"What are you doing here?" Sabi ni, Dom. Gulat na gulat siya ng makita ako dito sa loob ng cafe niya. Luminga ako sa paligid at nakaramdam ng tuwa ng makita ang mga studyante at ilan pamilya na masayang masaya habang kumakain.
May ilan pang magkasintahan ang apura ang pagpipicture nila sa sarili, sa pagkain at sa buong lugar.
Ngumuso ako at nag taas ng kilay ng mabalik ang atensyon kay Dom na hindi ko alam kung naiinis ba o natutuwa na nandito ako.
"Bakit ka nandito?" Ulit niya na tanong sa akin. Umirap ako sa kanya. Hindi ko maiwasan mapatingin sa lugar. As usual, almost everyone is looking at us. Hindi ko nga alam kung malakas lang ba talaga ang boses namin. O sadyang attention catcher itong lalake na ito.
Kung gaano kagwapo ang muka niya, ganun din kadaldal ang bunganga niya. Umikot ako sa likot para makapasok sa office niya. Ayoko naman pag pyestahan kami ng mga tao dahil sa normal na pag uusap namin dalawa.
Sumunod sa akin si Dom. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Nilibot ko ang mata sa buong office niya.
Ngumiti ako sa maliit pero maganda niyang office. And then, I saw a painting of a boy reaching for the girls hand. Napapatitig ako doon. Ngumiwi ako ng may mga memories na naman na dumaan sa utak ko. Isang babae at lalake ang masayang masaya na nagtutulakan sa cliff sa tabing dagat. They were both laughing and very much happy.
"Are you okay?" Mabilis na tumungo sa akin si Dom. Pumikit ako at kinalma ang sarili. I really don't know what is happening to me lately. May nakikita ako na mga bagay na pakiramdam ko ay totoong nangyare pero wala naman ito sa kahit anong sulok ng memorya ko.
Nang kumalma ako ay marahan kong dinalat ang mga mata. And then, he was looking at me intently. Alalang alala ang mukha niya kaya tila gusto kong matawa. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong hawakan o ano. He was looking at me like I was fragile and vulnerable.
"Oo naman!" Pinasigla ko ang boses. Iniwas ko na ang paningin sa painting. What's with those paintings? Mayroon yatang sumpa o maligno ang mga painting sa cafe na ito kaya kung ano ano ang nakikita ko.
"Sure?" He asked again. Umirap ako at umupo sa swivel chair niya. Nagtaka pa ako dahil hindi naman siya nagreklamo o nagalit. He just let me seat in peace.
"Oo nga. Bingi ka?" Sagot ko ulit. May klase na kami mamaya sa feast. Isa lang ang subject ko kanina kaya nakapunta ako dito. Wala din si Dom sa university so I thought he is here. Hindi naman ako nagkamali.
"Okay kana nga." Umirap si Dom at umupo sa mini couch sa harap ng table niya. Magkatapat kami ngaun.
"Are you going to Feast later?" Tanong niya.
"Of course! Bakit?" Tanong ko pabalik sa kanya. Nagtataka bakit ako tinatanong. I don't have lates or absence in our class.
"Sabay na kita ha." He said. Tumunganga ako sa harap niya at hindi makapaniwala that he is asking me. Mukha kaseng ang genuine genuine niya.
He was not like that! Palagi niya kaya akong sinasabotahe kapag papasok na. He always makes delays kapag papasok na ako or worst of the worst is sometimes, literal na iniiwan niya ako.
"Natural! Baka scam yan ha," tumawa pa ako. Madalas kase ay iniiwan ako niyan papasok ng Feast so most of the time ay nagtataxi ako. Bahagyang natawa si Dom sa akin.
"Kailan kita iniscam?" Tanong niya pero natatawa. Halatang guilty sa mga kabulastugan na ginawa sa akin. Kumuha ako ng ballpen at natatawang binato siya.
"Mukha mo! Palagi kaya!" Tumawa ako ng tinamaan ng ballpen ang noo niya kaya nawala ang ngiti niya.
"Nanakit kana ha," sagot niya. Eventhough na nagagalit siya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako magawang sigawan o pagalitan.
"Sinungaling ka kase!" Salita ko. Natigilan si Dom at hindi nakaimik. I was intently looking at him coz' somehow. May naiba sa kanya.
Binalewala ko nalang ang lahat. Sinumbatan ko pa siya dahil hindi niya ako ininvite nung grand opening nitong cafe. He just said that I will just get tired so he decided na magpahinga nalang ako instead of going here. Sino siya para mag decide para sa akin? Lokong yun!
But then, I'm still happy coz' he is true to his words. Ang sabi niya ay ako ang magmamanage ng cafe. He will just visit if he is not busy dahil minamanage din niya ang airline company nila.
Okay lang naman sa akin. Bukod sa kikita na ako ay mahal ko pa ang ginagawa ko. I really want this so talagang aalagaan ko ito. Lumabas si Dom ng tawagin ng ibang staff.
Meron daw kasing ilan customer na naghahanap sa kanya to give compliments to the food and of course the place. Hindi ko naman sila masisisi because the place is indeed superb.
Nakarinig ako ng ingay sa labas. Lumabas ako sa office. Then I saw again the girl last time sa bar. Kristelle? If I remember it clearly. Siya ang mean na pinsan ni Dominic. I don't know what's going on pero nasa kanya ang attensyon ng lahat. Halatang halata sa mukha ni Dom ang stress sa pag awat sa kanya. Such a brat.
"Stop it, Kristelle. You're making a scene." Mahinahon pero may diin na salita ni Dominic. Hindi ko alam kung ano ang pinagwawalaan ni Kristelle but she's indeed making a scenen.
Lahat ng tao sa lugar ay literal lang na nakatingin sa kanya. Si Dominic ay kalamado lang pero makikita mo na nagtitimpi lang siya dahil sa sunod sunod na pag igting ng panga niya.
"No! Why are you stopping me, Dom? Mali mali ang order na binigay sa akin ng staff mo! What a shame." Sigaw niya. Napanganga ako sa sinabu niya. Is she his real cousin? Hindi ba niya alam ang epekto ss negosyo kapag ganyan siya umarte? And besides, she can ask nicely to Dom or the staff.
Umiling ako at huminga ng malalim. I know that Dom is loosing his control already. Kumuyom na din kase ang kamao niya.
"Go home, Kristelle." Salita ni Dom. Talagang ubos na ang pasensya niya. Wala na akong nagawa. I need to save the girl froms Dom's incoming wrath and fix the mess.
"Excuse me," salita ko. Nasa gilid ako ni Dom. He's astounded when he saw me beside him.
Panay ang mura niya na tila unlimited yata. "Excuse me??" Sagot ni Kristelle sa akin. Hindi ko alam kung anong level niya sa katarayan but her shot brows says it all.
Nanatili akong kalmado. I even looked at the people around the place and mouthed my apology.
"May I know your problem?" Pauna kong sabi. Pilit kong isinasaksak sa ulo ko ang pagiging professional sa bagay na ito. There are too many people here and I don't want them to think that this place is not worth for their money. I just need to handle the situation professionally.
"And who are you?" She said again. She even looked at me from head to toe. Ngumisi siya st tumaas lalo ang kilay.
"Ah, I know. Bagong fling?" Natatawang sabi niya.
"Kristelle!" Sigaw ni Dom sa kanya. Hinawakan ko ang braso ni Dom. He looked at me. I smiled at him to assure him that I'm okay. I can handle this.. Sana..
"I'm not--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya. Damn it.
"Sure thing. Walang sineseryoso si Dom. He is for someone else and besides. May sekretong mahal yan. You think our family will accept you? Look at him! He is miserable dahil sa ginawa ng lolo namin sa babaeng tinago niya--" mahabang salita ni Kristelle na hindi na niya natapos ng hilahin siya ni Dom palabas. Gulat na gulat ako.
Dom already lost his coolness. Halos kaladkarin na niya si Kristelle sa labas. Nakatingin ako sa kanila. Dom is saying something to her pero dahil nasa loob na kami ay hindi na marinig. His eyes is in total anger. Mukhang may nasabi si Kristelle para mapasabog ng ganitong galit si Dom.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng lahat. May parte sa akin ang nabagabag sa sinabi ni Kristelle. I already know the fact that Dom is already engaged to someone else. Alam ko din yung fact na hindi nila gusto ang isa't isa.
What bothered me most is her word na may mahal si Dom? Obviously, hindi niya pinakilala sa pamilya. I understand Dom. Pero ano yung ginawa ng lolo nila sa babae?
Instead na maayos ko ang problema ay ako pa yata ang nomoblema. Naglalaro kase sa utak ko ang mga sinabi ni Kristelle. I felt like that was a blow for me.
Huminga ako ng malalim at isa isang pinagdikit ang nagkagutay gutay kong pag iisip. Bumalik ako sa mga tao na medyo kalmado na din naman. Then, I saw Kristelle's car leaving. Nanatili si Dominic sa labas at patuloy ang pag igting ng panga.
"Hello everyone!" Bati ko sa lahat. They all looked at me kaya napalunok ako bigla "I wanna say sorry for the chaos. I hope that wont affect to us. Because of that. I'm giving free fries to all tables here. Thank you!"
Ngumiti ako. Isa isang nagpalakpakan ang mga tao. Mayroon pa ngang bata na nagpapadyak kaya naman natigilan ako.
Marahan akong lumapit sa batang babae na nagmamaktol. Tumalungko ako para maglevel ang mga mata namin. "Hey, what's your problem little missy?" Salita ko. Tumigil ang batang babae sa pagmamaktol at napatingin sa akin. Nagulat ako ng hawakan ako ng bata.
Ngingiti sana ako ng may mga memories na naman na dumaan sa utak ko. Isang batang babae ang tinulak ko at sinigawsigawan ko na layuan ako. Kitang kita ko ang takot sa mata ng batang babae at walang awang pag iyak niya.
Nakaramdam akk ng paninikip ng dibdib. I felt like I will have a panick attack.
"I don't want fries! I want icecream." Nakangusong sabi ng bata sa akin. Hinahabol ko na talaga ang hininga ko sa hindi malaman na dahilan. The little girl continued her tantrums util Dom came in and helped me stand up.
"Yes, icecream for the young lady." Salita niya. Ang batang babae na nagmamaktol ay bigla nalang nagtatalon sa tuwa. I intently looked at her at meron akong kirot puso na naramdaman. This feelings is so wierd and bothering. Hindi ko ito maintindihan. Why am I feeling this way?
Pagod na pagod ang pakiramdam ng utak ko ng makatayo ako. Inalalayan pa ako ni Dom na maglakad. He looks okay now though.
"Bakit ka namumutla?" Salita niya ng malapit kami sa may counter. I even looked at the staff na sinigaw sigiwan ni Kristelle.
"I'm sorry about her. Don't mind her next time. Please help them give the fries." Salita ko. Kitang kita ko pa din ang traumang inabot ng staff sa ginawa ni Kristelle.
Nang makaalis ang ang staff ay binalik ko ang mata kay Dom. Titig na titig siya sa akin na tila ba sinusuri ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kumakalabog ang dibdib ko ngaun.
"I'm okay." Sagot ko. Kumalma ako sa mata niyang ang amo amo at parang takot na takot na mabasag ako. I don't want to assume things lalo na kung kay Dom galing but he is literally like that now.
"Are you sure?" Tanong niya ulit. Ngumiti lang ako at tumango to assure him na okay ako.
"What's the reason not to be okay?" Tanong kong pabiro. Tumawa pa ako ng bahagya. Tuwang tuwa ako sa mukha ni Dom na literal na nakanguso at iritang irita.
"You tell me." Masungit niyang sagot. Umirap ako sa kanya. Nang magbalik ang paningin ko sa kanya ay halos magkadikit na kami. Sinusuri niya ako na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"I'm.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa noo. I literally froze at the moment at tila ba lumutang ako. Nabalik lang ako sa katinuan ng magpalakpakan ang tao sa paligid.
"You should be. I can't afford to see you hurt again." Salita ni Dom at tsaka ako hinila pabalik ng office.
What?