Chatper 30.

2030 Words
Hastrup Finn’s Point of view: “Architeeeeect!” halos mabitawan ko ang hawak kong Grass Cutter Scissor dahil sa malakas na sigaw na iyon.Kasalukuyan kase ako ngayong nasa hardin at binabawasan ang sanga ng mga halaman. Hindi ko pa man nakikita kung kanino galing ang sigaw na iyon ay alam ko na kung sino. Isang tao lang naman ang may lakas ng loob na umastang pagmamay-ari niya ang bahay na ‘to at iyon ang kaibigan kong si Third. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumingin sa b****a ng Hardin at duon nakita ko ngang nakapamaywang siya. Nakasuot ito ng kulay pink na Floral polo at itim na summer shorts. Sa lawak ng hardin na ito ay siguradong hindi niya ako kaagad makikita kaya naman itinaas ko ang hawak na Grass Cutter Scissor upang makita niya. Hindi nga ako nagkamali dahil dalawang beses ko pa lamang ito iwinagayway ay kumaway na siya sa akin pabalik ng may malawak na ngiti. “You look really hot baby,” nangunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Third ng tuluyan itong makalapit sa akin. Diretso itong nakatingin sa pawisan kong katawan. “You’re giving me creep bro.” sagot ko sa kaniya. Tumawa naman ito kaya’t siniringan ko na lamang siya bago magpatuloy sa ginagawa. “Do you need a hand?” tanong nito. “No.” maikling sagot ko. “but I think, you’re the one who need a hand right now.” pagpapatuloy ko. “You’re genius brother!” bulalas nito, napailing naman ako. “I know you too well Third.” aniko pagkatapos ay tumayo at humarap sa kaniya. “I knew it! Tha’ts how much you love me,” sagot nito sa sinabi ko at akmang yayakap sa akin ngunit pinigilan ko siya. “Com’ on stop that crap. What do you need?” seryoso kunwaring tanong ko. “Cash.” nakangiting aniya. “Okay.” mabilis kong sagot bago iabot sa kaniya ang grass cutter. Taka naman niya itong tiningnan. “What’s this for?” tanong niya. “You need cash right? Then work for it.” sagot ko at iniwan siya roon. Naramdaman ko naman agad ang pagsunod niya sa akin kaya naman binagalaan ko ang paglalakad upang makapag sabay kami. “I was just joking,” sabi nito nang maksabay sa paglalakad ko. Pahagya naman akong napangiti dahil alam kong nagbibiro lang naman talaga siya. Masyado siyang mayaman para mangailangan pa ng pera. “Spill,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa bahay. Natahimik naman siya matapos kong sabihin iyon. “What now Doctor?” iritable kunwaring tanong ko sa kaniya. Napahinto naman siya sa paglalakad at diretsong tumingin sa mga mata ko habang nakapamulsa. Hindi ko alam ngunit para bang nag-aalangan itong magsabi. Bago ito sa pagitan namin ni Third dahil sa pagkakaibigan namin ay ni minsan hindi kami ngdalawang isip magsabi sa isa’t-isa. Sandali ko pang inabangan ang magiging sagot niya ngunit tanging malakas na buntong hininga lamang ang narinig ko mula sa kaniya. “I guess you had a sudden change of mind.” kibit-balikat na sabi ko bago muling magpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit nag dadalawang isip si Third hingiin ang pabor na nais niya. hindi ganito ang kaibigan kong’to, siya yung tipo ng kaibigan na saka lang lalapit sa iba kung hindi na talaga niya kaya rason upang hindi siya nag dadalawang isip sa pagsasabi. “Are you busy?” maya-maya ay tanong niya nang makarating kami sa bahay. Naging tahimik ang pag-uwi namin kaya naman hindi ko inakalang ito agad ang magiging tanong niya matapos niyang makaupo sa sala namin. “I’m a busy man you know.” kibit-balikat na aniko. Napabuntong-hininga naman siya kaya naupo muna ako sa tabi niya. “What’s the matter?” seryosong tanong ko. Nag-iwas naman siya ng tingin. “I don’t know. I really don’t know what’s going on.” naihalamos niya ang palad sa mukha pagkatapos sabihin iyon. “1 hour,” maikling sabi ko bago tumayo. “Too long. 45 minutes.” nakayukong aniya. “Whatever.” Sagot ko at tumungo na sa kwarto ko upang makaligo. Tinawanan niya lamang ang naging sagot ko kaya naman nagtuloy na ako. Mabilis ko lamang tinapos ang pagligo at pag-aayos ng sarili ko. Paglabas ko nga ng kwarto ay naratnan ko sina Mommy at Third habang magkausap. “Hi mom!" bati ko sa aking ina matapos ay lumingon kay Third. “I’m hungry,” walang ano-ano ay sabi niya. “You haven’t eaten yet? How can you even come here without eating?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. halos tanghalian na ng magpunta siya rito kaya ang akala ko ay kumain na siya. “Will you please stop asking? You’ve been asking me thousands of questions since I came here.” naiirita kunwasring aniya. “Then go home.” malumanay na aniko. “No.” tugon niya. “What?” kunot-noong tanong ko. “I said no,” muling aniya bago sumandal sa kinauupuan niya. Napailing naman ako habang nakapamaywang sa harap niya. “Go and cook for us son,” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang magsalita si mom. “Thanks, tita!” masiglang pagpapasalamat ni Third sa aking ina. Tinignan ko naman siya ng masama. “Of course, son.” malambing na agot ni mom sa kaniya. “You're the be-” hindi na naituloy pa ni Third ang sinasabi dahil muling nagsalita si mommy. “Help him in the kitchen,” nakangiting ani mom. “Tita?” hindi makapaniwalang tanong ni Third. “Your brother might need your help,” nakangiti pa ring sabi ni mommy. Hindi makapaniwala si Third sa sinabi ni mommy kaya naman napahagalpak ako sa tawa. Wala naman siyang nagawa kaya naman patamad siyang sumama sa akin papuntang kusina. “Go wash your hands,” nakangising utos ko sa kaniya nang makarating kami. Inambahan naman niya ako ng suntok bago sumunod. “What do you want to have?” tanong ko habang naghuhugas siya ng kamay at nag susuot naman ako ng Apron. “Balsamic-Glazed Steak Rolls, Buffalo Chicken Salad Puff and Gourmet Salm-” pinutol ko na ang sinasabi niya dahil hindi ko iyon kayang ihanda para sa pananghalian namin ngayon. “I’m an Architect, an Architect not a chief. In case you have forgotten.” aniko. Natawa naman siya sa sinabi ko at tumabi sa akin. “Let’s open a restaurant.” seryosong aniya. Mabilis naman akong napalingon sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. “Are you really that bored for you to think of that?” tanong ko sa kaniya at natawa na naman siya. “Why not? It’s a great investment,” tugon niya. “Dude, are you serious right now?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. “Yeah.” seryoso talagang tugon niya. Napailing naman ako bago magpasiyang ihanda ang mga gagamitin namin sa pagluluto. “No, you’re just hungry. Think about that again after lunch.” aniko. Kung ano-ano ang naiisip ng taong ‘to. Wala na ba siyang mapag lagyan ng yaman kaya gano’n na lamang siya kabilis mag desisyon? Natapos na ang usapan tungkol duon bago pa man kami matapos magluto. Pinagsaluhan naming tatlo ang niluto namin, matapos nga ay nagpaalam kami kay mom na lalabas dahil may kailangan kaming pag-usapn ni Third. Hindi na nagtanong pa si mommy kung tungkol saan ‘yon kaya naman nakaalis kami agad sa bahay. Hindi na ako nagdala ng sasakyan dahil may dala naman si Third. Nuong una ay gusto niyang ako na lang ang magdala ng sasakyan at siya na lang ang makikisakay ngunit tumanggi ako. Hindi ko alam kung saan niya balak pumunta, ayokong mapagod sa pagdadrive ngayon. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako habang nasa byahe. Nagulat na lamang ako sa biglaang park parada ni Third ng sasakyan dahilan upang halos tumilapon ako paharap. Mabuti na lamang at ugali kong magsuot ng seatbelt. “We’re here! Get up brother!” rinig ko pang sabi ni Third bago siya bumaba ng sarili niyang sasakyan. Asar akong nag mulat ng mata at inunfasten ang seatbelt ko. Gusto ko pa sana siyang sigawan ngunit mabilis siyang nawala sa paningin ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror bago magpasyang bumaba. “What took you so long?” nagulat ako ng biglang magsalita si Third bagbaba ko ng sasakyan. “You startled me!” sigaw ko sa kaniya bago siya nilapitan at dambahin. Napaaray naman siya dahil sa ginawa ko rason para matawa ako. Kasalukuyan kami ngayong nasa isang mall. Pamilyar ang lugar na ito dahil dito kami madalas pumunta nuon pagkatapos ng klase o kaya naman sa tuwing walang pasok. Napangiti pa ako sa mga ala-alang nagbalik nang tignan ko ang kabuuan ng lugar. Inakbayan ako ni Third habang papasok kami sa loob. Tumungo kami sa ikalawang palapag nitong mall kung nasaan ang Arcade. Bumili kami ng Token sa b****a upang may magamit kami sa paglalaro. Matagal na rin nuong huli kaming naglaro dito kaya naman nabuhay ang pananabik at saya sa dibdib ko. “You ready?” tanong sa akin ni Third nang maitapat kami sa Tetris Machine. “Prepare for a defeat bro.” sagot ko sa tanong niya. Para kaming mga batang ginagawa ang lahat upang matalo ang isa’t-isa bawat larong nilalaro namin. Gaya nuon ay halos malaro na namin ang lahat ng narito at kasalukuyan kami ngayong naglalaro ng Basketball nang huminto sa pag hagis ng bola si Third. Napahinto rin ako dahil sa ginawa niya at mabilis na lumingon sa kaniya. “They’re finally separated,” mabagal at mahinang aniya habang nakayuko. “Who?” tanong ko. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil ngayon na lang ulit kami nakapag-usap ng ganito. “My parents.” malungkot na tugon niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay nasa mabuting sitwasyon ang relasyon ng mga magulang niya dahil iyon ang nakikita ko sa tuwing bibisita sa kanila. “I don’t know what do anymore you know. I don’t want them to get separated,” nakikinig lang ako habang nasa tabi niya. “Then try to talk to them,” aniko ngunit naging sunod-sunod ang pagiling niya. “I can’t. I can’t hurt my mom event more.” aniya. “What do you mean?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang mga sinabi niya. “My dad cheated on her.” nabasag ang boses ng kaibigan ko matapos sabihin iyon. Hindi ako nakasagot agad dahil sa sinabi niya. Alam ko kung gaano kalapit si Third sa daddy niya kaya alam kong nasasaktan siya ngayon dahil nagawa nito. Tinitingala niya ang kaniyang ama higit pa sa sino man kaya alam kong hindi madali ang pinagdaraanan nila ngayon dahil sa nangyari. “This is driving me crazy.” napaupo kami sa sahig pareho pagkatapos niyang sabihin iyon. “My dad is a total jerk.” aniya. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya kaya naman hinayaan ko lamang siyang maglabas ng mga hinanakit niya. Dumarami na ang tao sa Arcade kaya minabuti naming pumasok sa isang Videoke room upang walang ibang makarinig sa pag-uusapan namin. Duon ay naging madamdamin ang pagkukwento ni Third at buong atensyon akong nakinig sa kaniya. Wala man akong naisasagot sa kaniya alam kong sapat na sakaniya ang presensya ko ngayon. “Sometimes loving is not enough, even you love too much. This proves that there is more powerful than love.” malungkot na pagtatapos niya sa aming araw. “We got betrayed by someone we trusted the most.” natatawang aniya bago ako ayain pauwi. May duty pa raw siya kaya kailangan na niyang umuwi para makapag handa. Nakakatuwa at nakakalungkot na sa kabila ng sitwasyon ni Third ay kailangan niya pa ring magtrabaho. Kailangan niya pa ring gampanan ang mga tungkulin niya bilang Doktor kahit pa siya mismo ay kailangan ng tulong. Madalas kailangan nating kalimutan ang ating mga sarili para sa iba. Kailangan nating kalimutan ang ating mga nararamdaman para tugunan ang pangangailangan ng nila. Dito natin napapatunayan na kahit pa ang mundo’y makasarili, mapanlinlang at mapambuyo, hindi nawawala ang kabutihang taglay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD