Chapter 26.

1985 Words
Mc Ashley’s point of view: Papunta na kami ngayon ni Hastrup sa gulayan. Marami na kaming napamili ngunit wala itong ipinahawak sa akin. Hawak niya ang lahat ng plastic bags sa magkabilang kamay niya, pinipilit ko siyang bigyan ako kahit na iyong pinakamagaan na ngunit ayaw niya. "Napakaswerte mo naman dito sa iyong asawa Hija," maya-maya ay sabi ng tindera nang lumapit kami sa kaniya upang mamili ng gulay na nakalista sa ibinigay na listahan ni tita Analyn, ang mommy ni Hastrup. "Gwapo na, mukhang maasahan pa sa kusina," muling aniya. Bahagya akong nag taka dahil ang kaniyang paningin ay na kay Hastrup na kasalukuyang tinitignan kung sariwa pa ba ang mga gulay na benta niya. Napansin din yata iyon ni Hastrup kaya’t halos sabay naming iginala ang aming paningin upang malaman kung sino ang kinakausap ng tindera matapos niyang mag salita. Napalunok naman ako nang makitang kami lang dalawa ang mamimiling nasa tindahan niya ngayon. "Bagay na bagay kayo." kinikilig pang anito hindi pa man kami nakakasagot sa mga unang sinabi niya. Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Hastrup subalit pinigilan ko ang aking sariling lingunin din siya pabalik. "Talaga ho? Naku salamat po," nanlaki ang mga mata ko sa isinagot ni Hastrup sa tindera. "Sa katunayan ho ay kakakasal lang po namin at ako po ang magluluto para sa pananghalian namin ngayon." taas noong dagdag pa nito. At halos mapaiktad ako sa gulat nang akbayan niya ako matapos sabihin iyon. Kitang-kita ko naman kung paanong kiligin ang tindera kasama ang ilang mga nagtitinda rin sa paligid namin. Hindi na ako nakaangal pa sa sinabi ni Hastrup kaya naisipan kong sakyan nalang ang trip niya. "Napakaswerte ko ho talaga sa asawa ko," nakangiting sabi ko matapos ay ibinalot ang aking mga braso sa balakang niya. Ngayon ay nakayakap na ako sa kaniya. Alam kong hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya naman makikita ang gulat sa nanlalaki niyang mga mata. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay kitang-kita ko maging ang paglunok niya. Ramdam na ramdam ko rin maging ang mabilis na pag hinga niya. Dahil dito ay sinadya ko pang ilapit ang mukha ko sa mukha niya rason upang maging ang sunod-sunod na pagkurap niya ay nakita ko. Dahil din sa maputi niyang balat ay halatang-halata ang pamumula ng pisngi niya. "Cute." mahinang usal ko pagkatapos ay pinisil ang tungki ng kaniyang ilong bago siya bitawan at muling humarap sa nag titinda. Hindi pa rin gumagalaw si Hastrup kahit pa tapos ko ng bayaran ang mga gulay na binili namin kaya naman hinawakan ko na siya sa kamay at hinatak palayo sa tindahang iyon. Nagpatianod naman siya kaya hindi ako nahirapang gawin 'yon. "Nabili na natin lahat, uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Hastrup. Nakatingin lang ito sa baba, taka ko namang sinundan ng tingin ang tinitignan niya. "Ah sorry," nahihiyang sabi ko habang binibitawan ang kamay niyang hawak ko pa rin pala. "You're really unpredictable," umiiling na sabi niya bago mahinang tumawa at naunang maglakad papunta sa kotse niya. Maging ako ay natawa na rin dahil sa kalokohan namin kanina. Habang naglalakad papunta sa kotse niya ay nag-aasaran pa rin kami. “Galingan mo sa pagluluto mamaya ah,” natatawang aniko habang nakasunod sa kaniya. “tandaan mo, asawa mo paglulutuan mo ngayon,” nangaasar na sabi ko. “Oo na ganiyan ka kaswerte saken,” sagot niya sa sinabi ko, lalo naman akong natawa. Mukhang komportabale na siya ngayon kumpara kanina. “Feel na feel mo maging asawa ko ah,” nagbibirong sabi ko sa kaniya nang magtapat kami sa paglalakad. Diretso naman niya akong tinignan sa mata rason upang mapalunok ako dahil sa sarili kong biro. Nakakalunod ang mga titig niya, halos kapusin ako ng hininga. “Okay ka lang?” tanong nito sa akin matapos tumawa ng malakas. Nangunot ang nuo ko dahil sa ginawa niya. “Sira ulo ka,” umiiling na sabi ko sa kaniya. Patuloy lang ito sa pagtawa at sinamaan ko naman siya ng tingin bago siya unahan sa paglalakad. Bago niya paandarin ang sasakyan ay ginulo naman muna nito ang buhok ko. Sinimangutan ko naman siya kunwari dahil duon, akala ko ay makakaginhawa na ang buhok ko dahil wala si Third ngunit hindi pala. Halos magtatanghalian na nang makabalik kami ni Hastrup. Makikitang abala ang lahat nang dumating kami. Tinawag ni Hastrup ang ilan sa kanilang mga katiwala upang tulungan kaming magbaba ng aming mga pinamili. “Kumain na ba kayo?” tanong sa amin ni Kuya Ryan nang maratnan namin siya sa kusina. Pareho kaming nauhaw ni Hastrup kaya pumarito kami upang uminom. “Hindi pa nga po, ang kuripot kase ni Hastrup,” sagot ko. Mabilis namang nilingon ni kuya Ryan si Hastrup na halos maibuga ang tubig na iniinom dahil sa sinabi ko. “Hindi mo manlang pinakain si Ash, Hastrup?” tanong sa kaniya ni Kuya. Gusto kong pakawalan ang malakas na tawa dahil sa reaksyon niya ngayon ngunit sinikap kong pigilan iyon. “Sabi niya kase gusto niyang ipagluto ko na lamang siya rito,” halos manghina naman ako dahil sa isinagot niya sa kausap rason upang mailipat sa akin ang paningin ni Kuya Ryan. Sinabi iyon ni Hastrup na tila ba isang katotohanan na kailangan malaman ng lahat kaya sinabi niya iyon ng bukal sa kalooban. “Ah. Kaya naman pala.” tumatangong ani Kuya Ryan bago ngumisi sa amin ni Hastrup at maglakad palabas ng kusina. Sinamaan ko ng tingin si Hastrup nang makalampas sa akin si Kuya Ryan. Gusto ko siyang batukan dahil sa sinabi niya ngunit bago pa man ako makalapit sa kaniya ay muling nagsalita si Kuya Ryan mula sa aking likuran. “Oh ano pang tinatayo-tayo mo diyan Hastrup? Ipagluto mo na si Ash,” nang-aasar na aniya, napapikit naman ako dahil sa hiya. “Will do brother!” sigaw ni Hastrup. Hindi naman ako makapaniwala dahil sa mga ginagawa niya. “Sira ulo ka,” umiiling na sabi ko bago siya talikuran at umastang lalabas na rin ng kusina. “Where are you going?” tanong nito kasabay ng mahinang pag hatak sa braso ko. “Maglalaba,” sarkastikong aniko saka ngumisi. Napataas naman ang isang kilay niya. “What? Why?” naguguluhang tanong niya. Minsan hindi ko alam kung nag kakaintindihan pa ba kami nito. “Wala! Ang slow mo. Makikikain ako sa kanila,” tukoy ko sa mga taong nasa labas bago nagtangkang lumabas. “I’ll cook for you, so stay.” inosenteng anito, napahinto ako kasabay ng pag kunot ng aking nuo. “Seryoso ka ba?” natatawang sabi ko. “Yes. I’m your husband remember? that’s why,” dire-diretsong anito bago humarap sa sink at nag hugas ng kamay. Nakatalikod na ito sa akin ngayon kaya naman hindi ko makita kung seryoso ba siya o tumatawa. “What th-” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil biglang may nag salita sa likuran ko. “Are you guys hiding something from me?” si tita Analyn. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Mabagal ang naging paglingon namin kay Tita Analyn na nakatayo na ngayon sa tabi ko. Nakangiti ito sa amin ngunit hindi ko maiwasang kabahan at mahiya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang mga narinig niya. “Tita, it’s not what you think,” nahihiyang aniko. Hindi naman nagsalita si tita bagkus ay tumingin kay Hastrup. Tila ba inaantay nito ang sasabihin ng anak kaya naman tiningnan ko rin si Hastrup gamit ang nanlalaking mga mata. Sa paraang iyon ay hinihiling ko ang pagsang-ayon niya. “Absolutley not mom,” sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya subalit hindi ko alam kung nakatulong ang sinabi niya dahil sa nakita kong reaksyon ng kaniyang ina. “Okay. If you say so,” kibit-balikat na sabi sa amin ni Tita Analyn bago tumatawang lumabas ng kusina. “Hurry, cook for your wife, son.” pagtatapos nito at kumindat pa bago tuluyang mawala sa loob ng kusina. “I love you mom!” natatawang sigaw nito sa ina. Narinig pa namin ang pag sagot nito mula sa hindi matukoy na bahagi ng kanilang tahanan. “You’re driving me crazy.” umiiling na sabi ko bago tinalikuran si Hastrup at tuluyang lumabas ng kusina. Hindi ako galit, sa tingin ko rin ay hindi ako naiinis ngunit nahihiya ako. Pinili kong lisanin ang lugar na iyon kung nasaan si Hastrup dahil pakiramdam ko ay nag-iinit ang buong mukha ko sa hindi malamang dahilan. “Oh Hija kumusta?” tanong sa akin ni Manang Fe nang maratnan ko siya sa b****a ng Hardin dala ang ilang mga baso. Marahil ay ilalagay niya ito sa Gazebo nitong hardin kung saan nga gaganapin ang selebrasyon para sa kaarawan ng anak ni Kuya Ryan. “Naku ayos naman ho, tulungan ko na po kayo,” alok ko sa kaniya at nakangiti naman niyang ipanasa sa akin ang ilan sa kaniyang mga dala. “Talaga? Wala bang masakit sa’yo? Bakit parang namumutla ka,” napalunok ako sa sinabi niya at tanging pag ngiti lang ang isinagot sa kaniya. Sa Hardin ay naratnan ko silang nagtatawanan. Maging si Kuya Ryan ay naroon din kaya naman hindi ko alam kung babalik na lamang ako sa loob o mananatili dahil nahihiya ako sa kaniya. “Oh Ash, anong ginagawa mo rito?” halos makagat ko ang sariling labi sa tanong niya. Gusto ko siyang pigilan sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin. “Ano ba namang klaseng tanong iyan Ryan?” tanong ni Manang Fe. Naibaling sa kaniya ang atensyon naming lahat. “Eh sabi ho kase ni Hastrup ay ipaglu-” hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Kuya Ryan dahil baka iba pa ang isipin ng mga taong narito tungkol sa amin ni Hastrup. “Hinatid ko lang po si Manang Fe, babalik din ho ako sa kusina,” putol ko sa sinasabi niya at taka namang napalingon sa akin si Manang. Magsasalita pa sanang muli si Kuya Ryan ngunit nag paalam na akong babalik sa loob kaya naman nag paalam na lang din sila sa akin. laylay ang balikat kong bumalik sa loob ng bahay, pinili kong maupo muna sa Dining area dahil pinag iisipan ko kung babalik ba ako sa kusina kung nasaan si Hastrup ngayon. Hindi ko namalayan ang oras dahil kusang naglayag ang isip ko kaya’t gano’n na lamang ang gulat ko nang ilapag ni Hastrup ang mga pagkain sa harap ko. “Here wife, Shrimp sinigang and Buffalo wings,” seryosong aniya. Napalunok naman ako sa ganda ng pagkakaayos ng mga pagkaing nakahain ngayon sa harap ko. “Hintuan mo na ako Hastrup dahil nagugutom na ako,” sagot ko sa kaniya at natawa naman siya. Hindi na nasundan pa ang asarang iyon dahil nag simula na kaming kumain. Hindi ko alam kung Architect ba talaga ang lalaking ito o Chef dahil kakaiba ang lasa ng mga ulam na ito. “Ang sarap ah,” komento ko, napangiti naman siya habang ngumunguya. “I know,” taas noong aniya, napailing naman ako. Nagpatuloy kami sa pagkain. Dadalawa kami sa hapag ngunit masaya akong makasabay siyang kumain. Habang kumakain ay nag-uusap kami paminsan-minsan ngunit mas nasa pagkain ang atensyon ko. minsan ay naririnig ko na lamang siyang mahinang tumatawa kaya napapatingin ako sa kaniya ng may nagtatanong na tingin ngunit kibit-balikat lamang ang nagiging tugon niya kaya nag papatuloy na lamang ako sa pagkain. “Thank you,” nakangiting sabi ko habang nililigpit namin pareho ang mga pinag kainan namin. “Thank you." tugon niya. Natawa kami pareho matapos magpalitan ng pasasalamat sa isa’-isa sa hindi malamang dahilan. Maya-maya ay natapos na kaming kumain at matapos ngang magpahinga ay sabay na kami lumabas ng bahay upang pumunta sa kanilang maluwang na hardin. Duon nga ay naratnan namin ang ibang masayang naghahanda para sa selebrasyon mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD