Chapter 23.

1689 Words
Hastrup Finn’s point of view: Palabas na ako ng bahay upang pumunta sa site ng ipinapatayong Hospital ni Third nang makita ko si mommy na nakaupo sa sala habang nag babasa ng libro. Lumapit ako sa kaniya matapos ay hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati sa kaniya ngayong umaga. Hindi ko na nagawang sumabay sa pagkain ng agahan dahil tinanghali na ako ng gising kaya naman ngayon ay nag mamadali na akong umalis. "Bukas ay magkakaroon tayo munting salo-salo," bago ako tuluyang makalabas ng sala matapos mag paalam ay nag salita siya. "What’s the occasion mom?" tanong ko. Sa pagkakaalala ko ay walang espesyal na okasyon bukas sa pamilya namin. "Kaarawan ng anak ni Ryan," ngiting sagot niya. "hiniling ko sa kaniyang dito na lamang niya ganapin at tayo na ang bahala sa lahat ng gagastusin." paliwanag niya. "Gusto kong samahan mo silang mamalengke bukas," tuloy niya sa sinasabi ng hindi pa rin ako nag sasalita. Nabuhay naman ang pananabik sa dibdib ko. bihira ako makaapak sa mga palengke kaya naman nabubuhay ang saya sa dibdib ko sa tuwing may pagkakataong mapunta ako sa mga gano’ng klase ng mga lugar. "Noted mom!" masiglang aniko. Napangiti naman siya pagkatapos ay isinenyas sa akin ang daan palabas. Tumango ako at muling nag paalam bago tinungo ang kotse ko upang makapunta na sa site. Habang nasa daan ay muli kong naalala ang usapan namin ni mommy. Natutuwa ako dahil alam kong magiging masaya si mommy dahil sa salo-salong iyon. Iniisip ko pa lang na magtitipon-tipon kami upang ipag diwang ang isang kaarawan ay napapangiti na ako. Narating ko ang site ng ligtas at duon nga ay naratnan ko sina Manong Ferd. Kasalukuyan niyang kinakausap ang mga kasamahan. Nakangiti ko silang pinag masdan mula sa loob ng sasakyan ko—nakakapang hinayang lang dahil hindi nagawang makilala ni Third ang mga ito dahil sa kawalan niya ng oras. "Magandang umaga ho," bati ko sa lahat nang magpasiya akong lumapit sa kanila. "Magandang umaga," "Magandang umaga rin Architect," "Good Morning ser," "Magandang umaga Hijo," balik na bati nila sa akin. Ramdam ang lungkot sa paligid kaya naman maging ako ay hindi alam kung paano sila kakausapin. "May problema ho ba?" tanong ko sa kanila at isa-isa naman silang napayuko bukod kay Manong Ferd. "Ang anak ni Jose ay kailangang maoperahan dahil sa sakit nito sa puso," pagbabahagi ni Manong Ferd. "ngunit wala silang sapat na halaga upang maisagawa iyon," nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga matapos sabihin iyon. Si Kuya Jose ay isa sa mga manggagawa ng Hospital na ito. Napaka masayahin niya kaya naman hindi ko inasahan na may ganito siyang problema. Para namang hinaplos ang puso sa ibinalitang iyon sa akin ni Manong Ferd kaya maging ako ay nakaramdam ng matinding lungkot. "Asaan ho si Kuya Jose?" tanong ko dahil hindi ko siya makita ngayon. "Hindi siya pumasok ngayon dahil siya lang ang gusto ng kaniyang anak na magbantay sa kaniya sa Hospital," muling tugon ni Mang Ferd sa tanong ko. "Nakakaawa ang batang iyon, anim na taong gulang pa lamang siya ngunit kailangan na niyang makipag agawan ng buhay dahil sa sakit niya," malungkot na aniya. "Saang Hospital po siya naka confine?" matapos matahimik dahil sa sinabi niya ay muli akong nag tanong. "Sa Yoongi Hospital Hijo," tugon niya. Napatango naman ako at ngumiti sa kaniya. Ang tanging alam lamang nila ay ibang tao ang nagpapagawa ng gusaling ito at isa lamang akong arkitekto ngunit hindi nila alam na isa itong Doktor. Iyon ang bilin sa akin ni Third, na hanggat maari ay wag sabihin sa kahit sino rito kung sino ang may ari ng Hospital na ito. Hindi ko alam kung ano ang rason niya ngunit mas minabuti ko na lamang na hindi na iyon alamin pa. Natapos ang maghapon at nagpasya akong tumungo muna sa Yoongi Hospital bago umuwi ng bahay. Bagaman hindi ko sigurado kung magkakaroon ako ng pagkakataong makausap si Third dahil oras ng Duty nito ngayon ay nagbakasakali pa rin ako. Tinext ko muna siya bago ako bumaba ng kotse ko ng makarating sa lugar upang malam nitong narito ako. "What's the matter Architect?" bungad na tanong nito sa akin nang makaupo ako sa loob ng Opisina niya. Dito niya piniling makipag kita dahil hindi siya maaring lumayo sa Hospital dahil oras ng duty niya. "Hindi mo manlang ba ako kakamustahin ha Doctor?" tanong ko sa kaniya bago ihiga ang sarili ko sa mahabang couch niya. "Wala akong oras para makipag kamustahan Architect," anito. Tinawanan ko naman siya—dahil sa trabaho niya ay naging ganito siya. Para bang ipinagkakait sa kaniya ng mundo ang oras kaya naman kapag nakipag kita ka sa kaniya ay kailangan ng mapag-usapan ang mga kailangang mapag-usapan habang may oras pa siya. "I need your help," nakapikit na sabi ko sa kaniya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya nangunot ang noo ko. "I know you don't," tugon niya. Napabalikwas ako ng bangon at diretsong tumingin sa kaniya. "I'm serious Cillian Third" seryosong aniko. Lalo naman itong napahagalpak sa tawa. "Now I know you're dead serious," aniya. Tumitino siya kausap kapag binabanggit ko ng buo ang pangalan niya. Siniringan ko lamang siya bago muling nahiga, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw. "Ano ba kasing kailangan mo? Mas mayaman ka sakin, malamang lahat ng kaya ko ay kaya mo rin,” nakabusangot na aniya. “maliban nalang kung-" binitin niya ang sasabihin. "Yes," maikling sagot ko. Napahilamos ito sa kaniyang mukha at narinig ko ang paglangit-ngit ng swivel chair niya. Malamang ay napasandal ito roon. "Finn, my schedule for operations is full until next week," mahinahon nitong sabi. "You can make it possible, I know you," nakangiting tugon ko. Alam kong hindi niya ako matatanggihan. "Pag pahingahin mo naman ako!" bulyaw nito sa akin. "Saka ka na mag pahinga! Darating ka rin naman do'n," natatawang sagot ko sa kaniya. Tuluyan naman akong napatawa nang ibato niya sa akin ang isang maliit na unan. "Case?" maya-maya ay tanong niya sa kaso ng pasyenteng idinudulog ko sa kaniya. "Hindi ko alam," maikling sagot ko sa kaniya. Totoong hindi ko alam kung anong case ng bata bukod sa sinabi ni Manong Ferd tungkol sa sakit nito sa puso. "What? Seriously Hastrup Finn San Buenaventura?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. "Pasyente rito ang batang iyon, sakit raw sa puso at kailangan niyang maoperahan," sagot ko sa kaniya. "Sa dami ng pasyente namin dito, gusto mo bang hanapin ko ang batang tinutukoy mo sa lahat ng mga kwartong andito?" sarkastikong tanong niya. "Hindi ko alam kung paano kang naging doktor sa ganiyang pag-iisip Third," tugon ko sa tanong niya. "I'm busy Architect, you can leave now," anito. Napatawa na naman ako dahil sa naging tugon niya. "Malamang ibibigay ko sayo kung anong pangalan nung bata! Kahit kailan hindi ka makapag antay!" sabi ko matapos tumawa. Tinignan naman ako nito ng masama. "I'll send you an update soon. Now get out," pagtatapos nito ng usapan bago lumabas ng sarili niyang opisina. "I'll shoulder all the expenses don't worry," sabi ko at napahinto naman siya sa pintuan ng opisinan niya. "Tss. As if you can do more than that," sagot niya sa sinabi ko bago tuluyang lumabas. "I love you bro!" sigaw ko. Alam kong narinig niya iyon dahil nakita ko pang itinaas nito ang kaniyang kanang kamay bilang paalam. Saglit pa akong nanatili sa opisina ni Third bago mag pasyang umalis at masayang bagtasin ang daan pauwi. Nang makarating sa bahay ay nakasalubong ko pa sa pinto si Kuya Ali, isa sa mga katiwala namin. “Magandang gabi sir,” bati nito sa akin. “Kuya, Hastrup ang pangalan ko hindi sir,” natatawang pagtatama ko sa sinabi niya. Natawa naman ito sa sinabi ko bago ako tapikin sa balikat at tuluyang umalis. Sa loob ay naratnan ko si mom palabas ng kwarto nila ni dad kaya dumiretso ako sa kaniya. Nakangiti ko siyang sinalubong upang ipaalam sa kaniya na nakauwi na ako. Hinaplos niya ang pisngi ko kaya naman napangiti ako sa kaniya. “I miss you mom." wala sa sariling aniko. Pinisil naman nito ang kamay ko habang matamis na nakangiti. “Oh my forever baby,” malambing na aniya. Niyakap ko siya ng mahigpit matapos niyang sabihin iyon. Lalo ko tuloy naramdaman ang pagod dahil sa yakapa niya. Tila ba minsanan kong nararamdaman ngayon ang lahat ng pagod ngunit nabibigyan niya ako ng pahinga. Sa mga magulang ko lang nararamdaman ang ganitong klase ng kapahingahan. “I love you mom,” mahinang bulong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. “I love you always son.” tugon niya. Nanatili akong tahimik matapos marinig ang mga salitang iyon. Malamang ay gano’n din ang sasabihin ni dad kung kasama namin siya ngayon. Nakaramdam ako ng matinding lungkot nang maalala ang pagkawala ni daddy. “Maligo ka na at nang makakain na tayo,” si mom. Tumango naman ako at dumiretso na sa aking silid upang maligo. Ibinaba ko sa ibabaw ng study table ko ang lahat ng gamit ko bago pumasok sa Cr ng sarili kong kwarto upang maligo. Duon ay hinayaan kong mabasa ako ng tubig na nagmumula sa shower. Kasabay ng pag-agos ng tubig ay naramdaman ko rin ang mainit na pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. “Mom, I miss dad so much,” emosyonal na bulong ko sa sarili ko. Gustong-gusto kong sabihin ito kay mommy kanina ngunit mas pinili kong tumahimik na lamang at namnamin ang yakap niya. Iniiwasan kong magpakita ng ganitong emosyon kay mommy dahil alam kong mas malulungkot siya. Alam ko ring ginagawa niya rin ang lahat upang labanan ang lungkot kahit pa ilang buwan ng wala si daddy. Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa matapos akong maligo. Tunay ngang hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay. Kahit pa makailang beses nating isipin na nasa mabuti na silang kalagayan ay hindi pa rin natin maiiwasang hilingin na sana’y may kakayahan tayong panatilihin na lamang sila sa ating mga tabi. Subalit likas ng hindi patas ang mundo dahil may mga kahilingan na kahit kailan ay hindi nito maaring ibigay sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD