Hastrup Finn’s point of view:
Papunta ako ngayon kay Third upang personal na ibahagi sa kaniya ang naging progreso ng Hospital na sinumulan niyang ipatayo three months ago. Isa akong architect ngunit pakiramdam ko ay ginawa na rin niya akong Engineer dahil sa dami ng responsibiladad na ibinigay niya sa akin.
“Send me your location,” sabi ko sa kaniya habang kausap siya sa phone. Kasalukyan ako ngayong papunta sa kotse ko.
“Yoongi Hospital,” napahinto ako sa naging tugon niya. “maraming pasyente, I need to stand by." dugtong niya.
Matagal na kaming nagkakausap at nagkikita magmula nang makabalik ako ng Pinas ngunit hindi niya kailanman nabanggit ang Hospital kung saan ito nag tatrabaho ngayon bagaman nabanggit na niya sa akin nuon na lumipat siya ng hospital kung saan nangangailangan ng General Surgeon. Kaya naman gano’n na lamang ang gulat ko na sa Yoongi Hospital na pala ito nagduduty.
“I’m on my way there.” pagtatapos ko sa usapan bago ibaba ang linya.
Halos kalahating oras rin ang itinagal ko sa daan bago marating ang nasabing Hospital. Nagdalawang isip pa akong bumaba ng sasakyan ko dahil sa mga ala-alang nanumbalik sa isipan ko.
Nuong araw na dinala namin si Ash dito ay ang huling araw na nakatapak ako sa lugar na ‘to, akala ko ay iyon na ang huling beses na mapapadpad ako rito.
Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago bumaba ng kotse. Saglit ko pang inilibot ang aking paningin sa paligid bago humakbang papasok. May mangilan-ngilang pamilyar na tao akong nakasalubong ngunit pag ngiti lamang ang ginawa kong pagbati sa kanila. Nang makapsok sa loob ay nangunot ang noo ko nang mamataan si Ash. Humahangos itong tumatakbo papunta sa direksyon ko.
“Sir! Sir sandali lang!” sigaw niya at napansing nilingon siya ng isang lalaki. Nilingon lamang siya nito ngunit hindi ito huminto sa mabilis na paglalakad. Wala sa sariling napahinto ako sa paglalakad at pinanuod sila.
“Sir kailangan ho ninyong CT scan,” malumanay na sabi ni Ash sa lalaki matapos niya itong hawakan sa braso upang huminto sa paglalakad.
“Para saan pa? Wala nga sabi akong nararamdaman! Bakit ba napakatigas ng ulo mong babae ka?!” sigaw nito kay Ashley bago pabalang na bawiin ang braso rason upang bahagyang mapatimbawang si Ash dahil sa lakas.
Nangunot ang noo ko dahil sa ginawa niya, sa paraan ng paglalakad nito maging ang pamumula ng kaniyang mukha ay masasabi kong lasing ang lalaki.
“Sir, may sugat ho kayo sa ulo. Hindi po natin alam kung ano pang naging epekto sa inyo ng aksidente. Kailangan rin pong malinisan ng mga sugat niyo,” mapasensyang pangungumbinsi ni Ash subalit hindi iyon pinansin ng lalaki bagkus ay muli itong naglakad palayo. Ngayon ay halos dalawang dipa nalang ang layo nila mula sa akin.
“Sir hindi pa nga po kayo pweding umuwi!” muling habol na sabi ni Ash bago muling hawakan ang braso ng lasing na lalaki. Nag sisimula na silang makatawag ng atensyon kaya naman mas marami ng mata ang nakatingin sa kanila.
“Mas lala ho ang sitwasyon niyo kung ipipilit ninyo ang gus-” hindi na naituloy pa ni Ash ang sasabihin.
“Matigas ka palang babae ka eh!” malakas na sabi ng lalaki bago agawin sa dumadaang babae ang hawak nitong Electric fan upang ihampas kay Ashley.
Napasigaw ang mga taong nakatingin, kahit ako ay nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa ng lalaki. Maging si Ash ay hindi agad nakakilos at tanging pagpikit lamang ang nagawa. Tatakbo na sana ako upang pumagitna ngunit may isang lalaki na ang mabilis na humarang at yumakap kay Ash rason upang siya ang tamaan ng inihampas na Electric fan. Gulat pa rin ang karamihan kahit pa sa ibang tao tumama ang bagay na iyon.
“Are you okay? Tinamaan ka ba?” nag-aalalang tanong ng lalaki.
“Third,” mahinang usal ko nang makilala ang boses niya.
Mabilis na lumapit ang ibang lalaking Nurses upang ilayo ang lalaking lasing. Nakatingin lamang ako kina Third at Ash.
“Hey Ruz, Okay na. You can now open your eyes,” si Third matapos ay marahang iniangat ang mukha ni Ashley.
“Are you hurt?” tanong niya nang magmulat ito ng mata.
Hindi sinagot ni Ashley ang tanong sa kaniya ni Third bagkus ay inilibot nito ang paningin sa mga tao.
“Where’s the patient? He needs to be treated!” garalgal na sabi nito kay Third. Halata pa rin ang pagkabigla sa boses niya subalit ang pasyenteng iyon pa rin ang iniisip niya.
“I’ll handle him okay? Now go back inside and take a break. I’ll take care of him,” paniniguro ni Third sa kaniya bago tawagin ang isa pang Nurse upang alalayan si Ash papasok sa loob.
Minsan ko pang nilingon si Ashley habang akay ng kasamahan niyang Nurse bago naglakad patungo kay Third.
“Hey are you okay?” tanong ko ng tuluyang makalapit sa kaniya.
“Oh you’re here,” ngumiti siya. “I’m fine, part of living,” tugon nito bago ako akbayan at ayaing pumunta sa opisina niya.
"How about that patient?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang pasyenteng nagtangkang manakit kay Ash kanina.
"Nurses will handle him for now, I'll deal with him later. Don't worry." nakangiting tugon niya, tumango na lamang ako bilang tugon.
Nang makapasok kami sa loob ay agad niyang inalis ang kaniyang Hospital gown at naupo sa couch na nasa tapat ng inupuan ko. Maliit lamang ang opisina niya ngunit sapat upang magkaroon ng isang maliit na lamesa at dalawang mahabang couch. Organisado at malinis ang lugar kahit kabi-kabilaan ang mga papel at ilang mga appliances gaya ng fridge, coffee maker at isang hindi ko alam kung Tv ba o monitor.
“How have you been Architect?” nakapikit na tanong niya habang nakasandal sa upuan niya. Makikita ang pagod kay Third, ngunit hindi no’n natabunan ang kagandahang lalaki nito.
“I’m tired Third,” pagaamin ko ng totoo. Si Third ang pinakamalapit kong kaibigan, sa kaniya ko nasasabi ang mga bagay na hindi ko nasasabi sa iba.
“I’m sorry for giving you so much stress,” bulong niya.
“If you’re really sorry Doctor,” bahagya akong lumapit sa kaniya bago magpatuloy. “go and get married,” seryosong sabi ko. Napaayos naman ito ng upo at diretsong tumingin sa akin.
“We’re brothers, you know I can’t marry you,” nagbibirong sabi ko sa kaniya dahil hindi ito nag salita bagkus ay tumitig lang siya sa akin.
“Can I ask her to marry me without asking her out?” seryosong tanong niya ng hindi pinapansin ang sinabi ko. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.
“You’re crazy,” tanging tugon ko.
“She’s driving me crazy Hast,” nakangiting sagot nito sa akin.
Natawa kami pareho matapos ng mga salitang iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon matapos naming magkalayo ng anim na tao ay ngayon lamang kami nakapag-usap muli tungkol sa isang babae. Nakakatuwa dahil hindi na pampalipas oras lang ang tingin niya ngayon sa kababaihan, mukhang binago ng babaeng napupusuan niya ang pananaw niya sa buhay.
Ipinagpatuloy namin ang pag-uusap tungkol sa hospital na ipinapatayo niya. Bawat detalye ng progreso nito ay ibinahagi ko sa kaniya. Nagpakita ako ng mga larawan at papeles upang lubos niyang maunawaan ang mga sinasabi ko sa kaniya.
Mabilis ang nagiging pagkilos ng mga tao sa Construction site kaya naman mabilis rin itong naipapatayo. Madalas ako ro’n sa tuwing walang ginagawa rason upang makasundo ko rin sila. Kumpara sa ibang mga proyektong hinawakan ko ay mas binigyan ko ito ng oras upang masiguro ang ganda at kalidad, hindi lang dahil kaibigan ko si Third kung ‘di dahil sa rason niya kung bakit ito ipinapatayo. Ang Hospital na iyon ang magiging daan upang madugtungan at mailigtas ang maraming buhay.
Bago ko gawan ng design ang hospital na iyon ay pinag-aralan ko muna ang kabuuan ng lugar maging ang mga baranggay na malapit dito. Doon nga ay nalaman kong karamihan sa pamilyang malapit roon ay kabilang sa lower to middle class. Kaya naman siguradong magiging malaking tulong ang pampublikong hospital na iyon para sa kanila.
“You’ll be my best man Architect I promise,” maya-maya ay sabi ni Third habang palabas kami ng Hospital.
“Ask her out first Third, you’re being too futuristic,” tugon ko sa sinabi niya at sabay kaming natawa.
“Take care brother, see you soon,” paalam niya sa akin ng makarating kami sa kotse ko bago ako yakapin.
“Magdala ka naman ng makakain kapag pupunta sa bahay,” sabi ko bago gumanti sa yakap niya. “hindi yung laging kami ang nagpapakain sayo. Walang kwenta ang yaman mo,” dugtong ko lalo naman siyang natawa.
“Wala kang pakialam Architect, si tita naman ang ipinupunta ko ro’n” tanging tugon niya sa sinabi ko.
“Pero ako ang inaabala mo. Kaya mo namang mag luto sa akin mo pa pinapagawa.” panunumbat ko sa kaniya, natawa naman ang huli. Minsan pa kaming nag tapikan sa balikat bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan ko at magdrive paalis ng hospital.
Habang nasa daan ay naisipan ko munang dumaan sa Construction site. Tinignan ko pa muna ang oras sa wrist watch ko at nakitang alas-tress na kaya oras na ng meryenda para sa mga nagtatrabaho. Dumaan ako sa Cafe malapit sa site at bumili ng makakain para sa kanila.
“Manong Fred!” masayang tawag ko sa foreman nang makarating ako sa lugar. Kasalukuyan nitong kausap ang ilan sa mga mangagawa.
“Architect!” tugon nito bago lumapit sa akin ng may malawak na ngiti sa labi.
“Manong Hastrup nalang ho."nuon pa man ay gusto kong tawagin ako ng mga tao dito sa pangalan ko. Pakiramdam ko kasi ay mas lumalaki ang distansya sa ko sakanila sa tuwing tinatawag nila ako ng Architect.
“Pasensya ka na at nakakalimutan ko.” sagot niya. Inabot ko sa kaniya ang dalang pagkain at tinawag naman niya ang mga kasamahan upang mapag saluhan nila iyon ng magkakasama.
Napuno ng kwentuhan ang meryenda, maging ako ay natatawa sa mga kwento nila.
Ito ang bagay na minamahal ko rito, nagkakaroon ako ng pagkakataong makasama ang mga taong gaya nila. Pinapatunayan nila sa akin na hindi hadlang ang estado sa buhay, trabaho o maging ang edad upang magkasundo. Masaya ako dahil hindi ko kailanman naramdaman sa kanila ang pagkailang kahit pa hindi pa gano’n katagal magmula ng makilala at makasama ko sila.
“Hastrup bakit ikaw ang gumagawa niyan?” tanong ni manong Fred nang makita akong naglalagay ng simento sa mixer kasama ni Kuya Rey.
“Marumi na ang iyong suot!” muling sabi niya.
“Manong okay lang po ako. Kulang din ho ako sa papawis nitong mga nakaraan kaya mainam ito para sa akin." pagdadahilan ko sa kaniya.
Sa katunayan ay madalas akong tumulong sa mga mangagawa rito ngunit inililihim namin iyon kay manong Fred. Alam kong pagbabawalan niya ako dahil sobra-sobra na raw ang ginagawa ko para sa kanila bilang arkitekto. Subalit hindi nila alam na mas malaki ang naitutulong nila sa akin. Sila ang nagpapagaan ng pakiramdam ko sa tuwing dinadagupan ng lungkot dahil sa pagkawala ni daddy. Ang making sa mga kwento nila, makipag biruan at pagtulong sa mga trabaho nila ang nagiging pintuan ko upang makalabas sa malungkot na reyalidad.