Chapter 29.

1822 Words
Mc Ashley’s point of view: Off duty ako kagabi nang makausap ko si Hope sa telepono at nasabi niya sa aking naka code white alert ang Yoongi Hospital dahil sa nangyaring pagguho kahapon sa isang construction site sa kabilang bayan. Dumarami ang mga biktimang dinadala sa Yoongi Hospital dahil ito ang pinakamalapit na Hospital sa lugar rason kung bakit hanggang ngayon ay naka code white pa rin ito. Pagdating ko ng Hospital para mag duty ay nakita ko agad ang pagod sa ilan sa mga kasamahan namin. Marahil sila iyong mga nakaduty magmula pa kagabi at hindi pa dumarating ang kapalit. Dumiretso ako sa Nurse Station upang upang pormal na simulan ang araw ko. sa loob ay Nakita ko si Hope, mukhang nag eendorse na siya kay Sheila kaya naman hindi ko na sila inabala pa. “Ash, paki assist naman yung patient na dala nung guardian na kausap ni James.” ani Joy, isa sa mga Nurse, bago siya patakbong pumunta ng OR. Hindi na ako sumagot bagkus ay pumunta na kay James upang alamin ang sitwasyon ng pasyente. “Ano ng nararamdaman mo? May masakit ba?” tanong ko sa babaeng pasyente na marahil ay nasa 15 hanggang 17 na taong gulang. “Nasusuka po ako.” nanghihinang aniya. Iginala ko ang paningin sa katawan niya at napansin kong namamaga ang mga paa niya. Naka wheel chair ito ngayon kaya nilingon ko si James at sinenyasang iuuna ko ng ipasok ang pasyente sa ward upang maihiga na siya. Nang makarating sa loob ay agad na lumapit si Doc Third sa pasyente matapos namin itong maihiga. Agad niyang dinaluhan ang pasyente kaya naman dumistansya muna kami sa kanila upang masuri niya ito. Nang matapos siya ay agad niyang inutusan si James upang ihanda ang mga test na kailangan gawin sa bagong dating na pasyente upang malaman kung ano ang eksaktong kalagayan nito. Napatitig ako sa seryosong si Third, halata ang pangingitim ng kaniyang malalim na mga mata. Ayon kay Hope ay ilang araw na raw itong naka duty ng dire-diretso kaya na rin siguro hindi na maitago ng kaniyang pisikal na katawan ang puyat at pagod. “Nurse Ash, paki check naman si Julienne nasa Room 15 siya ngayon.” si Nurse Sam. Kasalukuyan ako ngayong nasa Nurse station para kumuha ng Face mask bago daluhan ang mga pasyente sa Hospital. Napahinga muna ako ng malalim bago nakasagot dahil sa pangalang narinig ko. Narito na naman ang batang ‘yon, sana ay hindi gano’n kalala ang sitwasyon niya ngayon kumpara nuong mga nakaraan. “Okay, ako ng bahala.” matapos niyang magpasalamat ay ibinigay naman niya sa akin ang mga kakailanganin kong impormasyon ng bata upang matugunan ng tama ang pangangailangan niya. Nag-usap pa kami sandali bago kami naghiwalay ng direksyon. Habang nasa daan papunta ng Children’s ward ay marami akong nakasulubong na mga Doctors and Nurses na nagmamadali. Abala ang lahat dahil na rin naka Code white kami kaya kailangang maging handa at alerto ang lahat. “Hello little princess!” bati ko kay Julliene nang makarating ako sa kaniyang silid. “Ate Ashy!” malakas at pasigaw na bati sa akin ng batang babae. Napangiti ako lalo dahil sa ginawa niya. Sana ay hindi na mawala ang kaniyang sigla. Apat na taon pa lamang ang batang ito ngunit madalas na siya rito dahil sa sitwasyon niya. Mayroon siyang karamdamang tinatawag na B-Cell Acute Lymphoblastic Leukemia. Isa ito sa pinaka pangkaraniwang klase ng cancer na mayroon ang mga bata. Naapaektuhan nito ang immune system nila na tinatawag na B cells at T cells. The disease starts in your child's bone marrow, which is the spongy center of bones where new blood cells grow. The leukemia cells grow very fast and crowd the bone marrow, so the bone marrow has trouble making enough normal cells. Dahil sa karamdamang ito ni Julline ay madali siyang maipeksyon at mahawa sa ibang mga karamdaman dahil wala siyang nakukuhang proteksyon mula sa kaniyang B cells. Kaya naman madalas siyang dalhin ng mga magulang niya rito upang maagapan ang kaniyang nagiging mga impeksyon. Dahil din dito ay iilang tao rin ang nakakapasok sa kaniyang kwarto upang masiguro ang kaniyang kaligtasan. Bukod riyan ay dito rin isinasagawa ang kaniyang Chemo therapy rason upang halos maging pangalawang tahanan na niya ang Hospital. “We need to change this okay? I promise I’ll be gentle.” Nakangiting sabi ko sa kaniya sabay turo sa kaniyang swero. “Can you remove it instead ate? It pains me so much.” diretso itong nakatingin sa kaniyang kanang braso kung saan nakalagay ang swero. “Baby, look at me,” hinawakan ko ang kaliwa niyang braso matapos kong magsalita. Agad naman siyang sumunod. Nang magtama ang aming paningin ay gusto kong mag bawi ng tingin dahil ang masaya niyang mga mata kanina ay lumuluha na. Tila kumirot ang puso ko dahil sa nakikita—marahan kong pinunasan ang mga butil ng mga luhang kumawala sa mga mata niya. “Soon baby okay?” bulong ko. “For now, we need to put another so that you can go home na.” nakangiting aniko. Tumitig muna siya sa akin bago marahang tumango. Kahit ako ay ayokong lagyan siya ng dextrose lalo na nang makita kong namamaga ng ang maliit niyang braso. Napapikit pa ako nang umaray siya nang sinimulan ko alisin ang mga tapes sa balat niya.Mas dinahan-dahan ko ang pagkilos hanggang sa matagumpay na mailagay ang IV Catheter. Sa huling pagkakataon ay hinaplos ko ang kaniyang pisngi at inayos na ang aking gamit. Bago tuluyang lumabas sa kaniyang silid ay inihiga ko muna siya sa kaniyang higaan at sinabihang mag pahinga. Tango at ngiti lamang ang itinugon sa akin ng bata. Matapos nito ay nagpasya na akong lumabas para maasikaso naman ang iba pang mga pasyente. “Hoy babae!” halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Hope sa tabi ko nang makalabas ako sa kwarto ni Julienne. Hindi ko manlang naramdaman ang paglapit niya dahil tutok ako sa chart na hawak ko. “Pwede ba magparamdam ka muna bago magsalita? Nagugulat ako sa’yo eh!” tinawanan lang niya ang sinabi ko kahit pa sinabi ko iyon ng naka kunot-noo. “Wag kang maarte, Uuwi na ako. Bye!” ‘yon lang ang sinabi niya at mabilis na naglakad palabas ng Hospital. “Wag mo ’kong mamimiss, magkikita pa tayo bukas. Ingat!” tugon ko sa kaniya at ikinaway naman nito ang kamay nang nakatalikod sa akin habang naglalakad palabas. Napailing na lang ako dahil sa kabaliwan ni Hope. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napnsin kong wala na ang karatulang nagsasabing naka code white ang Hospital nang mapadaan ako sa bulletin board. Napangiti ako ng malawak dahil dito. Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay natanaw ko si Doc Third. Matamlay itong naglalakad papunta sa direksyon ko. Nakayuko ito habang naglalakad kaya malamang ay hindi niya ako nakita. Kaya naman hindi ako muling humakbang upang makapag patuloy sa paglalakad bagkus ay hinintay ko siyang mag-angat ng ulo. Makalipas nga ang ilang segundo ay mabagal niyang iniangat ang kaniyang ulo upang makita ang daraanan rason upang mag tama ang paningin namin. Ngitian ko siya ngunit tila wala na siyang lakas upang tugunan iyon subalit bumilis ang kaniyang naging hakbang papunta sa akin. “Tired?” tanong ko sa kaniya ng pabagsak niyang isinandal ang ulo sa kaliwang balikat ko habang nakaharap sa akin ng tuluyang makalapit. “Exhausted.” Mabagal niyang sagot sa tanong ko. “Do you want to eat?” tanong ko matapos ay hinaplos ang kaniyang likuran. “No,” mahinang tugon niya. “rest. I want to rest.” pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi iyon. Sa bigat ng kaniyang pag hinga at pagkakasandal sa akin ay alam kong sobra talaga ang pagod na nararamdaman niya ngayon. “Then go to your office now. Take a rest,” sagot ko sa sinabi niya. “I’m resting now,” naphinto ako sa paghaplos sa likod niya matapos marinig iyon. Hinayaan ko na lamang muna siyang sumandal sa balikat ko ng ilang minuto. Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon sa bahaging ito ng Hospital. “Third, let’s go.” marahan kong tinapik ang balikat niya. “Okay.” sagot niya matapos ay ingat ang kaniyang ulo rason upang muling mag tama ang paningin namin. Nanatili kaming nakatingin sa isa’t-isa bago ako tuluyang magbawi ng tingin. Naawa ako sa tamlay ng mga mata niya para siyang lalagnatin. “Go to your office now. I’ll buy you something to eat,” sabi ko sa kaniya. “But I’m not hungry,” sagot niya sa sinabi ko. “I don’t care. You need to eat,” muling aniko. Siguradong kulang sa kain ang Doktor na ‘to. “I can’t eat alone,” nakayukong aniya. Napabuntong hininga ako, muntik ko ng makalimutang si Third ang kausap ko. Ang nag-iisang taong kakilala ko na hindi makakain ng walang kasama. “I’ll eat with you,” tugon ko sa sinabi niya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at napangiti ng malaki. “Okay! See you there!” masiglang aniya bago patakbong pumunta sa opisina niya. Dumaan muna ako sa Nurse station upang malaman ang sitwasyon ng Hospital at nasabi sa akin ni Nurse Sam na lifted na nga ang code white alert kaya naman at gumaan na ang sitwasyon. Nagpaalam ako sa kaniyang aalis muna ako sandali upang bilhan ng makakain at pumayag naman ito. Nalaman ko rin sa kaniyang naging sunod-sunod ang operasyon ng Third mula pa kagabi kaya wala itong sapat na kain at pahinga. Binilisan ko ang pagbili upang makabalik agad sa Hospital. Agad akong dumiretso sa opisina ni Third. Pagpasok ay agad ko siyang nakita, bahagya pa akong natawa habang umiiling. “Rest well Thirdy.” bulong ko sa sarili habang papalapit sa kaniya. Nakasandal ito ngayon sa swivel chair niya habang payapang natutulog. Para namang hinaplos ang puso ko dahil sa nakikita sa kaniya. Inilibot ko ang paningin sa opisina niya upang makahanap ng maaring ikumot sa kaniya. Sa gitna ng aking paghahanap ay nakita ko ang isang frame kung saan kaming dalawa ang laman. Araw iyon ng college graduation ko. Siya unang taong kumuha ng litrato kasama ako ng araw na iyon. Naunahan niya pa ang pamilya ko, napangiti ako sa mga ala-alang iyon. Minsan ko pang inilibot ang paningin at sa ibabaw ng cabinet niya ay may maliit na kumot. Subalit sapat lamang iyon sa kaniyang katawan. Wala na akong ibang nakita pa kaya naman iyon na lamang ang ikinumot ko sa kaniya. Pagkatapos ay inayos ko ang mga dala kong pagkain sa lamesa niya upang kakainin na lamang niya iyon mamaya pag gising niya. Nang masigurong maayos na ang mga pagkain ay lumapit akong muli sa kaniya at inaayos ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok na humaharang sa mukha niya. Hinaplos ko pa ang pisngi niya bago tuluyang lumabas ng kaniyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD