“Sino ‘yon?” Napalingon ako sa malamig at mababang boses ni Andrew, kasabay ng paghinto ko sa paglalakad. Nakapaskil ang mga mata niya sa lalaking kausap ko kanina lang—isang batang negosyante na ipinakilala sa akin ng event host bilang isa sa mga sponsors. “Kaibigan,” sagot ko, pilit pinananatiling kalmado ang tono. “Nag-uusap lang kami tungkol sa foundation project.” “Kaibigan?” bahagya siyang ngumisi, pero walang bakas ng aliw. “Mukha siyang masyadong interesado para maging kaibigan lang.” “Andrew,” mahina kong saway. “Public event ‘to. Hindi mo puwedeng—” “Hindi ko puwedeng ano?” singit niya, lumalapit, ramdam ang init ng presensiya niya sa tabi ko. “Makipagmalapitan?” Tumigil ang mga salitang gustong kumawala sa labi ko. Sa paligid namin, nagpatuloy ang musika, ang mga tawanan,

