“Ate Daisy, totoo ba ’to?” Napahinto ako sa pagtupi ng damit nang marinig ko ang nanginginig na boses ni Vivian mula sa likod ko. May hawak siyang sobre na may gintong selyo, parang takot na takot na baka kapag binuksan niya, maglaho ang laman. Nakatitig siya sa akin, malaki ang mga mata, puno ng pag-asa at kaba. “Basahin mo, Viv.” Ngumiti ako, kahit ramdam kong mas mabilis ang t***k ng puso ko kaysa sa kanya. “Sa’yo naman ’yan.” Dahan-dahan niyang pinunit ang gilid ng sobre. Nanginginig ang mga daliri niya habang inilalabas ang liham. Ilang segundo siyang tahimik, tanging ang mahinang paghinga lang niya ang maririnig, hanggang bigla siyang napahiyaw. “Tinanggap ako! Ate! Tinanggap ako sa St. Aurelian Academy!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyak

