Chapter 28:

2067 Words
Hastrup Finn’s point of view: Patapos na ang Hospital na ipinapatayo ni Third kaya naman dumalang na ang pag bisita ko site. Magmula nuong nakaraang buwan ay tumatanggap na ako ng ibang proyekto kaya naman mas naging abala ako nitong mga nakaraan. Halos mag-uumaga na nang makatulog ako dahil sinikap kong tapusin ang ilang mga designs na kakailanganin ko para sa bagong proyektong tinanggap ko kaya naman tinanghali na ako ng gising. Ngayon ay araw ng sabado, parehong araw kung kailan sumasahod ang mga mangagawa sa Hospital na ipinapatayo. Sinabi ko kay Third na ako na lamang ang maghahatid ng sahod nila. Nuong una ay tumanggi ito dahil masyado na raw akong abala para abalahin pa ngunit nag pumilit ako kaya naman ngayon ay papunta na ako sa site. “Archetect!” bati sa akin ni Larry, ang pinakabata sa grupo. “Larrry, kumusta na?” nakangiting salubong ko sa kaniya nang nakarating sa site. Sandali pa kaming nagbiruan nang mapansin kong wala sina Manong Ferd. Kahit isa sa kanila ay wala akong makita bukod kay Larry na mukhang pauwi na rin ng maratnan ko. Dala ng pagtataka ay tinignan ko ang aking orasan, 3:24 pm pa lamang. “Asaan sila?” tanong ko kay Larry. “Ah nasa likod po, may pinag-uusapan,” tugon niya. “Lahat sila?” muling tanong ko. Tumango naman siya bilang pag tugon. Hindi ko na inilam pa kung tugkol saan ang pag-uusap nila bagkus ay inaya ko na lamang siyang pumunta sa mga kasamahan niya upang ibigay ang mga sahod nila. Tama nga ang sinasabi ni Larry dahil sa likod na bahagi nitong Hospital ay naratnan namin silang nag uusap-usap. “Andito si Architect!” anunsyo ni Larry rason upang mabilis silang mapalingon sa amin. Gusto ko sana siyang pigilan dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ngunit huli na dahil nakuha na namin ang atensyon ng lahat. “Magandang hapon ho,” nahihiyang bati ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin at nag simulang bumati pabalik kaya bahagyang nawala ang hiya ko. “Kay tagal ka naming hinintay Hijo,” si Manong Ferd pagkatapos ay tinapik ang balikat ko. “Naging abala ho kase nitong mga nag daang araw,” pagsasabi ko ng totoo. Tumango naman siya. “Kumu-” hindi ko na naituloy pa ang tanong ko dahil may biglang yumakap sa akin. “Maraming salamat Hijo,” si Manong Jose. “naoperahan na ang anak ko. Maraming salamat,” emosyonal na aniya. Niyakap ko siya pabalik ngunit hindi ako nagkapag salita. “Kung hindi dahil sa inyo ay malamang nahihirapan pa rin ang anak ko,” napayuko ito habang emosyonal matapos humiwalay sa pagkakayakap sa akin. “Masaya po akong makatulong,” nakangiting aniko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano nilang nalaman na ako ang tumulong sa kanila gayong napag-usapan namin ni Third na ilihim iyon sa pamilya ng bata. Kaya naman ngayon ay hindi ko alam ang sasabihin sa kanila dahil hindi ako handang pag-usapan ang bagay na ito ngayon. “Talagang hindi ko alam kung paanong makakabawi sayo Hijo,” si Manong Jose. “Hindi niyo ho kailangang bumawi sa akin. Masaya na po akong malaman na nasa maayos ng kalagayan ang anak ninyo,” mahabang sabi ko. Lalo naman siyang naging emosyonal dahil sa sinabi ko kaya natawa kaming lahat. "At isa pa ho hindi lang po ako ang tumulong sa inyo, pati po ang kaibigan ko. Siya po ang personal na nagopera sa anak niyo." nakangiting aniko. "Ipaabot mo na lamang ang aking pasasalamat sa iyong kaibigan. Umaasa akong balang araw ay makikilala ko siya." emosyonal pa ring aniya. Sandali pa naming pinag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon bago nila buksan ang usapin tungkol sa balak nilang pagbabawas ng tao dahil sa nalalapit na pagtatapos nitong ipinapatayong Hospital. “Saan ho magtatrabaho ang mga maalis dito?” tanong ko kay Manong Ferd. Nag-aala kasi akong tuluyan silang mawalan ng trabaho kapag umalis sila rito. “May mga nakapila kaming trabaho kaya’t pag-alis nila rito ay mayroon agad silang mapapasukan," paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. “Huling araw ng trabaho namin dito ngayon, tara sa bahay,” si Kuya Gerald, ang isa sa mga manggagawa. Isa siya sa mga maalis ngunit hindi siya kakikitaan ng lungkot dahil maayos na silang nakausap ni Manong Ferd kanina. Pumayag ang lahat sa suhesyon niya, kakikitaan ng pananabik ang bawat isa. Nakangiti ko silang pinag mamasdan habang kinukuha ang mga gamit nila upang makaalis na dahil naibigay ko na rin ang lahat ng sahod nila. Naigayak na nila ang lahat at handa na silang umalis kaya naman maging ako ay sumabay na sakanila palabas ng site Matapos iabot ang mga sahod nila. Papunta na ako kung saan nakaparado ang kotse ko na siya namang kasalungat ng direksyon kung saan papunta sila Mang Ferd. Magpapaalam na sana ako nang magsalita si Larry. “Sundan mo lang po ang mga motor namin Architect para hindi ka maligaw,” nakangiting aniya. “Ha?” naguguluhang tanong ko. Isasama nila ako? “Sumama ka na sa amin Hijo kung hindi kami magiging abala sayo,” si Manong Ferd. Sunod-sunod naman ang naging pag anyaya sa akin ng iba pa. “Tara ho!” masiglang pag sang-ayon ko. Natawa naman silang lahat sa ginawa ko. Nagpunta na kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan. Lahat sila ay naka single motor dala ang kanilang mga gamit. Inalok ko pa silang sa kotse ko na lamang nila ilagay ang kanilang mga gamit ngunit tumanggi sila. Gaya nga ng sinabi ni Larry ay sinundan ko lamang sila upang hindi maligaw. Maya-maya pa ay huminto sila sa tapat ng isang bahay na yari sa kahoy. Sa pakawari ko ay ito na ang bahay ni Kuya Gerald. Hindi nga ako nagkamali dahil isa-isa nilang ipinarada ang kanilang mga motor sa gilid ng bahay at bumaba kaya gano’n na rin ang ginawa ko. “Tuloy kayo,” sabi sa amin Kuya Gerald kaya naman sumunod na kami sa kaniya. Tinignan ko ang kabuuan ng lugar, isang simpleng bahay ang nakatayo sa gilid ng isang malawak na bukirin. Kasalukuyang mga palay ang nakatanim at mukhang malapit ng anihin ang mga ito dahil sa amoy nilang sumasama sa malamig na hangin. Napapikit ako sa lamig ng hanging dumadampi sa mga balat ko. “Pag pasensyahan mo na ang lugar namin Hastrup,” naibalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Kuya Gerald. “Napaka ganda po rito!” komento ko. Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. “Architect tara na,” bahagya pa akong nagulat ng biglang magsalita si Larry sa tabi ko habang magkausap kami ni Kuya Gerald. “Sige na sumama ka muna sa kaniya at susunod kami,” si Kuya Gerald. Hindi na ako nagtanong pa bagkus ay sumama na lamang ako kay Larry. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa gilid ng palayan. Hindi ko alam kung saan kami papunta nina Larry kasama ng ilan sa aming mga kasama. Nagtatawanan kami habang naglalakad hanggang sa huminto kami sa isang kubo. Sapat ang laki ng kubong ito para sa aming lahat. May isa itong mahabang lamesa sa loob na napapaligiran naman ng tatlong mahahabang upuan. Mukhang sinadyang gawin ang kubong ito para sa mga kasiyahan at salo-salo. Pumasok ako sa loob at namangha sa kung paano ginawa ang kubo. Makikita ang higpit ng pagkakatali sa bawat mga kawayan at nipang ginamit rito. Malinis at makinis ang mga kawayan kayat hindi ito nakakaaugat. Komportable rin sa loob lalo na at bukirin ang nasa harap mo. Akala ko ay duon na iyon nagtatapos ngunit mas namangha ako nang makita ang isang malinis na ilog sa likod nitong kubo. “Maari bang pagliguan ang ilog na ‘yan?” bulong na tanong ko kay Larry nang makaupo kami. “Oo naman Architect. Kung gusto mo ay maari tayong maligo ngayon.” natatawang sagot nya. Umiling naman ako, wala akong dalang damit kahit pa gusto ko. Habang nasa loob kami ng kubo ay nagkukwentuhan kami. Kahit pa abala kaming lahat sa pag uusap-usap ay hindi ko maigilan ang aking mga matang tumingin sa paligid. Nakakahalina ang ganda at kapayapaan dito sa kanilang lugar. “Pasensya na kayo at natagalan kami,” pumasok si Manong Ferd sa loob ng kubo kung nasaan kami kasama ng iba pa naming kasamahan dala ng isang basket at ilang mga pagkain. Sinamahan namin silang iayos ang mga dala. May mga hilaw na Mangga, may mga isdang Bangus, Tilapia at Manok. May mga pagkain ring hindi ko makilala lalo na ang laman ng basket. Mayroon iyong tatlong bote ng inumin. Wala iyong kulay kaya naman aakalain mong tubig lamang ang mga iyon, ngunit alam kong hindi. Pagkatapos naming maiayos ang lahat ay isa-isa ng pumwesto ang lahat. Naupo sa mga upuan at ang ilan sa mga bagong dating ay ibinaba na ang gamit. Nanbg masigurong nasa maayos na ang lahat ay inilabas na ni Manong Fred ang mga bote mula sa Basket at binuksan ang isa. Umalingasaw naman ang amoy nito at tama nga ang hinala ko, alak ang mga iyon. “Hijo pangunahan mo ang ating inuman,” si Manong Jose. Gulat akong napalingon sa kaniya. “Iabot mo sa akin ang baso mo,” si Manong Ferd. Gulat man ay iniabot ko ang aking baso. Matapos lagyan ang baso ko ay inilibot ko muna ang aking paningin sa lahat at mukhang lahat sila ay inaabangan ang magiging mga kilos ko. Kaya naman nahihiya akong ngumiti sa kanila. “Go Architect!” si Larry. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Alam mo ba ang alak na iyan Hijo?” tanong ni Manong Ferd. Mabagal naman akong umiling. “Isa iyang lambanog,” aniya. “tinatawag din ito ng iba na coconut vodka. Iyan ay nagsimula sa sapal ng niyog. Ito ay maari ring magmula sa tuba o palm toddy.” Paliwanag niya. napatango naman ako, pamilyar nga ang pangalan ng alak na ito. “Masarap ‘yan, hindi ka magsisisi,” si Kuya Gerald. Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na buntong hininga bago pikit matang nilagok ang alak sa baso. Gaya ng ibang alak na natikman ko ay gumuhit ang init sa lalamunan ko ngunit kakaiba ang tamis nito sa kabila ng pakla. “Masarap nga ho!"ito ang ang salitang unang lumabas sa bibig ko matapos uminom. Bumalatay naman ang matamis na ngiti sa kanilang lahat, para bang isang tagumpay para sa kanila ang magustuhan ko ang alak na ipinaharap nila. “Oh siya, tayo na’t magsaya!” anunsyo ni Kuya Gerald. Napapalakpak pa ang ilan dahil sa pananabik. Umiinom naman ako ngunit hindi madalas. Wala na kasi akong panahon para uminom dahil lagi akong pagod sa trabaho. Bukod pa riyan ay wala rin akong makasama. Ang mga kaibigan ko kasing sina Xos at Singh ay nasa malayo habang ang pinakamalapit kong kaibigan na si Third ay laging walang panahon. Bagay nauunawaan ko dahil pare-pareho naman kaming may mga prayoridad. “Hastrup, mukhang ito na ang huli nating pagkikita,” si Kuya Gerald. Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. “Maari ko po ba kayong bisitahin kapag may bakanteng oras?” tanong ko. Mabilis naman siyang tumango. “Oo naman! Kahit anong oras, laging bukas ang aming tahanan para sa iyo.” Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi maipagkakailang napamahal na rin ako sa lahat ng mga narito ngayon. Kung maari ko lang hilingin na wag na lamang silang umalis at sabay-sabay na lamang silang umalis pagkatapos ng Hospital ay alam kong hindi iyon maari. “Magkakalapit lang ang aming mga tahanan Hijo, maari ka ring bumisita sa amin kahit kailan mo naisin,” si Manong Ferd. Pagkatpos ng suhesyon niyang iyon ang sumunod na rin ang iba. “Maari rin kitang bigyan ng Lambanog sabihan mo lamang ako at lagi akong mayroon niyan sa bahay,” si Manong Jose. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat bago kami nagpatuloy sa kwentuhan at inuman. Nakakatuwang isipin na napapaligiran ako ngayon ng mabubuting tao. Dito napatunayan ko na hindi mo kailangang mapunta sa isang mamahaling lugar upang makaranas ng totoong kasiyahan. Madalas, wala sa lugar, mga pagkain o mga inumin ang kaligayahan, ang pahinga at ang kapayapaan dahil kadalasan, nasa tao. Nasa mga taong nakakasama mo, stranghero man sila sa umpisa o kapamilya, madalas sa kanila mo mararanasan ang tunay na kahulugan ng salitang buhay at pag-asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD