Ika- sampu

2013 Words
"Ugh," nag unat ako ng magising. I felt a little bit tired and medyo masakit ang paa ko. Tumanganga ako ng ilang saglit sa kama. Kumunot ang noo ko ng maalala ang nagyare kahapon. Was it real? Bakit nasa kama na ako? Totoo bang nagyari iyon oh nanaginip lang ako? Hindi ako makatayo dahil naglalaro ang mga pangyayari sa utak ko. Ngumiwi pa ako ng bahagya at napapikit dahil sa pagpilit sa sarili na alalahanin ang mga nangyari. It's real. Ramdam ko at alam ko iyon ang nagyari. Bakit wala akong maalala? Bakit parang panaginip lang ang lahat? Huminga ako ng malalim at binalewala nalang ang lahat. Pero natigilan ako ng maalala ang mukha ng batang babae. Her showed that she's scared of me. I don't know her. Bakit ganun nalang ang takot niya sa akin? At tsaka, sino ang bata na iyon? Tutal, hindi ko naman maalala kung panaginip ang lahat o nangyare nga ba ay pinili ko nalang magpatuloy sa gagawin. Nagpunta ako sa banyo para mag ayos at magbihis. I don't have any class today at wala naman akong planong umalis dahil nandito si daddy. I want to be with him. I want to have quality time with him. Nang kakapag bihis na ako at nakuntento sa sarili ay lumabas na ako ng silid. Halos maglulundag pa ako sa tuwa ng makakita ng isang cute na puppy. I was going to hold the cute puppy ng bigla akong nakarinig ng dalawang lalake na nag-uusap sa gawing kitchen. Nagdalawang isip pa ako kung bubuhatin ko ang aso at hahabulin o titignan kung sino ang tao sa kitchen. But then, I decided na pumunta nalang muna sa kitchen. Nagulat ako ng makita si daddy at si Dom na magkausap. They are both serious kaya natigilan ako. Magkakilala sila? Hindi nila napansin ang presensya ko kaya medyo nagtago ako sa gilid. "I'm sorry tito," he said to daddy. Nagulat ako. Bakit siya nagsosorry kay daddy? Bakit sila magkakilala? "You should be. Wala siya sa ganitong sitwasyon if you were just brave enough for her," daddy said to him. Gulong gulo ang utak ko sa usapan nila. Napalundag ako bigla ng tumahol ang aso na nasa tabi ko na pala. Sa sobrang gulat ko ag napasigaw pa ako ng bahagya dahilan para mapatingin sa akin ai daddy at Dominic. Gulat na gulat si daddy ng magtama ang mata namin. "Uh, gising kana?" Si daddy na parang hindi pa sigurado sa sasabihin sa akin. Binuhat ko ang cute na aso at naglakas palapit sa kanila. Nakita ko pa kung paano lumagok ng kape sa Dom habang hindi makatingin sa akin. "Obviously, dad." Sagot ko. Umupo ako sa high stool katabi niya sabay halik sa pisngi niya. Pinatong ko ang aso sa lap ko. "What are you doing here? Magkakilala kayo ni daddy?" Tanong ko kay Dom. Kumuha ako ng tasa at nagsalin ng maiinit na tubig. Kinuha ko na din ang kape at creamer na nasa tabi lang ni daddy. Bahagyang umubo si Dom at napatingin kay daddy na seryosong seryosong nakatingin sa kanya. "Nga pala, did we go out yesterday?" Tanong ko ng maalala ang nagyare. Nakitaan ko ng gulat ang mga mata ni Dom habang si daddy ay ganun din. "You don't remember anything again?" Sagot ni Dom. Mukhang alang alala siya. Umiling ako sa kanya sabay lagok ng kape. Mahina siya nagmura. "I told you. Don't  force everything! You just made it worse."galit na salita ni daddy kay Dom. Balik balik ang tingin ko sa kanila dahil wala akong maintindihan. "Bakit ka nagagalit dad? Did you kno Dom? He's my friend." Salita ko. Umiling si daddy sabay halik sa noo ko. "Your friend." Salita sabay tayo. "No baby, we just met now." Sagot ulit niya. Pero hindi ganon ang nararamdaman ko. Para silang matagal nang magkakilala or my daddy didn't just like Dom? Either of two, naiwan kami ni Dom sa kitchen. "Why are you here?" Tanong ko kay Dom. Tahimik lang siyang nakamasid sa akin. He's not like that. Ngaun ko lang nakita ang mukha niya na ganito o ngaun ko lang nakita ang side niya na ganito. He is so serious. His eyes shows his emotions. Tila ba ang sakit sakit ng nararamdaman niya. Bakit siya nasasaktan? "Okay ka lang? May nangyari ba?" Tanong ko ulit. Tumitig ulit siya sa akon sabay nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Nothing. Dinala ko lang ung puppy." Sabi niya. In an instant, bigla akong ngumiti sa kanya. "Parang ngaun ka lang may nagawang maganda." Sabi ko. Tumahol ang puppy kaya binuhat ko ito palapit sa akin. Humagalpak ako ng tawa ng pagdidilaan pa nito ang mukha ko. "Hey, momo!behave. You are such a perv. Wag kang magmana kay Dom ha!" Pagalit ko kay momo. Nagulat ako ng tumahol ito ng tumahol na tila ba sumasang ayon o naiintindihan ang sinasabi ko. Tumawa ako ng malakas." See? He knows you." Salita ko kay Dom. Tahimik siyang nakatingin sa amin ni momo. "Rude." Salita niya ng mapansin na nakatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko sa kanya. Para kasing wala siya sa sarili. "Weird mo." Sabi ko. Mas gusto ko kase yung side niya na palagi nalang nagsusungit. Hindi ako sanay sa side niya na sad boy at parang inapi. "Sad boy ka?" Tumawa ako. Tinaas baba ko pa ang kilay ko para mas lalo siyang mairita. Alam na alam ko na kase kung paano ko siya maiinis. Umirap si Dom kaya mas lalo akong natawa. See? Ganyan lang ang paraan para mabwiset siya. "So are you going na?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa ako makafocus ng tingin sa kanya dahil panay ang pag dila sa akin ni momo. Bigla akong napatingin kay Dom. He's looking at me with a smile pero ang lungkot lungkot pa din ng mga mata niya. "No, I'm staying." Sagot niya. Natigilan ako at napatingin sa kanya? Seryoso ba siya? Mag isstay siya? Ang weird weird talaga. Hindi niya ba alam na terror ang daddy kapag may bisita ako? Lalo na kapag lalake ang bisita ko. "Oh.. okay!" Sagot ko. Binalewala ko nalang. Ayoko naman magtanong aboit sa kanila ni daddy. Besides nag uusap naman sila kanina. I don't know if it's good pero kung ayaw ni daddy sa kanya malamang ay kanina pa siya wala o hindi manlang siya nakapasok ng bahay. Binaba ko si momo. Tumawa ulit ako ng nagtatakbo siya sa loob ng bahay. "Tara sa gazebo." Salita ko kay Dom. Nagulat pa ako kase wala na pala siya sa likuran ko. Nakita ko na siya sa Gazebo na prenteng nakaupo. Kumunot ang noo ko. How did he know the way there? Ang alam ko kase ay ito palang ang unang beses na nakapunta siya dito. Nevertheless hinayaan ko nalang. Baka kase kanina sy dinala siya ni daddy dito. Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla nalang tumunog ang cellphone niya. Hindi naman sa tsismosa ako pero natanaw ko lang na si Gaile ang timatawag sa kanya. It's her fiancee.  Tandang tanda ko pa kung gaano kadiin ang pag bangit niya sa pangalan niya sa airport. "I'm not in the mood to talk to you!" Salita agad ni Dom. Ngumuso ako at umirap sa kanya. Ayaw daw kausapin pero sinagot naman ang tawag. If you really don't want to talk to the person nasa ignore dapat itp or blocked. Umiling ako sa naiisip. Bukod sa pagiging tsismosa ko e medyo pakielamera na ako. Mabuti nalang at ako lang ang nakakaalam ng nasa isip ko kundi ay mag aaway na naman kami nito. "I don't have time okay? And I will not have time for you."salita ulit ni Dom. Kunot ang noo niya at tuluyan nang nag igting ang panga niya. Ang sunget talaga! Why does he had to be rude? Pwede naman niya itong sabihin mg maayos. Babae ako. Alam ko ang pakiramdam so somehow a part of me got hurt for the girl. "You wish. I love someone else." Sagot ulit ni Dom. And medyo half half na atensyon ko ay tuluyan ng nabaling sa kanya. Love means kasalukuyan. Present. Sino iyon? I have never seen him with someone else. Lalo na nung naging malapit kami sa isa't isa. Malimit na siya mababae. Hindi na mawawala sa kanya ang tumingin sa iba pero hindi na siya kasing lala noon. Binaba niya ang tawag. Nakita ko pa kung paano kumuyom ang kamao niya at sunod sunod ang mabibigat na paghinga. Galit na galit siya. "Okay ka lang?" Tanong ko. Napatingin si Dom sa akin st halata pa ang gulat sa kanya. "Kanina kapa?" Tanong niya agad. Tumango ako sa kanya. "Yup." "You heard everything?" Tanong niya ulit. Medyo nagulat pa ako dahil medyo galit siya. "Yup." Sagot ko ulit. Umiling si Dom sa akin na parang dismayado. Hindi pag ako sure kung sa akin o dahil sa kausap niya. "Tsismosa ka talaga." Eh? Kahit pala saan ako lumugar ay sasabihan pa din niya ako ng chismosa. Sana pala ay isinaboses ko nalang ung thoughts ko kanina para makatarungan naman na tawagin niya akong tsismosa! Bwiset na'to! Lumipas ang oras na nag enjoy na ako. Kung ano ano lang kase ang ginawa namin ni Dom. We even baked cookies na ang ending ay parang sinugod ng gyera ang kitchen namin. "Look what you've done!" Halos magmaktol na ako kakapunas ng mga flour na halos nakalpalibot yata sa buong kitchen. Nagbatuhan kase kami kanina ng flour at ito ang ending. "Ako lang?" Ngumisi si Dom sabay kuha ng basahan at tinulungan akong maglinis. "You started it!" Turo ko sa kanya. Hindi ko naman din kayang lubusan magalit dahil sumaya naman ako talaga. "Pero nag-enjoy ka?" Salita niya. Titig na titig pa siya sa akin. Bumuka ng kaonti ang bibig ko pero isinara ko ulit. Ang dami niya talagang alam. Pakiramdam ko ay kahit kelan kami magtalo ay hinding hindi ako mananalo. Palagi siyang may sagot. Sa bawat tanong ko, sasagutin niya din ng tanong. Nasaan naman ang hustisya doon? "Siguro," sagot ko. I need to answer safetly. Lately kase ay medyo weird ang inaarte ni Dom towards me. I don't want to be attached to him ot to fall. The safest thing to do is just to be in between. Ewan ko. He's so attractive but I need to put boundaries. Bukod sa hindi maganda ang imahe niya sa mga realtionships ay hindi naman talaga kami mangyayare sa huli. So better not to risk the friendship. Kumunot ang noo ni Dom at tsaka ako tinitigan ng masama. Medyo natigilan pa nga ako dahil talaga naman intimidating siya. "Siguro?" Sabi niya. Umabante pa siya palapit sa kain kaya napaatras ako at nakulong sa kitchen sink. Kinulong niya ako gamit ang dalawa niyang braso. Kung may kahinaan man ako sa oras na ito ay ang killer scent niya. I don't know what perfume he ia using but it's literally to die for. Parang gusto mo nalang dumikit sa kanya buong arawin para amuyin siya hanggang sa maubos ang amoy niya. "I want specific. Ayoko ng siguro. Gusto ko sigurado." Salita niya. Parang may bumugang ng mint sa hangin at kumalat sa paligid. His breath is also good. Sumasabay pa ang pagod niyang mata na nakatitig sa akin at matangos niyang ilong na halos dumikit na sa ilong ko. Nanghihina ako. Parang nawalan ako ng lakas sa ginagawa niya. Tila ba nilipad ng hangin ang boundaries na pilit kong binubuo sa kanya. "Ano gusto mo? Oo?" Halos magkautal utal na ako sa pagsasalita. Hindi siya nagbago ng posisyon o ano. Talagang nanatili siyang malapit sa akin kaya naman talagang parang mahihimatay na ako. "Oo," sagot niya. Pumikit ako ng hindi ko na makayanan ang posisyon namin dalawa. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay marahan ko siyang tinulak ng buong pwersa. Nagulat pa kami ng tumunog ang oven hudyat na tapos na ang binake namin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Pumameywang ako sa harap niya. "Hoy! Tigil tigil mo ako Dominic ha! Walang pwersahan ng feelings!" Salita ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD