramahan niya kaya niya ako nagugulangan.
Umiling si Dom at nagpakawala ng buntong hininga. "It's not drama. Kung alam mo lang." Salita niya.
Umirap ako sa kanya." Hay nako! Wag ako ha." Sagot ko. Kinuha ni Dom ng mabilisan ang bag ko. At mabilis akong hinablot at hinila palabas ng cafe.
Hindi na ako makapagprotesta sa bilis ng galaw niya. Pinasok niya ang bag ko sa sasakyan niya at halos itulak na ako sa loob paupo.
Laglag ang panga ko habang nakatingkn sa kanya na hindi makapaniwala.
"Why are you always on rush? Palagi mo nalang ako kinakaldkad. Abuso na yan ha!" Sagot ko ng makapasok siya sa loob ng sasakyan niya. Kahit magtaray ako sa kanya ay wala na yatang talab.
Nilingon niya lang ako at tinignan ng masama. Minsan ay napapansin ko ang lungkot sa mga mata ni Dom. Alam ko naman kung bakit pero hindi ko maintindihan. He don't want what his family wants him to do pero hindi siya lumalaban. I get the point that they are powerful but still, kung mahal ka ng pamilya they will support you in everything you do.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya na mapansin na wala na kami sa syudad. Medyo madilim na din ang langit at marami kaming puno na dinadaanan.
"Shhhhhh.. ang dami mong tanong. Bakit hindi ka magpahinga instead magdadaldal ka jan." Sagot niya. Ngumuso ako sa kanya. Ang sungit naman!
Hindi din naman ako napahinga sa byahe. I was busy looking and enjoying the view. May nadaanan pa kaming lake at tuwang tuwa ako.
Pumasok si Dom sa gate na bigla nalang bumukas na wala naman nagbubukas. Manghang mangha ako sa nangyari. Pumasok kami sa isang bahay na villa type but the designs were modern.
Napanganga ako. Nasa liblib kami na lugar pero parang naligaw ang bahay na ito dito. Bumaba si Dom sa sasakyan. Wala naman siyang sinabi pero sumunod ako sa kanya. Natuwa pa ako ng makita ang malaking puno sa gilid ng bahay ng mayroon tree house. Mayroon din maliit na bahay sa gilid na parang playhouse ng batang babae. The playhouse was pink ang so beautiful.
Madami din halaman at bulaklak sa paligid. The wind gives me chill but this place is nostalgic in my feelings. Mayroon na naman dumadaan mga imahe sa utak ko na hindi malinaw.
Natigilan ako sa paglalakad. These images are all draining. Bukod sa malabo sila ay hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganon imahe akong nakikita.
"Hey.. okay ka lang?" Lumapit sa akin si Dom. Ang mga mata niya ay puno na naman ng pag-aalala. Pinilit kong ngumit at tumango sa kanya.
"Yup." Sagot ko. This day is unusual to me. Para bang nasa ibang mundo ako at hindi ko alam kung ano ang nangyayare.
Bumukas ang pinto ng bahay. May isang babae na medyo may katandaan na ang lumabas. Kasunod ng babae ay isang batang babae na sobrang cute na parang nasa apat na taong gulang na.
"Iho," bati ng matanda kay Dom. She even hugged, Dom. Lumapit si Dom sa batang babae. Yumakap ang batang babae sa kanya.
I was looking at them. Nang mapansin ako ng matandang babae ay nagulat siya sa akin. Ang bata naman ay mabilis na nagtago sa likod ng matandang babae na tila ba takot na takot.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa batang babae. Sa huli parang blangko ang utak ko at dahan dahan lumakad palapit sa kanila.
"Go away!" Sigaw ng bata sabay takbo papasok ng bata sa loob ng bahay. Natigilan ako sa paglalakad sa sobrang gulat. Sakit sa dibdib ang una kong naramdaman. Bakit? Did I do something wrong?
Nakita ko ang awa sa mata ng matandang babae para sa akin. Hindi ko maintindihan ang nagyayari. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako.
Umiling ang matanda kay Dom. Pagod na bumuntong hininga si Dom at tumango sa matanda. "Okay, not yet." Sagot niya sa matanda. Bumaling si Dom sa akin at marahan naglakad sa gawi ko.
"You must be tired. I'm sorry for today." He said. Tumango ako sa kanya at sumunod papasok ng sasakyan niya.