Mc Ashley’s point of view:
Ala-stres natapos ang duty ko ngayong araw bagaman ang talagang oras ng duty ko ay magmula ala-una ng hapon hanggang alas-nuebe ng gabi. Pinakiusapan kase ako ni Sheila na makipaglit ng schedule sa kaniya ngayong araw dahil may kailangan daw itong ayusin sa umaga. Dala ng pakikisama ay pinabigyan ko siya kahit pa pagod din ako magmula pa kahapon. Kaya naman imbes na alauna ang pasok ko ay naging alasiyete ito ng umaga.
Kasalukuyan ako ngayong nasa loob ng Nurse Station dahil katatapos ko lamang magendorse sa kasunod kong Nurse. Nag-aayos na ako ngayon ng sarili upang makauwi na—makalipas nga ang ilang minuto ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan para makaalis na.
“Hoy, tara mag dinner mamaya,” habang papalabas ng Hospital ay nakasalubong ko si Third.
“Nagsasawa na akong makasabay kang kumain,” sagot ko sa kaniya. Napahinto naman siya sa paglalakad kasabay ko.
“Joke lang!” tumatawang sabi ko sa kaniya bago muling maglakad.
"Pauwi na ako nagsabi ako kila mama na sa bahay kakain mamaya,” paliwanag ko ng hindi pa rin maramdaman ang pagsunod nito sa akin.
“Alam mo? Kahit kailan napaka pangit mo magbiro!” masungit na anito bago muling maglakad kasama ko.
“At least ako biro ko lang ang pangit,” pambubuyo ko sa kaniya at napahinto naman ito at parang namamanghang tinakpan ang bibig niya habang nakatingin sa akin.
“You really have an exceptional self-confidence Ruz,” tumatango-tango pa siya habang sinasabi ang mga salitang ito.
“Indeed,” natatawang pag sang-ayon ko sa sinabi niya at napailing naman siya.
Ginulo muna nito ang buhok ko bago ako akbayan at sabayan muling maglakad hanggang sa makarating kami sa pintuan ng Hospital.
“Hindi na kita maihahatid sa sakayan niyo,” sabi nito bilang paalam at tumango naman ako sa kaniya bago maglakad palabas ng Hospital.
Kumaway muna ako sa kaniya ng isang beses bago nag tuloy sa paglalakad. Bago tuluyang makalayo ay natanaw ko pa itong nakatayo pa rin kung saan ko siya iniwan. Hindi na ako nag taka dahil ganiyan si Third, aantayin muna niya akong mawala sa paningin niya bago umalis kung saan kami nag hiwalay ng daan.
Habang nag lalakad pauwi ay napadaan ako sa palengke at sa b****a nito ay may nakita akong nagbebenta ng mga bulaklak. Agad napukaw ng mga puting rosas ang atensyon ko kaya naman bumili ako ng tatlong piraso nito at agad humanap ng tricycle. Makalipas nga ang halos kalahating oras ay narating ko ang nais kong puntahan bago tuluyang umuwi ng bahay.
Nakangiti akong pumasok sa lugar, kabi-kabilaan ang mga punong makikita sa paligid. Nakakagaan ng pakiramdam maging ang berdeng kulay ng mga damo at iba’t-ibang kulay ng mangilan-ngilang mga bulaklak sa paligid. Habang naglalakad ay hindi mapirmi ang mga mata ko sa pagmamasid sa paligid hanggang sa tuluyan ko ng marating ang pakay ko ngayong hapon.
“Hello handsome! It’s been a while,” nakangiting bati ko bago ilapag ang dala kong mga rosas sa ibabaw ng lapida ni sir Mark at naupo.
“I miss you so much." mabagal na aniko matapos ay simulang bunutin ang mangilan-ngilang mga ligaw na damo sa paligid niya.
Ilang minuto rin akong nanatili sa ginagawang iyon. Gusto ko ng magkwento subalit hindi ko mahanap kung anong salita ang unang sasabihin upang maibahagi kay sir Mark ang kabuuan ng iniisip at nararamdaman ko ngayon. Hinayaan ko lamang ang aking sariling maramdaman ang lahat sa paligid. Ang lamig ng hangin at maging ang hindi mapangalanang emosyong nararamdaman ko ngayon.
“I always feel so exhausted and drained these days,” pagkukwento ko sa kaniya matapos ang mahabang sandali. “but despite of it, I think I’m not doing good enough,” ngumiti ako matapos nito.
“Pakiramdam ko may kulang ngunit hindi ko mahanap kung ano. Hindi ko matukoy, hindi makilala,” malungkot na sabi ko. Umaasang makakarinig ng tugon mula sa kaniya.
“Pakiramdam ko palaging hindi sapat lahat ng ginagawa at ibinibigay ko,” huminga ako ng malalim at tumingin sa padilim ng langit.
“This is really frustrating." naging emosyonal ako matapos sabihin iyon.
Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay hindi talaga sumasapat ang mga ginagawa ko nitong mga nakaraan. Kahit pa lagi akong umuuwing pagod ay pakiramdam ko hindi naging produktibo ang naging araw ko. Dinadapuhan ako ng matinding lungkot dahil sa ideyang ito.
“It’s normal to feel like you could have done more, that you could have done better.” Maya-maya ay biglang may pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.
“But that’s not the case, that’s not the reality.” nagtuloy ito sa pagsasalita. “because you’ve done enough, you did well,” mabagal na anito at naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.
“Hi dad,” bati niya bago muling bumaling sa akin. Hindi nga ako nag kamali dahil si Hastrup ngayon ang kasama ko.
“Now, recognize everything you did. Each one of them is valid. They are your little success.” muling aniya. Hindi ko alam ngunit lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa presensya niya.
“Emotions are tricky, they are too deceitful. And the only way to win against them is to trust yourself.” si Hastrup. Nanatili akong tahimik habang umiiyak, hindi hinayaang marinig niya ang aking paghikbi.
“You are more than what you think." pagtatapos niya bago tuluyang tumahimik.
Kahit pa hindi na siya ulit nag salita ay nanatili pa rin akong tahimik. Hinayaan kong dumaan ang mga sandali hanggang sa tuluyan akong kumalma. Nagpapasalamat ako dahil hinayaan ako ni Hastrup, hindi siya gumawa ng kahit anong ingay o pag galaw. Hindi siya nag tanong o muling nagsalita hanggang sa ako na mismo ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
“Ang pangit ko na,” sabi ko matapos ay nilingon siya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.
“Ha?” alanganing tanong nito. Bumuntong-hininga naman muna ako bago ngumiti sa kaniya at nag salita.
“Nagugutom na ako,” tumayo na ako at pinagpagan ang sarili matapos sabihin ‘yon. Tumayo rin siya kaya taka akong tumingin sa kaniya.
“Uuwi ka na rin?” tanong ko at tumango naman siya.
“Gabi na rin eh,” tanging tugon niya. Tinignan ko naman ang wrist watch ko at 6:28 na.
Nagpaalam na kami kay sir Mark matapos ng pag-uusap na ‘yon. Sabay na rin kaming nag lakad palabas ni Hastrup. Mukhang wala pa rin itong balak magsalita dahil gaya ko ay tanging sa daan lang din ito nakatingin. Nang matanaw ko na ang gate ay huminto ako at humarap sa kaniya.
“Namumugto pa ba mga mata ko?” tanong ko sa kaniya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya naman hindi niya naiatras ang sarili ng ilapit ko ang mukha ko sa kaniya dahilan upang halos magdikit ang mga ilong namin. Maging ako ay hindi inasahang magiging gano’n kalapit ang distansya namin. Medyo madilim na kase at hindi gano’n kaliwanag ang mga ilaw dito kaya naman alam kong hindi niya makikita ng malinaw ang mukha ko kung hindi ko iyon ilalapit sa kaniya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay diretso siyang tumitig sa mga mata ko. Maging ako ay tila nabato at napatitig rin sa pinaghalong tsokolate at abong kulay ng mga mata niya kaya inabot iyon ng ilang segundo bago ako aligagang lumayo sa kaniya.
“Sorry,” nahihiyang sabi ko matapos tuluyang ilayo ang sarili.
“Okay lang,” tugon niya. “namumula pa rin talukap ng mga mata mo pati na rin ‘yang ilong mo kaya malamang mahahalata nila,” diretsong aniya.
Napalingon naman ako sa kaniya mula sa pagkakayuko at nakitang nakangiti ito sa akin. Napangiti rin ako sa paraan nito ng pagkaka ngiti sa akin kaya tila nawala maging ang hiya ko sa kaniya.
“Kung gano’n hindi pa ako pwedeng umuwi, ayokong mag alala sila mama kapag nakita akong ganito,” laylay ang balikat na sabi ko.
“Kain muna tayo?” alok nito sa akin at mabilis naman akong tumango. Wala ng hiya-hiya ‘to gutom na talaga ako.
Ito ang kauna-unahang beses na sasakay ako sa kotse ng iba. Kadalasan kase ay sa kotse nina Hope at Third lamang ako sumasakay. Inabot kami ng halos kalahating oras sa daan bago marating ang isang Restaurant.
“Dito nalang tayo, ito lang kase ang alam kong kainan dito,” sabi ni Hastrup paghinto namin sa tapat ng Resto. Tinignan ko ang kabuuan ng lugar at sa labas pa lang ay masasabi kong mamahalin na ang mga pagkain sa loob.
“May alam ako, mas marami." sagot ko sa sinabi niya.
Itinuro ko sa kaniya ang daan patungo sa lugar kung saan maraming makakain. Sa isang daan malapit sa munisipyo nakahilera ang iba’-ibang stalls ng mga pagkain at maging ang iba’t-ibang mga kagamitan. Kilala ito bilang Night Market dahil tuwing gabi lamang sila nag titipon-tipon doon.
Halos wala kaming mapaglagyan ng sasakayan nang marating ang lugar dahil sa dami ng tao. Kita ang pagkamangha sa mga mata niya nang makababa kami. Palihim akong napangiti dahil sa reaksyon niya.
“First time?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi naman, pero ngayon nalang ulit.” maikling sagot niya matapos ay ngumiti. Bahagya akong natawa.
“Tara?” aya ko sa kaniya at tumango naman ito bilang tugon.
Nagpatiuna akong maglakad upang pangunahan ang daan. Nasa tabi ko siya ngayon habang hindi mapirmi ang paningin sa paligid. Maya-maya ay huminto ako sa isang stall na nagtitinda ng mga street foods. Nilingon ko si Hastrup at patuloy ito sa paghakbang, marahil hindi niya napansin ang paghinto ko dahil sa patuloy na paglingon-lingon nito sa paligid.
“Hoy dito muna tayo!” sabi ko sabay hatak sa kamay niya. Nakakadalawang hakbang na ito mula sa akin kaya naman kailangan ko pa siyang habulin para maibalik sa tabi ko.
“Grabe ang bango rito!” bulalas niya. aka naman akong napatingin sa kaniya.
“Mabango? Yung mga usok mabango mo?!” takang tanong ko. Wala akong ibang naamoy ngayon kung ‘di ang mga usok mula sa mga pagkaing niluluto sa paligid. Nakakatawa dahil mabango iyon para sa kaniya kahit pa iniiwasan ‘yon ng nakakarami.
“Oo. Gusto ko silang matikman lahat." nakangiting anito. Napailing nalang ako dahil sa mga sinasabi niya.
Una naming pinuntahan ay ang tindahan ng mga fried foods gaya ng Fish balls, Squid balls, Kikiam, Hotdogs, Isaw, Siomai at Dynamite. Nakakatawa dahil talagang lahat ng iyon ay tinikman niya. Sunod ay dinala ko siya sa mga Barbeques, kumuha lamang ako ng tig-dalawang stick sa lahat ng benta nila upang matikman ni Hastrup ang mga iyon. Bumili rin kami ng fruit shake at duon ko nalaman na paborito pala nito ay Manga.
Halos sumuko na ako sa dami ng nakain namin ngunit para siyang batang nagtuturo pa rin ng mga gusto niyang kainin. Kaya naman wala akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa kaniya. Nakakatuwang makita siyang masaya sa simpleng pagkain at pag palilibot namin ngayon.
“Halikana balik na lang tayo ulit sa susunod,” aya ko sa kaniya. “hindi mo mabibilhan lahat ng andito sa isang gabi lang,” natatawang sabi ko sa kaniya. Mukha yatang balak niyang libutin lahat ng tindera eh.
“Antayin mo ako rito may bibilhin lang ako sandali tapos uuwi na tayo,” sabi niya pagkatapos ay tumakbo palayo sa akin.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan itong mawala sa kumpol ng mga tao. Umupo muna ako habang nag-aantay sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay humahangos ito ng makabalik sa harap ko.
“Oh asan na yung binili mo?” tanong ko nang makitang wala itong dala.
“Tara na, baka hinahanap ka na." tanging tugon niya kaya naman napasunod na lamang ako sa kaniya dahil nauna na itong mag lakad.
Hinatid niya ako sa bahay kahit pa ilang beses ko pa iyong tinanggihan. Makulit si Third ngunit mas mapilit pala ang isang ‘to kaya hindi na ako nakapalag pa nang sinabi nitong ihahatid ako hanggang sa bahay. Bago bumaba ng kotse niya ay tinawag niya ang pangalan ko.
“Ash?” pagtawag niya sa akin nang bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan niya.
“Here take this,” nakangiting aniya saby abot sa akin ng isang maliit na kahon.
“Ano ‘to?” tanong ko sa kaniya.
“Remembrance?” tanong rin nito sa akin.
Lumalalim na ang gabi kaya naman hindi na ako nagtanong pa ulit at nagpasalamat na lamang ako bago tuluyang bumaba at magpaalam sa kaniya. Minsan pa kaming kumaway sa isa’t-isa bago siya magdrive pauwi.
Pagpasok sa loob ay nagkaroon pa kami ng maiksing pag-uusap ng mga magulang ko bago ako maligo at pumasok sa loob ng kwarto ko. Bago mahiga ay nalingunan ko ang bigay sa akin ni Hastrup kanina kaya naman nilapitan ko iyon at binuksan.
“Cool!" bulong ko sa sarili nang makita ang laman nito. Isa iyong manipis na Booler, gawa ito sa tila mga ugat ng puno dahil na rin sa kulay nito. Napakasimple ng disenyo nito ngunit napaganda ng mga material na ginamit. Isinuot ko iyon at humiga na upang makatulog.
Hindi ko inaakalang ngayon mawawala ang bigat na ilang araw ko ng dala. Hindi ko alam kung bakit, kung paanong nakatulong sa akin ang mga salita at presensya ni Hastrup sa akin. Tila isang mahika, naging maayos nalang bigla ang magulo kanina.