Chapter 27.

2115 Words
Mc Ashley’s point of view: Habang nag lalakad ay napansin ko ang patuloy na pagdating ng mga bata para sa selebrasyon ngayong hapon. Napuno ng iba’-ibang kulay ang paligid dahil sa mga dekorasyon na lalo pang pinaganda ng mga kasuotan ng mga bata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila, nakakatuwa sigurong magkaroon ng bata sa isang tahanan. “Magkaibigan pala kayo ni Third?” tanong ko kay Hastrup. Naglalakad na kami ngayon papunta sa Gazebo kung nasaan sila si Tita Analyn, ang mommy niya. “Yah, best friends since childhood,” nakangiting tugon niya, napatango naman ako bilang tugon. “Walang duda, pareho kayong isip bata,” aniko. “That’s offensive!” napahinto siya bago sabihin ‘yon. Natawa naman ako. “Relax. I’m just stating the fact here,” taas kamay na sabi ko, Natawa na rin siya dahil sa ginawa ko. “Mukhang mag kaibigan din kayo,” maya-maya ay aniya habang nakayuko, napalingon naman ako sa kaniya bago kami maglakad muli. “Oo, since college,” nakangiting sagot ko. “pero hindi ako isip bata gaya niyo,” patuloy ko bago kami matawa pareho. “Kumusta siya bilang kaibigan sayo?” tanong niya, napaisip naman ako. “Si Third, all in one,” napangiti ako habang napapailing dahil sa mga ala-alang pumasok sa isip ko. “Siya yung tipo ng kaibigan na hindi seasonal, lagi siyang andiyan. Ups and down, Thick or Thin, di ka niyan iiwan," nakangiting aniko. "siya rin yung tipo ng kaibigan na hindi na kailangang sabihan kase alam na niya gagawin niya makita ka pa lang niya,” patuloy ko, nanatili naman siyang tahimik. “Hindi ko na kailangang magsalita kapag siya yung kasama ko. Alam na kase niya kung kailan ako masaya, kung kailan ako malungkot, nagdadalawang-isip sa sarili ko o kung kailan ako galit sa mundo,” patuloy ko matapos ay mahinang tumawa. “Basta, the best siyang kaibigan,” nakangiting aniko. “alam kong alam mo yan dahil mas matagal mo na siyang kaibigan.” patuloy ko. “I’m agree,” tumatangong aniya. “Third is the most loving, caring, understanding and selfless human being I know, aside from my parents of course.” tugon niya. Napatango-tango naman ako. Makalipas nga ang kwentuhang iyon ay narating na rin namin ang Gazebo kung saan nakaupo si Tita Analyn habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Nararamdaman ko pa rin ang hiya at kaba dahil sa mga narinig niya kanina ngunit pinilit kong kalmahin ang sarili ko upang hindi niya iyon makita. Nang makaupo kami ay Nagpaalam si Hastrup sa amin upang maligo kaya naiwan ako kasama si Tita. “Kumusta ang naging lakad niyo ni Hastrup Hija?” tanong ni tita Analyn. Kasalukuyan kami ngayong nasa isang lamesa habang pinapanood ang mga batang naglalaro ngayon habang hindi pa nagsisimula. “Maayos naman po, nabili namin ang lahat ng nasa listahang binigay niyo.” nakangiting tugon ko. “Pasensyahan mo na nga pala ako kung inabala pa kita ngayong day off mo,” aniya. Napailing-iling naman ako dahil sa sinabi niya. “Ayos lang po iyon, wala naman po akong mahalagang gagawin ngayon,” aniko, napangiti naman siya sa akin. “Puro na lamang kase trabaho at bahay ang anak ko kaya naman gusto ko ring masubukan niya muling gawin ang ibang mga bagay,” muling anito habang ang paningin ay nasa mga bata na. “Ah kaya po pala tuwang-tuwa siya kanina,” nakangiting sabi ko at bahagya naman siyang natawa. “Pasensya ka na sa kaniya Hija, matagal-tagal na rin kase mula nuong huling makapunta siya sa mga pamilihing ganito sa atin sa Pilipinas.” natatawa pa ring aniya. Nauunawaan ko ang sinasabi ni Tita kaya naman napatango-tango ako kahit pa natatawa pa rin ako dahil kay Hastrup. “Tito ninong!” sigaw ng isang batang lalaki. Sa pagkakaalala ko siya ang panganay na anak ni Kuya Ryan, sa palagay ko ay nasa anim hanggang pitong taon ang gulang nito. “Liam!” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, hindi nga ako nagkamali dahil si Third ang dumating. Patakbong lumapit ang bata sa gwapong-gwapo ngayon na si Third. Nakasuot ito ng grey slacks na pinaresan naman nito ng naka tuck-in na pastel blue na polo shirt. Naging mas malakas ang simple niyang suot dahil sa makintab at mukhang napakalambot niyang mahabang buhok. Sinalubong niya ng yakap ang bata bago akayin patungo kina Kuya Ryan. “He finally made it,” napalingon ako kay tita. Kasalukuyan din siya ngayong nakatingin kina Third at batang tinawag niyang Liam. “I guess you already know Third, he’s a doctor from Yoongi Hospital too,” nakangiting aniya. “Yes po, he’s a great friend of mine din po,” tugon ko. Napalingon naman ito sa akin. “Oh, you guys are friend?” tanong niya, tumango naman ako. “Wow. He’s also my son’s childhood best friend.” si Tita. “Nabanggit nga rin po sa akin ni Third nuong nakaraang araw na galling si Hastrup sa Hospital,” aniko, mabilis naman gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya. “Why? What happened to him?” nag-aalalang tanong niya. “Ah wala naman po, mukhang business matter po.” nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni Tita Analyn, duon ko rin nalaman kung gaano kalapit sina Third at Hastrup bilang magkaibigan. Nakakatuwang malaman na kahit pa nagkalayo sila ay hindi nagkaroon ng agwat ang samahan nila. Maya-maya ay lumabas na si Hastrup mula sa kanilang bahay, halatang katatapos nitong maligo. Nakasuot ito ng puting long-sleeved polo na pinaresan niya ng itim na Chino stretchable slim shorts. Nasa b****a pa lamang ito ng hardin ngunit mabilis na siyang natanawan ni Third kaya sinalubong nito ang kaibigan. Nakangiti naman kami ni Tita habang nakatingin sa kanila. “Akala ko ba hindi makakapunta?” rinig naming tanong ni Hastrup nang makalapit sa kaniya si Third. “Mag pasalamat ka nalang at nakarating ako,” tugon ng huli. “Bakit ako ang kailangang magpasalamat sa’yo eh hindi ko naman anak yung magbibirthday?” sagot ni Hastrup sa kaibigan. “Alam mo? Dapat talaga kinalumutan na kita nuong nasa America ka pa lang,” asar namang tugon ng isa. “Sus. Paano mo ako makakalimutan eh miss na miss mo nga ako lagi?” pambubuyong muli ni Hastrup. Mas naririnig na namin ang usapan nila ngayon dahil na rin mas lumiliit ang distansya nila sa amin. “May kailangan kase ako sayo kaya kita madalas tawagan. Tignan mo patapos mo na pinapagawa ko,” sagot naman ni Third sa kaniya. “Mangagamit,” maikling sagot ni Hastrup. “I know,” si Third. Nakakatuwa silang pagmasdan, para silang mga batang nag-aasaran kahit pa wala na dapat iyon sa kanilang mga edad. Marahil ay ito ang epekto ng ilang taon nilang pagkakawalay. Sa katunayan ay may naikukwento na sa akin nuon Third tungkol sa isang kaibigan niyang nasa ibang bansa. Sa paraan nito ng pagbabahagi ng mga pinagsamahan nila ay masasabi mong nangungulila talaga siya sa kaibigan niyang iyon. Hindi ko lang inasahan na si Hastrup iyon, tunay ngang napakaliit ng mundo. Patuloy sa pag-aasaran ang dalawa hanggang sa tuluyan silang makarating sa tapat ng Gazebo kung saan gaganapin ang selebrasyon. Iniikot ni Hastrup ang paningin, mukhang mayroon siyang hinahanap. “Ashley!” tawag nito sa pangalan ko matapos ay kumaway sa amin ng kaniyang ina. “Hi mom!” bati niya rin sa kaniyang ina pagkatapos kumaway. Dahan-dahang lumingon si Third sa direksyon kung saan kumaway si Hastrup rason upang magtama ang paningin naming dalawa. Cillian Third’s point of view: Nagtama ang paningin namin ni Ruz nang lumingon ako sa kaniya, katabi niya ngayon si Tita Analyn. Napangiti ako ng makita siyang prenteng nakaupo suot ang simpleng itim na dress. Napakaganda niyang tignan sa suot niya, lalo na ngayong nakangiti siya. Kumaway din ako sa kanila gaya ng ginawa ni Hastrup. “She’s here?” tanong ko kay Hastrup. “Yeah. Mom invited her,” tugon nito sa akin at napatango naman ako. “Great,” mahinang sabi ko. “What?” tanong niya. “Nothing.” maikling sagot ko bago siya Akbayan at hilain papunta kina Kuya Ryan. Kasalukuyang hawak ni Kuya Ryan ang anak niya habang nakatayo sa tabi ng malaki nitong cake. Hindi pa man kami nakakalapit ng tuluyan ay binigyan na namin ito ng nakakalokong ngiti at tingin. “Ano ba yan, wala man lang ba kayong mga dala?” tanong nito nang tuluyan kaming makalapit sa kaniya. “Anong wala eh sa akin nga yung pinakamalaking regalo na nakadisplay duon,” turo ko sa isang lamesa na lalagyan ng regalo para sa anak niya. “Galing iyon sa’yo? Mabuti ka pa may dala. Yung iba kase makikikain lang,” anito matapos ay diretsong tumingin kay Hastrup. Naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya sinakyan ko ang pambubuyo nito. “Oo nga, yung iba wala manlang ibibigay galing pa man din sila ng ibang bansa,” sakay ko sa sinabi ni Kuya Ryan. “Pwede ba mag-antay kayo? Baka kapag nakita niyo regalo ko eh kunin mo na naman akong ninong niyang bunso mo?” mayabang na aniya. Natawa naman kami ni Kuya Ryan dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy ang asaran naming tatlo hanggang sa pormal ng simulan ang selebrasyon. Nakakatuwang makita ang maraming bata ngayon habang sila’y naglalaro, tumatawa at kumakain. Malayong-malayo sa mga batang araw-araw naming nakikita Hospital. Mga batang patuloy na nakikipag laban sa mga sakit na hindi nila ginusto. “Nag eenjoy ka ah,” nagulat ako ng biglang magsalita si Ruz sa tabi ko. “Ikaw din naman ah,” balik na bulong ko sa kaniya. “Syempre, maraming pagkain eh.” sagot niya at natawa namana ko. Kahit kailan talaga ay napaka takaw ng babaeng ‘to. Habang nag-uusap kami ni Ruz ay biglang lumapit si Liam. Iniabot nito ang kamay kay Ruz upang magpakilala na siya namang ikinagulat naming pareho. “Hi, I’m Liam po,” pakilala niya, napangiti naman ng malaki si Ruz. “Hello, I’m Mc Ashley Ruz,” pakilala rin niya sabay tanggap ng kamay ni Liam. “Can I call you Ruz din po, just like how tito ninong call you?” nangunot ang noo ko sa tanong ni Liam na iyon. “Of course,” si Ruz. “No.” ako. Sabay kaming nagsalita kaya naman nagpalipat-lipat ang tingin ni Liam sa amin. “Wag ka ngang madamot, pati sa bata eh.” bulong sa akin ni Ruz. “He can call you other name, Ruz is off limit,” balik na sabi ko. “Para kang bata.” natatawang aniya. Alam naming wala na kaming magagawa pa sa sinasabi ni Liam kaya napabuntong-hininga na lamang ako at ginulo ang buhok ng bata bilang pagsuko. “Ang cute niya,” komento ni Ruz nang tuluyan ng umalis si Liam upang makipaglaro sa kapwa niya mga bata. “Mas cute ka nga lang,” patuloy niya napangiti naman ako. “Lah. Nagbibiro lang ako!” sabay bawi niya sa sinabi at malakas na tumawa. Napalingon pa ang ilan sa amin dahil sa lakas ng tawa niya. Sa sobrang hiya ko para sa kaniya ay sinakal ko siya gamit ang mga braso ko at isinubsob sa dibdib ko ngunit sapat lamang upang hindi siya masaktan. Akala ko ay mapapatahimik ko siya gamit iyon ngunit mas lalo siyang tumawa kaya naman bahagya kong hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kaniya dahilan upang tila ko na siya yakap ngayon. Ipinag patuloy namin Ruz ang pag-aasaran hanggang sa maging ako ay tumatawa na. Para kaming mga bata na hinuhuli ang kamay ng bawat isa habang tumatawa. Panandalian kong nakalimutan na may mga kasama kami hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang mga kasama namin na diretsong nakatingin sa amin. Mukhang Nakita rin iyon ni Ruz kayat maging siya ay napahinto rin. “Tama na, nakakahiya ka.” aniya. Mabilis ko namang nailipat sa kaniya ang paningin. “Anong ako? Eh ikaw nga ‘tong ang ingay tumawa.” bulong ko sa kaniya at siniko naman ako nito ng palihim habang nahihiyang nakatingin kina Kuya Ryan. Huminto na kami ni Ruz sa pag-aasaran at nagpasyang umupo malapit sa mga bata. Inialok ko sa kaniya ang kamay ko upang maalalayan siya sa paglalakad at nakangiti naman niya iyong tinanggap. Bago kami tuluyang makahakbang papunta sa mga bata ay nahagip ng paningin ko si Hastrup, diretso itong nakatingin sa amin habang nasa tabi ang batang si Liam. Kinawayan ko siya at nakakapag takang nagulat siya sa ginawa ko. Mukhang wala ito sa sarili habang nakatingin sa amin. Kaya naman inabot ng halos tatlong Segundo bago siya ngumiti at kumaway sa akin pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD