Mc Ashley’s point of view:
Papunta ako ngayon sa opisina ni Third upang idaan ang ipinabaon na Grahams ni mama para sa kaniya. Hindi masyadong marami ang mga pasyente ngayon kaya naman nagkaroon ako ng oras para makadaan muna sa kaniya bago puntahan ang isang pasyente ko sa children’s ward.
“I love you bro!” nagulat ako nang marinig iyon saktong paglabas ni Third s pintuan ng opisina niya. Sigaw iyon mula sa loob.
“Is that the bromance thing?” tanong ko sa kaniya. Nanlalaki naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Marahil ay nagulat itong makita ako ngayon dito.
“What?” naguguluhang tanong niya, natawa naman ako.
“Boyfriend mo?” tanong ko.
“What are you talking about Ruz?” naguguluhan pa ring tanong niya.
“Kaya ba wala ka pa ring nagiging Girlfriend kase lalaki gusto mo?” natatawang tanong ko.
“I can’t understand you,” umiiling na aniya. “wait, are you thinking that I'm-” mukhang nakuha na niya ang sinasabi ko.
“Excuse me!” hindi makapaniwalang aniya mas lalo naman akong natawa.
“What? Dadaan ka ba? Babalik ka na ba sa boyfriend mo?” pambubuyo ko sa kaniya.
“Boyfriend what?” nakapameywang ng tanong nito.
“That’s my bestfriend for heaven’s sake Ruz!” mas lalo akong napatawa dahil sa pagtaas ng boses niya. Napaka defensive naman ng taong 'to.
“Sus bestfriend bestfriend ka diyan, tanggap naman kita ano ka ba,” nangaasar pa ring aniko.
Nagulat ako nang hilain niya ako palapit sa opisina niya upang ipasilip kung sino ang kaibigang tinutukoy niya. Mas lalo akong nagulat ng makilala ang tao sa loob, ilang beses ko pang ikinurap ang mga mata ko upang masigurong siya nga ang nakikita ko.
“Hastrup Finn?” hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili.
“Yes, that’s Hastrup.” Si Third.
“Siya ang boyfriend mo?!” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko nang makaharap muli sa kaniya.
“What? Can you please stop saying that thing? He’s not my boyfriend, okay? He’s my bestfriend. My bestfriend.” Dire-diretsong paliwanag niya habang idinidiin ang salitang bestfriend.
“Talaga ba? Bakit parang hindi naman kita nakitang makipag-usap sa kaniya nuong lamay ng daddy niya. Tapos bihira rin kitang makita duon nuon kahit nuong libing?” tanong ko pang muli habang naglalakad kami papuntang children’s war. Mayroon din daw kase siyang pasyente na kailangang puntahan ro’n kaya nag sabay na kami.
“You know my duties and responsibilities Ruz, Hastrup knows that as well.” Aniya. Napatango-tango naman ako.
“Bago pumasok o kaya naman bago umuwi ay dumaraan ako sa kaniya nuong mga panahong ‘yan. Nuong libing naman ni tito ay sa sementeryo na ako dumiretso, duon ko na rin inabutan si Hastrup. Ako rin ang naghatid sa kaniya pauwi sa bahay nila non” mahabang pagpapaliwanag niya.
“Ah kaya pala.” Aniko bago niya pihitin ang knob ng pintuan ng children’s ward para makapasok na kami.
“Yah. kaya wag ng kung ano-ano ang iniisip mo. Mas nakakatakot ka pa kaysa sa mga malalaking operasyon na hinawakan ko.” umiiling na aniya, Natawa naman ako.
“Ang Oa mo naman,” sabi ko matapos matawa. “oh pinapaabot ni mama.” Aniko matapos ay iniabot sa kaniya ang paper na naglalaman ng grahams na muntik ko pang makalimutan sa dami ng kwento niya.
“Nice! Pakisabi kay mama salamat!” masayang aniya bago abutin ang binibigay ko.
“Mama? Bakit magkapatid ba tayo?” pagbibiro ko sa kaniya.
“Bakit asawa ba gusto mo? Sige, asawa na lang.” nakangiting aniya.
“Sira ulo ka, umalis ka na nga sa harap ko.” Natawa kami pareho matapos non.
“Ihahatid kita pauwi mamaya, wag ka ng mag inarte. Bye.” aniya matapos ay tinalikuran ako. Nasa loob na kami ng ward kaya hindi ko na siya nagawa pang sagutin dahil nilapitan na niya ang batang susuriin niya ngayon.
“Sira ulo talaga.” bulong ko pa sa aking sarili bago rin tuluyang lumapit sa isang pasyente habang nakangiti.
Nagpatuloy ang buhay namin ni Third bilang isang Nurse at Doktor sa hapong iyon. Iyon na rin ang huli naming pagkikita bago matapos ang duty namin. Sa laki ba naman nitong Hospital ay hindi malabong hindi namin makita ang isa’t-isa kaya naman alasnuebe na nang magkita kami.
“Tara na?” tanong ko nang maratnan siya sa isang pintuan palabas ng Hospital habang nakasandal. Mabilis naman ang naging paglingon niya sa akin matapos kong magsalita.
“Ang tagal mo, nakakangawit kayang tumayo,” nakasimangot na anito.
“Anong matagal? Eh katatapos ko nga lang magendorse di na ako nag-ayos para lang mapuntahan ka agad,” tugon ko sa sinabi niya.
“At isa pa, sino ba kase may sabi sayong tumayo ka diyan eh pwede ka namang umupo? Ang dami kayang mauupuan.” inirapan ko siya pagkatapos kong sabihin iyon.
“Kapag naupo ako hindi mo ako agad makikita. Tapos maiinis ka na naman kase iisipin mo hindi ako sumusunod sa oras. Samantalang lagi naman akong nauuna sayo sadyang hindi mo lang talaga ako makita kahit pa nasa gilid mo lang ako.” mahabang litanya niya pagkatapos ay nagkibit balikat.
Totoo ang sinasabi ni Third, madalas kapag nagkikita kami at nakaupo siya ay hindi ko siya agad nakikilala. Hindi ko alam, nakarehistro na marahil sa isip ko ang tangkad niya kaya naman iyon ang una kong hinahanap. Rason upang kapag nakaupo na siya ay hindi ko na siya mahanap pa. kailangan niya pang kumaway sa akin o kaya naman ay lapitan ako para lang makita ko siya. Mayroon pa ngang mga pagkakataon kung saan nasa tabi ko na siya sa isang Café ay hindi ko pa rin siya makita dahil lang sa nakaupo siya.
“Ang dami mo na namang sinabi,” iyon na lamang ang sinabi ko bilang pag suko.
“Halikana nga.” aniya matapos tumawa dahil sa isinagot ko sa kaniya.
Sumakay na kami sa sasakyan niya upang maihatid ako. Gaya ng dati ay nakupo ako sa passenger seat niya. Nagsisigawan kase kami sa loob ng kapag nagkukwentuhan sa tuwing sa back seat ako nakaupo. Kaya mas minabuti na lang naming magtabi lagi sa harap sa tuwing magsasabay umuwi. Hindi rin naman kami nakakausad ng hindi nagkukwentuhan habang nasa byahe.
“Kumain ka na ba?” tanong ko habang nasa daan kami pauwi ng bahay.
“Ikaw?” balik na tanong niya.
“Hindi pa. Hindi ako nagutom kanina.” sagot ko.
“Himala. Lagi ka kayang gutom.” natatawang aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Pero ngayon gutom na ako,” sabi ko sa kaniya habang nagpapacute na nakatingin sa kaniya.
“Ako rin,” tugon niya. Napangiti naman ako dahil dito.
“Kaya kailangan na nating makauwi sa mga bahay natin para makakain na,” patuloy niya.
Napairap ako sa kawalan matapos marinig ang huling mga sinabi niya. Akala ko kase ay dadaan muna kami sa isang kantina bago umuwi. Alam kong hindi rin lang siya kakain pag-uwi dahil mas pipiliin niyang matulog na upang makapag pahinga.
Hindi na ako nagsalita pagtapos ng usapang iyon. Maya-maya nga ay nakarating na kami sa bahay. Duon nga ay naratnan namin si papa, mukhang magsasara na ito ng gate. Naunang bumaba si Third upang pagbuksan ako ng pinto.
“Anong nakain mo?” taking tanong ko sa kaniya. Kadalasan ay hindi na niya ako pinag bubuksan ng pinto dahil hindi ko na siya pinapababa pa ng sasakyan niya dahil umaalis din naman siya agad.
“Andiyan si tito, para kunwari mabait ako sayo,’ pagbibiro niya.
“Alam nilang lahat na minamaltrato mo’ko kaya wag ka ng umarte,” birong ding tugon ko.
“Sus. For I know pinagmamalaki mo’ko sa kanila,” mayabang na aniya. Napailing naman ako.
“Ang lakas ng apog mo.” Natatawang sabi ko habang naglalakad kami palapit kay papa na ngayon ay nagaabang na sa amin.
“Good Evening tito,” naunang bumati si Third kay papa. Pagkatapos niya ay lumapit naman ako upang bumati rin at magmano.
“Magandang gabi rin Hijo, kumain na ba kayo?” para namang nagliwanag ang mga mata ko sa tanong na iyon ni papa kaya mabilis akong sumagot.
“Hindi pa papa. Kaya makikikain daw muna si Third bago umuwi,” alam kong nagulat si Third dahil sa sinabi ko.
“What are you talking about Ruz?” bulong nito sa akin habang nahihiyang nakangiti kay papa.
“Ganon ba, kung gayon ay pumasok na kayo upang kayo’y makakain na,” si papa.
“Ah pau-” hindi na naituloy pa ni Third ang sasabihin dahil inunahan ko na siya.
“Thanks pa!” magiliw kong sabi bago hatakin si Third papasok sa loob.
Habang papasok kami sa loob ay panay ang pagrereklamo ni Third ngunit tinatawanan ko lang siya habang hatak-hatak pa rin siya. Nang makapasok kami sa loob ay naratnan naming nanunuod ng Tv sila mama at ang kapatid ko. Sabay pa silang napalingon sa amin ng kumalabog ang pinto dahil nakikipag hatakan na sa akin si Third.
“Magandang gabi po.” Nahihiyang bati ni Third. Tumayo naman si mama upang daluhan kami habang ngumiti lang ang kapatid ko bago muling ipagpatuloy ang pinapanood.
“Magandang gabi rin Hijo, ihihatid mo na naman ba itong si Mc? Nakakahiya naman sayo” si mama.
“Tapos makikikain din siya ma, bukod sa hinatid ako.” malakas na sabi ko.
“Ano ba nakakahiya!” nahihiya na talaga siya kaya lalo akong natawa.
“Mas okay na yan kaysa matulog ka ng gutom sa inyo.” sabi ko bago siya muling hatakin papunta sa aming hapag kainan.
Naupo siya sa isang upuan at ako naman ay dumiretso sa kusina upang kumuha ng makakain. Chapseuy na may pritong tokwa ang ulam, Napangiti ako dahil ito ang paboritong ulam ni Third.
“Mabuti naman at nakapsyal ka Third Hijo. Matagal na rin nuong huli kang naparito.” Si mama kay Third.
Kasalukuyan sila ngayong nag-uusap habang nasa kusina ako.
“Masyado po kasing abala sa trabaho Tita,” tugon niya.
“Doktor ka na nga pala nakakatuwa naman. Nuon ay pinipilit mo pang pumasok si Mc sa tuwing tinatamad siyang pumasok ngayon ay pareho na kayong nasa mundo ng medisina,” rinig ko pa ang mahinang tawa ni mama, napangiti naman ako sa mga ala-alang nabanggit niya.
“Ma, hindi naman ako tinatamad nuon. Ayoko lang talagang sumabay kay Third papasok,” biro ko sa kanila paglabas ko ng kusina dala ang mga pagkain.
“Ikaw na nga binigyan ng libreng sakay arte mo pa,” ang kapatid ko ang sumagot. Dumaan ito upang makainom sa kusina.
Inirapan ko naman siya matapos niyang sabihin iyon, panira talaga ‘to. Nagpatuloy kami sa asaran hanggang sa matapos kaming kumain at magpaalam si Third para makauwi na. Magmula nuong nasa kolehiyo kami ay magkaibigan na kami nina Third at Hope. Sila lang ang madalas kong nakakasama mula pa nuon kaya naman ganito na lamang sila kalapit sa pamilya ko. Totoo nga ang sabi nila, mas maigi ng kaunti ang kaibigan ang mahalaga ay totoo, kesa sa libong kaibigan na kaaway naman ang tingin sayo sa tuwing hindi ka kaharap ng mga ito.