“Ang kapalit...simula ngayon akin ka..” Nanatiling nakatitig sa akin si Daisy, ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng tapang ngayon ay bahagyang kumikislap sa pag-aalinlangan. Hindi siya nagsalita. Hindi siya umatras. Pero ramdam ko ang bigat ng sandaling iyon—parang may linya sa pagitan namin na kapag tinawid, pareho na kaming hindi na makakabalik sa dating anyo. Hindi ako lumingon nang tuluyan akong lumakad palayo. Pero kahit nakatalikod na ako, dama ko pa rin ang tingin niya sa aking likuran—ang tanong niyang walang sagot, ang takot na pilit niyang itinatago, at ang tapang na hindi niya alam kung saan niya pa huhugutin. Paglabas ko ng gusali, sinalubong ako ng malamig na hangin at mas malamig pang reyalidad ng mundong kinabibilangan ko. Isang mundo na hindi nagpapatawad. Isang m

