Chapter 21.

1676 Words
Mc Ashley’s point of view: Makakalipas nga ang ilang taon ng pag-aaral ay isa na akong ganap na Nurse. Kagagraduate ko lang four months ago ngunit mabilis akong nakahanap ng Hospital na maaring pasukan. Nakakatuwa dahil hindi pa man ako nakakapag tapos nuon ay kinausap na ako ng pamunuan ng Yoongi Hospital upang sa kanila magtrabaho sa oras na makatapos ako. Kaya naman hindi pa man nalalaman ang resulta nuon ng Board exam ko ay pinagtrabaho na agad nila ako rito. Kasalukuyan kami ngayong nasa Operating Room upang isagawa ang operasyon para sa isang Gunshot case. Isang lalaking 54 years old ang nakahiga ngayon sa harapan namin, masyado ng maraming dugo ang nawala sa kaniya dahil na rin sa layo ng pinanggalingan ng pasyente. Si Doc Third ang doctor na magsasagawa ng operasyon ngayon kaya naman hinihintay na lamang namin siyang pumasok sa OR. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na siya at pumwesto sa tabi ng pasyente kaya naman maging kaming mga Nurses ay nag handa na rin. “Relax everyone," si Third "Let’s do this as fast as we can,” aniya. Kailangang maging maingat dahil hindi namin alam kung aling Organ ang tinamaan sa pasyente. Kailangan ding makontrol ang pagdurugo niya dahil baka hindi na nito kayanin kung marami pang dugo ang mawala sa kaniya. “Commencing operation." anunsyo ni Doc Third bilang panimula sa operasyon. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili sa mga susunod na sasabihin niya. “Scalpel,” iniabot ni Nurse Daisy ang kailangan niya at sinimulan naman nitong hiwain ang abdomen ng pasyente. Nagpatuloy ang operasyon at makikita ang gaan at bilis ng mga kamay nina Doc Third at ang Assistant nitong si Nuse Daisy. Hindi ito ang unang beses na nakasama ko sila sa isang operasyon ngunit namamangha pa rin ako sa galing nila. Bagay na bagay ang tambalan nila sa loob ng Operating Room, hindi ka kakabahan sa maaring mangyari dahil makikita mong sigurado sila sa lahat ng ikinikilos nila. “Pad,” iniabot ko kay Doc Third ang hinihingi niya. “Thank you,” nagulat ako sa sinabi niya. Alam kong maging ang mga kasama namin ay nagulat din. Nasanay kaming walang ibang naririnig sa kaniya sa tuwing nasa ganitong sitwasyon bukod sa mga salitang kailangan sa operasyon. Yumuko na lamang ako bilang pagtugon, ayoko ng magsalita. “Specimen,” muling sabi niya at maingat ko namang inabot mula sa mga kamay niya ang specimen na nakuha mula sa pasyente. Gaya ng inaasahan ay matagumpay na natapos ang opersayon. Mahusay ang mga kasama ko kaya naman alam kong magiging maayos iyon. Masaya naming inilipat ang pasyente sa kaniyang magiging silid. Nakakatuwa dahil isang buhay na naman ang naisalba sa tulong ng Hospital na ito. Patungo ako ngayon sa Nurse station upang kunin ang wallet ko nang biglang nagsalita si Doc Third sa tabi ko. “Tara kain na,” pag-aaya nito sa akin. Lunch na kaya naman ang ilan sa amin ay kumakain na ng pananghalian. “Ayokong kasabay ka, mawawalan ako ng gana.” tugon ko bago pumasok sa loob ng Nurse Station. Malapit kaming magkaibigan ni Doc Third simula pa nuong nag-aaral kami sa Med School. Nasa First year college ako nuong una ko siyang makilala at nasa Fourth year naman siya ngunit magkasama kami sa iisang organization. Kami ang madalas magkasama sa tuwing may event dahil na rin sa mga responsibilidad na ibinigay sa amin kaya naman mas naging malapit kami bilang magkaibigan. Subalit sa kabila nito ay hindi sila kailanman nagkasundo ng kaibigan ko ring si Hope. Lagi silang nagbabangayan sa tuwing magkakasama kaming tatlo kaya naman minamabuti ko na lamang na paghiwalayin sila. Lagi kong pinaghihiwalay ang lakad namin ni Third sa lakad namin ni Hope. Ngunit may mga pagkakataon naman na natatagalan nila ang presensya ng isa’t-isa lalo na sa tuwing sinasadya kong ayain silang lumabas o kaya naman ay nagkakataong sabay silang bumibisita sa akin. Madalas silang magkontrahan ngunit natutuwa ako sa tuwing ginagawa nila iyon. “May dala akong Garahams,” bungad sa akin ni Third paglabas ko ng Nurse Station. Kapag kami lang dalawa ang nag-uusap ay hindi na namin tinatawag ang isa’t-isa base sa aming mga propesyon. “Sige sumabay ka na sa akin." nakangising sagot ko sa kaniya bago kami mag lakad patungo sa aming paboritong kantina malapit dito sa Hospital. “Nag inarte pa papayag din naman,” bulong nito sa sarili. “Oh eh di ibigay mo na sa akin yung Grahams at lumayas ka na sa harap ko,” pagsusungit ko kunwari sa kaniya at tinawanan naman niya ako. “Biro lang! ang sungit mo.” sagot niya at inirapan ko naman siya. Magmula nang lumipat sa Hospital na ito si Third ay sabay na kaming kumain sa tuwing magtutugma ang aming mga oras. Paborito namin ang Grahams kaya ito rin ang madalas naming pagsaluhan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang canteen kung saan kami madalas kumain. Alam kong mayaman si Third kaya alam kong kaya niyang kumain sa mas mamahaling mga kainan ngunit nakakatuwang sa mga kantina niya pinipiling kumain. Nakakamangha rin dahil hindi ito mapili sa ulam, mas marami pa akong ulam na hindi gusto kaysa sa kaniya. “Nay Giniling ho!” sigaw nito sa tindera at naupo sa isang bakanteng upuan malapit sa pinto. Siniko ko naman siya dahil sa lakas ng boses niya ay halos napatingin sa amin ang mga taong kumakain sa loob ng kantina. “Napaka eskandaloso mo!” gigil na sabi ko sa kaniya ngunit nginisian lang ako nito. Ginulo ko naman ang mahaba at makintab niyang buhok. Hindi ko alam kung paano niya napapanatili ang ganda at lambot nito kahit pa lagi iyong nakatali sa tuwing nasa Hospital. Lumapit ako sa mga panindang ulam ni Aling Linda upang makapili. Matapos ay tahimik na pumunta sa lamesa namin ni Third. Nakadukdok na ito ngayon sa lamesa, alam kong pagod siya dahil diretso ang duty nito mula pa nuong isang gabi. “Anong kakainin mo?” agad na tanong nito ng maramdaman ang paghila ko sa upuang nasa tapat niya. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa akin, tila hinaplos naman ang puso ko. “Anong oras out mo mamaya?” balik na tanong ko sa kaniya. Umasta naman muna siyang nag-iisip bago tumugon. “Ang sabi sa akin ni Doc Dan ay 8 pm siya papasok,” sagot niya. “Pero baka 10 pm pa ako makauwi,” dugtong niya. “Bakit ka pa aabutin ng 10 pm eh pwede ka ng lumayas ng 8 pm?” tmuling tanong ko. kung 8 pm ang dating ni Doc Dan ay maari na siyang umalis agad. “9 pm pa out mo eh,” tugon niya sa tanong ko. “Ihahatid pa kita.” dugtong niya sa sinabi. “Umuwi ka na agad para makapag pahinga ka, hindi ako maganda para ihatid pa,” pagkontra ko sa sinabi niya. “Wala akong pakialam basta ihahatid kita,” pagpupumilit niya. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa katigasan ng ulo niya. “Doctor Cillian Third hintu-” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol na niya iyon. “Nurse Mc Ahsley Ruz Conserman kahit umuwi ako agad hindi rin ako makakapag pahinga dahil iisipin ko pa kung nakauwi ka ba ng ligtas o kung namatay ka na sa daan!” mahabang litanya nito sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa mga huling sinabi niya. “Hoy napakapangit ng lumalabas sa bibig mo!” gigil na sabi ko sa kaniya. “At least sa akin mga lumalabas lang sa bibig ko ang pangit, hindi mukha, at lalong hindi rin katawan,” pagmamayabang nito. Pinisil ko naman ang pisngi nito dahil sa isinagot niya at agad siyang umaray. “Syempre biro lang ulit! Hindi naman ako papayag na may mangyaring masama sayo,” natigilan ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya. “Handa akong maging si Superman para lang protektahan ka,” seryosong aniya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. “Ang corny mo!” tumatawang aniko. Sinimangutan naman ako nito bago alalayan ang kasamahan ni Aling Linda upang mailapag sa aming lamesa ang mga pagkaing binili namin. Mabilis naming tinapos ang pananghalian upang makabalik agad ng Hospital. Hindi namin hawak ang oras namin dahil anumang sandali ay maaring magkaroon ng pasyenteng mangangailangan ng tulong namin. “Hoy antayin kita sa Opisina ko mamaya."pahabol na sabi ni Third bago kami maghiwalay sa loob ng Hospital. Kinawayan ko lamang siya bilang tugon bago walang lingunang naglakad palayo sa kaniya. Kahit pa nasa iisang Hospital kami ay bihira kami magkita. Kailangan pa naming Itext o tawagan ang isa’t-isa upang sabihin kung saan kami magtatagpo sa tuwing sabay kakain o kaya naman ay magsasabay umuwi. Hindi ko pa man tuluyang naibabalik ang wallet sa bag ko ay narinig kong tumunog ang telepono at sinagot naman iyon ni Nurse Sheila. “We will have four patients from Vehicular accident!” matapos ibaba ang tawag ay anunsyo nito kaya naman lahat kami ay nagsihanda na sa kanilang pagdating. Makalipas lamang ang halos sampong minuto ay dumating na ang mga pasyente at naging abala na ang lahat sa mga sumunod na oras. Mabuti na lamang at sapat ang mga Nurses at Doctors sa Hospital na ito kaya naman hindi kami nahirapan pagdating sa serbisyo. Lahat kami ay may ginagawa ngunit sinisiguro naming naibibigay namin ang tamang serbisyo para sa mga pasyenteng bagong dating, malala man ang kanilang kondisyon o hindi. Ang mapabilang sa mundo ng medisina ay pangarap ko na nuon pa mang bata ako. Kaya naman kahit gaano ito kahirap ay nagiging masaya ako. lagi man akong umuuwing pagod ay hindi ko magawang magreklamo dahil natatabunan iyon ng galak. Masarap sa pakiramdam sa tuwing may taong nagpapasalamat sa iyo dahil isa ka sa mga taong nakatulong sa kanila upang makasama pa nila ng mas mahabang panahon ang mga mahal nila sa buhay. Pakiramdam ko ay ito ang rason kung bakit ako nabuhay sa mundo, iyon ay para makatulong sa ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD