Chapter 31.

1349 Words
Cillian Third Westin's point of view: Halos mag aalasingko na ng hapon nang makauwi ako sa bahay galing kina Hastrup matapos ko siyang ihatid. May ilang metro pa lang ang layo ko mula sa gate namin ay tanaw ko na agad ang sasakyan ni Daddy. Nabuhay ang galit sa dibdib ko, bagay na ayokong nararamdaman sa sarili kong ama ngunit nagkukusa ko iyong maramdaman tuwing maalala ko ang ginawa niya sa amin. Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko sa likod ng sasakyan ni dad at pumasok sa loob ng bahay. Sa sala pa lamang ng aming malaking bahay ay nakit ko na si dad. nakatayo siya roon habang nakatingin sa pinto ng kwarto nila ni mommy. “What are you doing here?” malamig na tanong ko sa kaniya. Naging mabagal naman ang naging paglingon niya sa akin pagkatapos kong magtanong. Malamlam ang mga mata ng aking ama nang tumingin siya sa akin. Malayo sa kung paano niya kami salubungin nuon ng masaya habang nakaabang ang pareho niyang braso para sa isang mahigpit na yakap. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya kaming pagtaksilan. Ang buong akala ko ay sapat na ang pagmamahal, saganang buhay, at tiwala upang mapanatili ang masayang pamilya ngunit hindi pala. Talo pala ng tempatasyon ang tapat na pag-ibig. “Son,” mahinang usal niya ngunit sapat upang marinig ko. “I can’t believe you dad,” umiiling na sabi ko. “where did you get the guts to go here?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Please, liste-” pinutol ko ang sasabihin niya. “No dad! please you listen to me!” pasigaw ng aniko. “you took away our trust, you hurt us especially my mom. How do you expect us to react?” napayuko siya matapos marinig ang mga sinabi ko. “I can’t understand any of this dad. Mom gave her all just to make this family happy and comfortable. My sister and I did everything to make you proud. Everything was fine dad, why did you betrayed us?” ayokong manumbat subalit kailangan ko iyon gawin upang may maintindihan ngunit bigo ako. Dahil sa tuwing binabalikan ko ang nakaraan upang hanapin ang mali ay lalo lang akong naguguluhan at walang naiintindihan. “You ruined our home dad, you ruined your own masterpiece.” mas mahinahon ng sabi ko bago siya iwan at umakyat para pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na ulit nilingon si dday hanggang sa tuluyan akong makapasok sa sarili kong silid. Ala-syete ang simula ng duty ko ngayon kayat kailangan ko ng makarating sa Hospital bago pa man ang oras na iyon. Mabilis ang naging pagkilos ko upang makaligo at makapag ayos. Pinilit kong iwaglit sa aking isipan ang presensya ni Daddy sa baba. Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ako ng kwarto ngunit bago bumaba ay dumaan muna ako sa kapatid ko. Ala-singko na kaya alam kong narito na siya sa bahay. Matapos ang tatlong katok ay pinagbuksan niya ako. Sinalubong ko siya ng yakap at gumanti naman ito. 10 years old pa lang ang nag-iisa kong kapatid na si Autumn. Dalawa lamang kami kaya naman hindi maipagkakailang malapit kami sa isa’t-isa. Gaya ko rin ay malapit din siya sa daddy, alam kong tulad ni mom ay nasasaktan din siya kahit pa masyado pa siyang bata para harapin at maintindihan ang ganitong klase ng problema. “How are you?” tanong ko sa kaniya habang yakap pa rin siya. “Great,” matamlay na sagot nita. “Is mom already home?” muling tanong ko. “I don’t know.” tugon niya. “Hey are you really fine? Are you sick?” alalang tanong ko sa kaniya habang dahan-dahan siyang inihihiwalay sa pagkakayakap ko. Masyado siyang matamlay ngayon at hindi ko iyon nagugustuhan. “No kuya, I’m fine.” nakangiting aniya at napangiti naman ako. Naglakad siya pabalik sa kaniyang kama matapos niyang tumugon sa tanong ko. Humiga siya ro’n at naupo naman ako sa paanan niya. “Is he still there?” nagulat ako sa tanong niya. Ibig sabihin lang nito ay alam niyang narito si dad kanina. “How did you know he was here?” tanong ko. “He fetched me.” maikling sagot niya. “At school?” paniniguro ko. “Yeah.” Nakatingin sa bintanang sagot niya. tumabi ako sa kaniya at hinawakan ang kaliwa niyang kamay rason upang mapalingon siya sa akin. “Are you not mad at him?” malumanay na tanong ko sa aking kapatid. “I don’t know kuya, I can’t feel even an inch of madness towards him.”napatulala ako sa naging sagot niya. “Maybe I love him so much, that’s why?” diretso itong nakatingin sa mga mata ko ngayon matapos bitawan ang tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin kaya’t niyakap ko na lamang siya bilang tugon. Niyakap niya ako pabalik pagkatapos ay nanahimik kami pareho. Inabot iyon ng halos isang minuto bago siya magkusang humiwalay sa akin. “Go kuya, you need to go to work.” nakangiting sabi ng kapatid ko. “Ah yah, I almost forgot. Take care baby, see you later.” ginulo ko ang buhok niya bago mag paalam upang makaalis na. “I’m not a baby anymore kuya!” pagmamaktol ng kapatid ko, natawa naman ako. “Whatever you say. I love you!” natatawa pa ring sabi ko bago tuluyang lumabas. “I love you brother!” sigaw nito sa akin dahil tuluyan na akong nakalabas ng kaniyang silid. Bago tuluyang bumaba ay dumaan muna ako sa kwarto nina mom upang magpaalam na rin sana ngunit wala pa siya roon. Kaya naman sa mga kasambahay na lamang namin ko ibinilin ang kapatid ko. Mabilis kong narating ang Hospital at agada kong tumungo sa opisina naming mga doctor upang makapag palit. Naging kabi-kabilaan ang bati sa akin ng mga Nurses, mga kapwa ko Doktor maging ang mga pasyente at kanilang mga guardians. Nakangiti kong tinugunan ang lahat, pinilit itago ang personal na mga problema. “Doc, heart attact, patient 34,” isang Nurse ang lumapit sa akin. Mabilis ang naging pagkilos namin upang tugunan ang pangangailangan ng pasyente. Agad akong nagsagawa ng CPR nang mag flatline ang pasyente. Hindi tumugon ang pasyente kaya kailangan namin subukan ang ibang paraan. “Chest compression,” mabilis ang naging pagkilos ng mga Nurses na kasama ko upang ibigay ang kailangan ko. Bigo pa rin sa pagtugon ang pasyente kaya naman muli kong isinagawa ang CPR sa pasyente. Ipinang patuloy ko ang pagrevive sa pasyente kahit pa hindi ito tumutugon sa kahit anong ginagawa ko. Hindi ko namalayan ang oras rason upang bahagya pa akong matulala nang magsalita ang isang Nurse na kasama ko. “Doc, It’s been 30 minutes. No response.” nanghina ako matapos marinig ang mga salitang ‘yon. Napatitig ako sa walang buhay ng pasyente, ito ang sumpang kalakip ng pagiging Doktor. Sa kabila ng kakayahang mayroon kami, nakakatawang may mga buhay na hindi pa rin namin kayang iligtas o maibalik. Panibagong buhay ang nawala sa mga kamay ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning harapin ang mga ganitong sitwasyon. “Time of death, 8:03 pm.” deklara ko matapos ay wala sa sariling lumabas ng kwarto kung nasaan ang pasyente upang harapin ang pamilya nito. Pag bukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang mag-inang naulila ng pasyente. Mabagal ang naging paghakbang ko papalapit sa kanila. Ito ang pinakamahirap na bahagi ng aking propesyon, ang sabihin sa nawalang pamilya ang sinapit ng mahal nila sa buhay. Naging emosyonal ang mag ina dahil sa dala kong balita. Wala akong nagawa kung ‘di ang pagmasdan silang magluksa dahil sa pagpanaw ng kanilang padre de pamilya. Labag man sa aking kalooban ay iniwan ko sila upang ipag patuloy ang trabaho ko. Alam kong kulang ang kahit anong salita para sa mga taong nawawalan ng mahal sa buhay subalit iyon lamang ang naibibigay namin sa kanila sa mga ganitong sitwasyon. Nakakalungkot ngunit kailangang umusad, ganiyan ang buhay ng isang Doktor sa isang Hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD