Krystal Brielle’s point of view: Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagod. Pagkatapos naming maghapunan ay naligo na ako at hindi namalayang tinangay na ng antok kaya naman hindi ko na nga rin namalayan ang pagdating ng asawa kong si Archem mula sa duty. Kaya naman ngayon ay maaga akong nagising at bahagya pang nagulat nang makitang nagsisimula ng lumiwanag sa labas. Sandali pa akong tumitig sa kisame ng kwarto naming mag-asawa bago nagpasyang bumangon at maligo. Ngunit bago iyon ay binigyan ko muna ng magaang halik sa labi ang asawa kong mahimbing pa ring natutulog. Pagkatapos malihgo ay agad akong tumungo sa kusina upang makapag luto na ng umagahan. Nakapatay pa ang ilaw sa kusina nang maratnan ko kaya naman alam kong maging si mommy ay hindi pa g

